You are on page 1of 25

9

Edukasyon sa Pagpapakatao
Sariling Linangang Modyul
Ikatlong Markahan

Week 1 - 8

Division of Angeles City

1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 1: Katarungang Panlipunan

Pangalan: _______________________________________Q3W1
Seksiyon: _______________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)

Ayon sa isang kasabihan, “Hindi mo alam kung ano ang nariyan hangga’t
hindi ito nawawala sa ‘yo.” (You don’t know what you have until it’s gone.) Mula
pinakamumunti at mababaw na bagay tulad ng isang kamiseta o payong
hanggang sa pinakamalalim at malapit-sa-puso gaya ng kaibigan o magulang,
madalas binabalewala lamang sila hanggang sa maging huli na ang lahat. Ganito
rin ang katarungan. Hindi napapag-usapan, hindi nga rin siguro talaga
naiintindihan, ngunit kapag binawi na, saka nagngingitngit sa galit o
nagmamakaawang nagsusumamo ng “katarungan!” ang nakararanas ng
kawalan nito.
Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa
kapuwa lalo na sa panahon ng kagipitan. Ito ay dahil ang tao ay umiiral na
kasama ang ibang tao; isang ugnayan na dapat na pinagyayaman ng katarungan.

Kahulugan ng Katarungang Panlipunan

Ang katarungang panlipunan ay tumutukoy sa pagbibigay sa kapuwa at ng pangkalahatan ang nararapat sa


kaniya/ kanila ng walang kinikilingan o kinakampihan. Ito ay mahalagang pundasyon ng isang lipunan kung
saan:
• pantay-pantay ang pagbibigay ng parehong bagay o serbisyo sa pangkalahatan
(equality)
• pantay-pantay ang pagtingin o pag desisyon sa isyung sitwasyon ng bawat tao sa lipunan

Isinaalang-alang din ng katarungang panlipunan ang mga sumusunod na sitwasyon ng isang bansa para
magkaroon ng solusyon tungo sa kabutihang panlahat:
• isyung panlipunan
• isyung pampolitikal
• isyung pang-ekonomiyang aspekto ng tao

Ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay "paggalang sa karapatan ng iba". Ang batas ay para sa tao
ngunit karapatan ng bawat isa na mamuhay na hindi hinahadlangan o pinaghihimasukan kung hindi naman
gumagawa ng masama.
Ano ba ang makatarungang tao?

Makatarungan ang isang tao kung ginagamit nito ang kaniyang lakas sa paggalang sa batas at sa
karapatan ng kapuwa. Isinasaalang-alang din nito ang pagiging patas sa lahat ng tao.
Kailangan mong salungatin ang iyong mismong sarili, ang ibang tao at ang mundo sa hindi pagiging
patas ng mga ito. (Andre Comte-Sponville, 2003)
Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
Ang makatarungang ugnayan ay umiiral kung walang nang-aagrabyado sa isa’t isa.
Bilang tao, karapatan ng bawat isa na mamuhay nang hindi hinahadlangan ng iba. Kung nilalabag ang
karapatang ito, mawawalan ng katarungan. Maaari itong magbunga ng gulo sa buhay ng mga
nasasangkot.

Saan nagsisimula ang Katarungan?


Ang pamilya ang unang nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan.
Dahan-dahang nahuhubog ang iyong pagkatao sa paggabay ng iyong mga mahal sa buhay.

2
Nauunawaan mo na kapag iginagalang mo ang mga karapatan ng iba isinasaalang- alang mo ang
kabutihang panlahat.

Ano ang mga katangian ng Katarungang Panlipunan?


Paggalang sa karapatan ng bawat tao
Pagpapaliban sa pansariling interest
Pagsusuri sa kabuuang sitwasyon
Pagsasaalang sa kabutihang panlahat

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan; at
2. nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan.
(EsP9KPIIIc-9.1 at EsP9KPIIIc-9.2)

Tuklasin
Panuto: Itala ang mga halimbawa ng paglabag sa katarungang panlipunan ayon sa kanilang katangian.
Pagkatapos ay sagutin ang kasunod na gabay na tanong. Gawin ito sa malinis na papel. Gawing gabay ang
talahanayan sa ibaba.

Mga Katangian ng Katarungan Mga halimbawa ng paglabag sa katarungang


panlipunan ayon sa nasabing katangian
1. Paggalang sa karapatan ng bawat tao Hindi pagbibigay ng patas paglilitis sa mahirap
nasasakdal laban sa makapangyarihan na tao.
2. Pagpapaliban sa pansariling interes
3. Pagsusuri sa kabuuang sitwasyon
4. Pagsasaalang sa kabutihang panlahat

Gabay na Tanong:
Sa iyong palagay, ano ang kahihinatnan ng lipunan kung walang katarungang panlipunan na umiiral sa
buhay ng tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Suriin
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Alamin kung mayroong paglabag sa katarungang panlipunan
ng tao. Isulat sa sagutang papel ang “WALA” kung walang nakitang paglabag at kung mayroon naman ay isulat
ang “MAYROON” at tukuyin kung ano ang nakitang paglabag. Gawin ito sa sagutang papel.

3
Sanggunian:

Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd, Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015, DepEd
Dy Jr., M, B. (ed.) (1994) “Social Justice, Virtue and Value in Contemporary Society.” Contemporary Social Philosophy.
Quezon City: JMC Press, Inc. Plato (1992).
Republic. Translated by G. M. A. Grube. Revised by C. D. C. Reeve. Indianapolis: Hackett Publishing Company, Inc.
Scheler, M. (1973).
Formalism in Ethics and Non-Formal Ethics of Values: A New Attempt toward the Foundation of an Ethical Personalism.
Translated by Manfred S. Frings and Roger L. Funk. Evanston: Northwestern University Press “Sister Stella L.”
Retrieved October 9, 2013, from http://www.manunuri.com/filmography/sister_stella_l

Inihanda ni:

CHRISTINE JOY S. LOMOLJO


Teacher I - Sapang Bato National High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1: EsP

4
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 2: Katarungang Panlipunan at Mamamayan

