You are on page 1of 9

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1-Modyul 1
(Linggo 2.1)
Ang Pamilya Bilang Natural na
Institusyon
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang – aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Celna T. Dumdum

Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA

Sa ating lipunan ngayon na samo’t-sari ang problema, kailangan mo bilang isang anak
ang matibay na pundasyon ng pagpapahalagang moral upang huwag malito at mapasama.
Kung kaya kailangan mo ang matatag na pamilyang handang harapin ang mga hamon sa
araw – araw ng iyong buhay. Kailangan mong mapatunayan na sa iyong pamilya makikita
ang mga pagpapahalagang moral na gagamitin mo bilang sandata sa pagharap sa mga
hamong ito. Sa modyul na ito, mabibigyan mo ng patunay na sa pamilya nag-uugat ang
pagtutulungan at pagmamahalan na makatutulong sa pag-unlad ng iyong sarili tungo sa
mabuting pakikipagkapuwa.

II. LAYUNIN

Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan

at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapuwa.

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Balik-aral:

1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mag post sa iyong Facebook wall sa araw
na ito, paano mo ipapahayag ang iyong natutunan sa nakaraang modyul?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mahahalagang gampanin na dapat isakatuparan ng magulang bilang

unang guro sa tahanan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

1
IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Gawain:

Paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal at pakikipagtulungan sa bawat

sitwasyon?

A. Bawat isa sa inyo ay inatasan ng mga gawaing bahay ng iyong magulang. Ang
iyong kapatid na babae ay hindi makagagawa ng kanyang gawain dahil ito ay
magre-review sa kanyang pagsusulit sa susunod na araw.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

B. Ikaw ay masayang nakikinig ng music sa iyong Ipod. Ang iyong kapatid ay

nagpupumilit na tulungan siya sa paggawa ng kanyang takdang aralin sa Math.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

C. Napanood mo sa telebisyon ang dumaraming kaso ng COVID 19 sa bansa at

maging sa buong mundo. Ikaw ay may kapitbahay na frontliner na nagtatrabaho
sa isang hospital sa inyong lugar.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

D. Nakita mong dumarami na ang basura sa inyong lugar dahil sa kakulangan ng

tamang paglalagyan nito.
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Mga Tanong:

1. Paano mo ipinakita ang iyong pagmamahal at pakipagtulungan sa bawat sitwasyon?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang ikaw ay makipagtulungan at magpakita ng pagmamahal sa iyong

kapuwa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano ang reyalisasyon mo sa gawain?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2
V. PAGPAPALALIM

Ang paksa tungkol sa pamilya marahil ang pinakanakapupukaw ng interes na pag-

uusapan sa mas maraming pagkakataon, masaya man ito o minsan ay malungkot.
Nakalulugod pag-usapan ang masasayang alaala sa pagkakataon na nagsasama-sama ang
pamilya.. Patunay ito na tayong mga Pilipino ay likas na makapamilya. Kaya mahalagang
maging mas malalim ang pagkilala at pag-unawa lalo na isang batang katulad mo tungkol sa
bagay na ito. Dahil katulad ng kahit na sino sa buong mundo, ikaw rin ay nagmula sa isang
pamilya.
Naipaliwanag sa naunang modyul na ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan
na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang tunay
at walang kondisyong pagmamahal. Nang dahil dito, ito ay maituturing na likas na
institusyon na walang sinomang nagdidikta sa pagbuo nito. Maaaring patuloy na
nagkakaroon ng magkakaibang pagpapakahulugan ang pamilya sa paglipas ng panahon
ngunit isa ang mananatili, ang pamilya bilang isang likas na institusyon. Bakit nga ba?
Narito ang pitong mahahalagang dahilan :
1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang
maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan ng bawat
kasapi nito. Ito ay may misyong bantayan, ipakita, at ipadama ang pagmamahalan.
Itinatag ito bilang isang maliit na komunidad ng buhay at pagmamahal. Ang
pagmamahal ang siyang nagpapatunay na ang pamilya ay pamayanan ng mga tao.

2. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang

magpakasal at magsama nang habang buhay. Nilikha ng Diyos ang tao bunga ng
kaniyang pagmamahal at kasabay nito siya rin ay tinawag upang magmahal kaya’t
likas ang pagmamahal sa tao. Ang pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan
ang magpapatibay sa isang pamilya.

3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyong
patuloy na sinusuportahan ng lipunan dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.

4. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan. Dito binibigyang-halaga ang

kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahil sa kaniyang kontribusyon o magagawa
sa pamilya. Umiiral dito ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit.

5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang institusyon ng buhay sa lipunan( the first
and irreplaceable school of social life). Sa pamamagitan ng pamilya, ginawang
makatao at mapagmahal ang lipunan dahil sa kontribusyon nito na huhubugin at
tuturuan ng mga pagpapahalaga ang bawat kasapi nito.

