You are on page 1of 17

7

Self-Learning Kit
Filipino
Quarter 4 - Week 4

KERZTIN ROSE G. ALMEREZ


Manunulat
Filipino – Grade 7
Self-Learning Kit
Quarter 4 – Week 4
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Self-Learning Kit na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa Self-Learning Kit na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Self-Learning Kit


Manunulat: Kerztin Rose G. Almerez
Editor: Leonisa A. Montes/Jackie Ann A. Peralta
Tagasuri: Belinda G. Casona
Tagaguhit: John Orven V. Saldaña
Tagalapat: Joel R. Capuyan
Tagapamahala: Leah P. Noveras, Ed.D., CESO VI
Bernadette A. Susvilla, Ed.D., CESO VI
Lilia R. Ybañez
Belinda G. Casona
Reynilda G. Ramoneda
Raymond L. Ceniza
Joel R. Capuyan

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VII Schools Division of Danao City

Office Address: Sitio Upland, National Road, Danao City, Cebu


Telephone No. (032) 262-6211
Telefax: danao.city@deped.gov.ph
E-mail Address: depeddanaocity.com

i
Paalaala sa Mag-aaral

Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay ginawa para malinang ang iyong
kakayahan batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Filipino 7,
Quarter 4, Week 4. Ito ay ginawa sa simpleng paraan para madali mong
maunawaan ang aralin sa linggong ito. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na
bahagi:

Nakapaloob dito ang gawain na naglalayon na


Aking alamin ang iyo nang mga nalalaman sa araling
Nalaman ito

Kasama rito ang mga gawain para mabalikan


Aking ang mga nakaraang aralin at mahanda ka sa
Madugtong bago

Nakabahagi rito ang paglalahad at pagtatalakay


Aking
sa mga konsepto na kailangan mong malaman sa
Malalaman
bagong aralin na ito

Kabilang dito ang mga gawain para sa pansariling


Aking
pagsasanay upang malaman ang iyong
Masubukan
natutunan sa bagong konsepto

Nakapaloob dito ang kasanayan para masukat


Aking
ang iyong kaalaman at pagkaintindi sa mga
Tayahin
konseptong nalalaman

Aking Kasama rito ang mga gawain at pagsasanay na


Karagdagang kailangan mong gawin para lalo pang
Magawa mapahusay ang iyong kaalaman

Susi sa Nakapaloob dito ang tamang sagot sa lahat ng


Pagwawasto mga pagsasanay

Nabahagi rito ang mga pinagkukunan sa


Sanggunian
paglikha ng Self- Learning Kit (SLK) na ito

ii
Aralin o Ibong Adarna: Ang Panaghoy ni
NIlalaman
Donya Leonora (Saknong 779-794)
Learning ➢ Nailalahad ang sariling saloobin at
Competency damdamin sa napanood na bahagi ng
telenobela o serye na may pagkakatulad sa
akdang tinalakay
➢ Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga
karanasang nabanggit sa binasa
MELC Code F7PD-IVc-d-18
F7PB-Ivc-d-22

Aking Nalaman

Panuto: Basahin at unawaing 1alisa ang pahayag. Piliin sa pagpipilian


ang pinakamalapit na saloobin o damdamin na nangingibabaw sa bawat
pahayag . Isulat lamang ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.

1. Di ba tunay, aking giliw A.Pagsinta


pangako mong walang maliw B.Pag-aalinlangan
ako’y iyong mamahalin, C.Pagpapatotoo
ano ngayo’y di mo tupdin? D. Pagtatanong

2. Pagkat di ko matatanggap A. Wagas 1alisa-ibig


makasal sa hindi liyag, B.Pagtanggap sa kapalaran
buhay ko man ay mautas C.Pagiging tapat
pagsinta ko’y iyong hawak. D.Pagdududa

