You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

FILIPINO – Baitang 8
Kwarter 2
Modyul 1

PANGUNAHIN AT PANTULONG
NA KAISIPAN

Kasanayan sa Pagkatuto

Napipili ang mga pangunahin at pantulong na


kaisipang nakasaad sa binasa.
F8PB-IIa-b-24

Address: D. Macapagal Highway, Poblacion, Toledo City


Tel. No.: (032) 322-7770; Fax. No.: (032) 467-8629
Email Address: toledo.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Panimulang Mensahe

Ang Self Learning Kit na ito ay sadyang inihanda para sa iyo. Ito ang magsisilbing gabay
mo sa pag-aaral ng asignaturang Filipino sa Grade 8 sa Ikalawang Kwarter. Ang mga Gawain
dito ay sadyang pinili at isinaayos upang makatutulong sa paglinang ng iyong kasanayan.
Inaasahan na magiging aktibo ka sa pagsagot sa mga Gawain dito.

• Paano mo gagamitin ang modyul na ito?

Una sa lahat, ingatan mo ang modyul at huwag mo itong susulatan. Huwag mo ring
pipilasin ang alinmang pahina dito. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel (answer
sheet) sa pagsagot sa mga gawain o pagsusulit.

1. Sagutin mo muna ang Subukin. Ito ay ang panimulang pagtataya upang masukat at
matiyak ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin.

2. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto upang malamaman
kung tama of mali ang iyong mga kasagutan.

3. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung mababa ang
markang makukuha mo. May mga inihanda akong mga gawain at iba pang
pagsasanay na tiyak kong makatutulong sa paglinang ng iyong mga kasanayan.

4. Sagutin mo agad ang Pagtataya (Pangwakas na Pagsusulit) upang matiyak kung


natutunan mo ang buong aralin. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto.

5. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing
inihanda ko katulad ng pagsisikap ko na ikaw ay matulungang matuto.

• Patnubay para sa Guro o Tagapagdaloy

Una sa lahat, katuwang kayo ng mag-aaral sa kanyang paggamit nitong modyul upang
siya ay matututo. Huwag ninyo siyang pababayaan.

1. Subaybayan ninyo ang mag-aaral kung nasasagot nga ba niya ang bawat bahagi sa
modyul.
2. Iwasto kaagad ang mga pagsusulit o pagsasanay na nakatalaga sa bawat bahagi ng
modyul upang malaman kung ang kanyang mga sagot ay tama o mali. Gamitin ang
Susi sa Pagwawasto.
3. Tutungo lamang ang mag-aaral sa kasunod na modyul kung nakakuha siya ng
markang 90% sa Pagtataya. Ito ang panukat ng kanyang pagkatuto at kahandaan
para sa susunod na lebel. Sakali mang hindi siya makakuha ng markang 90 %, may
mga karagdagang Gawaing dapat niyang sagutin at ipasa bago makatutungo sa
susunod na lebel.
4. Bigyang-halaga n`yo sana ang modyul na ito kagaya nang pagpapahalaga ninyo sa
inyong mga bata/mag-aaral.

1
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Panimula

Kumusta ka na? Binabati kita. Marahil ay marami ka nang natutunang mga kasanayan
sa mga modyul na pinag-aralan mo sa Unang Kwarter. Ngayon dadako naman tayo sa
Ikalawang Kwarter at ang iyong mga natutunan ay dadagdagan pa natin.
Sa modyul na ito ay matutunghayan mo at madadagdagan pa ang kaalaman mo
kaugnay sa pangunahin at pantulong na kaisipan batay sa akdang babasahin. Malilinang ang
iyong kakayahan sa pagkilala sa pangunahin at pantulong na kaisipan.

Alamin
Matapos mong pag -aralan ang modyul na ito ay inaasahang matatamo mo ang
mga sumusunod na kasanayan:
1. Natutukoy ang kaisipang nakasaad sa binasa.
2. Naisusulat ang pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa tula
3. Nabibigyang-halaga ang saloobin ng nagsasalita sa pamamagitan ng
mga
saknong ng tula
4. Naipakikita ang pagpapahalaga sa tula sa pamamagitan ng pagtatala.