6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya. Ang mga

pagpapaahalagang itinuturo ng iyong mga magulang ay gabay tungo sa mabuting
pakikipag-ugnayan sa iyong kapuwa. May gampanin ang iyong pamilya na
makipagtulungan sa mga gawaing panlipunan gaya ng pagtulong sa nangangailangan
at pakikibahagi sa gawaing pampolitikal gaya ng pagpili ng tamang mamumuno sa
bansa.

3
7. Mahalagang misyon ng pamilya sa kanilang mga anak na bigyan ng tamang
edukasyon, gabayan sa mabuting pagpapasiya, at hubugin ang pananampalataya.
Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang mga magulang na gabayan ka
upang lumaki at umunlad ka sa mga pagpapahalaga at maisabuhay mo ang misyon
ng Diyos. Ang tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon sa iyo ang
bukod-tangi at pinakamahalaga nilang gampanin. Ito ay hindi mapapalitan
(irreplaceable ) at hindi mababago (inalienable) kaya’t hindi puweding ipaubaya o iasa
ang tungkuling ito sa iba. Kasama sa edukasyong ito ang pagsasanay ng mga anak
sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga tulad ng simpleng pamumuhay, katarungan
(sa pamamagitan ng paggalang sa dignidad ng kapwa), paggabay sa mabuting
pagpapasiya, edukasyon sa pananampalataya, at pagpapaunlad nito.

Sa gabay ng mga dahilang ito, napapatunayan mo na ang pamilya ang likas na

institusyon na huhubog sa pagkatao ng isang indibiduwal. Ito ang institusyong
magpapaunlad sa mga pagpapahalagang makatutulong sa iyong sarili tungo sa
makabuluhang pakikipagkapuwa.
Mga Tanong:
1. Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano magagawa ng pamilya ang makatao at mapagmahal na lipunan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mahahalagang gampanin na dapat isakatuparan ng mga magulang

bilang unang guro sa tahanan. Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VI- PAGSASAPUSO

Gawain 1: Natutuhan sa modyul

A. Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap.

1. Sa pamilya ko natutuhan ang mga pagpapahalaga na naging gabay ko sa aking

pag-unlad kung kaya patutunayan ko na sa pamilya nagsimula ang pagmamahalan
at pagtutulungan dahil_________________________________________________

2. Ang panlipunan at pampolitikal na gampanin ng pamilya ay magagawa ko sa

pamamagitan ng _____________________________________________________

3. Ang magagandang halimbawa na ipinakita ng aking pamilya ay magsisilbing

___________________________________________________________________

4
Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa ng modyul

1. Ano ang kabuluhan ng natutunan mong konsepto mula sa modyul sa iyong pag-
unlad bilang tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano ang maaari mong gawin upang mailapat mo ang iyong mga pagkatuto sa
modyul na ito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VII. PAGSASABUHAY

Ngayon ay batid mo nang ang pagmamahalan at pagtutulungan ay pagpapahalagang

dapat paunlarin ng pamilya.
Sa edad mo ngayon, ano-anong mga bagay ang maaari mong gawin upang mapaunlad
mo ang pagmamahalan at pagtutulungan sa iyong pamilya.
Isulat ang sagot sa loob ng bawat kahon.

Matatag na pamilya

Tutulong
sa mga
gawaing
bahay

Magpaalam
kung may
pupuntahan

Mag-aral
ng mabuti
at sundin
ang payo
ng
magulang

5
VIII. PAGTATAYA

Tayahin ang Iyong pag-unawa.

Patunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at

pagtutulungan na nakakatulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapuwa.

_________________________________________________________________________

IX. KASUNDUAN

Awitin ang kantang “Wind Beneath My Wings” ni Bette Midler. Maaari itong
makita sa www.butlerwebs.com/music/lyrics-family.htm. Kantahin ito kasama ng iyong
pamilya. Kunin mo ang kanilang reaksiyon sa awitin at ang kanilang damdamin ukol sa
kanta at sa pag awit nito.

6
Mga Sanggunian:
Learners Module sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon
Pahina 1 – 28
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa
pagpapakatao-learner-module

Daily Lesson Plan in EsP 8 Quarter 1

Pahina 6 - 20
https://bit.ly/2VJIAgm

EASE Module sa Edukasyon sa Pagpapahalaga II

Modyul Blg. 1 : Pamilya…katuwang…Kaisa
https://bit.ly/2ybxiY1

Kaganapan sa Pakikipagkapwa II
Aralin 8 : Aking Pamilya” Ugat ng Pagkatao at Pakikipagkapwa
Pahina 63-70

You might also like