You are on page 1of 6

REBOLUSYONG PANGKAISIPAN

Yung mga pagbabagong nakamit ng scientific revolution ang magiging isnpirasyon para baguhin at
unawain ang lipunan ng tao ito ang Enlightenment
Marami ang nagmungkahi na gamitin ag pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao sa
larangan ng pangkabuhayan, pampulitika, parelihiyon at maging sa edukasyon,.Dito sa ideyang
ito,nakasentro ang paggamit ng reason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pang-
ekonomiya at pampulitikal. Nagsimula ito sa batayang iminungkahi ng mga Pilosopo.
Ito ay tinawag ding panahon ng enlightenment
Dahil noong scientific revolution kung naaalala niyo,naipalwang ng mga scientist ang batas ng daigdig
gamit ang kanilang Reason o katuwiran,dahil dun naisip ng mga intellectuals kung possible bang gamtin
ang reason para ipaliwang ang batas ng lipunan ng tao.ang panahon na ito ay dinaluhan ng ibat-ibang uri
ng mga tao, mga manunulat,professor, ekonomista, journalist at yung mga social reformer, sila yung mga
tinatawag na Philosophers,ang layunin ng philosophy ay makabuo ng mas mabuting lipunan kaysa doon
sa mga nauna,
At sila yung mga kinilalang Philosopher sa larangan ng politika-pang-ekonomiya at nagbigay sagot sa
suliraning panlipunan
Baron De Montesquieu o si charles luois de secondat nakilala siya dahil sa tinatawag niyang separation
of powers,para sa kanya ang pamahalaan ay dapat may executive,legislative,judiciary,sinabe niya na ang
mga branches ng pamhaalan ay kailangan pantay-pantay at may kakayahang kontrolin at limitahan ang
kapangyarihan ng bawat isa,sa ganitong paraan maiiwasan yung labis na paglakas ng isang sangay ng
pamahaalan na pwedeng magresulata sa pagmamalabis.Ang mga sinulat niya ay naisalin sa wikang ingles
na nagresulta sa pagkakabasa nito doon sa estados Unidos, at nagamit nila ito sa pagsulat ng kanilang
kunstitusyon
Froncois Marie Aroutte o mas kilala bilang si Voltaire isa sa mga kinilalang philosopher ng tpanahon na
ito,para sa kanya ang lahat ng tao ay may karapatang magsalita,pinapahalagahan niay ang freedom of
speech.
At si John Locke isa sa mga naunang philosopher sa panahon na ito., ayon sa kanya ang bawat tao ay
isinilang na may blanking isipan,at ang isipan ay naiimpluwensyaan lamang batay sa paligid nito at sa
nararanasan ng isang tao,para sa kanya kung mababago ang kapaligiran at mapapalitan natin ng
mabubuting impluwesya ang nakapaligid sa bawat tao, magiging mas Mabuti ang ating lipunan.
Noong 1760 isan pang Dakilang Philosoper ang nakilala si Jean Jacques Rousseau pinakailala niay ang
social contract theory, ayon dito ang pamhaalan at mamamayan ay pumapasok sa isa isang kontrata,at
ayon sa kontratang ito,ang pamahalan ay may obligasyong pangalagaan at pagsilbihan ang
mamamayan,at ang mamamayan naman ay may obligasyon na magbigay ng serbisyo at buwis sa
pamahalaan at kinakailangan din nilang sumunod sa batas na pinapatupad ng pamahalan at kung
sakalaing labagin ng mamamayan ang kontratang iyon sa pamahalaan maari itong parusahan ng batas at
kung ang pamahaaln naman ang lalabs sa kontrata ang mamamayan naman ay may Karapatan na palitan
ang pamahalaan.