Subukin

Ang kasunod na Gawain ay magsasabi kung kailangan mong sagutin ang


modyul na ito o kung maaari ka nang lumaktaw nito at tumungo sa kasunod na modyul.
Kapag nasagot mo nang wasto ang lahat ng mga tanong sa bahaging ito ay
maari ka nang lumaktaw at tumuloy sa kasunod na modyul. Ang ibig sabihin ay natamo
mo na ang mga target na kasanayang nililinang dito. Subalit, kapag may namali ka nang
sagot, kahit isa lang, ay kinakailangan mo pa ring sagutin ang buong modyul na ito.
Handa ka na ba?

A. Panuto: Isulat ang Totoo kung ang pahayag ay totoo at Di-totoo naman kung hindi totoo.

______1. Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa.


______2. Kilala ang Pilipinas sa kahusayan sa larangan ng agrikultura.
______3. Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay nangangailangan ng tone-toneladang bigas upang
matugunan ang pangangailangan ng bansa.
______4. Hindi natatakot ang magsasaka sa init at lamig.
______5. Sa mga siyudad ay mamamalas ang malalawak na bukirin.
______6. Nasa puso ng magsasaka ang pagtulong ubang mabawasan ang pagkakagutom.
______7. Hangad ng magsasaka na maliit lamang ang aanihin.
______8. Hindi masaya ang magsasaka sa ibinahaging aanihin
______9. Tiyak na magdaranas ng pagdarahop sa pagkain ang balana kung ang ani ng mga
sakahan ay sagana.
_____10. Bihira na ang gumagamit ngayon ng araro sa paglinang ng bukid.

Iwasto ang iyong papel. Tama ba ang sagot mo sa lahat ng tanong?

2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Kung tama lahat ang iyong mga sagot, maaari mo nang laktawan ang modyul na ito at
tumuloy sa susunod na modyul. Kung hindi naman ay huwag kang mag-alala. Pag-aralan mo
nang buong ingat ang modyul na ito at natitiyak ko na sa pangwakas na pasulit ay
makakapasa ka na. Masaya ka na ba ngayon?

Balikan
Upang maihanda ka sa paksang tatalakayin, balikan muna ang mga napag-aralan sa
nagdaang modyul. Sagutin ang mga tanong na ito:

1. Bakit mahalagang gamitin ang mga pahayag sa pagsasaayos ng mga datos?


2. Paano nakatutulong ang mga pahayag na ito?
3. Malinaw ba ang pagkakasunod-sunod ng mga datos gamit ang mga pahayag
na ito?

Mahalaga ang mga datos na nakakalap lalo na sa pananaliksik na kung saan ang
kasanayang ito ay dapat na matutunan ng mga mag-aaral na katulad mo. Ang mga pahayag
na ginagamit sa pagsasaayos ng mga datos ay nagbibigay-linaw sa paksang sinasaliksik.

Tuklasin
Handa ka na ba? Dumako tayo sa isa sa mga mahahalagang bahagi ng modyul na
ito. Basahin at unawain ang tula ni Alejandro Q. Perez na pinamagatang “Bayani ng Bukid”.

Bayani ng Bukid
Alejandro Q. Perez

Ako’y magsasakang bayani ng buhay


Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit

Ang kaibigan ko ay si Kalakian


Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman.

Ang haring araw di pa sumisikat


Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring lagging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag

Sa aking lupain doon nagmumula


Lahat ng pagkain nitong aking bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukkha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.

3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

At pagmasdan ninyo ang aking bakuran


Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.

Sa aming paligid nammalas pa rin


Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, pato’t alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin

Ako’y gumagawa sa bawat panahon


Nasa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang mabawasan ang pagkakagutom.

Ako’y magsasakang, bayani ng bukid


Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.

Suriin

Matapos basahin at unawain ang tula, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ayon sa tula na inyong binasa, Bakit itinuturing na bayani ang magsasakang inilarawan
sa akda? Ano ang pangunahing layunin ng magsasaka sa kanyang matiyagang pagsasaka
sa bukid? Anong damdamin ang namayani sa nagsasalita sa tula? Paano pinahahalagahan
ng magsasaka ang pagsasaka? Ikaw, paano mo pahahalagahan ang hirap ng magsasaka?

