You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TANZA NATIONAL COMPREHESINVE HIGH SCHOOL
Daang Amaya II, Tanza, Cavite

Edukasyon sa Pagpapakatao Department


S.Y. 2022 - 2023
PIVOT 4A LESSON EXEMPLARS USING THE IDEA
INSTRUCTIONAL PROCESS
LESSON Paaralan Tanza National Baitang 10
EXEMPLAR Comprehensive
HighSchool
Guro Maria Eloisa L. Montablan Asignatur Edukasyon sa Pagpapakatao
a

Petsa February 13-24, 2023 Markahan Ikatlong Markahan


Oras (See teacher’s schedule) Bilang ng Apat na Araw
Araw

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagmamahal ng Diyos.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang mapaunlad ang


Pagganap pagmamahal sa Diyos.

C. Pinakamahalagang Pagkatapos ng aralin ay inaasahan na:


Kasanayan sa Pagkatuto a. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos
(MELC) b. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa
Diyos sa kongretong pangyayari sa buhay
c. Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay
pagmamahal sa kapwa
d. Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang
pagmamahal sa Diyos

D. Pagpapaganang Act the heart; Hugot Salita; Kanta Suri


Kasanayan

E. Pagpapayamang
Kasanayan

II. NILALAMAN Pagmamahal sa Diyos

III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa  
Gabay ng Guro

b. Mga Pahina sa Learner’s Material (Learner’s Packet)


Kagamitang Pang- PIVOT 4A
mag-aaral
c. Mga Pahina pp.238-249
saTeksbuk

d. Karagdagang canva.com
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource

B. Listahan ng mga Laptop/ LED TV/projector


Kagamitang Panturo para
Self-learning module (PIVOT)
sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

Pedagogical Approaches (2C-2I-1R): _CONSTRUCTIVIST, COLLABORATIVE, & REFLECTIVE _

A. Panimula
(INTRODUCTION)  Panalangin
1. Alamin  Pagbati
- Pinakamahalagang  Pagbibigay paalala tungkol sa mga safety protocols at tuntunin na
Pamantayan sa Pagkatuto dapat sundin habang nagkaklase
(MELC)  Pagkakaroon ng ‘Pagsusuri ng Kalusugan’ o ‘Health Check’
-Mga Patakaran sa oras  Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin
ng klase (Class Rules)

INDICATOR______________
_

2. Suriin Gawain: Hugot Salita


-Maikling Pagtalakay Instruksyon: Ang kahon na hawak ng guro ay iikot sa buong klase habang
ang guro ay magpapatugtog ng musika tungkol sa pag-ibig. Kung sino man
INDICATOR______________ ang may hawak nito sa pagtigil ng musika ang syang huhugot ng papel at
_ babasahin ang salita. Magbibigay ng sariling interpretasyon ang mga mag-
aaral dito. Pagkatapos ay muling susuriin ang mga Hugot Salita at
ihahambing ito sa “Pagmamahal ng Diyos”.
Mga Hugot Salita:
1. Ang pag-big ko sa ‘yo ay parang pahinga. Bakit ko ititigil kung alam
kong hindi ko kaya?
2. Pag-ibig ‘yan! Hindi weight o height kaya dapat walang sukatan,
walang bilangan.
3. Mabuti pa ang pandikit malakas ang kapit! Samantalang ikaw,
kaunting pagkukulang lang ay bumitiw na sa noon ay hawak na
mahigpit.
4. Sana ang pagmamahal mo ay parang hugasin sa bahay, hindi
nauubos.
5. Ang hirap talaga kapag may kulang. Katulad ng bahay na walang
ilaw, pakbet na walang sitaw, magsasaka na walang kalabaw, at ako
kapag walang ikaw.

B. Pagpapaunlad Gawain: Personal na Pagtataya


(DEVELOPMENT) Panuto: Tayahin ang iyong gawain sa araw-araw. Itaas ang dalawang
1. Subukin kamay kung palaging ginagawa ang babanggitin ng guro, isang kamay kung
-Paunang Pagtataya paminsan-minsan lamang ito ginagawa, at i-form ng ekis ang kamay kung
(opsyonal) hindi ito ginagawa. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong.

INDICATOR______________ Pagdarasal bago at pagkatapos kumain


_ Pagdarasal bago matulog at pagkagising sa umaga
Pagbabasa ng bibliya/pag-aaral ng Salita ng Diyos
Pagsisimba/pagsamba
Pananahimik o personal na pagninilay

Gabay na tanong:
1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa
ang gawain?
2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong sagot? Bakit?
3. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

2. Tuklasin Panuto: Pakinggan ang awiting pinamagatang “Hiwaga” at mula rito ay


-Pagpapakilala sa Bagong tuklasin ang esensya ng “Pagmamahal sa Diyos”. Gawing gabay ang mga
Aralin – (kanta-suri, mahahalagang tanong sa ibaba upang maunawaan ang aralin.
larawan, o sitwasyon) (Mula rito ay mapangangatwiranan ng mag-aaral na: Ang pagmamahal sa
Diyos ay pagmamahal sa kapwa)
INDICATOR______________
_

Mga gabay na tanong:

3. Pagyamanin Gawain: 4 Kinds of Love


-Mga Gawain – (Malayang Panuto: Suriin ang iba’t ibang uri ng pag-ibig ayon kay C.S. Lewis
Pagsasanay 1-4)

INDICATOR______________
_

C. Pakikipagpalihan Pangkatang Gawain


(ENGAGEMENT) Instruksyon: Mula sa mga konkretong pangyayari sa inyong buhay,
1. Isagawa lumikha ng isang awitin na nagpapakita ng “Pagmamahal sa Diyos” at
-Pagsalin ng bagong ibahagi ito sa klase.
kaalaman sa reyalidad ng
buhay Kraytirya sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain:
 Nilalaman - 3 puntos
INDICATOR______________  Pag-awit - 3 puntos
_  Kabuuang Pagtatanghal - 3 puntos
 Kooperasyon - 3 puntos
 Takdang Oras - 3 puntos

2. Linangin
-Pagyamanin/Pagbibigay-
diin sa punto ng modyul

INDICATOR______________
_

3. Iangkop Gawain: Gumawa ng isang personal daily log na nagpapakita ng mga angkop na
-Karagdagan o Bagong kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Gawain

INDICATOR______________
_

D. Paglalapat Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong at piliin ang pinakaangkop na
(ASSIMILATION) sagot.
1. Isaisip 1. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na
malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
-Pagproseso ng Natutunan
a. espiritwalidad b. pananampalataya c. panalangin d. pag-ibig
mula sa aralin 2. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa
mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa
INDICATOR______________ sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
_ a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmmaahal ng Diyos
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos
3. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos
c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga salita
4. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban sa:
a. kumikilala at nagmamahal sa Diyos
b. naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos
c. Nagmamahal at tumutulong sa kapwa
d. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa
5. “Ang nagsasabing iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang
kapwa ay sinungaling.” Ang pahayag ay ______.
a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa
b. Mali, dahil maipapakita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng
pagdarasal at pagsimba
c. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipapakita sa mabuting ugnayan sa
Diyos
d. Tama, dahil maipapakita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung
minamahal din ang kapwa

2. Tayahin Gawain: Mula sa iyong natutunan sa aralin, buuin ang pahayag sa


-Gawain para matasa o ibaba.
masukat ang pagkatuto
Ang ___________________ ay hindi maaaring lumago kung hindi ________________
INDICATOR______________ para sa kapakanan ng kapuwa. Naipapahayag ng tao ang kaniyang
_ pananampalataya sa __________________ sa pamamagitan ng aktuwal na
_____________________ nito.

Ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos. Sikapin natin na
______________ ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal natin sa
______________ na Lumikha.

V. PAGNINILAY Paano mo mapalalago at mapalalalim ang iyong pagmamahal sa


(Nabatid at naunawaan sa Diyos at pakikipag-ugnayan sa kapuwa gamit ang iyong bagong
aralin) kaalaman at reyalisasyon na iyong natutuhan?

Teacher’s Reflection: (Sa bahaging ito, pagninilayan ng guro kung nakamit ba niya ang
layunin para sa nakatakdang araw, itatala ang mga gawaing hindi naipagawa, ang dahilan
kung bakit, at ang plano para sa gawaing hindi naipagawa)

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Maria Eloisa L. Montablan


Teacher I – EsP Department

Teacher’s Schedule:

You might also like