You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Mga Gawaing Pampagkatuto


para sa Mag-aaral
Edukasyon sa sa Pagpapakatao 9
Unang Markahan - Linggo 1
Layunin ng Lipunan:
Kabutinang Panlahat

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
1
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9
Learners’ Activity Sheet
Unang Markahan, Linggo 1: Layunin ng Lipunan: Kabutinang Panlahat
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring


kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Development Team of the Learners Activity Sheets


Writer/s: Jesselly C. Vales
Editor/s: Leonora G. Tabangcora, Gloria E. Bante, Cheryl Masalta, Lyn B. Tolentino
Illustrator:
Layout
Artists:
Lay-out Reviewer: Blessy T. Soroysoroy, PDO
Management Team: Minerva T. Albis
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Leonora G.
Tabangcora
Zandro T. Saturinas
Marilou P. Curugan

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Unang Markahan, Linggo 1
Gawaing Pampagkatuto Blg. 1
Layunin ng Lipunan: Kabutinang Panlahat

Pangalan: _______________________________ Baitang at Seksyon: ___________


Guro: ___________________________________ Petsa; _________________________
Paaralan: _______________________________ Iskor: ________________________

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

 Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat; (EsP9PL-Ia1.1)


 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsaalang-alang sa kabutihang panlahat
sa pamilya, paaralan, pamayanan, o lipunan. (EsP9PL-Ia1.2)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ika nga sa linya ng awiting “Batang Bata Ka Pa” ng APO Hiking Society na
“Marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa Mundo”, may mga bagay talaga
sa ating paligid na hindi natin maaring pakialaman dahil nga tayo ay mga bata pa o
muwang sa ating kaisipan; pero habang lumilipas ang panahon at maraming bagay ang
nagbabago, darating ang pagkakataong mas mahalaga para sa isang kabataang katulad
natin ang makialam.

Ang mundong ating ginagalawan ay nagkakaroon ng pabagong-bagong sitwasyon.


Naalala mo pa ba nung ika’y bata pa maraming tanong sa iyong isipan na tila’y hindi mo
alam ang kasagutan, kung ano pa ang mangyayari sa lipunan habang tayo’y lumalaki at
nagkakaroon ng hustong pag-iisip. Handa ka na ba sa New Normal na edukasyon ng
lipunan? Alam kong nagtataka ka kung ano ang pwedeng mangyari sa iyong pag-aaral o
kinabukasan

Sa kasalukuyang panahon tayo ay nakararanas ng epekto ng pandemya


partikular na ang sakit na Coronavirus Disease na sinasabing nagmula sa China, at
kumalat na sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas, dahil dito ang lipunan ay
nakararanas ng iba’t ibang suliranin tulad ng kakulangan sa suplay ng pagkain at
pagsasara ng mga iba’t ibang ahensya, trabaho at pasilidad upang matugunan ang
pangangailangang medikal ng mga taong nagpositibo sa sakit na Coronavirus Disease.
Ano nga ba ang dapat isinusulong ng lipunan upang mapanatili ang kaayusan? Ang
lipunan ay may layunin na Kabutihang Panlahat, at ito ay kabutihan para sa bawat
indibidwal sa lipunan. Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan.
Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na
bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.

3
Ang buhay ng tao ay panlipunan. Kalooban ng Diyos na ang tao ay sosyal kung
kaya likas sa kanya na makipag – ugnayan sa ibang tao at bumuo ng samahan o
lipunan. Walang sinumang tao ang maaaring mabuhay para sa kanyang sarili lamang.
Kinakailangan niyang makibahagi at mamuhay sa lipunan. Isa ito sa mga itinalagang
likas na katangian ng mga nilikha ayon sa Likas na Batas.

Ano ang Lipunan?

Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang "lipon" na nangangahulugang


pangkat. Ang mga tao ay may mga kinabibilangang pangkat na may iisang layunin o
tunguhin. Sa isang banda, madalas gamitin ang salitang komunidad upang tukuyin ang
lipunan. Ito ay galing sa salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay common o
nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho
ng mga interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Sa isang
komunidad, mas nabibigyang halaga ang mga natatanging katangian ng mga kasapi o
kabahagi. Ang bawat indibidwal ay may kanya-kanyang mga layunin o tunguhin sa
buhay. Ang lipunan ay para sa tao at hindi maaaaring magkabaligtad ito.

Ang iba’t ibang sektor at institusyon ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan,


paaralan, pamahalaan at negosyo ay gumaganap ng mahalagang bahagi sa pagkakamit
ng ispiritwal ng kabutihang panlahat. Isa sa mga nalilinang ng mga ito ay ang moral at
ispiritwal na buhay ng mamamayan. Ang bawat gawain at mga batas, kaugalian at
paniniwala na pinaiiral sa bawat sektor ay dapat na may basehang moral na may
layuning tungo sa kabutihang panlahat.

PAMAHALAAN. Nararapat na magkaroon ng mga batas at programa na


makapagbibigay sa mamamayan ng kanilang mga pangangailangan upang matulungan
silang matamo ang kanilang kaganapan.

PAMILYA. Simula at batayan ng lipunan. Dapat itong maging bahagi hindi


lamang ng pagdaragdag ng mga kasapi ng lipunan kundi maging sa pagpapalaki at
paghubog ng mga kasaping ito upang maging mga katuwang sila sa pagsasaayos ng
lipunan.

SIMBAHAN. May tungkuling magdala sa tao sa Diyos sa pamamagitan ng


paglalahad sa kanila ng katotohanang maisasaayos ang lipunan ayon sa plano ng Diyos.

PAARALAN. Nararapat na humubog sa tao sa kanyang bahaging gagampanan sa


lipunan. Ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanya ng kailangang mga kaalaman at
kakayahan para siya ay magkaroon ng masagana, matagumpay at maunlad na buhay.

NEGOSYO. Nagsisilbing hanapbuhay ng mga entrepreneur. Dito nabibili ng mga


mamamayan ang kanilang mga pangangailangan sa buhay. Ang lipunan ay bunga ng
pagmamahalan dahil ito ay nabuo sa oras na magkaisa ang mga tao na gumawa ng
bagay para sa kanilang kabutihan na gusto rin nilang lahat. Hindi lahat ng pagtitipon ay
bumubuo ng isang lipunan. Nagkakaroon lamang ng isang lipunan kapag ang mga tao
ay nagkakabuklod para sa iisang mithiin at para sa kabutihang panlahat na siyang
dahilan ng kanilang pagkakabuklod.

4
Ano ang kabutihang panlahat?

Sa simpleng pananalita, masasabing ito ay kabutihan ng bawat isang nasa


lipunan. Kailangang maunawaan na ang layunin ng lipunan ay hindi ang kabutihan
lamang ng indibidwal o ang koleksyon ng indibidwal na kabutihan ng mga taong
bumubuo nito. Kapag ganito ang paniniwalang mangingibabaw, patuloy na mabibigyan
ng laya ang mga malalakas na apihin ang mga mahihina. Ang tunay na tunguhin ng
lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal
na kasapi nito.