Maikling Aralin

Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Noong mga dekada ’60 hanggang
dekada ’80 ang ating bansa ay nakilala sa kahusayan sa larangan ng agrikultura. Maraming
mga Asyanog bansa ang nagpadala at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagpapadala
ng mga ma-aaral sa International Rice Research Institute (IRRI) na matatagpuan sa Los
Banos, Laguna upang dito’y magpakadalubhasa at kumuha ng mga makabagong kaalaman
sa pagsasaka. Ngayon, naungusan na tayo ng mga bansang natuto lamang sa atin tulad ng
Thailand at Vietnam, mga bansang kinikilalang nangungunang nagluluwas ng bigas sa
kasalukuyan sa buong mundo. Ang Pilipinas na dating “number one exporter ng bigas sa
buong mundo” ay siyang nangungunang bansa sa kasalukuyan na nag-aangkat nito.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nangangailangan ng 2.4 metriko toneladang bigas
upang matugunan ang pangangailangan ng bansa upang hindi dumanas ng gutom ang mga
Pilipino. Panahon na upang muling pahalagahan ng pamahalaan ang larangan ng agrikultura
sa bansa. Muling pasiglahin ang larangan ng agronomiya (agronomy) o pag-aarala kung
paano mapagaganda ang ani at ang mga lupang sakahan.
4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Ang tula ni Alejandro Perez na pinamgatang “Bayani ng Bukid” na tunay na


nagpapahalaga sa larangan ng agrikultura. Nakapaloob sa tula ang pagpapahalaga ng
magsasaka sa kanyang pagsasaka sa pamamagitan ng kanyang kilos at gawa. Siya ay
maagang gumising upang pagyamanin at araruhin ang lupaing sinasaka. Hindi inalintana ang
init ng araw upang makapagtanin ng kanyang mga pananim, sapagkat nais niyang
makatulong at makapagbigay sa mga taong umaasa sa kanyang mga ani na mahalaga sa
bawat hapag-kainan

PANGUNAHING KAISIPAN
Tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. Ito ay ang
pinakamahalagang ideya ng teksto. Isinasaad nito ang sentrong kaisipan o kung tungkol saan
ang teksto sa pangkalahatan.

PANTULONG NA KAISIPAN
Ito ang mga suportang detalye na gumagawang tiyak sa pangunahing kaisipan.
Nagbibigay ang mga ito ng mga tiyak na detalye na nagpapalawak sa sentrong ideya.

Pagyamanin

Malayang Gawain 1 at 2:

Kilalanin ang mga mahalagang detalye mula binasang tula. Piliin ang inilalarawan ng
bawat pahayag.

1. Ito ang sandata ng magsasakang bayani ng bukid.


A. araro
B. balana
C. kalakian
D. sipag at tiyaga
2. Ito ang kaibigang laging nakahanda sa pag-aararo at paglilinang ng lupain araw-
araw.
A. balana
B. kalakian
C. kasama
D. magsasaka

3. Ito ang laging nasa hagap o isipan ng magsasaka.


A. ang kanyang bukid
B. mahihirap na tao
C. ang kanyang araro
D. mamamayang Pilipino

4. Ito ang tanging hangarin ng magsasaka sa kanyang pang-araw-araw na paggawa


A. dumami ang kanyang ani upang makinabang ang lahat
B. maging masagana ang kanyang buhay
C. makilala siya bilang isang magsasakang bayani
D. mapaunlad ang agrikultura sa Pilipinas
5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

5. Ito ang dahilan kung bakit itinuring ng may-akdang bayani ang magsasaka sa tula
A. Sapagkat hindi niya alintana ang hirap, init at lamig sa kanyang maghapong
paggawa.
B. Sapagkat hindi siya natatakot sa ano o sinumang kalaban
C. Sapagkat nagbenta siya ng pagkain sa bayan
D. Sapagkat gumagawa siya para guminhawa ang kanyang pamilya.

6. Ito ang taos sa pusong layon ng magsasaka.


A. makatulong at nang mabawasan ang pagkakagutom
B. mapalakas ang kanyang katawan
C. maging maginhawa ang kanyang buhay
D. maangkin ang malawak na lupain

Malayang Pagsusulit 1

Piliin ang tamang hinuha para sa sumusunod na saknong ng tulang binasa.

1. Saknong 1
A. Walang takot na hinarap ng magsasaka ang mga hatid na panganib at araro
lamang ang gamit bilang kanyang sandata.
B. Itinuturing na bayani ng bukid ang magsasaka dahil sa kanyang sipag at tiyaga
sa paglilinang ng bukirin, panahon man ng tag-ulan o tag-araw.
C. Buong maghapong natitiis ang magsasaka sa init at lamig upang ganap
nniyang mabungkal ang lupang sinasak.
D. Taos sa puso ang pagbubungkal ng magsasaka sa kanyang lupain kung kaya
lalo siyang pinagpapala ng Maykapal ng masaganang ani.

