Professional Documents
Culture Documents
Region X
Division of Misamis Oriental
District of Alubjid-West
Sungay Integrated School
Sungay, Alubijid, Misamis Oriental
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-GRADE 8
Unang Markahang Pagsusulit
Pangalan: Petsa
Grado/Pangkat Iskor
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian at bilugan ang
titik ng iyong sagot.
1. Ang paghahanda sa mga bata sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit ang tunay na tunguhin ng tao
ay tungkulin ng:
a. pamahalan b. simbahan c. paaralan d. pamilya
2. Ang institusyong ito ang nagtuturo sa tao ng katotohanan at aral ng Diyos.
a. paaralan b.pamayanan c. simbahan d. pagamutan
3. Kadalasang sanhi ng di pagkakaunawaqan sa pamilya ang
a. kawalan ng pera c. kapabayaan ng ina
b. kapabayaan ng ama d. kawalan ng komunikasyon
4. Ang itinuturing na pangalawang tahanan.
a. simbahan b. tahanan c. barangay d. paaralan
5. Blood is thicker than water. Ang kasabihang ito ay nangangahulugan na
a. Mas malapot ang dugo sa tubig
b. Kapag puso ang pumili, mas higit ang kasintahan
c. Mas matimbang ang kamag-anak kaysa sa ibang tao
d. Kampihan ang kaibigan kaysa kapamilya
6. Ang pagpasok sa kwarto ng magulang o kapatid nang hindi kumakatok ay pagpapakita ng:
a. Pagmamahal b. kawalan ng paggalang c. disiplina d. malasakit
7. Kapag pinapayuhan ako ng aking magulang, ako ay __________________.
a. nakikinig at tumatalima c. nagbibingi-bingihan
b. hindi kumikibo d.nagagalit
8. Sa ating kultura, pinapahalagahan ang pagsagot ng “po” at “opo” bilang tanda ng:
a. pagsangguni b. tagumpay c.pagguho d. paggalang
9. Ang sinasabing nagbibigay ng ligaya sa mga magulang ay ang _______.
a. anak b. pera c. kotse d. bahay
10. Ang pamilyang binuklod ng isang pananampalataya ay:
a. buo at matatag c.magkakapareho ang paraan ng pagsamba
b. palaging alam ang tama at mali d. hindi magkakaroon ng alitan kailanman
11. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.
b. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya kung hindi nito alam
kung anu-ano ang karapatan at tungkulin nito.
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya
d. Maraming pamilya na karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan ang tungkulin.
12. Madalas nakakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa.
Kapwa ayaw magpatalo sa argumento ang dalawa. Ang sitwasyon ay halimbawa ng:
a. diyalogo c. mabuting komunikasyon
b. monologo d. epektibong pakikipag-usap
13. Ang sumusunod ay makakatulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya, maliban sa:
a. pagtitiwala c.pagkakaroon ng ganap na kalayaan
b. pagtataglay ng karunungan d. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
14. Kailangan ni Daniel na maibenta ang kaniyang lumang kotse dahil nais niyang makabili ng bago. Nagtungo
siya sa kanyang kumpare upang kumbinsihin itong bilhin ang kaniyang lumang kotse. Nakumbinsi naman niya
ito dahil siya’y nagkasundo sa halaga nito. Ano ang ugnayang umiral sa sitwasyon?
a. diyalogo b. I – thou c. monologo d. I – it
15. Gandang-ganda si Juan kay Mila. Matagal niya na itong crush. Hindi siya magkalakas ng loob na lapitan ito at
kausapin. Nang minsang magkita sila at nagkausap, masayang masaya si Juan. Ano ang ugnayang umiral sa
sitwasyon?
a. Monologo b. I – thou c. komunikasyon d. I – it
16. Nagkaroon ng pagpupulong ang SSG sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito, ay mahusay
magsalita. Palagi itong kampeon sa pagtatalumpati sa kanilang paaralan. Nais ni Joan na imungkahi sa
samahan ang isang proyekto ngunit hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat ng
proyekto. Ito ay isang halimbawa ng:
a. diyalogo c. mabuting komunikasyon
b. epektibong pakikipag-usap d. monologo
17. Ang pamilyang binubuo ng ama, ina, anak, kapatid at lola ay tinatawag na ________.
a. nukleyar b. ugat pamilya c. extended d. buo
18. Samahan sa bawat paaralan na kinabibilangan ng mga guro at mga magulang na naglalayon ng sama-
samang pagtutulungan at paggawa para sa kapakanan ng mag-aaral at pamilyang kanilang kinabibilangan.
a. DSWD b. LGU c. NGO d. PTA
19. Ang mga sumusunod ay katangian ng kasal maliban sa isa.
a. iisa b. permanente c. kusang loob d. engrande
20. Ang mga sumusunod ay mga bagay na nagbibigkis sa ugnayan ng pamilya, maliban sa:
a. ugnayan sa kaibigan c. ugnayan ng mag-asawa
b. ugnayan ng magulang at anak d. ugnayan ng magkakapatid
21. Ang mga sumusunod ay dapat maramdaman o matutunan ng isang tao sa loob ng pamilya maliban sa isa.
a. pagbibgay b. pagtanggap c. paggalang d. pagiging makaako
22. Katuwang ng Diyos sa gawain Niyang paglalang/paglikha.
a. anghel b.pamilya c. pinuno d. pamahalaan
23. Ang itinutuirng na Haligi ng tahanan ay ang ______.
a. ina b. ama c. ate d. kuya
24. Ang mga sumusunod ay institusyon sa pamayanan, maliban sa:
a. kapitbahay b. pamilya c. paaralan d. simbahan
25. Ang sinasabing ilaw ng tahanan ay ang _____.
a. Ina b. ama c. ate d. kuya
26. Sentro ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na lumilinang sa iba’t ibang aspeto ng paglaki
ng isang bata.
a. simbahan b. paaralan c. pamahalaan d. pamilya
27. Ang mga sumusunod na paraan ay nagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya, maliban sa:
a. pagiging mahinahon c. matapat na pagpuna
b. pagsasawalang kibo d. pagpuri
28. Charity begins at home. Ito ay nangangahulugan na
a. Si Charity ay nabuo sa kanilang tahanan. c. Sa tahanan nagsisimula ang pagtulong.
b. Sa pamilya nanggaling ang unawaan. d. Kung ano ang ipinapakita sa bahay, yun din ang
ipinapakita sa ibang tao.
29. Ang bawat karapatan ng tao ay may katumbas na
a. Kalayaan b. kahalagahan c. kabayaran d. pananagutan
30. Ang anak ay regalong buhat sa langit. Nangangahulugan ito na
a. Palakihin ang anak sa ginhawa
b. Huwag pagalitan ang mga anak
c. Ingatan ang buhay at kinabukasan ng anak
d. Parating lagyan ng ribbon ang anak
31. Ito ay anumang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniisip at
pinahahalagahan, kabilang ditto ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa o
maging ang katahimikan.
a. diyalogo b. komunikasyon c. mensahe d. monologo
32. Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon dahil pinag-iisa nito ang puso at isip ng dalawang tao.
a. Paggalang b. Pagtutulungan c. Pagmamahal d. Pagbibigayan
33. Ang karaptan para sa ___________ ng mga bata ay orihinal at pangunahinh karaptan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan