You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
UNANG MARKAHAN
Quarter: 1 Week: 1 Day: 2 Activity No.: 2

Pamagat ng Gawain: Kabutihang Panlahat at ang mga Elemento Nito


Kompetensi: Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa
kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o
lipunan EsP9PL-Ia-1.2
Layunin: Nabibigyang kahulugan ang salitang kabutihang panlahat.
Sanggunian: Jocelyn DR. Andaya, Taguinayo Jr. and Luisita B. Peralta.
2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9. Valenzuela
City: Bloombooks Inc.

Copyright: For Classroom use ONLY


DepED owned materials

KONSEPTO:

Ang kabutihang panlahat ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan.
Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan. Ang tunguhin ng lipunan ay
hindi lamang ang kabutihan ng indibidwal o ang koleksiyon ng indibidwal na kabutihan ng
mga taong bumubuo nito kung di ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa
lahat ng indibidwal na kasapi nito.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.
Ang paggalang at respeto ay isang karapatan na nauukol sa lahat ng uri ng tao:
mayaman man o mahirap, babae man o lalaki. Ito ay hindi nababatay sa kalagayan sa
buhay o sa taas ng posisiyon ng isang tao sa lipuan. Ang pagbibigay konsiderasyon,
pagsasaalang- alang sa nararamdaman at saloobin ng ibang tao ay isang paraan ng
pagpapakita ng paggalang sa kanyang pagkatao. Upang maging makatarungan ang
isang lipunan, kailangang nasisiguro ng namumuno na ang karapatan ng bawat
indibidwal ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa
mga tao.
Halimbawa:
a. mga pampublikong Sistema ng pangangalaga sa kalusugan;
b. epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad;
c. kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo;
d. makatarungang sistemang legal at pampolitika;
e. malinis na kapaligiran umuunlad na sistemang pang-ekonomiya.
3. Ang kapayapaan (peace).
Ito ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalang ng kaguluhan.
Mayroong kapayapaan
a. kapag iginagaalang ang bawat indibidwal at umiiiral ang katarungan,
b. kung nghahari ang kabutihan at magandang pakikipag-ugnayan.
PAGSASANAY:
A. Sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. Ano ang kabutihang panlahat? Paano ito makakamit?

2. Paano at kailan mo masasabi na may kapayapaan?

3. Ano ang kailangang gawin upang magkaroon ng kapayapaan?

B. Lagyan ng tsek (/) kung ang sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng paggalang
sa pagkatao at ekis (x) kung hindi.

1. Naninigarilyo sa pampublikong lugar

2. Nakikinig sa sinasabi ng kausap

3. Hindi pinag-iisipan ng masama ang kapwa

4. Ikinukwento sa kaibigan ang sekretong sinabi sa kanya ng iba.

5. Kinakausap ang taong nakasamaaan ng loob upang linawin ang hindi

pagkakaunawaan

6. Pumapasok sa silid ng kaiibigan na walang paalam.

You might also like