2. Saknong 2
A. Ang naging katuwang ng magsasak asa pagbubungkal ng lupa sa bukid ay ang
kanyang alagang kalabaw.
B. Bawat araw ay katulong ng magsasaka ang kanyang mga kaibigan sa
paglilinang ng sakahan.
C. Ang mga kaibigan ng magsasaka at ang kanyang alagang kalabaw ay kasama
ng magsasaka sa pagbubungkal ng lupa.
D. Ang pagpapaunlad sa Sistema ng agrikultura ang solusyon upang malutas ang
suliranin ng bansa sa kahirapan.

3. Saknong 3
A. Walang magawa ang magsasaka kundi ang sundin ang utos ng haring araw
na siya ay maagang magtungo sa bukid.
B. Laging laman ng isipan ng magsasaka kung paano niya pagyayamanin ang
kanyang bukirin kaya maaga pa lang ay bumangon na siya upang tumungo
rito.
C. Walang ibang nasa hagap ang magsasaka kundi ang mapagyaman sa
pamamagitan ng kanyang bukid kaya maaga pa lang ay bumangon na siya
upang magtrabaho.
D. Gagawing kapani-paniwala ang bawat sandal ng buhay sa bukid sa
pamamagitan ng pag-aalaga ng iba’t ibang hayop sa bakuran.

6
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

4. Saknong 4
A. Matinding pagod at hirap ang puhunan ng magsasaka upang matustusan ang
pangangailangan ng bansa sa bigas.
B. Kung hindi magtitiyagang magbungkal ng bukid ang magsasaka ay walang
kakainin ang mga tao.
C. Karamihan sa mga ppangangailangan ng mga Pilipino sa pagkain ay
nagmumula sa sector ng agrikultura.
D. Bahagi na rin ng hanapbuhay ng magsasaka ang pag-aalaga ng mga hayop.

5. Saknong 5
A. Ang tanging layunin ng magsasak sa kanyang matiyagang pagtatrabaho sa
bukid ay ang sumagana ang kanyang ani para sa kabutihan ng nakararami
B. Nagagalak ang magsasaka sa tuwing nakikita niyang nagsasaya ang mga
mamamayan dahil sa maunlad ang ekonomiya ng bansa.
C. Tiyak na may makakain ang mga mamamayan kung sila ay aasa sa sipag at
tiyaga ng mga magsasaka.
D. Bukod sa masustansya at sariwang ay may mga alagang ring hayop sa
kaniyang bakuran.

6. Saknong 6.
A. Puno ng iba’t ibang pananim ang bakuran ng magsasaka na siyang
pinagkukunan nila ng mga gulay na masusustansya.
B. Nananatiling malakas ang katawan ng buong pamilya dahil sa
masusustansyang pagkain g kanilang nakukuha sa kanilang bakuran.
C. Ayon sa magsasaka tayo ay kinakailangang kumain ng gulay upang lumakas
ang ating katawan
D. Naging panata ng magsasaka na magbungkal ng bukid sa buong panahon.

Malayang Pagsusulit 2

Tukuyin ang saloobin at damdamin ng nagsasalita sa tula sa mga sumusunod na saknong.

1. Saknong 1
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapong gumagawang pilit

A. natatakot
B. nagtitiis
C. naiinis
D. matapang

2. Saknong 2
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman

7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

A. masaya
B. namangha
C. nagmamalaki
D. masigla

3. Saknong 6
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan
A. nagmamalabis
B. nanghihinayang
C. nalungkot
D. may pagmamalaki

4. Saknong 8
Ako’y gumagawa sa bawat panahon
Nasa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang mabawasan ang pagkakagutom
A. maalalahanin
B. mapagpakumbaba
C. natatakot
D. pagkagahaman

5. Saknong 8
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang ani’y dumami na para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y magagalak
A. umaasa
B. nagtitiis
C. madamot
D. malulungkot