3.Araw-gabi’y tumatangis` A.Pagmamalabis


sa kinalalagyang silid, B.Pagmamahal
walang 1alisay nasasambit C.Pag-asam
kundi si Don Juang ibig. D.Pangungulila

4.Samantalang si Don Juan A.Nalugmok


patungo sa delos Cristal, B.Nangungulila
si Leonorang matimtiman C.Nalulungkot
araw-gabi’ nalulumbay. D.Nasiyahan

1
5. Pitong taong nag-iisa A.Nag-iisa
hiningi sa iyong ama, B. Nagdurusa
upang kung dumating ka C.Umaasa
mabihis mo yaring dusa. D.Pagsinta

6. Kung narito ka, Don Juan A. Pagkalugmok


makikita yaring lagay, B.Pagdurusa
ang dibdib mo kahit bakal C.Pag-asam
madudurog din sa lumbay D.Pighati

7.Iwang pagkaantak-antak A.Kawalan ng pag-asa


may mabagsik na kamandag, B.Paghihinagpis
kamandag na umuutas C.Pamimighati
sa buhay kong kulang sa palad. D.Pagsinta

8.Pagkat kung di ka binuhay A.Pagkalugmok


ng lobo kong pinawalan, B. Pagdurusa
kaluluwa mo man lamang C.Pag-asam
sana sa aki’y dumalaw.” D.Pagsinta

9.Panaghoy ni Leonora A. Pagsinta


pa’nong maririnig baga, B. Pag-asa
si Don Jua’y malayo na’t C. Pangungulila
2alis siya alaala. D. Pagsinta

10. O, kasi ko’t aking buhay A.Pagsinta


lunas nitong dusa’t lumbay B.Pagdurusa
ano’t di ka dumaratal, C.Pagkalumbay
ikaw kaya’y napasaan? D.Pag-aalala

2
Aking Madudugtong

Subukang sagutin ang mga sumusunod na tanong na may


kaugnayan sa mga nakaraang aralin. Piliin ang angkop na kaisipan sa bawat
pahayag. Isulat ang titik ng wastong sagot.

1. “O, Birheng kaibig-ibig, Ina naming nasa langit,


Liwanagin yaring isip, Nang sa layo’y di malihis.”

A. Nanalangin siya sa kanyang inang nasa langit na patnubayan siya


araw-araw.
B. Nanalangin siya sa kanyang kaibigan na siya ang maging malakas
sa hamon ng buhay.
C. Nanalangin siya sa Birheng Maria na magkaroon siya ng malinaw
na pag-iisip para hindi siya magpunta sa ikakasama niya.
D. Nanalangin siya sa Birheng Maria upang maging matagumpay siya
sa kanyang pamumuhay.

2. “Malimit na makagawa ng hakbang na pasaliwa


Ang tumpak kong ninanasa, kung mayari ay pahidwa”

A. Karamihan sa atin ay kung ano ang gustong gawin ay ginagawa


hindi batid ang tama o mali sa mga ito.
B. May desisyon tayo sa buhay na hindi natin batid na masama na sa
atin.
C. May pagkakataon na kung ano ang gustong gawin ay ginagawa
hindi alam na hindi maganda ito sa kanya.
D. Lahat ng nabanggit na pagpipilian.

3. “Labis yaring pangangamba, na lumayag na mag-isa,


Baka kung mapalaot na , ang mamangka’y di makaya”

A. Kailangan ng tao ang lakas ng loob upang maharap ang lahat ng


pagsubok sa buhay.
B. Hindi kailangan ng tao ang karamay sa lahat ng pagkakataon sa
buhay.
C. Hindi hadlang ang mag-isa para harapin ang mga pagsubok.
D. Lahat ng nabanggit na pagpipilian.