Pangalan: _______________________________________Q3W2
Seksiyon: _______________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
"Katarungan para kay Ka Dencio!" ang sikat na linya sa 80s ng pelikulang Sister
Stella L (1984) na pinagbidahan ni Vilma Santos. Tungkol ito sa isang madre na
nakiisa sa pagpipiket ng mga manggagawa laban sa mapaniil na pamamalalakad
ng pabrika. Katarungan. Madalas mong naririnig ito sa mga rally kapag
ipinaglalaban ang karapatan sa lupa o kaya sa balita tulad ng iyak ng isang inang
pinagnakawan ng buhay ng anak. Katarungan ang sigaw kapag may inapi.
Katarungan ang hinihingi kapag hindi patas ang turing sa tao. Kung titingnan nang
maigi, ang paggamit sa salitang "katarungan" sa mga nabanggit na halimbawa
ay negatibo. Sa totoo, mas angkop yatang sabihin na tungkol sa pagkawala ng
katarungan o "kawalang-katarungan" ang pinag-uusapan sa itaas.
May sinasabi ito sa atin: (1) ang usaping "katarungan" ay lumalabas lamang sa diskursyo kapag
nawawala na ito o kapag umiiral ang inhustisya (kawalang-katarungan), at (2) sa maraming panahon na hindi
nawawala ang katarungan, ang ibig sabihin nito ay umiiral ang katarungan. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang
katarungan ay ang pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ang pagkatao ay isang katotohanang
nangangailangan ng ating pagkilala at paggalang. Ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi ng kilos-
loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang idibidwal. Ang kilos-loob ay magpapatatag sa iyong pagiging
makatarungang tao (Sto. Tomas de Aquino).
Lahat ng tao ay pinagkalooban ng kilos loob na siyang gagamitin niya upang makipamuhay sa lipunang
kaniyang kinabibilangan, ang layunin ng kilos loob ay kabutihan kaya ang tao ay may responsibilidad na gumawa
ng mabuti sa kaniyang kapuwa dahil ito ay nakapaloob sa kaniyang pagkalalang bilang isang indibidwal. Ang
pagiging makatarungan sa kapuwa ay isang konkretong halimbawa ng pagsasabuhay ng kilos loob.

Ano ang Katarungang Panlipunan at Dignidad ng tao?


• Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa dignidad ng tao.
• May dignidad ang tao dahil mahalaga siya.
• Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kaniya.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapuwa ang nararapat
sa kaniya; at
2. natutugunan ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon.
(EsP9TT-IIb-5.3 at EsP9TT-IIb-5.4)

Tuklasin
Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat sa malinis na papel ang maaaring sanhi ng mga
sitwasyong ito. Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba sa pagsasagawa nito.

Mga sanhi kung bakit Mga maaring


Sitwasyon may ganitong mga maging bunga nito
sitwasyon sa lipunan sa ating lipunan

Pagbibigay ng special treatment sa


isang anak ng pulitiko habang pumipila
para kumuha ng driver’s license.

5
Pangungutya o diskriminasyon sa isang
katutubong mamayanan na habang ito
ay nag-aaral sa isang urban na lugar.
Pagdakip sa isang pinaghihinalaan na
nagtutulak ng droga na walang “warrant
of arrest” mula sa police.

Hindi pagbibigay ng patas o equal na


opportunidad sa pagitan ng lalake at
babae sa isang trabaho.

Suriin
Panuto: Pag-aralan ang mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao. Taglay mo ba ang mga ito? Iguhit
ang masayang mukha kung taglay mo ito at iguhit ang malungkot na mukha kung hindi naman.
Sagutin ang gabay na tanong pagkatapos. Gawin ito sa malinis na papel.

Mga palantandaan ng Pagiging Makatarungang Tao Ako ito Hindi ako ito
1. Isinaalang-alang ko ang mga karapatan ng mga tao sa aking paligid.

2. Inuunawa ko ang bawat sitwasyon sa obhektibong paraan upang


makakilos nang makatarungang ayon sa hinihingi ng sitwasyon.

3. Kahit alam ko kung anu ang nararapat para sakin ay maari akong
magparaya alang-alang sa mas nangangailangan nito.

4. Handa akong magbigay ng aking sarili upang makatulong sa


pagpapabuti ng kapakanan o buhay ng aking kapuwa.

5. Kinikilalala ko ang mga karapatan ng bawat miyembro ng aming


pamilya.
6. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa
paaralan, sa trabaho, sa aming barangay, o sa bansa.

7. Itinataya(commit) ko ang aking sarili sa kasunduang mayroon ako at


ang aking kaibigan.

8. May kamalayan ako kung anong karapatan ang dapat kung igalang lalo
na ang may kaugnayan sa likas sa batas moral.

9. Tinutupad ko aking mga pangako at komitment sa buhay.

10. Nauunawaan ko na ang pagsalungat, pagbatikos, at pagpuna sa iba


na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan.

Mahalagang Tanong:
1. Batay sa iyong mga sagot sa talahanayan sa itaas, masasabi po ba na ikaw ay isang makatarungang tao
sa iyong lipunan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

6
Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017
EsP-DepEd, Alternative Delivery Mode Unang Edisyon, 2020
Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015, DepEd
Dy Jr., M, B. (ed.) (1994) “Social Justice, Virtue and Value in Contemporary Society.” Contemporary Social Philosophy.
Quezon City: JMC Press, Inc. Plato (1992).
Republic. Translated by G. M. A. Grube. Revised by C. D. C. Reeve. Indianapolis: Hackett Publishing Company, Inc.
Scheler, M. (1973).
Formalism in Ethics and Non-Formal Ethics of Values: A New Attempt toward the Foundation of an
Ethical Personalism. Translated by Manfred S. Frings and Roger L. Funk. Evanston: Northwestern University Press
“Sister Stella L.” Retrieved October 9, 2013 from http://www.manunuri.com/filmography/sister_stella_l

Inihanda ni:

CHRISTINE JOY S. LOMOLJO


Teacher I - Sapang Bato National High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1: EsP

7
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 3: Kalidad at Kagalingan
Pangalan: _______________________________________Q3W3
Seksiyon: _______________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Wow, ang ganda naman niyan! Ang galing ng pagkakagawa! Sino ang gumawa?
Imported ba o gawa sa atin? Ilang araw o buwan kaya ang ginugol upang matapos ang
produktong ito?
Marahil ito ang mga salitang namumutawi sa iyong bibig kapag nakakakita ka o
nakapanonood ng mga produkto o kagamitang pumupukaw ng iyong atensiyon.
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung kaya mo ring gumawa ng ganitong uri ng
produkto o kagamitan? Ano ano nga ba ang dapat isa-alang-alang upang makabuo ng
ganitong uri ng produkto o kagamitan?
Sa paggawa ng isang produkto, kagamitan o maging isang uri ng gawain maraming mga bagay ang
kailangang gawin at isakatuparan lalo na kung kalidad o kagalingan ng produkto o paggawa sa pangkalahatan
ang pag-uusapan. Upang matukoy na may kalidad o kagalingan sa paggawa kailangang
naisasabuhay ang sumusunod:
1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga.
Ang isang magaling at matagumpay na tao ay mayroong pagpapahalaga na humuhubog
sa kaniya upang harapin ang anumang pagsubok na mararanasan sa pagkamit ng mithiin. Ito ay
nagsisilbing gabay upang makagawa ng produkto o serbisyo na may kalidad. Ang mga produktong
kaniyang nilikha ay bunga ng kasipagan, tiyaga, pagiging masigasig, pagkamalikhain, at pagkakaroon ng
disiplina sa sarili.
2. Pagkakaroon ng positibong kakayahan. Mahalagang magkaroon ang isang magaling na manggagawa
nito upang maging kapanipaniwala at makita kung hanggang saan ang kaniyang kayang gawin. Dito
makikita sa isang manggagawa ang kaniyang pagkatuto bago ang paggawa, habang ginagawa, at
pagkatapos gawin ang isang gawain. Kailangan maging bukas ang isipan nito upang masuri ang kaniyang
magagawa.
3. Pagtataglay ng mga kakailanganing kasanayan. Bukod sa mga kasanayan sa basic (tulad ng
pagbabasa, pagsusulat, pagkukuwento, pakikinig at pagsasalita), mahalaga rin ang mga kasanayan. Ang
mga kasanayan ay kakailanganin upang makabuo at makagawa ng isang produktong may kahusayan at
kalidad.

