You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
POBLACION POLOMOLOK NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Pagalungan, Polomolok, South Cotabato

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 EFHJ


Pangalan: Pangkat/baitang:
Guro: Adonis M. Cabisada Petsa: Puntos:

I - KAALAMAN: Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ano ang bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos?
a. gawi b. pagpapahalaga c. pananaw d. birtud
_____2. Pinakapangunahing sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip ang ________.
a. karunungan b. pag-unawa c. agham d. kaalaman
_____3. Ang itinuturing na ina ng mga birtud ay _________.
a. pagtitimpi b. katatagan c. karunungan d. maingat na paghuhusga
_____4. . Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa pagpapahalaga.
a. Ito’y nangangahulugan ng pagiging matatag, malakas at pagiging makabuluhan.
b. Ito’y nagmula sa salitang Latin na valere.
c. Ito’y nagbabago depende sa tao, lugar at panahon.
d. Ito’y tumutukoy sa bagay na itinuturing na mahalaga
_____5. Ang mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ay nauuri bilang ___________na halaga.
a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal
_____6. Ang pinakamataas sa lahat ng antas ng pagpapahalaga ay _________.
a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal
_____7. Ano ang halagang may kinalaman sa pagsisiguro sa kaayusan at mabuting kalagayan sa buhay?
a. pambuhay b. pandamdam c. ispiritwal d. banal
_____8. Ang pag-iisip sa kapakanan ng kapwa ay pagpapahalagang __________.
a. pambuhay b. pandamdam c. banal d. ispiritwal

_____9. Bakit tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga.
a. Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan
b. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran
c. Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan
d. Ang puso ng tao ay maituturing na mas mahalaga kaysa sa kakayahan ng isip.
_____10. Ano ang praktikal na paghuhusgang moral ng isip kung mabuti o masama ang isang kilos?
a. konsensiya b. birtud c. kilos-loob d. puso
_____11. Kakambal ng kalayaan ng tao ang _________.
a. katarungan b. maingat na paghuhusga c. pananagutan d. katalinuhan
_____12. Sino ang makakatulong sa isang bata upang mas lalong mapalawak ang kanyang isip at maunawaan ang
kanyang kakayahang makakalap ng karunungan para sa katotohanan at kabutihan?
a. kaibigan b. guro c. magulang d. pari
_____13. Ang pundasyon ng pagkatao ng isang indibidwal ay hinuhubog sa ______________.
a. pamilya b. paaralan c. simbahan d. pamayanan
_____14. Sino ang may malakas na impluwensiya sa isang bata sa huling yugto ng kanyang kamusmusan at
maagang yugto ng kanyang kabataan?
a. magulang b. guro c. kapwa kabataan d. kapatid
_____15. Sino ang binigyan ng karapatan na itayo ang istruktura ng pag-uugali at pagpapahalaga ng isang bata?
a. kaibigan b. magulang c. guro d. pari

II- PAG-UNAWA: Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung di-wasto.

__________16. Ang birtud ay taglay ng tao sa kanyang kapanganakan .


__________17. Pare-pareho ang paraan at antas ng pagpapahalaga ng bawat tao.
__________18. Masasabi lamang na tunay na matagumpay ang pagtututro ng mga pagpapahalaga ng
magulang at ng guro kung isinasabuhay ng paulit –ulit ang mga birtud.
__________19. Ang bawat tao ay nagtataglay ng mga pagpapahalaga na nalinang sa madaliang proseso.
__________20. Ang pagnais ng taong takasan ang konsekuwensiya ng kanyang kilos ay ang pagnanais
na takasan ang kalayaan.
__________21. Ang paghikayat sa anak na magkaroon ng disiplinang pansarili ay maaaring isa sa
pinakamahirap na gawain na maaaring isagawa ng magulang at guro.
__________22. Napakalakas ang kakayahang makabuo ng moral na paghuhusga kung nahubog ang
tamang konsensiya mula sa iyong paglaki bilang tinedyer.
__________23. Ang isang kilos na masama ay hindi maaaring ipagwalang-bahala.
__________24. Ang tao ay tapat sa paggawa ng tama, mag-aaalinlangan siya sa paggawa ng masama.
__________25. Kahit pa gaano kalakas ang impluwensiya sa iyo ng magulang o guro, maaari pa ring
mawala ang mga ito sa isang iglap dahil sa iyong nga kapwa kabataan.

III-PAGSUSURI: A. Panuto: Tukuyin kung anong birtud ang pinapakita ng bawat sitwasyon.
________26. Pagbibigay ng walang hinihintay na kapalit.
________27. Pagtulong sa mga gawaing bahay.
________28. Paghingi ng tawad.

B. Panuto: Piliin sa Hanay B ang letra ng birtud na inilalarawan ng mga pahayag mula sa Hanay A.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.
HANAY A HANAY B
_____29. Binibigay kung ano ang nararapat sa a. katapatan
kapwa
_____30. Pagiging mapanuri bago magpasya b. katatagan
_____31. Pagsasabi ng katotohanan c. katarungan
_____32. Pagkontrol sa emosyong nararamdaman d. maingat na paghuhusga
_____33. Hinaharap ang anumang pagsubok sa e. katapangan
buhay
f. pagtitimpi

V- PAGTATAYA (34-38). Isulat sa graphic organizer ang mga angkop na pinapahalagahan mula sa kahon.

panalangin cellphone pamilya pagbabasa ng bibliya pagtulong sa kapwa

VI- PAGBUO (39-50). Tulungan si Digong sa pagsasayos ng mga salik ng pagpapahalaga na nasa
kahon. Kumpletuhin -ng tama ang kaniyang listahan.
 konsensiya moral na integridad pamilya at paraan ng pag-aaruga sa anak
 media pagsasabuhay ng mga birtud pamana ng kultura at impluwensiya ng kapaligiran o
 mga kapwa kabataan guro at tagapagturo ng relihiyon lipunan
 disiplinang pansarili mapanagutang paggamit ng kalayaan pagiging sensitibo sa gawang masama
katayuang panlipunan-pangkabuhayan
Listahan ng mga Panloob at Panlabas na
Salik sa Paghubog ng Pagpapahalaga

Inihanda ni: Binigyang pansin:

ADONIS M. CABISADA IAN CEASAR G. GREGORIO


Guro, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Master Teacher I

You might also like