Paano nga ba lumaganap ang panahon na ito?masasagot ito sa pagsuri sa mga nagwa ni Denis
Diderot,siya ay isang freelance writer na nagsulat ng artikulo para sa ibat-ibang mga larangan,ang
kanyang pinakamahalagang ambag ay ang classified dictionary of sciences arts and trades o mas kilala sa
tawag na encylopedia,nagging mabisa ito sa paglaganap ng manga bagong kaisipan mula sa
Rennasissance,Scientific revolution hanggang sa reformation,nagamit ito para labanan ang mga religious
superstestion at mga makalumang kaisipan,ang mga encylopedia ay ay binenta sa mga doctor,pari,guro at
mga lawyer.
KAISIPANG PANG-EKONOMIYA
Maging ang pangkaisipang ekonomiya ay nagkaroon din ng pagbabago sa panahon na ito.Dahil
sinubukan din ng mga tao na hanapin yung iba pang batas na sumasaklaw sa ibang aspeto ng pamumuhay
at is ana rito ang ekonomiks
Ayon kay Adam Smith “Ang pamahalaan ay hindi dapat mangialam sa gawaing pang-ekonomiko ng
bansa,sinasabe niya na ang pangingialam na ito ng pamahalaan ay lumalabag sa natural na economic
forces,ang paniniwal na hindi dapat manialam ang pamhalaan sa ekonomiya ay tinatawag na Laissez
Faire .
Ang enlightenment ay lubos na nakaapekto sa ating lipunan hanggang sa kasalukuyan marami pa rin sa
mga ambag na ito ang ating nararanasan.
Tanong:ano kaya ang itsura ng daigdig kung hindi naganap ang enlightenment?

REBOLUSYONG AMERIKANO
Tatalakyin natin ang sanhi o paano ng ba nagsimula ang rebolusyon na ito
At mga iba pang kaganapan sa panahon na ito.
Ang 7 years war ay nagresulta sa kabwasan ng kaban ng yaman ng britis empire,desperado yung british
empire na makahanap ng bagong mapagkukunan ng kita para mabayaran ang mga sundalo at mga utang
dahil sa naganap na 7 years war. Para masagot ito itinuon ng british empire sa isang potential source of
income ang 13 colonies of north America, sa loob ng humigit kumulang 150 years ,ang mga colonist o
ang mga taong naninirahan sa 13 colonist ay may Kalayaan mula sa mga british,ganun pa man nagbago
ang lahat ng ito dahil sa suliraning pinansyal ng british empire, para madagdagan ang kanilang kita sa 13
colonist ang british ay nagpasa ng ibat-ibang batas para buwisan nag mga colonist
Una ang Navigation act – ayon dito sa batas na ito ang mga kalakal ng mga colonist ay kinakailangan na
isakay sa mga barkong british para proteksyonan ang mga ito at kapalit ng proteksyon ang mga colonist
ay kinakailangang magbayad sa mga british
Sumunod ay Quartering act – sinasaad sa batas na ito na kinakailangan patuluyin ng mga colonist ang
mga bristish soldier sa kanilang mga bahay at pakainin ang mga ito,bagamat hindi ito buwis ,ipinasa ng
quartering act ang gastos at pera sa pagpapakain ng mga sundalong british sa mga colonist
At noong 1765 ang britsih parliament ay nagpasa ng bagong batas
Ito ay ang stamp act- ayon dito lahat ng printed document gaya ng dyaryo,legal documents at yung mga
baraha ay papatawan ng mga buwis anag mga bwuis na ito ay nagresulat ng hiananakit sa panig ng mga
colonist pero hindi ito nagging hadlang sa mga bristih para magpasa ulit ng panibagong batas
Ang Townshed Act – ang batas na ito ay nagpataw ng buwis sa kalakal ng papel, pintura, salamin, tyaa at