Maliban sa mga ito, kailangang din ang pagsasa-alang-alang sa tamang gamit ng


oras upang makabuo o magawa ng isang produktong may kalidad. Tandaan ang mga
sumusunod bilang pagpapahalaga sa tamang gamit ng oras.
1. Pag-aralan kung ilang oras ang gugugulin sa paggawa ng produkto, kagamitan o
gawain.
2. Isantabi ang mga salita at kaisipang mamaya na, matatapos din yan, marami pang oras
para gawin yan at hawak ko ang oras ko.
3. Tumatakbo ang oras kaya kailangang gawin ang dapat gawin at tapusin ang dapat tapusin.

Bilang karagdagan, kailangan mo rin isaisip at isapuso ang sumusunod sa pagbuo ng isang produkto,
kagamitan o gawaing may kalidad o namumukod tangi.
• Pagbuo ng mga layunin
• Paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang kalalabasan (outcomes)
• Pagbuo ng mga angkop na konsepto na magpaliwanag sa gawain
• Pagtukoy ng paraan o istratehiya sa paggawa batay sa konseptong binuo
• Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin
• Pagtatakda ng kakailanganing panahon upang isagawa ang gawain

Makatutulong ang mga kaalamang iyong binasa sa pagsagot sa mga gawaing iyong
isasagawa sa kagamitang pagkatutong ito. Gawing kasiya-siya ang pagsasagawa sa mga ito.

8
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o
produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito; at
2. nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o
produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito.
(EsP9KP-IIIa-11.1 at EsP9KP-IIIa-11.2)

Tuklasin

Panuto: Suriin kung iyong tinataglay ang sumusunod na palatandaan. Sa kanan ng bawat aytem, lagyan ng
tsek ( ) ang angkop na kolum. Pagkatapos, bilangin ang kabuuang iskor sa bawat kolum. Tignan ang
interpretasyon ng iskor sa ibaba nito at sagutin ang gabay na tanong pagkatapos. Gawin ito sa malinis na papel.

Mga Palatandaan Ako ito Hindi ako ito


1. Ginagawa ang mga bagay na dapat gawin
2. Nagdarasal muna bago gawin ang anumang bagay
3. Tinatapos lagi sa tamang oras ang anumang gawain
4. Laging may bagong ideya at konsepto sa isang partikular na gawain o
bagay

5. Nagpaplano ng paraan kung paano gawin ang isang gawain bago


simulant ito

6. Nirerebisa ang gawain batay sa punang angkop sa kraytirya ng output

7. Laging nagpapasalamat sa Diyos sa mga natapos na gawain at takdang


aralin na nagawa nang maayos
8. Palataning sa mga bagay na bago sa aking paningin
9. Hindi sumusuko sa hamon ng anumang gawain kahit mahirap ito
10. Inuunawa ang panuto bago simulant ang gawain

Interpretasyon:

0-2 Kailangang-kailangan ang mga kasanayan sa paggawa ng gawain o produkto nang may kalidad

3-5 May mga kasanayan na sa paggawa ng gawain o produkto nang may kalidad
6-7 Mapauunlad pa ang mga kasanayang taglay sa paggawa ng gawain o produkto nang may kalidad

8-10 Malaki na ang antas ng mga kasanayan sa paggawa ng gawain o produkto nang may kalidad

Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan ng negatibong interpretasyon.
Layunin ng gawaing tulungan kang tayahin ang iyong kakayahan at maging bukas ka sa pagbabago. May
magagawa ka pa upang ito ay mapaunlad. Kasabay ng unti-unting pag-unlad ng mga kakayahan.

Gabay na Tanong:
Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili matapos sagutan ang tseklis? Ipaliwanag.

9
Suriin
Panuto: Gumuhit sa kahon ng isang paggawa o imbensyon na nais mong gawin; at isulat sa ibaba ang iyong
magiging hakbang kalakip ang wastong paggamit ng oras sa paggawa nito.
Gawin ito sa malinis na papel.

Sanggunian:

Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017 EsP-DepEd, Alternative
Delivery Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

DENZEL LYLE M. BAUTISTA


Teacher I, Claro M. Recto ICT High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1: EsP

10
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 4: Kagalingan sa Paggawa

Pangalan: _______________________________________Q3W4
Seksiyon: _______________________________________Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan ng sapat na
kasanayan at angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin sa paggawa.
Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan
nito naisasakatuparan niya ang kaniyang tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos. Ang
kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang dapat magtulak sa iyo upang magkaroon ng
kagalingan sa paggawa. Makatutulong sa iyo ang mga kasanayan na siyang gagamitin mo
sa pagbuo, paggawa ng isang produkto, kagamitan o pagsasagawa
ng isang gawain. Ang mga kasanayang ito ay nakakategorya sa tatlong yugto.
1. Pagkatuto bago ang paggawa. Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na gabay
sa pagbuo ng isang gawain o produkto.
2. Pagkatuto habang ginagawa. Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang istratehiyang
maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala
ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang mga proyektong napili at mga posibleng kahaharaping
problema at solusyon sa mga ito.
3. Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain. Ito ang yugto ng pagtataya sa naging resulta o kinalabasan
ng gawain. Sa puntong ito, malalaman mo ang mga kilos at pasiya na dapat panatilihin at baguhin.

Ang yugto o hakbang na ito ay magsisilbing susi sa pagtupad ng iyong layuning makagawa ng isang
mahusay na produkto o serbisyo. Ang kagalingan sa paggawa ay nasusukat ayon sa maayos na
pagsasakatuparan ng mga hakbang na dapat isalang-alang sa paggawa.
.
Ang sumusunod na katangian ay makatutulong din upang magkaroon ng
matalinong pag-iisip na kailangan sa paggawa. Ang mga ito ay ipinamalas ni
Leonardo da Vinci, ang itinuturing na pinakadakilang henyo sa lahat ng panahon
(Gelb, 1998).
1. Pagiging palatanong. Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na
alamin ang mga bagay –bagay sa kaniyang paligid. Marami siyang tanong na
hinahanapan niya ng mga sagot. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o
mababaw na kahulugan na kaniyang narinig o nabasa.
2. Pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan, pagpupunyagi at pagiging
bukas na matuto sa mga pagkakamali. Ito ang pagkatuto mula sa mga hindi
malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at maiwasang
maulit ang anumang pagkakamali. Dahil sa mga karanasang ito, natututo ang
isang tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.
3. Patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama bilang paraan upang mabigyang buhay ang
karanasan. Tumutukoy ito sa tamang paggamit ng mga pandama sa pamamarang kapaki-pakinabang sa
tao. Halimbawa, hindi hadlang ang kakulangan ng bahagi nang katawan upang isakatuparan ang tunguhin.
4. Pagiging bukas sa mga pagdududa, kawalang katiyakan. Ang pagiging bukas ng isip sa mga sitwasyong
walang katiyakan ay mahalaga sa pagpapalabas ng pagkamalikhain ng tao.
5. Ang paglalapat ng balanse sa sining, siyensya, lohika at imahinasyon. Ito ang pagbibigay halaga nang
may balanse paghahanap sa kagandahan at katotohanan gamit ang sining at siyensya. Mahalaga ang
paggamit ng imahinasyon sa mga gawaing ginagamitan ng mapanuring pag-iisip.
6. Pagpapananatili ng kalusugan at paglinang ng grace at poise. Ito ang pagkilala at pagbibigay halaga sa
mga bagay-bagay at pangyayari.

Ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan ay
kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng papuri at pasasalamat sa Kaniya. Ang
paggawa ng mabuti at may kahusayan ay may balik na pagpapala mula sa Diyos.
Sa pamamagitan ng mga kaalamang ito, mapatutunayan na ang paggawa ay may kagalingan kung naisa-
alang-alang at nasasagot ang mga tanong na:
1. Ito ba ay pinag-isipang mabuti?
2. Nasunod ba ang mga hakbang na dapat gawin?

11
3. Bunga ba ito ng malalim na pag-iisip?
4. Nagagamit ba ang mga talento at kasanayang ipinagkaloob bg Diyos?
5. Nagagamit ba ang aral ng buhay na natutuhan mula sa karanasan?
Maituturing na mga mahalagang kraytirya ang mga tanong na ito upang masabi na ang paggawa ay may
kagalingan o kalidad. Hindi puwedeng maalis sa proseso ng lahat ang oras na kailangang bigyang pansin at
gamitin ng maayos na tugma sa hinihingi ng panahon.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa
oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa
mga talentong Kaniyang kaloob. ( EsP9KP-IIIb-11.3 )

Tuklasin

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Isulat kung anong katangian ang isinabuhay ng mga
indibidwal sa nasa bawat sitwasyon na naging daan sa kanilang tagumpay. Sagutin ang gabay na tanong
pagkatapos. Isulat ang sagot sa saguting papel.

Sitwasyon 1
Sa pamamasyal ni Johlu Koa sa ibang bansa, napansin niya na kakaiba ang mga tindang
tinapay sa isang restaurant na pinuntahan nila. Nagtanong-tanong si G. Koa kung paano ito
ginagawa, anoanong sangkap ng mga ito, ang paraan ng pagluluto at marami pang iba. Ang
mga nakalap na impormasyon ang nagbigay-daan sa kaniya upang dalhin ito sa ating bansa,
ito ang simula ng pagkakatayo ng “French Baker”.

Sitwasyon 2
Pinangarap ni Sandy Javier na magtayo ng tindahan ng litsong manok. Sinimulan niya ito sa
pagtitinda ng ilang pirasong manok na inutang pa niya sa kaibigan ng kaniyang ina. Sa unang
subok ni Sandy, iilan lamang ang nabenta mula sa kaniyang inihanda. Nagsilbing hamon ito
sa kaniya kaya’t pinag-aralan niya itong mauti at hindi sumuko. Noong 1985, nagbunga ang
pagod at sakripisyo ni G. Javier dahil nagsimula nang tangkilikin ng maraming tao ang
kaniyang tindahan ng litsong manok at liempo. Mula noon nakilala na ang Andok’s Manok at
nagsimula na rin magbukas para sa franchising.

Sitwasyon 3
Hindi naging hadlang ang pagiging bulag ni Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog upang
maisakatuparan ang kaniyang pangarap sa buhay. Hindi matatawaran ang pagpapamalas
niya ng kagalingan. Bilang patunay, iba’t ibang parangal ang kaniyang natanggap. Bukod
dito, madalas din siyang imbitahin bilang tagapagsalita sa iba’t ibang pagtitipon.

Sitwasyon 4
Ayon sa kuwentong ibinahagi sa 700 Club ng mag-asawang Vic at Avelyn Garcia, wala nang
hihigit pa sa hatid na kaligayahan kapag ang isang gawain ay iniaalaya sa Diyos. Hindi
kailanman mararamdaman ang pagod, at unti-unti mong masusumpungan ang damdaming
para kang nasa langit.

Gabay na Tanong:
Batay sa mga sitwasyon na iyong binasa, ano ang pangunahing susi sa tagumpay na kailangang
isabuhay? Paano mo ito maisasagawa sa iyong personal na buhay?

Suriin
Panuto: Suriin ang mga larawan at isulat ang larangan ng kanilang kagalingan, gawain o produktong kanilang
nagawa at ang magandang naidudulot nila sa lipunan. Gawin ito sa malinis na papel.

12
Halimbawa: Mang-aawit – si Ap. de Ap ay isang tubong
Kapampangan na naghatid ng kagalingan sa musika na nakilala
sa buong mundo. Kilala siya sa kaniyang mga sikat na kanta tulad
ng “Bebot” at “Where is the love?” Naging isang inspirasyon sa
mga kabataan na naghahangad maging isang sikat na mangaawit.

1.

2.

3.
Sanggunian:

Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017 EsP-DepEd Alternative Delivery
Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

DENZEL LYLE M. BAUTISTA


Teacher I, Claro M. Recto ICT High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1: EsP

13
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 5: Produkto at Paggawang May Kalidad, Kaya Ko!

Pangalan: _______________________________________Q3W5
Seksiyon: _______________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Ang paggawa ay bahagi na ng buhay ng tao na kailangan niyang isakatuparan upang
mabuhay sa lipunang kinabibilangan. Gagawin niya ito para sa kaniyang sarili, pamilya
at kapuwa. Sa mga nakaraang modyul binigyang pansin ang kahalagahan ng
paggawa, kung ano ang mga dapat isa-alang sa paggawa ng isang produktong o
serbisyong may kalidad at kagalingan.
Ikaw, nasubukan mo na bang gumawa ng ganito? Ano-anong mga paghahanda
ang iyong isinakatuparan? Naging matagumpay ka ba sa pagsasabuhay ng mga ito?
Marahil pamilyar ka sa akronym na SMART, muli nating
bigyang pansin ito para makatulong sa paggawa mo ng produkto
o serbisyong may kalidad at kagalingan.
Ang akronym na ito ay tumutukoy sa sumusunod:
• Specific (Tiyak) – maraming mga bagay ang gusto mong gawin, pero ano nga ba ang dapat
mauna? Dapat tiyak ka sa gagawin o isasagawa mong gawain o produktong lilikhain. Isipin mo na
lang kung pabago-bago ang gusto mong gawin, ano ang iyong matatapos, kailan mo ito
matatapos? Makatitipid ka ng oras o panahon kung sigurado ka sa gagawin mo at siguradong
magiging maayos ito dahil sa ito lang ang iyong nasa isip.
• Measurable (Nasusukat) – may kakayahan ka bang isagawa ito ayon sa iyong kakayahan o
kasanayan? Isa sa pangunahing kailangang isa-alang-alang ay iyong mga kakayahang mayroon
ka na iyong magagamit sa pagsasagawa ng mga bagay na gusto mong gawin. Idagdag pa dito
kung nasusukat mo ang progreso sa pagsasagawa ng produkto o gawain.
• Attainable (Naabot) – makatotohanan ba ang produkto o gawaing iyong gustong isagawa? Dapat
sa pagsasagawa ng mga gawain o paglikha ng produkto ito ay makatotohanan, tugma sa kung ano
ang kailangan na kaya mong gawin. Dapat
ang produkto ay hindi suntok sa buwan o yung tinatawag nilang malabong maisakatuparan dahil
sa hindi ito mangyayari. Sa pagsasagawa ng produkto o gawaing may kagalingan, kailangang isa-
alang-alang ang mga hamon na kakaharapin at kung ano ang mga posibleng solusyon sa mga ito.
• Relevant (Angkop) – makatutulong ba ito sa iyo, sa pamilya, sa kapuwa o sa lipunan sa kabuuan?
Wala nang hihigit pa sa isang produkto o gawaing isasagawa na ang makikinabang ay ang kapuwa
na hindi tinitignan o inaasahan na kikita ng malaki. Oo, dapat kang kumita pero hindi sa paraang
hindi rin magiging masaya ang ibang tao sa produkto o gawaing lilikhain mo.
• Time Bound (May sapat na panahon) – dapat kaya itong isagawa sa panahon na tugma sa
inaasahang matapos. Napakahalaga ng oras sa lahat ng bagay.

