You are on page 1of 2

BANGHAY- ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

NI G. GAVIN REYES CUSTODIO

I-Mga Pamantayan sa Pagkatuto

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga isyung kaugnay


sa kawalan ng paggalang sa katotohanan.

Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ang mag-aaral ng mga hakbang upang maisabuhay ang
paggalang sa katotohanan.

Batayang Konsepto

Ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan ay daan upang
isulong at isabuhay ang pagiging mapanagutan at tapat na nilalang.

II- Mga Layunin sa Pagkatuto

Pangkaalaman

Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan

Pangkasanayan

Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan

III- Mga Plano ng Pagtuturo at Pagkatuto

A.) Paunang Pagtataya

1. Ipauunawa sa mga mag-aaral ang layunin sa pagbibigay ng Paunang Pagtataya – upang mataya
ang kanilang mga dating kaalaman lalo na sa nilalaman ng aralin na matatagpuan sa bahaging

2. Ipabasa ang Panuto: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto?

3. Pasasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa loob ng 10 hanggang 15 minuto.

4. Tatalakayin sa klase ang kasagutan ng mga mag-aaral

B.) Pagtuklas at Pagsisiyasat sa Dating Kaalaman

Gawain!

1. Ipagagawa ang unang Gawain sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman.

2. Ipapabasa sa mga mag-aaral ang Panuto at bigyan sila ng pagkakataon na magtanong batay sa
mga nais nilang linawin sa panuto.
3. Bibigyan nang sapat na panahon ang mga mag-aaral na maisagawa ang iniatas na unang
pangkatang gawain. Bigyan sila ng 10 - 15 minuto para rito.

B.) Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pang-unawa

1.Magkakaroon ng maikling ugnayan mula sa Pagtuklas ng Dating Kaalaman tungo


susunod na gawain.

2. Gagabayan ng guro ang klase sa pagpapangkat na may 6 na miyembro. Pagkatapos,


ipabasa sa isang mag-aaral ang Panuto at saka tanungin: Mayroon bang kailangang linawin sa
Panuto?

3. Babasahing muli ang mga gabay na tanong na kanilang magagamit sa pangkatang


gawain. Ipaunawa sa kanila na mahalagang masagot ang lahat ng mga tanong.

C.) Pagpapapalalim

Tatalakayin ng guro ang konsepto ng plagiarism sa klase.

D.) Pagsasabuhay ng Pagkatuto

Hahatiin ng guro sa 3 pangkat ang mga mag-aaral at magkakaroon ng isang talakayan kung
paano maiiwasan ang plagiarism sa kanilang pang-araw araw na buhay.

Inihanda ni :

GAVIN REYES CUSTODIO


Teacher I, EsP / AP G-8-G-10

Sinuri :

WINDY G. PIMENTEL
MT I, EsP

Pinagtibay:

DAISY B. BAUTISTA
HT VI, EsP

You might also like