You are on page 1of 20

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Ugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan at Rebolusyong
Amerikano at Pranses
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan at Rebolusyong
Amerikano at Pranses
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Niño Jay M. Bareña
Editor:
Tagasuri: Jose Ramil Dupa, Alberto, Jr. S. Quibol
Tagaguhit:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanilo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region11 Davao City Division

Department of Education - Davao City

Office Address: Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines


Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970
E-mail Address: info@deped-davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Ugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan at Rebolusyong
Amerikano at Pranses
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung kayo man ay nahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Matatandaang sa Modyul 3 napag-aralan mo ang tungkol sa
panahon ng enlightenment na kung saan umusbong ang
makabagong pampulitikang kaisipan o tinatawag na rebolusyong
pangkaisipan.

Sa modyul ito, iyong matututunan ang ugnayan ng rebolusyong


pangkaisipan sa pagkakaron ng Rebolusyong Amerikano at Pranses. Ano ng
aba ang ugnayan ng mga pangyayaring ito sa kasaysayan? Ang araling ito
ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency (MELC) na:
naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Amerikano at Pranses.

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aralan mo ang sumusunod:

⚫ Rebolusyong Pangkaisipan
⚫ Rebolusyong Amerikano at Pranses

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay


inaasahang:

1. nailalahad ang mga ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa


Rebolusyong Amerikano at Pranses.
2. naipapaliwanag ang impluwensiya ng rebolusyong pangkaisipan sa
pag-usbong ng Rebolusyong Amerikano at Pranses.

Subukin Natin
Bago mo simulang pag-aralan ang aralin sa modyul na ito,
subukan mo munang sagutin ang sumusunod na katanungan.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot
mula sa mga pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel. Hada kana ba?

1. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay may malaking impluwensiya sa pag-


usbong ng Rebolusyong Amerikano. Alin sa sumusunod ang
nagpapaliwanag sa ugnayan ng Rebolusyong pangkaisipan sa
Rebolusyong Amerikano?

A. Ang ideyang ito ang naging basihan ni Thomas Jefferson sa pagbuo


ng deklarasyon ng Kalayaan na naging mahalagang sulatin sa
paglaya ng mga Amerikano sa mga Ingles.
B. Dahil sa teoryang ito napukaw ang kaisipan ng mga Amerikano
hinggil sa pagkakaroon ng tunay na kalayaan.
C. Binigyang diin sa konseptong ito ang kahalagahan ng Kalayaan na
ipinanglalaban ng mga Amerikano.

1
D. Ang teoryang ito ang nag patibay sa mabuting ugnayan ng mga Ingles
at ng mga Amerikano.

2. Malaki ang impluwensiya Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-usbong ng


Rebolusyong Pransiya. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng
ugnayan ng Rebolusyong pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses?

A. Binigyang diin sa konseptong ito ang kahalagahan ng reporma na


ipinanglalaban ng mga Pranses.
B. Dahil sa teoryang ito napukaw ang kaisipan ng mga Pranses hinggil
sa pagkakaroon ng tunay na kalayaan.
C. Ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng kanilang
monarkiya at ng mga mamamayang Pranses.
D. Dahil sa paghahangad ng pagbabago ginamit ng mga Pranses ang
prinsipyo ng social contract na naghihikayat na magrebolusyon at
pabagsakin ang gobyerno kapag ang pamahalaan ay naging mapag-
abuso.

3. Ang Two Treatises of the Government ay mga lathalain na gawa ni John


lock na nagpukaw sa kaisipan ng mga Amerikano upang ipaglaban ang
kanilang kalayaan. Paano nakaimpluwensiya ang aklat ni John Lock sa
paglaya ng Amerika sa kamay ng Imperyong Great Britain?

A. Ang ideyang ito ang naging basehan ni Thomas Jefferson sa pagbuo


ng deklarayon ng Kalayaan na naging mahalagang sulatin sa paglaya
ng mga Amerikano sa mga Ingles.
B. Ito ang naging daan sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng
pamahalaan upang magkaroon ng mabisang pakikipag-ugnayan na
makatulong sa kanilang pinuno.
C. Binigyang diin sa konseptong ito ang kahalagahan ng Kalayaan na
ipinanglalaban ng mga Amerikano.
D. Ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng mga Ingles
at ng mga Amerikano.

