You are on page 1of 5

TAMPAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Tampakan, South Cotabato


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-GRADE 8
Unang Markahang Pagsusulit

TP 2018-2019

I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian at bilugan
ang titik ng iyong sagot.

1. Ang paghahanda sa mga bata sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit ang tunay na tunguhin ng tao
ay tungkulin ng:
a. pamahalan b. simbahan c. paaralan d. pamilya
2. Ang institusyong ito ang nagtuturo sa tao ng katotohanan at aral ng Diyos.
a. paaralan b.pamayanan c. simbahan d. pagamutan
3. Kadalasang sanhi ng di pagkakaunawaqan sa pamilya ang
a. kawalan ng pera c. kapabayaan ng ina
b. kapabayaan ng ama d. kawalan ng komunikasyon
4. Ang itinuturing na pangalawang tahanan.
a. simbahan b. tahanan c. barangay d. paaralan
5. Blood is thicker than water. Ang kasabihang ito ay nangangahulugan na
a. Mas malapot ang dugo sa tubig
b. Kapag puso ang pumili, mas higit ang kasintahan
c. Mas matimbang ang kamag-anak kaysa sa ibang tao
d. Kampihan ang kaibigan kaysa kapamilya
6. Ang pagpasok sa kwarto ng magulang o kapatid nang hindi kumakatok ay pagpapakita ng:
a. Pagmamahal b. kawalan ng paggalang c. disiplina d. malasakit
7. Kapag pinapayuhan ako ng aking magulang, ako ay __________________.
a. nakikinig at tumatalima c. nagbibingi-bingihan
b. hindi kumikibo d.nagagalit
8. Sa ating kultura, pinapahalagahan ang pagsagot ng “po” at “opo” bilang tanda ng:
a. pagsangguni b. tagumpay c.pagguho d. paggalang
9. Ang sinasabing nagbibigay ng ligaya sa mga magulang ay ang _______.
a. anak b. pera c. kotse d. bahay
10. Ang pamilyang binuklod ng isang pananampalataya ay:
a. buo at matatag c.magkakapareho ang paraan ng pagsamba
b. palaging alam ang tama at mali d. hindi magkakaroon ng alitan kailanman
11. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
b. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam
kung anu-ano ang karapatan at tungkulin nito.
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.
12. Madalas nakakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa.
Kapwa ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa. Ang sitwasyon ay halimbawa ng:
a. diyalogo c. mabuting komunikasyon
b. monologo d. epektibong pakikipag-usap
13. Ang sumusunod ay makakatulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya, maliban sa:
a. pagtitiwala c.pagkakaroon ng ganap na kalayaan
b. pagtataglay ng karunungan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
14. Kailangan ni Daniel na maibenta ang kaniyang lumang kotse dahil nais niyang makabili ng bago. Nagtungo siya
sa kanyang kumpare upang kumbinsihin itong bilhin ang kaniyang lumang kotse. Nakumbinsi naman niya ito
dahil siya’y nagkasundo sa halaga nito. Ano ang ugnayang umiral sa sitwasyon?
a. diyalogo b. I – thou c. monologo d. I – it