iba pang produktong mula sa north America, mas lalong nagalit ang mga colonist sa mga british dahil sa
batas na ito.hanggang sa nagprotesta ang mga colonist at pinaputukan sila ng mga british na nagresulta sa
pagkakasawi ng ilan sa mga nagproprotesta at maraming sugatan at tinawag itong BOSTON
MASSACRE
At bilang sagot dito ay pinasa ng continental congress ng 13 colonies na iboycot ang lahat ng produktong
british,para maiwasan ang kaguluhan, nagkasundo ang continental congress at representative ng british
empire na mag-usap, at bago pa makapagusap ang dalawang grupo sumiklab ang labanan ng dalwang
panig at ang labanan na ito ay nagsimula ng American revolution
Ngayon ano ng aba ang mga kaganapan sa American Revolution,makalipas yun unang labanan sa
Lexington, muling nagpulong ang continental congress para alamin ang kanilang susunod na hakbang,
ang 13 colonies ay walang sariling hukbo maliban sa mga minute men at para masulusyunan ito,itinatag
ng continental congress ang continental army sa ilalim ni George Washington
At idiniklara ng continental congress na hindi na sila bahagi ng british empire sa pamamagitan ng
declaration of independence,sumisimbolo ito sa pagkakatatag ng isang idependent na bans ana kinalunan
ay kinilala bilang UNITED STATES OF AMERICA,isa sa pangunanhing sumulat ng declaration of
independence ay si Thomas Jefferson ,nagging btayan niya ang mga sinulat ni John Locke sa pagsulat
nito, ayon kay Jefferson ang mga mamamayan ay may karapatang palitan ang pamahalaan kung hindi n
anito nagagawa ang kanyang obligasyon,ibinigay niya ang tatlong karaptan ng Amerikano, ang
karapatang mamuhay , maging Malaya at maghanap ng sariling kaligayahan .
At sa unang digmaan ang mga british ang may hawak ng kalamangan, dahil na rin sa karanasan nila sa
digmaan ,kumpara sa continental army ng mga amerikano
Gumamit ng estratihiyang guirela warfare ang mga amerikano,kung saan ang mga continental army ay
hinati sa maliliit na unit para magsagawa ng ambush laban sa mga british,gumamit din sila ng hit & run
tactics kung saan umaatake sila kung alam nilang kaya nila ang puwersa ng british at umaataras sila kung
sakalaing makabuo ng mas malakas na puwersa ang mga british.
Isa pang ginawa ng mga amerikano ay humingi sila ng tulong sa mga europeong bans ana karibal ng
british, hanggang sa tinulungan ng France,Spain at Netherlands ang America laban sa great Britain. Ang
taon ng 1781 ay isang mahalagan taon para sa American revolution, dahil nasukol ng mga contintenetal
army ang mga british sa Yorktown virginia, hindi na nanagwang makalis ng mga british dahil na rin sa
pagdating ng mga French navy,hanggang sa sumuko ang mga british
At makalipas ang dalwang taon mula sa pagkakatalo ng mga british mula sa battle of York town ,
lumagda ang dalawang panig sa tinatawag na TREAY OF PARIS OF 1783 at ang kasunduan na ito ang
nagwakas sa digmaan at nagpakilala sa isang bagong tatag na bansa ang UNITED STATES at ang
declaration of independence ng mga amerikano ay nagpakilala sa isang bagong kaisipan na anag lahat ng
tao ay may karapatang pumili ng kanilang pamahalaan.