4. Ang ideyang Social Contract ay isang konsepto ni Jean Jacques Rousseau


at naging inspirasyon ng Rebolusyong Pranses. Ano ang nakapaloob sa
teoryang ito?
A. Ang ideyang ito ang naging basehan ni Thomas Jefferson sa pagbuo
ng deklarayon ng Kalayaan na naging mahalagang sulatin sa paglaya
ng mga Amerikano sa mga Ingles.
B. Binigyang diin sa konseptong ito ang karapatan ng mga mamamayan
na magrebolusyon at pabagsakin ang pamahalaan kapag itoy naging
mapang-abuso.
C. Ito ay ang kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan
upang magkaroon ng mabisang pakikipag-ugnayan na makatulong
sa kanilang pinuno.
D. Ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng monarkiya
at ng mga mamamayang Pranses.

2
5. Ang salitang rebolusyon ay napakatanyag sa Panahong ng Pangkaisipan,
Enlightenment at Industriyal, ito ay karaniwang ginagamit na salita sa
pag-unlad at maging sa digmaan. Alin sa sumusunod ang
nagpapaliwanag ng kahulugang ng rebolusyon?

A. Pagkapanalo sa digmaan.
B. Pagkamit sa tunay na Kalayaan.
C. Pagkamit ng malawakang pagbabago.
D. Pakikibaka gamit ang radikal na paraan.

6. Noong Hulyo 14,1789 isang grupo ng mga negosyante, artesano at


empleyado ang sumalakay Bastille, isang kutang bilanguan. Kahit
marami ang nasawi napabagsa parin nila ito. Ano ang mahalagang
resulta sa pagbagsak ng Bastille.

A. Ang pagkawasak ng simbolo ng matandang rehimen.


B. Nagdulot ng malawakang karahasan ang rebolusyong burges.
C. Dahil sa takot tumakas ang mga ang mag maharlika sa palasyo.
D. Dahil sa pag-ataki hindi nakaligtas ang Pambansang Kapulungan.

7. Noong Agosto 26, ipinahayag ang deklarasyon ng Pambansang


Kapulungan ang mga karapatan ng tao at ng mga mamamayan. Paano ito
nakaapekto sa mga karapatan ng mga matataas na uri sa lipunan sa
Pransiya?

A. Tumakas sa bansa ang mga maharlika ng palasyo.


B. Ikinulong ang mga nasa mga katungkulan sa kaharian.
C. Inalis nito ang mga espesyal na pribilihiyo ng mga maharlika at
klerigo.
D. Malugod nilang tinanggap ang deklarasyon bilang pagsuporta sa
bagong kapulungan.

8. Isa sa grupong nagsulong ng rebolusyong radikalismo sa Pransiya ay ang


mga diskontentong mga sans-culotte. Sino-sino ang mga kabilang sa
grupong ito?

A. Mga artesano, maliliit na katiwala, at mga empleyado.


B. Ang mga miyembro ng kapulungang lehislatibo.
C. Mga maharlika at matataas na gitnang uri.
D. Mga mambubukid at Parisiano.

9. Ang La Marseillaise ay ang awiting makabayan na kinanta ng mga


boluntaryong hukbo habang sila ay nag mamartsa patungong Paris.
Paano ang kantang ito ay naging makabuluhan para sa mga Pranses?

A. Ang kantang ito ay nagbigay insperasyon sa mga Pranses upang


pabagsakin ang monarkiya ni Louis XVI.
B. Itoy makabuluhan dahil sa kalaunan, ito ang naging
pambansang awit ng Pransiya na sagisag ng kanilang Kalayaan.

3
C. Ang kantang ito ang hudyat upang mapabilis ang
radikalisasyong rebolusyon.
D. Ito’y makabuluhan dahil ito ang naging hudyat ng kanilang
himagsikan.