15. Gandang-ganda si Juan kay Mila. Matagal niya na itong crush. Hindi siya magkalakas ng loob na lapitan ito at
kausapin. Nang minsang magkita sila at nagkausap, masayang masaya si Juan. Ano ang ugnayang umiral sa
sitwasyon?
a. Monologo b. I – thou c. komunikasyon d. I – it
16. Nagkaroon ng pagpupulong ang SSG sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito, ay mahusay magsalita.
Palagi itong kampeon sa pagtatalumpati sa kanilang paaralan. Nais ni Joan na imungkahi sa samahan ang
isang proyekto ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat ng proyekto. Ito
ay isang halimbawa ng:
a. diyalogo c. mabuting komunikasyon
b. epektibong pakikipag-usap d. monologo
17. Ang pamilyang binubuo ng ama, ina, anak, kapatid at lola ay tinatawag na ________.
a. nukleyar b. ugat pamilya c. extended d. buo
18. Samahan sa bawat paaralan na kinabibilangan ng mga guro at mga magulang na naglalayon ng sama-samang
pagtutulungan at paggawa para sa kapakanan ng mag-aaral at pamilyang kanilang kinabibilangan.
a. DSWD b. LGU c. NGO d. PTA
19. Ang mga sumusunod ay katangian ng kasal maliban sa isa.
a. iisa b. permanente c. kusang loob d. engrande
20. Ang mga sumusunod ay mga bagay na nagbibigkis sa ugnayan ng pamilya, maliban sa:
a. ugnayan sa kaibigan c. ugnayan ng mag-asawa
b. ugnayan ng magulang at anak d. ugnayan ng magkakapatid
21. Ang mga sumusunod ay dapat maramdaman o matutunan ng isang tao sa loob ng pamilya maliban sa isa.
a. pagbibgay b. pagtanggap c. paggalang d. pagiging makaako
22. Katuwang ng Diyos sa gawain Niyang paglalang/paglikha.
a. anghel b.pamilya c. pinuno d. pamahalaan
23. Ang itinutuirng na Haligi ng tahanan ay ang ______.
a. ina b. ama c. ate d. kuya
24. Ang mga sumusunod ay institusyon sa pamayanan, maliban sa:
a. kapitbahay b. pamilya c. paaralan d. simbahan
25. Ang sinasabing ilaw ng tahanan ay ang _____.
a. Ina b. ama c. ate d. kuya
26. Sentro ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na lumilinang sa iba’t ibang aspeto ng paglaki
ng isang bata.
a. simbahan b. paaralan c. pamahalaan d. pamilya
27. Ang mga sumusunod na paraan ay nagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya, maliban sa:
a. pagiging mahinahon c. matapat na pagpuna
b. pagsasawalang kibo d. pagpuri
28. Charity begins at home. Ito ay nangangahulugan na
a. Si Charity ay nabuo sa kanilang tahanan. c. Sa tahanan nagsisimula ang pagtulong.
b. Sa pamilya nanggaling ang unawaan. d. Kung ano ang ipinapakita sa bahay, yun din ang ipinapakita
sa ibang tao.
29. Ang bawat karapatan ng tao ay may katumbas na
a. Kalayaan b. kahalagahan c. kabayaran d. pananagutan
30. Ang anak ay regalong buhat sa langit. Nangangahulugan ito na
a. Palakihin ang anak sa ginhawa
b. Huwag pagalitan ang mga anak
c. Ingatan ang buhay at kinabukasan ng anak
d. Parating lagyan ng ribbon ang anak
31. Ito ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at pinahahalagahan,
kabilang ditto ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa o maging ang
katahimikan.
a. diyalogo b. komunikasyon c. mensahe d. monologo
32. Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon dahil pinag-iisa nito ang puso at isip ng dalawang tao.
a. Paggalang b. Pagtutulungan c. Pagmamahal d. Pagbibigayan
33. Ang karaptan para sa ___________ ng mga bata ay orihinal at pangunahinh karaptan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan
34. Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng:
a. Pagbibigay ng mga material na pangangailangan ng mga anak.
b. Pagpapaaral sa pribadong paaralan.
c. Malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin.
d. Pagbibigay sa mga anak kung ano ang kanilang nais.
35. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
a. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa
kanilang mga anak.
b. Sina Edith at Jojo na pinag-aarak ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang
magandang buhay para sa kanilang hinaharap.
c. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang
mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang ginagalawan lalo na sa
hinaharap.
d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan
ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa
kanilang pamilya.

36. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang magulang?
a. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karaptan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng karaptan ng
magulang na sila ay turuan.
b. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
c. Dahil sila ang magsasanay sag a bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
d. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawiang tutularan ng mga bata.

37. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
a. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
b. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya
c. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghiram
d. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang
mayroon siya.

38. Ang pagkakaroon ng kakayahan ng anak sa mabuting pagpapasiya ay bunga ng:


a. kagalingan ng bata
b. karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang
c. husay sa pakikipagtalastasan
d. pagiging sunud-sunuran ng bata sa magulang

39. Biblia ang tawag ng mga Kristiyano sa Banal na Aklat, Qu’ran naman ito sa mga:
a. Amerikano b. Muslim c. Negro d. Palawenyo

40. Mahalaga ang pakikibahagi ng tao sa gawaing panrelihiyon. Ito ay ayon sa aklat na “7 Habits of Highly Effective
Families” ni:
a. Confucius b. Stephen Covey c. F. Marcos d. Dr. Dy

