You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region VI – Western Visayas


SCHOOLS DIVISION OF ILOILO
La Paz, Iloilo City

GRADE 7 – ESP – Ikalawang Markahan

Pangalan: _________________________________Baitang/Pangkat - ________ Iskor: _______

I. Pagnilayang mabuti ang bawat katanungan at mga sitwasyon. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang
papel.

1. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, magalaala at umunawa ng kahulugan ng mga
bagay.
a. katawan c. dignidad
b. isip d. kilos-loob
2. Sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita, ito ang karaniwang ginagamit sa
pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
a. katawan c. dignidad
b. isip d. kilos-loob
3. Natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos.
a. halaman c. hayop
b. tao d. kalikasan
4. Katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring
hantungan at ang paraan upang makamit ito.
a. dignidad c. kalayaan
b. kilos-loob d. konsensya
5. Ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino, ang ___________ay isang makatwirang pagkagusto sapagkat
ito ay pakultad na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
a. kalayaan c. dignidad
b. kilos-loob d. kilos ng tao
6. Galing sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”
a. kalayaan c. dignidad
b. kilos-loob d. kilos ng tao
7. Ang isa sa mga katangian ng Likas na Batas Moral, na ito ay walang hanggan, walang
katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente.
a. Obhetibo c.Unibersal
b. Di-Nagbabago d. Eternal
8. Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay tinatawag na
a. Konsensya c. dignidad
b. kilos-loob d. kalayaan
9. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao at nakararamdam ito ng lahat ng bagay
na nangyayari sa ating buhay.
a. puso c. kamay
b. Isip d.paa
10. Ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari
ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
a. Obhetibo c.Unibersal
b. Di-Nagbabago d. Eternal
11. Ang batas na namamahala sa tao na nakabatay sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong katotohanan, ang
Diyos. Pangkalahatang katotohanan ito na may makatuwirang pundasyon.
a. Obhetibo c.Unibersal
b. Di-Nagbabago d. Eternal
12. May tatlong uri ng nilikhang buhay sa mundo. Ito ay tao, hayop at _____________.
a. tubig b. hangin c. halaman d. apoy
13. Ang tao ay nilikha ayon sa “wangis na Diyos” kaya nga ang tao ay tinatawag na ________.
a. katulad ng Diyos c. karakter ng Diyos
b. makapangyarihan tulad ng Diyos d. obra maestro ng Diyos
14. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
a. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos
b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
15. Ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino, ang ___________ay isang makatwirang pagkagusto sapagkat ito
ay pakultad na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
a. kalayaan c. dignidad
b. kilos-loob d. kilos ng tao
16. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _________________.
a. Isip b. dignidad c. Kilos-loob d. Konsensya
17. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay :
a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigayna impormasyon ng isip
18. Anu-ano ang tatlong mahahalagang sangkap ng tao ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.?
a. kaluluwa, isip at damdamin c. isip, puso at katawan
b. materyal, kamalayan at konsensya d. pandamdam, materyal at kalooban
19. Ang salitang _____________ ay mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o mayroon at scientia, na ibig
sabihin ay “knowledge” o kaalaman.
a. isip c. ispiritwal
b. konsensya d. kilos-loob
20. . Alin dito ang higit na naglalarawan ng pagkatao?
a. kilos at gawi c. kasuotan at pagdadala ng damit
b. pinag-aralan at posisyon d. pinili at anyo ng katauhan
21. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
c. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya
ng disenteng buhay.
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa
kanyang sarili.
22. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit.
Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin dahil palaging
itong nanunumbat ng utang na loob. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
c. Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit
23. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang
kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang
ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya c. Maling konsensya
b. Purong konsensya d. Mabuting konsensya
24. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa
bumili ng orihinal na kopya, lumago ang negosyong ito at marami ang may trabaho. Ang sitwasyon na ito ay
nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa
ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas
nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.

25. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at
magpasya para sa kanyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang
pagpapasya sa hinaharap
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at
pagmamahal at hindi sa pamimilit.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang
kanyang anak patungo sa tamang landas.
d. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit
dito sila natututo ng mahalagang aral.
26. ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay
gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at
masama.
27. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at
kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong
magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin
matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at ispiritwal.
28. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.
29. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng
isang empleyado na tumatanda na
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan ng kanyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
30. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.
31. ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay
gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at
masama
32. Kailan maaring mawala ang dignifad ng tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang karapatang pantao
d. Wala sa nabanggit
33. Paano mapapanatili na mataas ang dignidad ng tao?
a. kumilis bilang kagalang-galang na indibidwal
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa
c. Palagiang iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala.
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi sa karangalan bilang tao.
34. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang ________________.
a. isip b. Dignidad c. Kilos-loob d. konsensya
35. Ito ay nagninigay hugis o direksyon sa kalayaan?
a. isip b. Konsensya c. batas moral d. dignidad
36. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
37. Alin sa mga sitwasyon ang may pagpapahalagang ang mga moral?
a. nagtitimpi sa galit sa salitang narinig
b. mababa ang loob sa pagtanggap ng kamalian
c. nakangiti kahit na masama ang loob
d. mahilig magregalo para mapuri
38 – 41 Basahin katangian ng tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi.
a. tapang c. tiwala sa sarili
b. talento at kakayahan d. Positibong pagtingin sa sarili
38. Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat
pagkakamali ay mayroon siyang matutuhan.
39. Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilng isang
mang-aawit.
40. Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan.
41. Hindi natatakot si Renato na harapin ang anomang hamon upang ipakita ang kanyang talento.
42 – 50 Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag.
a. Tungkulin sa Sarili
b. Tungkulin sa Bilang Mag-aaral
c. Tungkulin sa Pamayanan
d. Tungkulin Bulang Mananampalataya
42. Magkarron ng pagkukusang maglingkod sa kapwa.
43. Makabuluhang paggamit ng mga hilig.
44. Pagsasabuhay ng mga magandang balita na narinig sa simbahan.
45. Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip.
46. Maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao sa inyong lugar.
47. Pagpapaunlad at wastong paggamit ng talento at kakayahan.
48. Magkaron g masidhing pagnanais na matuto.
49. Ang panalangin ay paraan ng pakikipag-usap sa Diyos.
50. Makibahagi sa kampanya upang tulungan ang pamahalaan, paaralan at samahan sa kanilang proyekto.

Tandaan, Daig ng Matapat ang Matalino.


Goodluck and Godbless!!!

You might also like