10. Noong Enero 1792 nadakip at nilitis si Louis XVI at nahatulan ng


kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay. Sa anong paraan siya pinatay?

A. Sa pamamgitan ng pasunog sa harap ng mga rebolusyonaryo.


B. Siya ay binitay sa pamamagitan ng pagbitin sa lubid.
C. Siya hinatulang mabitay gamit guillotine.
D. Siya’y nakulong ng habang buhay.

Aralin Natin
MAGKUWENTUHAN TAYO!
Ang sumusunod ay nakapaloob sa aklat ni John Locke na Two
Treaties of the Government.
Sa panahon ng Enlightenment, isa sa mga hinahangaang pilosopo ay
si John Locke na may akda ng lathalaing Two Treatises of the Government.
Ang mga sulating ito ay pagpuna sa monarkiyang pamamahala. Ayon kay
Locke, may karapatan ang mamamayan na palitan ang isang pamahalaan
kapag nilabag nito ang likas na karapatan ng tao.
Nakapaloob sa dalawang treatises ni Locke na ang tao sa kanyang
natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na
moral, at mayroong mga natural na karapatan ukol sa kalayaan, buhay, at
pag-aari. Kapag ang Monarkiya o pamahalaan ay hindi na kayang
pangalagaan at ibigay ang mga natural na karapatan ng tao, maaaring
makasira ito sa kasunduan at maaaring mauwi sa pag-aaklas.
Bukod sa teoryang natural rights ni Locke, isa pang teorya ay ang
social contract o kasunduan sa pagitan ng tao at pamahalaan ni Jean
Jacques Rousseau. Sa paanong paraan kaya nakaimpluwensiya ang Two
Treatises of the Government ni Locke sa paghangad ng kalayaan ng mga
Amerikano mula Great Britain? Ano naman ang naging papel sa ideya ni
Rousseau at iba pang mga pilosopo sa panahon ng enlightenment sa
pagkaroon ng Rebolusyong Pranses? Tandaan mo ang mga katanungang ito
sapagkat malalaman mo ang tamang kasagutan sa mga susunod na
talakayan.
REBOLUSYONG PANGKAISIPAN

Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay tumutukoy sa mabilisang


pagbabago ng institusyon ng isang lipunan. Bunga ng rebolusyong ito ay
ang mga makaagham na pamamaraan at mga pagbabago sa iba’t ibang
aspeto ng buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampulitika,
panrelihiyon, at edukasyon. Ang rebolusyong ito ay tinawag na Panahon ng

4
Kaliwanagan o Enlightenment na nakasentro sa katuwiran upang masagot
ang mga suliranin sa lipunan. Ilan sa mga pilosopong namayagpag sa
panahon ng kaliwanagan ay sina Montesquieu, John Locke, Francois Marie
Arouet, Thomas Hobbes, at Jean Jacques Rousseau.

Malaki ang naging impluwensiya ng mga kaisipang ipinanukala ng


mga pilosopong ito tulad na lamang ng konsepto ng natural rights,
separation of powers, at social contract theory na nagmulat sa mga
Amerikano at Pranses upang mag-alsa laban sa monarkiyang pamahalaan.

UGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG


AMERIKANO AT REBOLUSYONG PRANSES

Sa unang bahagi ng Araling Natin ng modyul na ito, iyong natutunan


ang malaking impluwensiya ni John Locke sa pag-usbong ng rebolusyong
Amerikano sa pamamagitan ng kanyang dalawang lathalain o Two Treatise
of the Government. Ang ideya ni Locke ang naging basehan ng mga
Amerikano na lumaya mula sa pagiging kolonya ng Great Britain.

Nakapaloob sa dalawang lathalain ang tungkol sa nararapat na


layunin ng isang pamahalaan na pangalagaan at protektahan ang natural
rights o likas na karapatan ng tao. Isang patunay nito ang sinulat ni
Thomas Jefferson na Deklarasyon ng Kalayaan na halaw sa ideya ni Locke.
Ang lathalaing ito ni Jefferson ay mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika
sa mga kamay ng Ingles.