Upang tuluyang maging matagumpay sa paggawa ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o
kagalingan gamit ang wastong pamamahala sa oras makatutulong sa iyo ang sumusunod na mga hakbang:
1. Isulat ang mga bagay na kailangang gawin.
2. Gumawa ng programa sa pagsasagawa nito.
3. Isulat ang mga kadahilanan sa pagsasagawa na magsisilbi mong motibasyon.
4. Tukuyin ang mga maaaring balakid o problemang kakaharapin sa pagsasagawa nito.
5. Itala ang mga posibleng mga solusyon o paraan upang maiwasan o mapagtagumpayan ang mga balakid
naitala.
6. Maliban sa plan A dapat may nakahandang plan B kung sakali.
7. Gawin ito ng may puso o kagalakan.

Alam ko handa ka na sa pagsasagawa ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan


sa paggawa. Pero bago iyon, basahin at gawin mo muna ang mga gawaing nakapaloob sa babasahing
pampagkatuto na ito, makatutulong ang mga ito sa iyo.

14
Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa at
wastong pamamahala sa oras. (EsP9KP-IIIb-11.4)

Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga kuwento ng pangarap at pagsisikap. Sagutin ang gabay na tanong pagkatapos. Isulat
ang sagot sa isang malinis na papel.

Buhay Kalye

Sa ilalim ng tulay lumaki si Nestor. Dama niya ang hirap ng buhay, sa bawat
araw na nagdadaan pinapangako niya sa sarili niya na malalampasan din nila
ito at ang pangarap na maalwang buhay ay mapapasakanila. Maaga siyang
bumabangon upang magtinda ng tinapay at maglako ng mga pahayagan bago
pumasok sa paaralan. Pagkagaling sa paaralan bago siya umuwi ay
pinapasyalan niya ang isang malaking bahay na may maraming sasakyan at
sinasabi sa sariling magkakaroon ako niyan. Ang kaniyang sipag, tiyaga at
determinasyong maabot ang pangarap ang nagtulak sa kaniya upang
makapagtapos ng pag-aaral at maging magaling na arkitekto. Ang bunga ng
kaniyang pangarap ay higit pa sa kaniyang inaasahan maliban sa malaking
bahay at maraming sasakyan, may sarili na rin siyang opisina at tindahan ng
construction supply.
Mikropono ng Buhay

Si Lyca Gairanod ang unang nanalo sa The Voice Kids, patimpalak ng isang
istasyon ng telebisyon. Mula sa isang mahirap na pamilya sa Cavite si Lyca. Sa
mga araw na wala siyang pasok sa eskwela siya ay nangangalakal, maliban dito
ang kaniyang mumunting talento sa pag-awit ay napakikinabangan niya rin upang
kumita at makatulong sa kanilang gastusin sa pamilya. Ang talento at pangarap
ni Lyca na matulungan ang kaniyang mga magulang at ang mga taong naniniwala
sa kaniyang galing ang nagtulak sa kaniya upang sumali sa patimpalak na
nabanggit. Sa bawat pagtatanghal niya buong husay niya itong ginagawa dahil
naniniwala siya na kailangan niyang manalo upang ang pangarap na maiahon sa
hirap ang kaniyang pamilya ay mangyari. Ang kagustuhan niyang manalo at
maisakatuparan ang pangarap ang naging susi niya upang manalo bilang kauna-
unahang “The Voice Kids Grand Winner”. Lubos ang tiwala niya na biyaya ng Diyos ang lahat ng inaaning
tagumpay kaya lalo pa niya itong pinagbubuti.

Gabay na Tanong:
Paano nakamit ng mga pangunahing tauhan sa mga kwento ang tagumpay? Ipaliwanag.

Suriin
Panuto: Balikan ang mga kuwentong iyong binasa. Tukuyin kung ano-anong mga kilos ang akma/tugma sa
akronym na SMART ang kanilang isinabuhay upang maging matagumpay. Gawing gabay ang talahanayan.
Sagutin ang gabay na tanong pagkatapos. Gawin ito sa sagutang papel.

Kilos na Akma/Tugma na Isinabuhay upang Magtagumpay

S
M
A
R
T

15
Gabay na Tanong:
Ikaw, ano ang kuwento ng tagumpay na mayroon ka o pangarap na gustong makamit? Paano mo ito
isinagawa o makakamit?

Sanggunian:

Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017 EsP-DepEd Alternative Delivery
Mode Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:
BENEDICK DANIEL O. YUMUL
Head Teacher III, Angeles City National Trade School
Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1: EsP

16
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 6: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong Pamamahala ng Naimpok

