You are on page 1of 7

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
ISPIRITWALIDAD AT PANANAMPALATAYA

Panimula (Susing Konsepto)

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit kailangang mahalin ang kapwa? Ang
pagmamahal na ito ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kanyang pagmamahal at
pananampalataya sa Diyos.
Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang iyong
pakiramdam. Masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam? Sa pagmamahal, binubuo ang
isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal. Mula sa pagmamahal ay
nagbabahagi ang isang tao ng kaniyang sarili sa iba. Naipapakita niya ang kanyang pagiging
kapuwa. Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa
Diyos dahil naibahagi niya ang kanyang buong pagkatao, talino, yaman at oras nang buong-
buo at walang pasubali. Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Paglalakbay na
kasama ang kapuwa at paglalakbay na kasama ang Diyos. Ang ispiritwalidad at
pananampalataya ay daan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. Ang pananampalataya
ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Naipahahayag ang pananampalataya ng tao kahit
ano pa man ang kanyang relihiyon – maging ito ay Kristiyanismo, Islam, Buddhismo o iba
pa.
Sa pananampalatayang Kristiyanismo itinuturing nito ang buhay na halimbawa ng
pag- asa, pag-ibig at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo. Ang Pananampalatayang Islam
naman ang mga Muslim ay laging buhay ang pananampalataya upang maisakatuparan ang
“Limang Haligi ng Islam”. Sa Pananampalatayang Buddhismo, ayon dito ang pagkamit ng
pinakamataas na kaligayahan ang nagbibigay kahulugan sa kanilang buhay. Binibigyan nila
ng halaga ang kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad. Pinapabuti rin nila ang
kanilang pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga material na bagay.
Sa tatlong relihiyon na nabanggit, iisa lamang ang makikita at ipinapahayag at ito ay
ang sinasabi sa Gintong aral (Golden Rule): “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin nila sa iyo”. Ibig sabihin: Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa, ginagawa mo sa
iyong sarili.
Upang higit kang matulungan kung paano mapalalim ang iyong ugnayan sa Diyos at
kapuwa. Tayo na! Sasamahan kita upang higit mong maunawaan ang mga ito.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos


EsP10PB-IIIa-9.1
2. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos
sa kongretong pangyayari sa buhay
EsP10PB-IIIa-9.2

1
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Panuto:

1. Isulat nang malinaw ang pangalan, baitang at petsa sa espasyong inilaan sa itaas.
Basahin at unawain na mabuti ang mga nakasulat na impormasyon na siyang
magiging gabay sa pagsagot sa mga sumusunod na gawain.

2. Ito na ang pagkakataon mong ipakita at ibahagi ang iyong nalalaman sa pagsagot sa
mga gawain. Kung kayo ay may mga katanungan tungkol sa mga gawain kayo ay
malayang tumawag o magtext ng maikling mensahe gamit ang inyong mga selpon o
di kaya ay magbigay ng mensahe sa aking facebook account.

Gawain 1: “GINAGAWA KO ITO ”

Panuto: 1. Sagutin ito nang may katapatan


2. Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat kolum at bigyan ng paliwanag
ang sagot sa huling hanay ng kolum.
3. Sagutin ng maliwanag at malinaw ang mga katanungan na nasa ibaba.

Palaging Paminsan- Hindi Paliwanag


ginagawa minsang ginagawa
ginagawa
1. Pagdarasal bago
kumain.
2. Pagdarasal bago
matulog at
pagkagising sa
umaga.
3. Pagbabasa ng
Bibliya/Pag-aaral
ng mga salita ng
Diyos.
4. Pagsisimba
5. Pagtulong sa kapwa
na
nangangailangan.

Sagutin ang mga Tanong:

1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili pagkatapos mong tapusin ang gawain?

2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit?

3. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag?

Binabati kita! Magaling! Maging handa sa susunod na gawain.

2
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Gawain 2: “Pananampalataya Ko ”
Panuto: Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang
ugnayan sa Diyos. Ang iyong gagawin ay hanapin sa Kolum B ang
tinutukoy sa Kolum A. Isulat ang napiling sagot sa espasyong ibinigay para
sa inyong mga kasagutan.

SAGOT KOLUM A KOLUM B


1. Ito ay ang paraan ng pakikipag- A. Panahon ng Pagninilay
ugnayan ng tao sa Diyos.
Pagkakataong nakapagbibigay ng
papuri, pasasalamat, paghingi ng
tawad, at paghiling sa Kaniya.
2. Ito ay ang tinatawag na panahon B. Panalangin
ng pananahimik. Nakatutulong ito
upang tayo ay makapag-isip at
maunawaan ang tunay na
mensahe ng Diyos sa ating buhay.
3. Ito ay napakahalaga at C. Pag-aaral ng mga Salita
nakatutulong sa tao upang lalo ng Diyos.
pang lumawak ang kaniyang
kaalaman sa mga salita ng Diyos.
4. Ito ay ang pagbabasa at pag-aaral D. Pagsisimba/Pagsasamba
ng Banal na Kasulatan upang
lubos nating makilala ang Diyos
at malaman ang kanyang mga
turo at aral.
5. Ito ay ang magandang ugnayan E. Pagbabasa ng mga aklat
ng tao sa kanyang kapwa tungkol sa
esperituwalidad
6. Pagpapalago at pagpapalalim ng F. Pagmamahal sa Kapwa
pananampalataya ng isang tao

Tanong:
Alin sa mga sumusunod na paraan ang iyong nagagawa upang mapalalim ang
iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

NAPAKAHUSAY! Pagbutihin at pag-ibayuhin pa ang pagsagot sa mga gawain.