Ang mga ideya at pananaw ng mga pilosopo at siyentista sa


Rebolusyong Pangkaisipan o panahon ng enlightenment na
nakaimpluwensiya sa Kalayaan ng Amerika mula Great Britain, ay
mayroong malaking papel sa pagsibol ng Rebolusyong Pranses noong 1789.
Sa pamamagitan ng Rebolusyong Pranses, ipinatalsik at tuluyan
pinabagsak ang pamahalaang monarkiya pati na rin ang mga tradisyon at
lumang paniniwala at pamamaraan ng pamahalaan.

Ipinalit nila ang ideya ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at


pagkakapatiran na may kauganayan sa konseptong Social Contract ni Jean
Jacques Rousseau, ayon sa ideyang ito na kapag ang isang pamahalaan ay
naging mapang-abuso, may karapatan ang mga mamamayan na mag-alsa
at ibagsak ang pamahalaan.

Pansinin ang talahanayan na nagpapaliwanag ng ugnayan at


impluwensiya ng Rebolusyong Kaisipan sa Rebolusyong Amerikano at
Pranses:

5
Pilosopo/ Akda/Pilosopiya at Impluwensiya
Philosophes Kaisipan
John Locke Two Treatises of the Nakaimpluwensiya ito sa mga
(1632-1704) Government – may konstitusyon sa Europa at Amerika.
karapatan ang Isinaad sa akda ni Locke na lahat ng
mamamayan na palitan tao ay ipinanganak na malaya at
ang isang pamahalaan pantay, mayroong karapatan sa
kapag nilabag nito ang buhay, sa ari-arian, at maging
likas na karapatan ng malaya. Kapag hindi nagawang ma
tao. protektahan ang mamamayan,
maaaring palitan ng mga ito ang
rehimeng namamahala.
Sa kaisipang ito nakabatay ang
Konstitusyon ng Amerika. Ang
American Declaration of Indepence o
Deklarasyon ng Kalayaan ng
Amerika ay nakabatay sa Natural
Rights Theory at konsepto ng
Kalayaan ni Locke.
Jean Jacques The Social Contact Naging inspirasyon ito ng
Rousseau Theory – ang Rebolusyong Pranses.
(1712-1778) pangkalahatang Dahil sa teoryang ito, naging
kasunduan ay sagrado malawakan at lubusan ang
at absolute. May rebolusyong naganap sa France.
karapatan ang mga Kung sa Rebolusyong Amerika ay
mamamayan na nananatili parin ang ibang kultura at
magrebolusyong at pamana ng Great Britain, sa
ibagsak ang Rebolusyong Pranses naman ay
pamahalaan kapag ang naging malawakan ang pagbabago
isang pamahalaan ay sapagkat tuluyang winaksi ang lahat
naging mapang-abuso, ng mapang-abuso at hindi pantay na
may karapatan silang tradisyon at kultura na dala ng
mag-aklas at palitan Monarkiya
ang pamahalaan.
Charles de The Spirit of Laws – ang Ang konsepto ng separation of
Montesquieu pamahalaan ay powers ng tatlong sangay ng
(1689-1755) kailangang nahahati sa pamahalaan ay umusbong mula sa
lehislatibo, ehekutibo, teorya ni Montesquieu. Ayon sa
at hudikatura. kanya ang lehislatibo ang siyang
gagawa ng batas, ang ehekutibo ang
magpapatupad nito, at ang
hudikatura naman ang hukuman.
Malaki ang naging impluwensiya ng
konseptong Separation of Powers sa
Konstitusyon ng Amerika.