Pangalan: _______________________________________Q3W6
Seksiyon: _______________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain
na mayroong kalidad. Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang
mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili mahabang pasensiya, katapatan,
integridad, disiplina at kahusayan na kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao
sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapuwa; at sa kaniyang
lipunan.
Kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kaniyang
pagkatao. Nagagamit niya ito sa mabuting pakikipagrelasyon niya sa kaniyang
kapuwa at mula sa kasipagan na taglay nya ay makatutulong siya na mapaunlad ang bansa at lipunan na
kaniyang kinabibilangan.
Ang sumusunod ay ilang palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan:
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang
ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain. Hindi siya
nagpapabaya, ibinibigay niya ang kaniyang buong kakayahan, lakas at panahon upang matapos niya ito
nang buong husay.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan
ay nagpapakita ng pagmamahal sa
kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa – ibig sabihin,
naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi lamang niya ito ginagawa upang basta matapos
na lamang kundi sinisigurado niyang may kalidad ito.
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain lalo na
kung ito ay nakaatang sa kaniya. Ito ay ginagawa niya nang maayos at kung minsan ay higit pa na
maging ang gawain ng iba ay kaniyang ginagawa. Hindi na niya kailangan pang utusan o sabihan bagkus
siya ay mayroong pagkukusa na gawin ang gawain na hindi naghihintay ng anumang kapalit.
Tunay nga na mahalaga na taglayin ng isang tao ang kasipagan sapagkat isa itong susi sa magandang
kinabukasan. Ang pagiging masipag ay magbubunga ng mas maraming biyaya sa mga taong nagtataglay ng
ganitong katangian.
Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o
mithiin sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan, at
determinasyon. Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at
hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit
ang mithiin.
Ang pagtitipid ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao
na hindi lamang mamuhay nang masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na
makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi paggasta ng pera nang walang saysay.
Sapagkat dapat mong mahalin ang bunga ng iyong ginagawang pagsisikap at
pagtitiyaga.
Upang lubos mong maunawaan ay narito ang ilang paraan na nagpapakita ng pagtitipid:
1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela. Mas makakatipid kung magbabaon na lamang ng pagkain
kaysa bibili pa sa kantina o kakain sa labas.
2. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan. Maganda itong ehersisyo at natitipid
mo pa ang pamasahe na gagamitin mo.
3. Mas matipid na bumili sa palengke kaysa sa mall. Maaaring hindi gaanong kombinyente sapagkat
mainit at maputik ngunit mas malaki naman ang iyong matitipid.
4. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang. Hindi mo ba naiisip na sa bawat
text mo na hindi naman mahalaga ay nag-aaksaya ka ng pera? Ang pera na ipinapaload mo ay
maaari mong ipunin bilang pandagdag sa iba pang mga gastusin.
5. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric fan, at iba pa. Kung hindi naman ito ginagamit ay
patayin mo ang mga ito.
6. Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso. Huwag hayaang tumapon ang tubig mula sa gripo.

17
7. Huwag nang bumili ng imported. Marami na tayong produkto ng ating bansa na pareho lamang ang
kalidad tulad ng mga imported. Kung sa tingin mo ay mapapamahal ka pa ay mas tangkilikin mo na
ang produkto natin.

Dapat mong maunawaan na kailangan na maging mapagpakumbaba at matutong makuntento sa kung


ano ang meron ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.
Laging isaisip na hindi nakukuha ang kaligayahan sa mga materyal na bagay lamang.
Ito ay hindi mahahanap sa labas ng ating sarili sapagkat matatagpuan ito sa ating
kalooban.
Ayon sa Teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs, ang pera ay makatutulong
sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap. Ayon
sa isang financial expert na si Francisco Colayco, may tatlong dahilan kung bakit
kailangan na mag-impok ang tao.
1. Proteksiyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaring
mangyari sa buhay ng tao tulad na lamang ng pagkakasakit, kalamidad,
pagkawala ng trabaho, o pagkabaldado. Kung sa hindi inaasahang
pagkakataon ay mangyari ito, kailangan na ang tao ay nakahanda at
mayroong magagamit na emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangon
mula dito.
2. Hangarin sa buhay. Ito ang nagiging motibasyon ng iba. Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay
na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak, ang magkaroon ng sariling bahay, at
magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Mahalaga na matamo ang mga ito bilang bahagi ng ating kaganapan sa buhay.
3. Pagreretiro. Hindi lamang kailangan na mag-impok para sa proteksiyon sa buhay at sa mga hangarin
sa buhay, mahalagang nag-iipon din para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay kakayanin
pa ang magtrabaho. Darating din sa kasukdulan ang buhay ng tao na siya ay magiging matanda at
mahina at hindi kakayanin pa na magbanat ng buto.

Ayon pa rin kay Francisco Colayco, kinakailangan na tratuhin ang


pag-iimpok na isang obligasyon at hindi opsiyonal. Gaano man
kalaki o kaliit ang kinikita ay obligasyon natin sa ating sarili ang
pag-iimpok.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at
pinamamahalan ang naimpok. (EsP9KP-IIIe-12)

Tuklasin
Panuto:
1. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung ito ay tumutukoy sa iyo o
ginagawa mo ito at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa isang malinis na papel. Gawing gabay ang talahanayan
sa ibaba.
2. Matapos mong sagutan ay tignan mo ang ibig sabihin/interpretasyon ng iyong sagot sa susunod na
talahanayan.
3. Sagutin ang gabay na tanong sa kuwaderno o sa malinis na papel.

Sitwasyon Ako Hindi


ito Ako
1. Tinitiyak na magiging maayos ang kalalabasan ng gawain.
2. Ibinibigay ang buong kakayahan, lakas, at panahon sa gawain nang buong husay.

3. Hindi sumusuko hanggat hindi natatapos ang gawain.


4. Naglalakad imbis na sumakay kung malapit ang pupuntahan.

18
5. Hindi na kailangan na utusan pagdating sa gawain sapagkat mayroong pagkukusa.

6. Patuloy na sinusubukan na gawin ang gawain kahit na maraming beses na nagkakamali.

7. Nagbabaon na lamang ng pagkain kaysa sa bumili ng mamahaling pagkain sa kantina o


sa labas ng paaralan.

8. May oras lamang sa paggamit ng tv, computer, electric fan, at iba pa.
9. Pinipilit na tapusin ang gawain kahit na nahihirapan.
10. Malasakit sa gawain.
11. Tinitiis ang pagod matapos lamang ang gawain.
12. Hindi umiiwas sa gawain lalo na kung nakaatas ito sa kaniya.
13. Pagbili sa palengke kaysa mga mall.
14. Kahit maraming pinagdaraanang pagdurusa ay hindi tumitigil sa ginagawa.

15. Ginagamit lamang ang cellphone sa importanteng text at tawag.

Interpretasyon ng sagot:

Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng


Kasipagan Pagpupunyagi Pagtitipid
• Kung ikaw ay naglagay ng • Kung ikaw ay naglagay ng • Kung ikaw ay naglagay ng
tsek sa 1, 2, 5, 10 at 12 ikaw tsek sa bilang 3, 6, 9, 11 at tsek sa bilang 4, 7, 8, 13, at
ay nagpapakita ng kasipagan. 14 ikaw ay nagpapakita ng 15 ikaw ay nagpapakita ng
Kung ikaw ay nakakuha ng 4 pagpupunyagi. pagiging matipid. Kung ikaw
– 5 na tsek, ibig sabihin ay ay nakakuha ng 4 – 5 na
• Kung ikaw ay nakakuha ng 4
indikasyon ito – 5 na tsek, ibig sabihin ay tsek ibig sabihin ay
• •
indikasyon

• na nagtataglay ka ng • ito ng pagpupunyagi. • indikasyon ito ng pagiging


kasipagan. Kung ikaw ay nakakuha ng 3 matipid. Kung ikaw ay
Kung ikaw ay nakakuha ng 3 na tsek, ibig sabihin ay nakakuha ng 3 na tsek,
na tsek, ibig sabihin ay nasasaiyo na ang katangian ibig sabihin ay nasasaiyo na
nasasaiyo na ang katangian ng pagpupunyagi ngunit ang katangian ng pagiging
ng pagiging masipag ngunit kailangan mo pa itong matipid ngunit kailangan mo
kailangan mo pa itong linangin. pa itong linangin.
• linangin. • Kung ikaw ay nakakuha ng 1 Kung ikaw ay nakakuha ng
Kung ikaw ay nakakuha ng 1 – 2 sa mga bilang na • 1 – 2 sa mga bilang na
– 2 sa mga bilang na nabanggit, ibig sabihin ay nabanggit, ibig sabihin ay
nabanggit, ibig sabihin ay ibayong pagsisikap pa ang ibayong pagsisikap pa ang
ibayong pagsisikap pa ang dapat mong gawin upang dapat mong gawin upang
dapat mong gawin upang taglayin mo ang katangiang taglayin mo ang katangiang
taglayin mo ang katangiang ito. ito.
ito.