4. “Kaya, Inang matangkakal ako’y iyong patnubayan,


nang mawasto sa pagbanghay, nitong kakathaing buhay. “

3
A. Nanalangin na magkaroon siya ng ibayong kakintal para
makapagbigay siya ng maayos na kasagutan sa lahat ng tanong.
B. Nanalangin na siya ay gabayan sa lahat ng pagkakataon na siya
ay nag-iisa sa paglalakbay sa buhay.
C. Nanalangin na siya ay hindi iwan sa panahon ng kagipitan.
D. Lahat ng nabanggit na pagpipilian.

5. “Ako’y isang hamak lamang, taong lupa ang katawan,


Mahina ang kaisipan, at maulap ang pananaw.”

A. Ang tao ay may lakas ng loob na ihayag ang sariling pananaw.


B. Ang tao ay minsan nakakagawa ng desisyon na hindi alam kung
saan patungo ang maaring kahihinatnan.
C. Ang tao ay may kahinaan sa pangangatawan kaya nakakagawa
ng mga hakbang upang makapera.
D. Lahat ng nabanggit

6. Sino ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana?


A. Diego B. Juan C. Pedro D. Samson

7. Sino sa tatlong magkakapatid ang tunay na nakahuli ng Ibong Adarna?


A.Diego B. Juan C. Pedro D. Samson

8. Ang mga sumusunod na katangian ay taglay ni Prinsipe Juan MALIBAN sa.


A. Matapang C. Madasalin
B. Mapagkumbaba D. Masinop

9. Sino ang unang inibig ni Don Juan?


A. Leonora B. Maria C. Ibong Adarna D. Juana
10. Sino sa mga kapatid ni Don Juan ang may lihim na inggit sa kaniya?
A. Diego B. Salermo C. Pedo D. Fernando

Aking Malalaman

Alin ang dapat pairalin sa pag-ibig, puso o isip? Bakit marami ang
nakalilimot sa binibitiwang pangako? Tunghayan mo ang isang kabanata sa
Ibong Adarna na pinamagatang “Ang Panaghoy ni Donya Leonora”
saknong 779-794.
Panaghoy- pagdaing; pananangis (mourning)

4
Ang Panaghoy ni Donya Leonora

779 “Samantalang si Don Juan


patungo sa delos Cristal,
si Leonorang matimtiman
araw-gabi’ nalulumbay.

780 Araw-gabi’y tumatangis


sa kinalalagyang silid,
walang laging nasasambit
kundi si Don Juang ibig.

781“O, kasi ko’t aking buhay


lunas nitong dusa’t lumbay
ano’t di ka dumaratal,
ikaw kaya’y napasaan?

782 “Hindi ka na nabalisa,


gayong ako’y nasa dusa,
walang gabi at umagang
di ikaw ang aking pita.

783 “Ano’t iyong natitiis


ako, sa ganitong sakit
di ba’t ikaw, aking ibig,
ang aliw ko kung may hapis?

784 “Di ba tunay, aking giliw


pangako mong walang maliw
ako’y iyong mamahalin,
ano ngayo’y di mo tupdin?

785 ”Pitong taong nag-iisa


hiningi sa iyong ama,
upang kung dumating ka
mabihis mo yaring dusa.

786 ”Pagkat di ko matatanggap


makasal sa hindi liyag,
buhay ko man ay mautas
pagsinta ko’y iyong hawak.

5
787”Kung narito ka, Don Juan
makikita yaring lagay,
ang dibdib mo kahit bakal
madudurog din sa lumbay.

788 “”Bakit nga ba hindi,


irog lalo pa kung matatalos,
ang hinagpis at himutok
kayakap ko sa pagtulog.

789 ”Ayaw akong bigyang laya


munting ako’y mapayapa
panabay nang mayroong iwas
sa dibdib ko, puso’t diwa.

790 “Iwang pagkaantak-antak


may mabagsik na kamandag,
kamandag na umuutas
sa buhay kong kulang sa palad.

791 “Kaya lamang di mapatay


yaring mahina kong buhay,
ay panananggol kong matibay
ang pagsinta mong dalisay.