6
KARAGDAGANG KAALAMAN
Bilag karagdagang kaalaman, narito ang mga pangyayari sa
Rebolusyong Amerikano at Pranses.

ANG REBOLUSYONG AMERIKANO

Noong 1774 ipidala ng parlamento


Hulyo 2, 1776 impormal na Hulyo4, 1776 pormal na inalis ni
sa boston ang mga Red Coat
idineklara ng kongreso ang Jefferson ang relasyon ng Amerika
(militar na Engles) upang digmain
kalayaan ng Amerika. sa hari ng inglatera.
ang Massachusetts

1775 pinagtibay ng mga delegado Enero 1776 inilimbag ni ni Thomas


ang "olive Branch Petition" na Paine ang kanyang akdang
Oktubre 19,1781 nagtapos ang
nagsilbing tulong sa dinidigmaang Common Sense.
digmaang Amerikano-Inglatera.
mamamayan ng Massachusetts. si hunyo 7,1776 nag-alok ng
George Washington ang hinirang na septembre 3, 1782 nagkaroon ng
resolutsyon si Richard Henry Leeng
pinuno ng mga pwersang usapang pangkapayapaan
Virginia upang maging malaya ang
Amerikano. Amerika mula sa Inglatera.

Hunyo 1776 nilabanan ng mga


1776 nagkaroon ng alyansa ang Septembre 3, 1783 pormal na
Carolinian ang mga pwersang
Amerika at Pransiya kaya dinigma nilagdaan ang isang tratadong
Engles sa dakong timog ng
ng Inglatera ang Pransya. pangkapayapaan.
Amerika.

ANG REBOLUSYONG PRANSES


Ang unang yugto ng rebolusyon
Nnoong Hulyo 14, 1789 isang grupo ng mga negosyante, artesano at empleyado na
may bilang na 800-900 katao ang namuno sa pagsalakay sa Bastelle, isang kutang
bilangguan at kinamumuhiang sagisag ng absolutismo ng mga bourbon. may
mahalagang resulta ang pagbagsak ng bastille. pangunahi dito ang pagwasak ng
simbolo ng matandang rehimen.

Pag-aalasa ng mga Magbubugid at pagmartsa ng mga Parisiano


sa dako ng hulyo at unang dako ng Agosto, nawala na ang matinding takot ng mga
taga-probinsiya sa hari. Dahil sa impluwensiya ng pag-aalsa ng mga taga-Paris
naghimagsik din ang mga mambubukid. Noong Agosto 26, 1789 ipinahayag ng
Pambansang Kapulunganang deklarasyon ng mga karapatan ng Tao at ng mga
mamayan. Ayon sa deklarasyon ang mga tao ay isinilang at mananatiling malaya at
pantay-pantay sa mga karapatan.

Mga Reporma ng Pambansang Kapulungan


nagpatuloy ang Pambansang kapulungan sa pagpapatupad ng mga reporma noong tag-araw
ng 1789. Inalis nito ang mga espeyal na pribilihiyo ng mga maharlika at klerigo at ang
absolutismong nakabantay sa mga karapatang dibino ng hari. Noong Setyembre 1791,
nagawa ang isang nakasulat na konstitusyonng Pransiya. ang pambansang kapulungan ay
nagsabatas ng mga administratibo at hudisyal na reporma na nagwakas sa pagbebebnta ng
mga opisinang panghukuman.

Ang Ikalawang Yugto : Radikal na Rebolusyon


Sa yugtong ito bumagsak ang maderatong gitnang uri at umangat ang bagong radikal na mga republikano. Si
Maximilien Robespierre isang abgado at miyembro na Pambansang Kapulungan ang nagkaroon ng malakas na
impluwensiya sa iakalwang yugto ng rebolusyon. Ang nagsulong ng rebolusyon sa radikal ay ang mga
diskontetong mga sans-culoote, mga artesano, maliliit na katiwala, at mga empleyado. Tinawag silang mga
sans-cullote dahil sila'y nakapantalon sa halip na naksuot ng knee-breeches ng mga maharlika at ng matataas
na gitnang uri. Noong 1792, mahigpit nilang ipinaglaban ang pagkakapantay sa burgesya.

Ang mga boluntaryong hukbo ay nagsipagmartsa patungo sa Paris habang umaawit ng mga awiting
makabayan, tulad ng La Marseillaise, na naging pambansang awit ng France.
Noong setyembre 21, 1791 ipinahayag ng isang bagong Kombensiyong Pambansa na binuo ng
kapulungang Lehislatibo na ang Pransiya ay bisang republika.
Enero 1792, nilitis ang hari at hinatulang mabitay sa pamamagitan ng guillotine. Ang pagbagsak ng
monarko ay naghudyat ng mabilis na radikalisasyon ng Rebolusyon.
7
GawinNatin
Gawain: IPALIWANG MO.