Gabay na Tanong:

Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili? Alin sa mga katangian ang iyong taglay?

19
Pagyamanin / Isagawa
Panuto: Gumawa ng isang “Panata ng Pagsisikap at Pagpupunyagi para sa Magandang
Kinabukasan”. Isama sa panata ang mga hakbang kung paano mo maisasagawa ang pagsisiskap at
pagpupunyagi upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Gawin ito sa malinis na papel.

Sanggunian:

Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide


Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017 Alternative Delivery Mode
Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

ALVEEN A. MALLARI
Teacher III, Claro M. Recto Information and Communication Technology High School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1: EsP

20
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 7: Sa Pagtatala May Mapapala

Pangalan: _______________________________________Q3W7
Seksiyon: _______________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
May mga bagay tayong minimithi na nais nating makamtan. Ang mga bagay na ito ang
siyang nagbibigay ng motibasyon upang pagbutihin ang pag-aaral at mga gawain na
kailangang tapusin at gawin. Ikaw, napag-isipan mo na ba ang mga bagay na nais mong
makamit o gawin sa buhay?
Ang taong may motibasyon sa buhay alam ang kaniyang pangarap at handang
magisip ng iba’t-ibang hakbang upang makamit ito. Bilang isang taong mapagpunyagi at
masipag, ninanais natin na makamit ang mga bagay na ating hinahangad. Nagkakaroon tayo
ng motibasyon mula sa Panginoon, sa ating mga mahal sa buhay, at sa ating sarili. Hindi
nawawalan ng pag-asa ang taong mapagpunyagi. Walang taong uunlad sa iisang paraan
lamang. Lahat ng tao ay may iba’t-ibang paraan upang makamit ang kaniyang nais.
Ayon kay Carol Dweck, isang psychologist, mayroong dalawang klase ng pag-iisip -
ang fixed mindset at growth mindset. Kung nais natin
lumawak ang ating pang-unawa at makamtan ang ating nais, dapat nating palaguin ang ating growth mindset.
May anim na paraan upang maging maunlad ang ating buhay at magawa ang ating mga nais.
1. Paunlarin ang iyong Growth Mindset. Dapat maging positibo sa lahat ng bagay at tanggapin ang mga
pagkakamali sapagkat ito ang magdadala sa atin sa maayos na buhay at pagkamit sa ating mga nais.
2. Hasain ang iyong Emotional Intelligence. Kontrolin ang iyong emosyon sa mga bagay-bagay. Huwag
magpadalos-dalos sa paggawa ng desisyon at dapat salain ang mga bagay na ating sinasabi sa iba.
Matutong makinig sa mga opinyon ng iba at mga suhestiyon sa pagkamit sa iyong mga plano.
3. Linangin ang iyong pag-iisip. Laging isipin na ikaw ang siyang bumubuo ng iyong kapalaran kung
kaya’t dapat mong pagtibayin ang iyong mental na pag-iisip upang makamit ang iyong nais sa buhay.
Maging positibo sa lahat ng pagkakataon at bumuo
ng plano upang makamit ang iyong nais sa buhay.
4. Palakasin ang iyong Willpower. Kung nais mong makamit ang iyong mga hinahangad, dapat mong
palakasin ang iyong kagustuhan na makamit ito. Gumawa ng mga bagay upang hindi mawala ang iyong
kagustuhan na makamit ito tulad ng paggawa ng mga plano at pag-analisa sa mga bagay-bagay na
maari mong kaharapin sa pagkamit nito.
5. Magpokus sa iyong motibasyon. Ang iyong motibasyon ang siyang magbibigay ng lakas sayo upang
maisagawa ang iyong plano. Maaari mo rin na hamunin ang iyong sarili upang makita kung hanggang
saan ang kaya mo.
6. Makisalamuha sa mga taong positibo sa buhay. Sumama sa mga taong handa kang tulungan upang
makamit ang iyong mga nais sa buhay. Ang pagsama sa mga taong ganito ay may malaking
impluwensiya sa iyong pag-iisip sapagkat ito ay nakakaapekto sa iyong mental na pag-iisip.

Maraming pagkakataon na rin na ang pagtatala ng mga bagay na kailangang gawin o


paggawa ng dyornal o plano ng paggawa ay naging bahagi ng tagumpay ng isang gawain.
Narito ang ilang hakbang kung paano ito gawin:
1. Pagtatala ng mga layunin o mga bagay na gustong gawin.
2. Paggawa ng posibleng hakbang sa pagsasagawa nito.
3. Pagtatala ng mga posibleng hadlang na magiging hamon sa pagsasagawa ng gawain.
4. Pagtatala ng mga posibleng solusyon sa mga naitalang hadalang sa pagsasagawa ng gawain.
5. Paggawa ng checklist mula umpisa hanggang sa matapos ang gawain na isasagawa.
6. Pagtatala ng mga tanong na maaaring makatulong upang lalong maging maayos ang gawain.
7. Pagtatala ng mga posibleng gugulin sa gawaing isasagawa.
8. Pagtatala ng mga posibleng gagamit o makikinabang sa isasagawang gawain o produkto.
9. Pagtatala ng plano ng pagpapaunlad sa naisagawang produkto o gawain.
10. Pagtatala o paglalalakip ng dasal ng paggabay at pasasalamat para sa gawaing ipinagkaloob at
isasagawa.

21
Maliban sa pagiging mapagpunyagi at masipag makatutulong ng malaki ang paggawa ng dyornal para sa iyo
bago o kahit pagkatapos isagawa ang isang produkto o paggawa. Ito ang magsisilbing mapa, gabay at nagpapa-
alala sa kung ano ang dapat isagawa para maging matagumpay. Sa tulong ng mga ito, pagkakaroon ng pokus
at pagiging positibo sa lahat ng bagay ikaw ay magtatagumpay sa buhay.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan at
maymotibasyon sa paggawa. (EsP9KP-IIIe-12.2)

Tuklasin
Panuto: Balikan natin ang kuwento ni Nestor na iyong binasa at sinuri sa modyul 5 ng markahang
ito. Alin sa “Anim na paraan upang umunlad ang buhay” ang isinabuhay ni Nestor? Isulat ang iyong
sagot sa malinis na papel kasama ng iyong sagot sa gabay na tanong sa ibaba.