Gawin 3: “LOVE ko ITO”


Panuto: Tayo ay may tinatawag na Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis. Ito ay
ang mga sumusunod: 1) Affection – ito ay ang pagmamahal sa magkakapatid, lalo na sa mga
magkakapamilya at sa mga taong naging malapit ang loob sa isa’t isa. 2) Philia – ito ay ang
pagmamahal ng magkaibigan. 3) Eros – pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao
at kung ano ang nakapagdudulot ng kasiyahan sa kanyang sarili. 4) Agape – Ito ang

3
Practice Personal Hygiene protocols at all times
pinakamataas na uri ng pagmamahal, pagmamahal na walang hinihintay na kapalit. Katulad
ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
Ngayon ay tatanungin kitang muli, Nagsusumikap ka bang magmahal para sa Diyos?
Sa diyagram na nasa ibaba, isulat ang mga paraan upang maipakita mo ang pagmamahal sa
Diyos at sa iyong kapwa.

Mga Paraan
upang
maipakita
ang
Pagmamaha
l sa Diyos at

Thumbs up! Ang galing-galing mo. Ipagpatuloy!

Activity 4: “PAGGANAP”

Panuto: Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagan ng espirituwalidad at pananampalataya sa


iyong buhay. Ito ang iyong magiging sandata sa oras ng problema at pagsubok. Ito rin ang
nagpapalalim ng iyong ugnayan sa Diyos. Sagutin ang sumusunod na gawain.

SITWASYON ANG AKING GAWIN

1. Mahal na mahal mo ang iyong mga


magulang. Isang araw, habang ikaw
ay nasa paaralan, nakatanggap ka ng
balita na naaksidente sila at nag-
aagaw buhay sa ospital. Hindi ka
nakalilimot sa Diyos araw-araw at
nagsisilbi ka sa inyong
simbahan/kapilya. Ngunit pareho
silang binawian ng buhay dahil sa
aksidente na

4
Practice Personal Hygiene protocols at all times
kanilang sinapit. Sisisihin mo ba ang
Diyos sa pangyayaring ito/ bakit?
2. Isang gabi, habang ikaw ay naglalakad
pauwi may nakita kang isang lalaking
nakahandusay sa kalsada. Siya ay
duguan at halos hindi na humihinga.
Paglapit mo sa kanya ay namukhaan
mong siya ang lalaking bumugbog sa
iyong ama na naging dahilan ng
pagka-ospital nito. Ano ang
iyong gagawin?

3. Kumatok ang iyong kapitbahay at


humihingi sa iyo ng tulong dahil
ang kanyang anak ay may
malubhang karamdaman. Noong
araw na iyon, sakto lamang ang
iyong pera para sa inyong gastusin
sa bahay. Ano ang iyong
gagawin?

Fantastic! Ikaw ay nakahanda na sa panghuling gawain!

Gawain 5: “MY PERSONAL DAILY LOG”

Panuto: Ngayon ay hinahamon ka kung paano mo sisimulan ang pagpapaunlad ng iyong


pananampalataya at espiritwalidad. Nawa’y maipakita mo ito sa pang-araw-araw na buhay.
1. Gumawa ng Personal Daily Log (Pansariling pang-araw-araw na Talahanayan) na
may kinalaman sa pagpapaunlad ng pananampalataya at espiritwalidad para sa
susunod na dalawang linggo.
2. Itala rito kung nagpapakita ng mabuting ugnayan sa Diyos at kapuwa.
3. Maglakip ng patunay sa iyong ginagawa.
4. Ipakita at ipabasa ito sa iyong mga magulang. Bigyan sila ng pagkakataon na
makapagbigay ng payo o komento sa iyong ginawa. Sabihin sa kanila na lagdaan
ito.

5
Practice Personal Hygiene protocols at all times
MY PERSONAL DAILY LOG

Mga Araw Ugnayan Sa Ugnayan Sa Mga Patunay Komento at


Diyos Kapuwa Lagda ng
Magulang

LINGGO

LUNES

MARTES

MIYERKULES

HUWEBES

BIYERNES

6
Practice Personal Hygiene protocols at all times
Repleksiyon:

Ang natutuhan ko sa araling ito ay

Rubric Para sa iyong Gawain:


Pamantayan Iskor
Pagkamalikhain -30%
(Message, Innovative Idea)
Kaugnayan sa Paksa- 35 %
(Concept and idea)
Komposisyon at Disenyo (25%)
( masterful explanation)
Pangkahalatang impact- 10 %
(Over- all appearance)

7
Practice Personal Hygiene protocols at all times

You might also like