Panuto: Basahing Mabuti ang teksto sa Aralin Natin at sagutin ang


sumusunod na katanungan.

1. Sa paanong paraan kaya nakaimpluwensiya ang Two Treatises of the


Government ni John Locke sa paghangad ng Kalayaan ng mga Amerikano
mula Great Britain?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano naman ang naging papel sa ideya ni Rousseau at iba pang mga
pilosopo sa panahon ng Enlightenment sa pagkaroon ng Rebolusyong
Pranses?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIKS PARA SA PAGMAMARKA


5 4 3 2
Ang nilalaman ay Ang nilalaman Ang nilalaman ay Ang nilalaman ay
may kaugnayan sa ay may hindi masyadong hindi maiuugnay sa
paksa. Ito rin ay kaugnayan sa maiuugnay sa paksa at hindi
Nilalaman

makabuluhan at paksa at paksa ngunit ito masyadong


nagpapakita ng makabuluhan. ay makabuluhan. makabuluhan.
malalim na Subalit Kakikitaan ang Kakikitaan ang
pagkatuto ng mag- kakikitaan ito sagot ng sagot ng tatlo o higit
aaral ukol sa ng isang maling dalawang maling pang maling
paksa. Lahat ng pahayag. pahayag. pahayag.
isinulat ay tama.

8
Sanayin Natin
Gawain 2: MANGATUWIRAN KA.
Panuto: Sagutin ang katanungan batay sa sariling paninidigan
ngunit gumamit ng mga kaisipan at pilosopiya na natutunan mula sa
aralin.

Makatuwiran ba ang pagpasok ng mga kabataan sa mga progresibong


grupo ng lipunan? Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang dalawa o higit pang
mga kaisipan ang prinsipiyong natutunan mo mula sa Rebolusyong
Pangkaisipan at Rebolusyong Amerikano at Pranses.

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

________________________________________
Gabay sa Pagwawsto (Rubric)

Pamantayan 3 2 1
Wasto at makatotohanan Maayos na nailahad ang Inilahad ang mga
ang impormasyon. May impormasyon. Mayroong sagot gamit
dalawa o higit pang isang teorya o kaisipan lamang ang isang
pinagbatayang teorya o mula sa aralin ang teorya o kaisipan
kaisipan mula sa aralin ginamit sa pagsalaysay. mula sa aralin.
Nilalaman
ang ginamit sa
pagsalaysay.
Kumprehensibo at Malinaw ang daloy ng Kakikitaan ng
malinaw ang daloy ng pagkakasulat. Subalit dalawa o higit
pagkakasulat. Walang kakikitaan ng isang pang kamalian ang
Organisasyon maling makikita sa maling pagkakasulat sa sagot
pagkakasulat sa mga mga sagot. (pagkakabaybay,
sagot. paglalahad ng mga
pangungusap, at
iba pa)

9
Tandaan Natin
Pakatandaan na ang sumusunod na mahahalagang konsepto:

• Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay tumutukoy sa mabilisang


pagbabago ng institusyon ng isang lipunan. Bunga ng rebolusyong ito
ay ang mga makaagham na pamamaraan at mga pagbabago ng iba’t
ibang aspeto ng buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan,
pampulitika, panrelihiyon, at edukasyon.
• Malaki impluwensiya ni John Locke sa pag-usbong ng Rebolusyong
Amerikano sa pamamagitan ng kanyang dalawang lathalain o Two
Treatise of the Government. Ang nakapaloob dito na konsepto ng
Natural Rights ang isa sa naging batayan ni Thomas Jefferson sa
American Declaration of Freedom.
• Ang teoryang Social Contract ni Jean Jacques Rousseau ay
nakaimpluwensiya sa Rebolusyong Pranses. Dahil sa teoryang ito,
naging malawakan at lubusan ang rebolusyong naganap sa France.