Makalipas ang American Revolution noong 1783 ang tinatawag na binhi ng revolution ay kumalat sa iba
pang bahagi ng daigdig, at sa kabilang bahagi ng Atlantic ocean nabuo ang isang mas kumplikado, mas
marahas na rebolusyun ang naganap, ang FRENCH REVOLUTION
Ngayon eh alamin muna natin yung sanhi ng pagkakaroon ng FENMCH REVOLUTION
Kasi itong lipunang pranses ay isang produkto ng makalumang Sistema mula noong medieval age na
kung saan ang mga mamamayan dito ay nahati sa ibat-ibang grupo na kung tawagin ay ESTATES
Ang FIRST ESTATES ay binunuo ng 130,000 na mga tao na kinabibilangan ng mga aristocratikong
miyembro ng simbahan,sila yung mga mayayaman ant gumagawa ng paraan mapanatili yung kanilang
kapangyarihan.at sa kabila ng maliit na bilang o population ng mga ito, nakokontrol nila yung 10% na
kabuuan lupa ng kanilang bansa, at bukod pa sa nag-mamay-ari sila ng malawak na lupain ay hindi rin
sila sinisingil ng TAILLE o yung pangunahing buwis
At ang SECON ESTATES naman ay yung mga dugng bughaw o yung mga nobility na binubuo ng
350000 na mamamyan, sila ang may control sa 30% na lupain ng bansa, sila rin ang may control sa
MILITAR,KORTE,PAMAHALAAN, kagaya ng first estate ay hindi rin sila sinisingil ng buwis
AT ang panghuling estate ay ang mga ordinaryong mammayan ng France ,itong third estate ay nahahati
naman sa tatlong bahagi,una anag mga PEASANT sila yung mga manggagawa sa bukirin at itinuturing na
pinakamababang uri sa lipunang pranses ,sila yung may pinakamalaikng populasypon sa buong pransya at
may control sa 40% ng lupain, ata ang panagalawa ay yung mga artisan,may ari ng tindhan at mga
manggagawa sa pagawaan,sila naman ay mga walang lupain dahil naninirahan sila sa lungsod at ang
panghuli ay ang mga bourgeoise sila ay binubuo ng mga propesyonal na tao gaya
ng ,managnagalakal,banker,abogado,doctor at mga writer
Noong taing 1787-1788 ay bumagsak ang ekonomiya ng France dahil sa mahinang ani ng mga
magsasaka at mababang produksyon ng mga pagawaan at dahil dun marami ang nawalan ng trabaho at
bagkaroon ng kagutuman ,at sa kabila nito ang pamahaaln ng FRANSES ay gumagastos pa rin ng Malaki
para sa digmaan
At dahil sa pagkaubos ng salapi, nagpatawag si KING LOUIS ng estates general para gumawa ng
panibagong buwis,itoing estates general ay ang pagpupulong ng ng tatlong estates ng France sa
BERSAILLES, sinabe ng mga third estates na alisin ang exemption sa pagbabayd ng buwis at kailangan
pagbobtohan ang minungkahing ito ng mga third estate pero lagi silang natatalo,gutsong baguhin ng mga
third estate ang sistemang ito pero hinarang ito ni KING LOIUS at hindi ito nagustuhan ng mga third
estate at dahil dun, tinawag ng mga third estate ang kanilang sarili bilang NATIONAL ASSEMBLY at
sumulat sila ng sarili nilang konstitusyon hanggang sa hindi na sila pinayagang pumasok sa
VERSAILLES kung saan nagaganp ang estate general, sila ay nagpatuloy sa isang tennis at doon buo ng
panibagong konstitosyon.
PInigilan sila ni KING LUOIS pero sinaklolohan sila ng mga mamamayan ng PARIS,hanggang nilusob
ng mga mamamayan ang BASTILLE na taguan ng armas at bilanguan,hanggang sa winsask nila at
kinuha ang mga armas dito ,hanggang sa bumagsak ang bastille at nagpatuloy ang rebolusyon at
bumagsak ang pamhaalan ni king louis.
At noong August 26 1789, idiniklara ng NATIONAL ASSEMBLY ang DECLARATION OF RIGHTS
OF MAN AND THE CITIZEN na binatay nila sa DECLARATION OF INDEPENDENCE ng mga
amerikano,sinasalim nito ang diwa ng enlightenment , na kung saan ang lahat ng tao ay Malaya at pantay-
pantay,ang pamahaaln ay kailangan patakbuhin ng mga taong marunong ,at pagtanggal sa exemption sa
pagbabayad ng buwis,ganun din ang Kalayaan sa pagbabalita at pagsasalita.