792 “Pag-asa ko aking giliw


buhay ka at darating din,
darating ka’t hahanguin
si Leonora sa hilahil.

793 “Pagkat kung di ka binuhay


ng lobo kong pinawalan,
kaluluwa mo man lamang
sana sa aki’y dumalaw.”

794 Panaghoy ni Leonora


pa’nong maririnig baga,
si Don Jua’y malayo na’t
di na siya alaala.

Pag-unawa sa akda:
Talasalitaan-
nalulumbay- nalulungkot
tumatangis-umiiyak; humagulgol

6
dumaratal- dumating
pita—nasa o pagnanais; hangarin
hapis-sakit
liyag-mahal;sinta
hilahil-masakit;mabigat sa dibdib

Gabay na tanong:

1. Bakit araw at gabi ay tumatangis si Donya Leonora?


2. Ilang taong naghihintay si Leonora kay Don Juan?
3. Ano ang inaasahan ni Donya Leonora?
4. Ano ang panaghoy o dinadaing ni Leonora?
5. Bakit kaya hindi na nagbalik si Don Juan kay Leonora?

Aking Masubukan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang sagot sa


pagpipilian at isulat lamang ang titik ng napiling sagot sa sagutang papel.

1. Bakit labis na nagdamdam si Leonora?


A. Kasi nakaramdam siya na nilimot siya ni Don Juan
B. Kasi pumanaw na ang kaniyang mga magulang
C. Kasi ipinipilit siyang ipakasal kay Don Pedro
D. Kasi mahal na mahal niya si Don Juan

2. Ayon kay Leonora, bakit nanatili siyang matatag at matiyagang


naghihintay?
A. Sabik na sabik siya sa pagbabalik ni Don Juan.
B. Sapagkat pinanghahawakan niya ang pangako ni Don Juan sa kanya na
babalikan siya at kailanman di siya kakalimutan.
C. Dahil tapat siya sa pag-ibig niya kay Don Juan.
D. Lahat ng nabanggit.

7
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagkakahawig
sa pag-iibigang Leonora at Juan?
A. Sa kabila nang pagiging LDR ni Hector at Gina ay nanatili paring matatag
ang kanilang relasyon.
B. Ang magkasintahang Pedro at Juana ay pinaghihiwalay ng kani-kanilang
mga magulang dahil sa magkaibang estado nila sa buhay.
C. Iniwan ni Vilma si Ralf dahil siya ay nangibang bansa.
D. Si Judith na nangibang bansa para magtrabaho ay walang kaalam-alam
na tuluyan na siyang kinalimutan na kaniyang kasintahang naiwan sa
Pilipinas.
4. Kung ikaw si Donya Leonora hihintayin mo rin ba si Don Juan? Bakit?
A. Oo dahil wagas ang iyong pag-ibig at pinanghahawakan mo ang
pangako niyo sa isa’t-isa.
B. Hindi, dahil walang kasiguraduhan kung kayo ba talaga sa huli.
C. Oo dahil pag ang pag-ibig ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin
ang lahat masunod lamang ito.
D. Hindi, dahil maghahanap ka ng iba para di makaranas ng lungkot.
5. Matibay ang pagmamahal ng dalaga sa binatay mahina ang loob. Alin
sa mga salita sa pahayag ang nagpapakita ng kasalungat?
A. Matibay: Dalaga C. Mahina: Binata
B. Matibay: Mahina D. Pagmamahal: Matibay
6. Ang lobong binilinan ni Leonora kay Don Juan ay naging katoto niya. Ano
sa palagay mo ang ibig sabihin ng katoto?
A. Tagapagtanggol C. Kaibigan
B. Bantay D. Kalaban
7. Sinisinta niya si Donya Leonora at nililiyag niya si Don Juan. Alin sa mga ito
ang nagpapahayag ng kasingkahulugan?
A. Sinisinta: Nililiyag C. Don Juan: Donya Leonora
B. Nililiyag: Iniibig D. Sinisinta: Donya Leonora