Ang kabutihang panlahat ay natatamo sa pamamagitan ng pagkakaisa at


pagtutulungan. Ang mga kasapi sa tunay na lipunan ay pinagbuklod ng pagmamahalan,
pagbabalikatan at pagdadamayan.
Ang kapayapaan
Samakatwid, kung ang kabutihang panlahat ang hangad ng tao kaya sila bumuo
AngKalimitang
tawag ng katarungan
sinasabi na o
ang
ng lipunan, dapat magkatugma
Ang paggalang saang personal
indibidwal na
nangkabutihan at panlipunang kabutihan
kapakanang
kapayapaan panlipunan
ay ang pagkakaroon ng
upang matamopangkat ang ganap na kabutihan
tao
katahimikan, kapanatagan, o
Upang
Ang
kawalan maging
pag-unlad angmakatarungan
kabuuang
ng kaguluhan ang
pokus
sa lahat ng
Nasa ibaba anglipunan,
isang
ng mga elemento ng Kabutihang
kailangang
panlipunang nasisiguro
tungkuling Panlahat at mga kahulugan nito;
aspekto ng buhay tulad ng isip,
file://source/pasay/Grad
ng namumuno dito na ang
kailangang
kalooban, maibigay
pamilya, sa mga tao,
lipunang
e9-DAY-1.pdf
karapatan
halimbawa ng
ginagalawan,nito bawat indibidwal
ay; pa,
at iba pampublikong ay
subalit ang
kinikilala, ng
sistema
kapayapaan ay iginagalang,
pangangalaga
resulta sa
ng
pinoprotektahan
kalusugan
pagkakaroon at malinis
ng nakatahimikan, at
kapaligiran
pinahahalagahan.
at umuunlad na
kapanatagan at sistemang
kawalan pang- ng
ekonomiya.
kaguluhan.

5
III. Pinatnubayang Pagsasanay

Gawain 1: Subukan mo akong buoin!

Panuto: Isulat sa bawat kahon ang tamang sagot. Anu-ano ang mga elemento
upang magkaroon ng Kabutihang Panlahat?

KABUTIHANG
______________ ______________ ______________
PANLAHAT

6
Gawain 2: RECIPE para sa MATIWASAY NA LIPUNAN

Panuto: Sigurado akong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang


pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito.
Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin
ang recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito
makakamit? Gagawin mo iyan sa gawaing ito: RECIPE para sa MATIWASAY NA
LIPUNAN… Ang magiging nilalaman nito ay ang mga sumusunod:

 Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan


 Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, gramo,
at iba pa.
 Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay (hal.
Ilagay ang katarungan sa isang malaking lalagyan at haluan ito ng
pagmamahal. Matapos itong mapagsama ay budburan ito ng bukas na
komunikasyon)

Matapos ang gawain ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain?

2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na


lipunan? Ipaliwanag.

3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na


lipunan? Ipaliwanag.

Gawain 3: Dugtungan mo ako!

Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba, punan lamang ng tamang salita ang bawat
patlang upang mabuo ang konsepto.

Paano makakamit ang Kabutihang Panlahat?

“Makakamit ang Kabutihang Panlahat sa pamamagitan ng


_________________, _______________, at ___________________
upang metatag ang _______________________.”

IV. Pang-isang Pagsasanay


7
Gawain 1: Kaalaman mo ay Pagyamanin!

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Punan ang talahanayan ng tamang
sagot. Tukuyin ang sektor ng lipunan at elemento ng Kabutihang Panlahat.
LARAWAN PAMILYA/PAARALAN/ PAGGALANG/KATARUNGAN/
PAMAYANAN O LIPUNAN KAPAYAPAAN

file://source/pasay/Grade9-DAY-1.pdf

file://source/pasay/Grade9-DAY-1.pdf

file://source/pasay/Grade9-DAY-1.pdf

Gawain 2: Tayahin ang iyong Pag – unawa!

Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong sagot. Ano ang naunawaan mo sa iyong
binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin mo ang
sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahulugan ng lipunan?


2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? Paano ito makakamit?
3. Paano makakatulong ang lipunan sa pagkamit ng kaganapan ng pagkatao?
4. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, magiging madali ba o mahirap ang
pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan? Pangatwiranan.
5. Paano malalampasan ang mga balakid sa pagkamit ng tunay na layunin ng
lipunan? Magbigay ng halimbawa sa bawat isa at ipaliwanag ito.

8
6. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay na
layunin ng lipunan? Ipaliwanag ang bawat isa.

V. Pagkikilatis

Panuto: Sa kasalukuyang panahon tayo ay nakararanas ng epekto ng pandemya,


ilarawan o iguhit mo sa ibaba ang maaari mong gawin upang maipakita ang Kabutihang
Panlahat. Pumili lamang sa sektor ng lipunan; pamilya, paaralan at pamayanan.