Buhay Kalye
Sa ilalim ng tulay lumaki si Nestor. Dama niya ang hirap ng buhay, sa bawat
araw na nagdadaan pinapangako niya sa sarili niya na malalampasan din nila
ito at ang pangarap na maalwang buhay ay mapapasakanila. Maaga siyang
bumabangon upang magtinda ng tinapay at maglako ng mga pahayagan bago
pumasok sa paaralan. Pagkagaling sa paaralan bago siya umuwi ay
pinapasyalan niya ang isang malaking bahay na may maraming sasakyan at
sinasabi sa sariling magkakaroon ako niyan. Ang kaniyang sipag, tiyaga at
determinasyong maabot ang pangarap ang nagtulak sa kaniya upang
makapagtapos ng pag-aaral at maging magaling na arkitekto. Ang bunga ng
kaniyang pangarap ay higit pa sa kaniyang inaasahan maliban sa malaking
bahay at maraming sasakyan, may sarili na rin siyang opisina at tindahan ng
construction supply.

Gabay na Tanong:
1. Paano nakatulong kay Nestor ang pagsasabuhay niya sa “anim na paraan upang umunlad ang buhay
para magtagumpay? Ipaliwanag.

Suriin
Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat kung ano ang kailangang gawin o dalhin
upang maisakatuparan ang layunin o gawaing kailangang isasagawa. Isulat ang iyong sagot sa malinis na
papel.
Sitwasyon 1
Si Belinda ay mamamalengke para sa buong linggong pagkain ng kanilang pamilya.
Sitwasyon 2
Si Patrick ay may huhukaying kayamanan na inihabilin sa kaniya ng kaniyang yumaong lolo.
Sitwasyon 3
Si Edythe ay nagsasagawa ng pananaliksik.

Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017 Alternative Delivery Mode
Unang Edisyon, 2020
https://www.verywellmind.com/how-to-be-successful-in-life-4165743

Inihanda ni:

JENNELLE CHRISTINE M. TAYAG


Teacher I, Don Ambrocio Mendiola Integrated School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1: EsP

22
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
SARILING LINANGANG MODYUL
Modyul 8: Kasipagan at Pagpupunyagi Susi sa Mithiin sa Buhay

Pangalan: _______________________________________Q3W8
Seksiyon: _______________________________________ Petsa: _____________

Isaisip
Panimula (Batayang Konsepto)
“Kapag may tiyaga, may nilaga” - isang kasabihan na hanggang ngayon ay patuloy pa rin na pinaniniwalaan ng
marami. Ang kasipagan ang siyang mag-aangat sa iyo upang makamit ang iyong mga mithiin sa buhay. Sa
nakaraang aralin, napag-aralan mo na mahalaga ang wastong paggamit ng oras at ang tamang paggugol nito.
Anu-ano nga ba ang indikasyon ng taong masipag, mapagpunyagi sa mga bagay-bagay, at matipid?
Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain na iniutos sa kaniya. Ito
ay bukal sa kaniyang puso na susundin at walang halong pagmamaktol o anumang salita
na taliwas sa kaniyang aksiyon. Ang taong masipag ay disiplinado. May kakayahan siyang
kontrolin ang kaniyang sarili sa lahat ng bagay. Alam kung ano ang dapat gawin, ang
bibigyang prioridad at kung ano ang isasa-alang-alang tungo sa katuparan ng kaniyang
mithiin upang maging matagumpay.
Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang buhay. Ito ay hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi
pati na rin sa ating mga minamahal sa buhay. Kung mas maganda o magiging sagana ang ating buhay mas
magkakaroon pa tayo ng higit na pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa ating kapuwa. Mahalaga sa tao
ang maging masipag upang siya ay mayroong maabot o marating na magandang bukas. Kung ikaw ay masipag
sa iyong pag-aaral ay makapagtatapos ka. At kung ang isang nilikha ng Diyos na tulad mo ay masipag na
gumawa ng kabutihan makakamit niya ang buhay na walang hanggan. Lagi nating tandaan na ang kasipagan
sa paggawa nang may kabutihan ang magpapaunlad sa ating bayan.
Kakambal ni kasipagan si pagpupunyagi. Ang taong mapagpunyagi sa kaniyang
mga ginagawa ay hindi sumusuko, kahit ano ang balakid sige lang tungo sa kaniyang mga
mithiin sa buhay. Siya ay matatag sa lahat ng pagkakataon na kahit ano man ang
problemang kaniyang kaharapin, siya ay patuloy na babangon at lalong tumatatag sa bawat
pagsubok na kaniyang kinakaharap. Ang kasipagan at pagpupunyagi ang susi sa mithiin sa
buhay.

Alamin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. napatutunayan na: (a.) Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon
sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapuwa, lipunan at bansa (b.)
Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng itinakdang
mithiin; at
2. nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain nang may
kasipagan at pagpupunyagi. (EsP9KP-IIIf-12.3 at EsP9KP-IIIf-12.4)

Tuklasin
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng check (✔) ang kolum na kumakatawan sa bawat
sitwasyon. Sa huling kolum, isulat kung bakit ito ang napili mong sagot. Sagutin ang gabay na tanong
pagkatapos. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papell.

Bakit ito ang


Mga Sitwasyon Masipag Mapagpunyagi iyong napili?
1. May iniutos ang inyong guro na dalhin ang mga
kahon sa silid-aklatan at ikaw ay nagboluntaryo.

23
2. Mababa ang iyong grado ngunit pinilit mong
maging positibo at pagbutihan pa ang iyong pag-
aaral.
3. Kulang sa tulog at malapit na ang pasahan ng
inyong proyekto, ikaw ay napagalitan pa ng
iyong magulang, ngunit patuloy kang
bumabangon at ipinagpapatuloy ang laban.

4. Pagbili ng mga kagamitang pang eskwela bago


ang mga bagong teknolohiya na pambida sa
barkada.
5. Pagtulong sa gawaing bahay kahit hindi inu-
utusan.

Gabay na Tanong:

Bakit kailangang maging masipag at maging mapagpunyagi sa buhay? Ipaliwanag.

Suriin
Panuto: Pansinin ang mga larawang sa ibaba. Tukuyin kung ano-anong katangian ang mayroon ang tao sa
larawan at sagutin ang gabay na tanong pagkatapos. Gawin ito sa malinis na papel.

1.___________________ 2. ___________________ 3. ___________________

Gabay na Tanong:
Alin sa mga katangian na ito ang taglay mo, paano mo ito ginagamit upang magawa ang gawaing ipinagkaloob
sa iyo? Ipaliwanag.

Sanggunian:
Most Essential Learning Competencies, Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 Learners Material, Department of Education, 2017 Alternative Delivery Mode
Unang Edisyon, 2020

Inihanda ni:

JENNELLE CHRISTINE M. TAYAG


Teacher I, Don Ambrocio Mendiola Integrated School

Isinumite kay:

EDGARDO S. NUNAG
EPSvr 1: EsP

24
SUSI SA PAGWAWASTO:

MODYUL 4: TUKLASIN

25

You might also like