Malayang Gawain 3
Itala sa ibaba ang naghaharing saloobin at damdamin ng may akda kung paaano niya
mapagbuti ang pagbubungkal ng sakahan sa layuning makapag-ani ng sapat na bigas na
mapakikinabangan ng kanyang bayan. Gayundin naman ilahad ang iyong saloobin at
damdamin kung paano ka maktutulong upang muling mapagyaman at sumigla ang pagsasaka
sa ating bansa

Mga Saloobin at Damdamin ng Ang Aking Saloobin at Damdamin


Nagsasalita Kung Paano Niya Kung Paano Ako Makatutulong Upang
Pinahahalagahan Ang Pagsasaka Muling Mapagyaman Ang Pagsasaka
1._______________________ 1. _______________________
2._______________________ 2. _______________________
3._______________________ 3. _______________________
8
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Malayang Pagsusulit 3

Sabihin kung sa iyong palagay ay nakabubuti ba o nakasasama sa bansa ang


pagsasagawa ng sumusunod. Isulat ang Nakabubuti o Nakasasama bilang napiling sagot at
ang iyong dahilan o paliwanag.

1. Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural kaya’t nararapat ibigay ng pamhalaan


ang buong suporta sa mga magsasaka. Ito ay ___ nakabubuti o ___ nakasasama
sapagkat____________________________________________________________.

2. Marami nang sakahan partikular sa Rehiyon ng CALABARZON ang ginawang sentro


ng industryalisasyon ngayon. Ito ay ___ nakabubuti o ___ nakasasama
sapagkat____________________________________________________________.

3. Mababa ang tingin ng ilang mga Pilipino sa gawaing tinatawag na blue collar job
partikular na ang pagsasaka. Ito ay ___ nakabubuti o ___ nakasasama
sapagkat____________________________________________________________.

Kumusta? Ikaw ba ay nasiyahan sa mga gawaing inihanda ko? Ipagpatuloy natin.

Isaisip

Tandaan:

Sa iyong binasang tula ay madarama kung gaano karubdob ang


pagpapahalaga ng nagsasalita patungkol sa pagsasaka. Makikita sa mga salitang
ginamit ang saloobin at damdamin ng nagsasalita sa tula

Isapuso

Bilang isang mag-aaral, ano naman ang iyong damdamin at saloobin kaugnay sa
binasang tula? Paano ninyo papahalagahan ang tinutukoy sa tula na mga bayani ng bukid?
Paano ka maging bahagi sa pag-unlad ng ating agrikultura? Paano mo pinapahalagahan ang
tula na ito?

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Isagawa
Isulat ang mahahalagang kaisipan isinasaad ng binasang akda sa pamamagitan ng
pagbuo ng balangkas nito na makikita sa ibaba. Ang pangunahing kaisipang taglay ng tula ay
ibinigay na. Ngayon ay itala mo ang mga pantulong na kaisipang nagpapatunay na ang
magsasaka sa bukid ay tunay na bayani ng ating bansa. Narito ang pamantayan ng iyong
mga sagot.

Aking
Mga Pamantayan Puntos
Puntos
Angkop ang mga kaisipang nailahad 5 puntos
Katanggap-tanggap ang mga ideya 5 puntos
Kabuoang Puntos 10 puntos
5- napakahusay 2- di-mahusay
4- mahusay 1- sadyang di-mahusay
3- katamtaman

Bayani ng Bukid

Pangunabing Kaisipan

Ang mga magsasaka ay tunay na mga


bayani ng ating bansa

Mga Pantulong na Kaisipan

Gintong Aral na Natutuhan

10
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Magaling! Nabuo mo rin ang balangkas sa pangunahin at pantulong na kaisipan ng tulang


iyong binasa. Ngayon handang-handa ka na para sa panghuling pagsusulit.

Pagtataya
Kapag nasagot mo nang tama ang 9 sa 10 tanong ay makakatuloy ka na sa
susunod na modyul.

A. Panuto: Tukuyin ang mga kaisipang nakapaloob sa akdang binasa. Isulat ang Tama o
Mali
1. Tanging layon ng magsasaka na maibibigay ang sariling pangangailangan ng pamilya.