VI. Ebalwasyon

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng


pinakaangkop na sagot at isulat ito sa patlang.

__________ 1. Ano ang pangunahing layunin ng lipunan?

A. Kabutihang Panlahat C. Kasaganaan


B. Kapayapaan D. Katiwasayan

9
__________ 2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng Kabutihang Panlahat?
A. Nagbigay ng tulong sa mga taong kakilala lamang.
B. Gumawa ng batas para sa mga taong may kaya lamang.
C. Mahirap o mayaman ay dapat makinabang sa yaman ng bansa.
D. Bigyang pansin lamang ang mga taong may malaking ambag sa lipunan.

__________ 3. Ang mga sumusunod ay mga elemento ng Kabutihang Panlahat maliban


sa __________.
A. Kapayapaan C. Katarungan
B. Kasaganaan D. Paggalang sa indibidwal

__________ 4. Sa kabila ng kapansanan ni Aryanna siya ay binigyan ng pinansiyal na


tulong ng pamahalaan. Anong elemento ng Kabutihang Panlahat ang ipinapakita sa
sitwasyon?
A. Kapayapaan C. Katarungan
B. Kasaganaan D. Paggalang sa indibidwal

__________ 5. Ang pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan at malinis na


kapaligiran ay pagbibigay sa lipunan ng __________.
A. Kapayapaan C. Katarungan
B. Kasaganaan D. Paggalang sa indibidwal

6-10. Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang ☺ sa patlang kung
ang pahayag ay nagpapahayag ng Kabutihang Panlahat at  kung ito ay hindi
nagpapahayag ng Kabutihang Panlahat.

__________ 6. Sa panahon ng pandemya tulad ng pagkalat ng Coronavirus, ako ay


sumusunod sa panuntunan at tagubilin ng pamahalaan.

__________ 7. Bago ko i-post o i-share ang isang impormasyon sa Social Media,


sinusuguro ko muna na ito ay totoo at makatutulong sa iba.

__________ 8. Sa panahon ng General Community Quarantine (GCQ) sa bansa, maaari


naman akong lumabas ng bahay kahit na wala akong suot na face mask.

__________ 9. Pinapanatili ko ang physical distancing kahit saan man ako magpunta.

__________ 10. Sa simpleng paraan, pinagdarasal ko ang kaligtasan ng bansa at ng mga


taong nagsakripisyo sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

VII. Karagdagang Gawain

10
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa
journal.

Ano – ano ang mga Ano ang aking Ano – anong hakbang ang
konsepto at kaalamang pagkaunawa at aking gagawin upang mailapat
pumukaw sa akin? reyalisasyon sa bawat ang mga pangunawa at
konsepto at kaalamang reyalisasyong ito sa aking
ito? buhay?

VIII. Susi sa pagwawasto

Pinatnubayang Gawain
Pagkikilatis
Gawain 1
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
(ang sagot ay maaaring magkakaiba)
Ebalwasyon
Gawain 2
1. A 6. ☺
(ang sagot ay maaaring magkakaiba) 11
2. C 7. ☺
Gawain 3
12
IX. Mga Sanggunian:

Mga Aklat:

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1 Pahina 1 – 20

Mga Mudyol

 Pasay ESP 9 Learning Materials, ESP 9 Learners Modules,

Learning Module Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN


XII

Alternative Delivery Mode - Learning ModuleKagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA


Region - Sangay ng Palawan

Website:

https://www.slideshare.net/geneferbuizon/esp-9-modyul-1-layunin-ng-lipunan-
kabutihang-panlahat

https://www.google.com/search?q=KABUTIHANG+PANLAHAT+creative+wruting+activity&sxsrf =

13
Writer/s: Jesselly C. Vales,
School/ Station:
Division: Schools Division of Agusan del Sur

For inquiries or feedback, please write or


call:
Department of Education- Agusan del Sur

depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-545

14

You might also like