You are on page 1of 4

ESP 7 3rd quarter

1. Ano ang bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos?

a. gawi b. pagpapahalaga c. pananaw d. birtud

_____2. Pinakapangunahing sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip ang ________.

a. karunungan b. pag-unawa c. agham d. kaalaman

_____3. Ang itinuturing na ina ng mga birtud ay _________.

a. pagtitimpi b. katatagan c. karunungan d. maingat na paghuhusga

_____4. . Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa pagpapahalaga.

a. Ito’y nangangahulugan ng pagiging matatag, malakas at pagiging makabuluhan.

b. Ito’y nagmula sa salitang Latin na valere.

c. Ito’y nagbabago depende sa tao, lugar at panahon.

d. Ito’y tumutukoy sa bagay na itinuturing na mahalaga

_____5. Ang mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ay nauuri bilang ___________na
halaga.

a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal

_____6. Ang pinakamataas sa lahat ng antas ng pagpapahalaga ay _________.

a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal

_____7. Ano ang halagang may kinalaman sa pagsisiguro sa kaayusan at mabuting kalagayan sa buhay?

a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal

_____8. Ang pag-iisip sa kapakanan ng kapwa ay pagpapahalagang

pambuhay b. pandamdam c. banal d. ispiritwal


_____9. Bakit tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga.

a. Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan

b. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran

c. Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan

d. Ang puso ng tao ay maituturing na mas mahalaga kaysa sa kakayahan ng isip.

_____10. Ano ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip kung mabuti o masama ang isang kilos?

a. konsensiya b. birtud c. kilos-loob d. puso

_____11. Kakambal ng kalayaan ng tao ang _________.

a. katarungan b. maingat na paghuhusga c. pananagutan d. katalinuhan

_____12. Sino ang makakatulong sa isang bata upang mas lalong mapalawak ang kanyang isip at
maunawaan ang

kanyang kakayahang makakalap ng karunungan para sa katotohanan at kabutihan?

a. kaibigan b. guro c. magulang d. pari

_____13. Ang pundasyon ng pagkatao ng isang indibidwal ay hinuhubog sa ______________.

a. pamilya b. paaralan c. simbahan d. pamayanan

_____14. Sino ang may malakas na impluwensiya sa isang bata sa huling yugto ng kanyang kamusmusan
at

maagang yugto ng kanyang kabataan?

a. magulang b. guro c. kapwa kabataan d. kapatid

_____15. Sino ang binigyan ng karapatan na itayo ang istruktura ng pag-uugali at pagpapahalaga ng
isang bata?

a. kaibigan b. magulang c. guro d. pari

II- PAG-UNAWA: Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung di-wasto.

__________16. Ang birtud ay taglay ng tao sa kanyang kapanganakan .

__________17. Pare-pareho ang paraan at antas ng pagpapahalaga ng bawat tao.

__________18. Masasabi lamang na tunay na matagumpay ang pagtututro ng mga pagpapahalaga ng


magulang at ng guro kung isinasabuhay ng paulit –ulit ang mga birtud.

__________19. Ang bawat tao ay nagtataglay ng mga pagpapahalaga na nalinang sa madaliang proseso.

__________20. Ang pagnais ng taong takasan ang konsekuwensiya ng kanyang kilos ay ang pagnanais

na takasan ang kalayaan.

__________21. Ang paghikayat sa anak na magkaroon ng disiplinang pansarili ay maaaring isa sa

pinakamahirap na gawain na maaaring isagawa ng magulang at guro.

__________22. Napakalakas ang kakayahang makabuo ng moral na paghuhusga kung nahubog ang

tamang konsensiya mula sa iyong paglaki bilang tinedyer.

__________23. Ang isang kilos na masama ay hindi maaaring ipagwalang-bahala.

__________24. Ang tao ay tapat sa paggawa ng tama, mag-aaalinlangan siya sa paggawa ng masama.

__________25. Kahit pa gaano kalakas ang impluwensiya sa iyo ng magulang o guro, maaari pa ring

mawala ang mga ito sa isang iglap dahil sa iyong nga kapwa kabataan.

III-PAGSUSURI: A. Panuto: Tukuyin kung anong birtud ang pinapakita ng bawat sitwasyon.

________26. Pagbibigay ng walang hinihintay na kapalit.

________27. Pagtulong sa mga gawaing bahay.

________28. Paghingi ng tawad.

B. Panuto: Piliin sa Hanay B ang letra ng birtud na inilalarawan ng mga pahayag mula sa Hanay A.

Isulat sa patlang ang tamang sagot.

HANAY A HANAY B

_____29. Binibigay kung ano ang nararapat sa kapwa a. katapatan

_____30. Pagiging mapanuri bago magpasya b. katatagan

_____31. Pagsasabi ng katotohanan c. katarungan


_____32. Pagkontrol sa emosyong nararamdaman d. maingat na paghuhusga

_____33. Hinaharap ang anumang pagsubok sa buhay e. katapangan

f. pagtitimpi

PAGBUO (39-50). Tulungan si Digong sa pagsasayos ng mga salik ng pagpapahalaga na nasa

kahon. Kumpletuhin ng tama ang kaniyang listahan.

Listahan ng mga Panloob at Panlabas na

Salik sa Paghubog ng Pagpapahalaga

panalangin cellphone pamilya pagbabasa ng bibliya pagtulong sa kapwa

konsensiya

media

mga kapwa kabataan

disiplinang pansarili

moral na integridad

pagsasabuhay ng mga birtud

guro at tagapagturo ng relihiyon

mapanagutang paggamit ng kalayaan

pamilya at paraan ng pag-aaruga sa anak

pamana ng kultura at impluwensiya ng kapaligiran o lipunan

pagiging sensitibo sa gawang masama

katayuang panlipunan-pangkabuhayan

You might also like