2. Laging hagap ng magsasaka na makilala siya bilang isang magaling sa pagsasaka.

3. Dumami ang kanyang ani upang mapakinabangan ng lahat.

4. Nililinang niya ang bukirin panahon man ng tag-araw o tag-ulan.

5. Buong maghapon na nagsipag mabungkal lamang ang lupang sinasaka.

6. Gamit ang araro sa maghapong paglilinang sa bukirin.

7. Maging masaya ang magsasaka kapag may pagkain ang mga tao

8. Katulong ng magsasaka ang kanyang mga kaibigan sa paggawa.

9. Gumagawa siya para guminhawa ang kanyang pamilya.

10. Ang magsasaka ay bayani ng bukid.

Ilan ang nakuha mong iskor sa pasulit? Binabati kita! Sana ay magagamit mo sa mga
susunod pang modyul ang mga kasanayang iyong natutunan dito.

Kung sakali mang gusto mo pang palawigin ang iyong pag-aaral sa modyul na ito,
mayroon pang Karagdagang Gawain na maaari mong sagutin.

11
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Karagdagang Gawain

Aking
Mga Pamantayan Puntos
Puntos
May orihinalidad at akma sa paksa 5 puntos
Nakasunod sa katangiang taglay ng isang tula 5 puntos
Nakagamit ng angkop na salita sa pagbuo ng tula 5 puntos
Kabuoang Puntos 15 puntos
5- napakahusay 2- di-mahusay
4- mahusay 1- sadyang di-mahusay
3- katamtaman

A. Panuto: Gamit ang rubric sa itaas, bumuo ng dalawang saknong ng tula na


nagpapahalaga sa agrikultura. Taglay ng tula ang dalawang saknong at bawat saknong
ay may apat na taludtod. Ang sukat ay labindalawa at may tugmaan sa hulihan ng salita
sa bawat taludtod.

B. Panuto: Isulat ang iyong saloobin sa tulang binuo.

Ang saloobin ko sa tulang nabuo ay______________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

12
13
Subukin
Malayang Gawain 3
Sariling sagot ng mag-aaral sa saloobin at
1. Totoo damdamin ng sumulat sa akda.
Totoo
2. Totoo Malayang Pagsusulit
3. Totoo Sariling sagot ng mag-aaral
4. Totoo
5. Di-totoo Isagawa
6. Totoo Iba-iba ang sagot
7. Di-totoo
8. Di-totoo Pagtataya
9. Di-totoo 1. mali
10. Totoo 2. mali
3. tama
4. tama
5 tama
1. tama
Pagyamanin
7. tama
8. mali
Malayang Gawain I at 2
9. mali
1. A
10. tama
2. B
3. A
Karagdagang Gawain
4. A
5. A
A. Sariling pagsulat ng tula ng mag-aaral
6. A
B. Pagsulat ng saloobin mula sa tula.
Malayang Pagsusulit I
1. B
2. A
3. B
4. B
5. A
6. A
Malayang Pagsusulit 2
2. D
3. D
4. D
5. A
6. A
Susi sa Pagwawasto
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
Region VII
Department of Education
Republic of the Philippines
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY

Sanggunian

Aklat

Dayag, Alma M., et.al. Pinagyamang PLuma 8. 2015. Phoenix Publishing House, Inc.

Website

https://www.coursehero.com/file/25029717/Bayani-ng-
Bukiddocx/https://brainly.ph/question/1755612

https://www.google.com/search?q=pangunahin+at+pantulong+na+kaisipan&rlz=1C1SQJL_enPH907
PH907&oq=pangunahin+at&aqs=chrome.0.0l2j69i57j0l5.15799j1j8&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?q=pahambing+na+magkatulad&rlz=1C1SQJL_enPH907PH907&oq=
pahambing&aqs=chrome.2.69i57j0l7.20352j0j8&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?rlz=1C1SQJL_enPH907PH907&ei=Q48CX9mFFMuNoAT2g46wBg&q
=pahambing+na+di+magkatulad&oq=pahambing+na+di&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgAMgUIABCRAjIG
CAAQFhAeMgYIABAWEB4yBggAEBYQHjIGCAAQFhAeMgYIABAWEB4yBggAEBYQHjIGCAAQFhAeMgYI
ABAWEB4yBggAEBYQHjoECAAQRzoECAAQQzoCCABQ_r8CWOnbAmCk9gJoAHABeACAAYEGiAGjNJIB
BTUtNi40mAEAoAEBqgEHZ3dzLXdpeg&sclient=psy-ab

DESIREE P. FUERTES
TEACHER III, FILIPINO
Toledo National Vocational School
Ilihan, Toledo City

14

You might also like