8
8. Ano ang damdamin na nangingibabaw sa pahayag “ Pagkat kung di ka
binuhay ng lobo kung pinawalan, kaluluwa mo man lamang sana sa aki’y
dumalaw.”
A. Paghihinagpis C. Pangungulila
B. Pag-aasam D. Pagkakalungkot
9. Ano ang ibig sabihin nito, “ Ayaw akong bigyang laya, munting ako’y
mapayapa, panabay nang mayroong iwa, sa dibdib ko, puso’t diwa?
A. Pinakawalan na niya ang kaniyang sarili sa pangungulila niya sa kanyang
sinisinta.
B. Handa na siyang umibig sa iba.
C. Hindi niya pinapalaya ang kaniyang sarili kanilang pagmamahalan dahil
umaasa pa siyang sila pa rin sa huli.
D. Dumaranas siya nang matinding kalungkutan dahil sa pangungulila.
10. Hinagpis at pagdurusa ang naramdaman niya nang umalis ang binata at
siya’y nilisan. Ang salitang sinalungguhitan ay nagpapakita ng
_________________.
A. Kasalungat C.Kasingkahulugan
B. Magkatambal D. Magkatunggali

Aking Tatayahin

A. Panuto: Makikita sa loob ng kahon ang piling bahagi sa akdang


tinalakay. Iugnay ito sa sariling karanasan at ibahagi ang naturang karanasan.
Isulat ito sa sagutang papel. Isaalang-alang ang rubrics sa pagmamarka.

“Di ba tunay, aking giliw


pangako mong walang maliw
ako’y iyong mamahalin,
ano ngayo’y di mo tupdin?

RUBRIK sa PAGMAMARKA
5 indikitor
1.Di bababa sa 1 talata na may 4-6 na pangungusap ang sagot.
2.Ang karanasan na ibabahagi ay may kaugnayan sa ibinigay na
pangyayari.
3.Walang mali sa gramatika

9
4.Nagtataglay ng orihinalidad
5.Malinaw ang pagkakahayag ng ideya

5/5 na indikitor ang naibigay = 10 puntos


4/5 na indikitor ang naibigay=8 puntos
3/5 na indikitor ang naibigay=6 puntos
2/5 na indikitor ang naibigay= 4 puntos
1/5 na indikitor ang naibigay= 2 puntos

B. Panuto: Makikita sa ibaba ang piling dayalogo ng sikat na pelikulang


Anak. Ito ay pinagbibidahan ni Vilma Santos na gumanap na Ina-matagal na
isang OFW na umuwi ng bansa para makapiling ang iniwang pamilya at si
Claudine Barreto na gumanap bilang suwail na anak (Carla). Ang nasabing
pelikula ay may pagkakahawig sa akda partikular na sa araling nabanggit
“Panaghoy ni Leonora” sapagkat ito ay tumatalakay sa pangungulila sa
mahal sa buhay. Ang dalawang kwento ay magkakapareho, sapagkat
tumatalakay ito sa pag-iwan pansalamantala ng mahal sa buhay dahil sa
mga kadahilanan. Bawat karakter sa kwento ay nagdurusa dahil sa matinding
pangungulila.
Mula sa nakalahad na dayalogo ay maglahad ng sariling saloobin at
dadamdamin tungkol dito. Isulat ang agot sa sagutang papel. Gawing
gabay sa pagsagot ang rubrik sa pagmamarka.

Piling Bahagi ng Dayalogo mula sa Sariling Saloobin o Damdamin


Pelikulang Anak
Anak (Carla):
Hindi mo ako naiintindihan
hindi ko hiningi lahat lahat yung mga
binigay nyo sa amin
kayo ang may gusto nun hindi ako

Ina:

dahil mahal ko kayo..


dahil mahal ko kayo..
ngayon sabihin mo sa akin
sinasabi mo hindi kita naiintindihan
bakit Carla ako ba inintindi mo kahit
minsan?