Pero hindi pa natatapos yung suliraining ng France, ang mga katabing bansa ng France ay natakot na
baka umabot din doon ag revolution,gaya ng Prusia at Austria at nagbanta sila na babawiin ang
kapangyarihan ni KING LOUIS , lalaong nagging magulo ang sitwasyon dahil sa tangkang pagtakas ni
KING LOUIS.at para sa ibang rebolusyonaryo, sinabi nil ana hindi tapat si king louis sa bagong
pamahalaang pranses, hanggang sa nagdeklara ng digmaan ang France laban sa Austria noong 1792 at
hindi nagging maganda ang resultan ng digmaan para sa FRANCE , at sinisi nila si KING LOUIS dahil
sinabe nila na siya ay hindi tapat sa pamahalaan.
At noong August 1792 nilusob ng isang political na grupo na tinatawag ng PARIS COMMUNE at pinilit
ang legislative assembly ng France na magpatawag ng NATIONAL CONVENTION para sumulat ng
panibagong constitusyton at ang ginawa nilang ito ay nagresulta ng isang madugong rebolusyon sa
France.
Ang mga Paris commune ay isang political na grupo na manggagawang taga lungsod , gusto nila ng
pagbabago gaya ng DIRECT DEMOCRACY,Ekonomiko at panlipunang pagkapantay-pantay, pagbuwag
sa kapangyarihan ng monarkiya at ng mga aristokratikong miyembro ng simbahan.
Gustong maghiganti ng mga ito sa mga taong tumulong kay KING LOUIS at doon sa mga taong walng
suporta sa rebolusyon,libo-libong mga tao ang inaresto at pintay ng Paris Commune
AT ang Paris Commune ay patuloy na pinipilit na magpasa ng mga radical na kautusan ang national
convention na nagresulta sa paghina ng control sa kaniyang mga probinsya.bukod pa sa mga panloob na
suliranin ay dumgdag pa sa kanilang problema ang ginawang pagbitay kay king louis .
At dahil sa takot na paglawak nung radical nap ag-iisip sa buong europa,bumuo ng kowalisyon ang
Austria,Prussia,spain,Britain,Portugal at dutch republic para buwagin ang mga radical sa paris .
At umaksyon ang national convention at itinatag nila ang committee of public safety kung saan
pinagkaluuban nila ito ng kapangyarihan na supilin ang panloob at panlabas na banta sa France , at ang
committee ay pinamunuan ni MAXIMILIEN ROBESPIERE
Para supilin ng COMMITTEE ang panloob na banta sa bansa sinimulan nila ang kampanyang REIGN OF
TERROR ,nagsagawa sila ng mga public trial kung saan nilitis nila ang mga taong kalaban ng rebolusyon
,tinatayang 40000 na tao ang nasawi sa REIGN OF TERROR at ang iba ay pinugutan ng ulo gamit ang
gilotin kabilang ang asawa ni KING LOUIS, nagging marahas din ang trato ng COMMITTEE sa mga
probinsya na hindi kumilala sa kapangyarihan ng national convention.naging madugo ang kamapanyang
ito
At habang nagaganap ang REIGN OF TERROR ay pinasimulan ng COMMITTEEE OF PUBLIC
SAFETY ang pagtatatag ng republic of Virtue
Ayon kay ROBISPIERRE ang republic of virtue ay isang republika ng mga mabubting mamamayan at
ilan sa mga pagbabago ang naganap dito una ang batas na nagbibigay ng karapartan sa lahat ng mga
mamayan na makapag-aral ng elementarya ,pangalawa ,pinagbawal ang pang-aalipin sa France at sa
ibang kolonya nito at ang ikatlo ay pagkontrol sa presyo ng mga pangunanhing pangangailangan ng mga
tao at ang pang-apat ay ang polisiya ng DECHRISTIANIZATION .
