You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9

Name: Section: Date:

A. TUKUYIN KUNG ANO ANG TAMANG SAGOT SA MGA TANONG. BILUGAN LAMANG ANG
IYONG NAPILING SAGOT.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?

a. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasya.
b. Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa iyong buhay.
c. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
d. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.
2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.
a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaring magkaroon ng problema kung ito ay babaguhin pa.
3. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan kung:
a. nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga.
b. nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
c. nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad.
d. kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kaniyang kapuwa.
4. Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
a. Misyon b. Bokasyon c. Propesyon d. Tamang Direksiyon
5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.
a. Bokasyon b. Misyon c. Tamang Direksiyon d. Propesyon
6. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?
a. Sarili, simbahan at lipunan c. Kapuwa, lipunan, at paaralan c
b. Paaralan, kapuwa at lipunan d. Sarili, kapuwa at lipunan
7. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay maliban sa:
a. Suriin ang iyong ugali at katangian c. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
b. Sukatin ang mga kakayahan d. Tipunin ang mga impormasyon
8. Sa paggawa ng Personal na Misyon sa buhay kinakailangan na ito gamitan mo ng SMART. Ano ang kahulugan nito?
a. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound
b. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
c. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
d. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
9. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao.
a. Upang siya ay hindi maligaw c. Upang matanaw niya ang hinahara
b. . Upang mayroon siyang gabay d. Upang magkaroon siya ng kasiyahan
10. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa. Ano ang maibibigay
nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
a. Kapayapaan b. Kaligtasan c. Kaligayahan d. Kabutihan
11. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan na maaaring maging susi sa pag-unlad ng
ekonomiya nito?
a. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong mapapasukan
b. Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipinong inaabuso sa ibang bansa
c. Ang kawalan ng sapat na impormasyon sa mga trabahong lokal o maging sa ibang bansa na angkop sa hilig, talento at
kakayahan na ayon sa kursong natapos
d. Ang mga batas na hindi naipapatupad upang makalikom ng buwis sa kita ng mga manggagawa
12. Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay ang isang tao bilang kabahagi sa
mundo ng paggawa maliban sa:
a. Ang kanyang hilig, talento at kakayahan
b. Ang benepisyong makukuha para sa sarili, pamilya at lipunan
c. Ang kursong kukunin na ayon sa kasanayan mayroon siya
d. Ayon sa demand na kailangan sa paggawa
13. Isinasabuhay ng pamahalaan ang kanyang tungkulin sa kanyang mamamayan sa pamamagitan ng .
a. paglikha ng maraming trabaho para sa kanyang mamamayan
b. paglulunsad ng mga programang pampagkatuto na magagamit ng kanyang mamamayan sa paggawa at mithiin ng lipunan
ang kabutihang panlahat
c. pagbibigay ng sapat na impormasyon sa mga batas na nilikha para pangalagaan ang kanyang karapatan
d. pagsasaayos sa sistema ng pamamahala upang mawakasan ang kurapsyon at maling pagsasabuhay ng tungkulin
14. Kung isasabuhay mo ang iyong mga pangarap, alin sa mga sumusunod ang maaaring makatulong sa iyo?
a. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinahagi ng magulang, guro, at kaibigan
b. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
c. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
d. Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig, at kakayahan
15. Ang pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, sining at palakasan, negosyo o hanapbuhay na angkop sa
sariling talento, kakayahan at hilig ay makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ang pangungusap ay:
a. Tama, ang maling pagpili ng kurso na ayon sa iyong sariling talento, kakayahan at hilig ay
nangangahulugang karagdagang problema sa isyu ng job mismatch
b. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay responsibilidad ng pamahalaan at hindi ng kanyang mamamayan
c. Tama, ang pagpili ng tamang kurso ayon sariling talento, kakayahan at hilig ay hakbang sa minimithing
trabaho at buhay sa hinaharap para sa sarili, pamilya, kapwa at bansa
d. Mali, ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa mga batas na gagawin at ipatutupad nang mga naihalal na
ng taong bayan

B. PANUTO: ISAAYOS ANG MGA SUMUSUNOD NA HAKBANG SA PAGPAPLANO NG KARERA O URI

NG BUHAY NA MINIMITHI. LAGYAN NG BILANG ANG PATLANG KUNG SAAN ANG 1 – ANG
UNANG HAKBANG NA DAPAT ISAGAWA AT 5 – NAMAN ANG HULI.
o Magsiyasat tungkol sa mga kursong akademiko, teknikal-bokasyunal, o negosyo na naayon sa iyong natuklasan
tungkol sa iyong pansariling salik sa pagpili ng kurso o negosyo. Magtala ng isa o limang maaring
pamilian
o Kilalanin ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso o negosyo.
o Pumili ng kursong sa iyong palagay ay pinakamabuti para sa iyo
o Tignan ang ginawang talaan ng mga pamimiliang kurso o negosyo at magkalap ng mga napapanahon at
angkop na impormasyon tungkol sa mga napiling kurso o negosyo
o Magtakda ng mga mithiin – short-term at long-term goal

C. PANUTO: TUKUYIN KUNG ANO ANG ANG HINIHINGI KADA TANONG.

1-3. ) Isa-isahin ang mga Academic Tracks.

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

4-6.) Magbigay ng Key Employments Generators

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

7-15..) Isaisahin ang mga talino na ginawa ni Dr. Howard Gardner

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

16-20.) Ano ba ang misyon natin sa buhay?

GOOD LUCK!

You might also like