10
hindi…

Sana habang nakahiga


ka diyan sa kutson mo,
natutulog,maisip mo rin kung ilang
taon kong tiniis
matulog mag-isa habang
nangungulila
ako sa yakap ng mga mahal ko.

RUBRIK sa PAGMAMARKA
5 indikitor
1.Di bababa sa 1 talata na may 4-6 na pangungusap ang sagot.
2.Angkop at mahusay ang pagkalalahad ng saloobin at damdamin tungkol
sa nabasang dayalogo
3.Walang mali sa gramatika
4.Nagtataglay ng orihinalidad
5.Malinaw ang pagkakahayag ng ideya

5/5 na indikitor ang naibigay = 10 puntos


4/5 na indikitor ang naibigay=8 puntos
3/5 na indikitor ang naibigay=6 puntos
2/5 na indikitor ang naibigay= 4 puntos
1/5 na indikitor ang naibigay= 2 puntos

Aking Karagdagang Magagawa

Modified Ture or False.

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at baguhin ang
salitang sinalungguhitan kung sa palagay mo ay mali, para iwasto ang
pahayag.
Halimbawa: maalala 0. Hindi na maririnig ni Don Juan ang panaghoy ni
Leonora dahil hindi na siya mahal.

____________1. Si Prinsipe Pedro ang hinihintay ni Leonora.

____________2. Inutusan ni Leonora ang sirpyente na iligtas si Don Juan.

11
____________3. Pitong taon na hinintay ni Leonora ang kaniyang iniibig.

____________4. Si Don Juan ay nagtungo sa Reyno delos Cristal.

____________5. Minahal nang labis ni Leonora si Don Pedro.

____________6. Araw-gabi na hinihintay ni Leonora si Don Diego.

____________7. Nag-iwan ng pangako si Prinsipe Juan na maging tapat sa


kaniyang pagmamahal kay Leonora.

____________8. Palagi na naalala ni Don Juan si Leonora sa kanyang


paglalakbay patungong reyno delos Cristal.

____________9. Ala-ala ni Don Pedro ang pang-aliw ni Donya Leonora sa


dinaranas na kalungkutan.

____________10.Matibay ang pagmamahal ni Leonora sa binatang may


mahinang loob.

12
13
Aking Nalaman
Aking Masusubukan 1. B
2. A
3. D
1. A 4. C
Aking Karagdagang 5. B
2. B
Magagawa 6. D
3. D 7. A
1. Prinsipe Juan 4. A 8. C
5. B 9. C
2. Lobo 6. C 10. D
7. A Aking
3. Tama Madudugtong
8. B
9. C 1. C
4. Tama
10. C
5. Don Juan 2. D
3. A
6. Don Juan
4. B
7. Tama
5. B
8. Hindi
6. B
9. Don Juan
10. Tama 7. B
8. D
9. A
10. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

⚫ Oracion Leonora DC. Gantimpala Pinagsanib na Wika at Panitikan


Baitang 7. Innovative Educational Materials, Inc.
⚫ Ailene G. Baisa-Julian , Nestor S. Lontoc, Carmela H. Esguerra.
Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House
⚫ https://tl.encyclopedia-titanica.com
⚫ Anak_ The confrontation LMC movie lines - Song Lyrics and Music by
Vilma and Claudine arranged by _LMC_Jamish_1 on Smule Social Singing
apphttps://www.smule.com/song/vilma-and-claudine-anak_-the-
confrontation-lmc-movie-lines-karaoke-
lyrics/516918499_589782/arrangement

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


DepEd – Danao City Division –Curriculum Implementation Division
Sitio Upland, National Road, Poblacion, Danao City, Cebu
Email Address: danao.city@deped.gov.ph
Website: depeddanaocity.com
Telephone No.: (032) 262-6211

14

You might also like