Ang FRENCH REVOLUTION ay produkto ng enlightenment ,para sa mga rebolusyonaryo, kailangan
lamang ng tao ay ang kanilang reason o pag-iisip kung kayat maaari ng talikuran ng mga tao yung
kanilang relihiyon at pinasara ng NACTIONAL CONVENTION ang mga simbahan at inudyukan ang
mga pari na magpakasal.at binago din ang kalendaryo na kung saan ang taon ay hindi na binatay sa
kapanganakan ni JESUS CHRIST bagkos doon sa unang araw ng FRENCH REVOLUTION noong
September 22 1792 at pyumalpak ang polisiyang ito ni ROBISPIERRE dahil sa kawalng ng suporta ng
mga tao
At habang nilulutas ang panloob na banta sa France ay patuloy na nagplaplano ang mga kapitbahay na
bansa ng France sa pagsalakay dito at para mapiguilan ang mga pagsalakay ipinag-utos ng
COMMITTEE ang UNIVERSAL MOBILIZATION at ayun dito lahat ng mamamayan ay tutulong sa
pagpapalakas ng kanilang hukbo lahat ng mga kalalakihang walng asawa ay maglilingkod bilang sundalo
at ang mga pamilyadong lalaki naman ang gagawa ng kanilang armas at sila ang magdadal ng mga ito sa
labanan at ang mga kababaihan naman ang gagawa ng damit at tutulong sap ag-aalaga ng mga sundalong
sugatan at ang mga bata ang kokolekta sa mga telang gagamitin at ang mga matatanda ang mga
tagakwento ng kadakilaan at isnpirasyon para sa mga sundalo, at dahil sa UNIVERSAL
MOBILIZATION ay nakabuo ng malaking bilang ng mga sundalo ang FRANCE at dahil dito nagawa
nilang matalo ang nabuong kuwalisyon at nasakop nila ang NETHERLANDS at pagdating ng 1794
natalo ng France ang kalaban nito sa loob at labas ng bansa at hindi na kinakilangan na ipagpatuloy ang
REIGN OF TERROR perogusto pa rin itong ituloy ni ROBISPIERRE at marami sa miyembro ng national
convention nab aka sila na yung isunod ni ROBISPIERRE ,at sila ay bumuto para patalsikin at bitayin si
ROBISPIERRE sa kabila ng madaming niyang kontribusyon

ANG TANONG IS ANO NGA BA YUNG KAUGNAYAN NAG REBOLSUYONG PANGKAISIPAN


SA REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANO?
KUNG NAPANSIN NIYO NA NASABI KO KANINA NA ANG MGA REOLSUYON NA ITO AY
MGA PRODUKTO NG ENLIGHTENMENT, UNA SA REBOLSUYONG AMERIKANO ,NAGING
BTAYAN NG AMERICA ANG MGA GINAWA O SINULAT NG MGA NAUNAANG
PHILOSOPHER SA PAGGAWA NILA NG KANILANG KONSTITUSYON, AT GANUN DIN SA
FRANCE LALO NA DUN SA DECLARATION OF RIGHTS OF MAN AND THE CITIZEN NA
ibinase nila sa declaration of independence ng America ,so nagsimula ang lahat ng ito dahil sa
enlightenment o yung rebolusyong pangkaisipan at sa paggamit ng reason o katuwiran, at yung mga
pamana ng enlightenment ay nakikita pa rin natin hanggang ngayon , gaya ng hellioncentric view , yung
mga katuruan ni BARON DE MONTESQUIE yung paghahati sa tatlong sangay ng pamhalaan, kay
Voltaire yung FREDOOM OF SPEECH at sa iba pang PHILOSOPHER sa larangan ng politika at
ekonomiks na hanggang sa nagyon ay nakaikita at nararansan pa rin natin.

You might also like