41. Ang bunga ng maling pagpili ay:


a. pagkasuklam b. pagkainis c. pagsisisi d. pag-aalala

42. Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya kung:
a. mararanasan sa pang-araw-araw na buhay c. mapapakinggan araw-araw
b. maibahagi sa iba d. ipaparanas sa mga kapitbahay
43. Ang hindi pagkibo ni Ana sa kaibigang si Tess ay sa kadahilanang di niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol
sa kaniyang ginawang project sa klase.
a. Pagkainis o ilag sa kausap
b. Mali o magkaibang pananaw
c. Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin
d. Pagiging umid o walang kibo
44. Ayaw ni Mark na masaktan ang kaibigang si Jennelyn kaya mas pinili na lamang niya na huwag sabihin ang
narinig na pag-uusap ng ilan sa kanilang mga kamag-aral tungkol sa kaniyang pag-uugali.
a. Pagkainis o ilag sa kausap
b. Mali o magkaibang pananaw
c. Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin
d. Pagiging umid o walang kibo
45. Madalas na magkaroon ng alitan ang magkapatid na Alden at Maine, hindi nila pinakikinggan ang saloobin ng
bawat isa dahil sa magkasalungat nilang paniniwala.
a. Pagkainis o ilag sa kausap
b. Mali o magkaibang pananaw
c. Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin
d. Pagiging umid o walang kibo

46. Sa pagiging abala ng mag-asawang Manny at Jane ay di na nila nabibigyang pansin ang kanilang anak na si
Jullian kung kaya lumaki itong malayo ang loob at tahimik.
a. Pagkainis o ilag sa kausap
b. Mali o magkaibang pananaw
c. Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin o didibdibin
d. Pagiging umid o walang kibo
47. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang:
a. Karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa pang-araw-araw.
b. Pagpapalaki ng pamilya upang umunlad ang lipunan.
c. Pagpapaunlad sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapaaral sa kanila
d. Pakikipagkaisa sa lahat ng mga proyekto ng pamahalaan
48. Ang ibinubunga ng labis na makapamilya ay:
a. Pagkakawatak-watak at pagkakaniya-kaniya
b. Nagiging sanhi ng political dynasty
c. Paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa kapakanan ng pamilya
d. Lahat ng nabanggit
49. Ang isa sa dahilan kung bakit likas na institusyon ang pamilya
a. Pinakamaliit ngunit mahalagang bahagi ng lipunan.
b. Mas misyon ito sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya, at paghubog ng
pananampalataya.
c. Binubuo ito ng mga magulang at mga anak.
d. Tumutulong ito sa pagpapaunlad ng lipunan.

50. Sa pagbabago ng panahon, ano ang mananatiling pakahulugan ng pamilya?


a. Ang pamilya ay likas na institusyon.
b. Ang pamilya ang nagtuturo ng pakikipagkapwa.
c. Ang pamilya ay paaralan ng pagmamahal
d. Ang pamilya ay nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV – A CALABARZON
Division of Rizal
PILILLA NATIONAL HIGH SCHOOL
Pililla, Rizal
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8

TALAHAYAN NG ISPESIPIKASYON
KASANAYAN Kinala
Bilang ng
LAYUNIN lagyan ng
Aytem Pag- Paglalap
Pagsusuri
unawa at Aytem

1. Nakikilala:
 Ang pamilya bilang likas na
institusyon.
 ang mga Gawain o karanasan
sa sariling pamilya na
kapupulutan ng aral at
positibong impluwensiya sa
sarili.
 Ang mga angkop na kilos
tungo sa pagpapaunlad ng
pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling
pamilya.

2. Nakapagsusuri ng:
 Mga banta sa pamilyang
Pilipino sa pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa
sariling pasya at paghubog ng
pananampalataya.
 ang mga gawi o karanasan sa
sariling pamilya na
nagpapakita ng pagbibigay
ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasiya at paghubog ng
pananampalataya

3. Nakikilala:
 ang kahalagahan ng
komunikasyon sa
pagpapatatag ng pamilya
 at nabibigayang puna ang uri
ng komunikasyon na umiiral
sa isang pamilyang
nakasama , namasid o
napanood.
4. Natutukoy:
 ang papel na panlipunan at
pampolitikal ng pamilya.
 Nasusuri ang mga
halimbawa ng pamilyang
ginagampanan ang papel na
panlipunan at politikal nito
50 50

Inihanda ni:

GNG. ROSEMARIE DS. AQUINO


Guro EsP Grade 8

Binigyang Pansin: Pinagtibay:

GNG. ANNABEL P. BANDOLA Ed. D GNG. EDITH SA. DELO SANTOS Ed. D.
PUNO NG KAGAWARAN Principal II

You might also like