Suriin Natin
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang bawat tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay may malaking impluwensiya sa


pag- usbong ng Rebolusyong Amerikano. Alin sa sumusunod ang
nagpapaliwanag sa ugnayan ng Rebolusyong kaisipan sa Rebolusyong
Amerikano?
A. Ang ideyang ito ang naging basihan ni Thomas Jefferson sa pagbuo
ng deklarayon ng Kalayaan na naging mahalagang sulatin sa paglaya
ng mga Amerikano sa mga Ingles.
B. Dahil sa teoryang ito napukaw ang kaisipan ng mga Amerikano
hinggil sa pagkakaroon ng tunay na kalayaan.
C. Binigyang diin sa konseptong ito ang kahalagahan ng Kalayaan na
ipinanglalaban ng mga Amerikano.
D. Ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng mga Ingles
at ng mga Amerikano.

2. Malaki ang impluwensiya Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-usbong


ng Rebolusyong Pransiya. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng
ugnayan ng Rebolusyong kaisipan sa Rebolusyong Pranses?
A. Binigyang diin sa konseptong ito ang kahalagahan ng reporma na
ipinanglalaban ng mga Pranses.
B. Dahil sa teoryang ito napukaw ang kaisipan ng mga Pranses hinggil
sa pagkakaroon ng tunay na kalayaan.
C. Ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng kanilang
monarkiya at ng mga mamamayang Pranses.
D. Dahil sa paghahangad ng pagbabago ginamit ng mga Pranses ang
prinsipyo ng social contract na naghihikayat na magrebolusyon at

10
pabagsakin ang gobyerno kapag ang pamahalaan ay naging mapag-
abuso.

3. Ang Two Treatises of the Government ay mga latahalain na gawa ni


John lock na nagpukaw sa kaisipan ng mga Amerikano upang
ipaglaban ang kanilang kalayaan. Paano nakaimpluwensiya ang aklat
ni John Lock sa paglaya ng Amerika sa kamay ng Imperyong Great
Britain?
A. Ang ideyang ito ang naging basehan ni Thomas Jefferson sa pagbuo
ng deklarasyon ng Kalayaan na naging mahalagang sulatin sa
paglaya ng mga Amerikano sa mga Ingles.
B. Ito naging daan sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng
pamahalaan upang magkaroon ng mabisang pakikipag-ugnayan na
makatulong sa kanilang pinuno.
C. Binigyang diin sa konseptong ito ang kahalagahan ng Kalayaan na
ipinanglalaban ng mga Amerikano.
D. Ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng mga
Ingles at ng mga Amerikano.
4. Ang ideyang Social Contract ay isang konsepto ni Jean Jacques
Rousseau ay naging inspirasyon ng Rebolusyong Pranses. Ano ang
nakapaloob sa teoryang ito?
A. Ang ideyang ito ang naging basehan ni Thomas Jefferson sa pagbuo
ng deklarayon ng Kalayaan na naging mahalagang sulatin sa paglaya
ng mga Amerikano sa mga Ingles.
B. Binigyang diin sa konseptong ito ang karapatan ng mga mamamayan
na magrebolusyon at pabagsakin ang pamahalaan kapag itoy naging
mapang-abuso.
C. Ito ay ang kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan
upang magkaroon ng mabisang pakikipag-ugnayan na makatulong
sa kanilang pinuno.
D. Ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng monarkiya
at ng mga mamamayang Pranses.

5. Ang salitang rebolusyon ay napakatanyag sa Panahong ng


Pangkaisipan, Enlightenment at Industryal, ito ay karaniwang
ginagamit na salita sa pag-unlad at maging sa digmaan. Alin sa
sumusunod ang nagpapaliwanag ng kahulugang ng rebolusyon?
A. Pagkapanalo sa digmaan.
B. Pagkamit sa tunay na Kalayaan.
C. Pagkamit ng malawakang pagbabago.
D. Pakikibaka gamit ang radikal na paraan.

6. Sa taong hulyo 14,1789 isang grupo ng mga negosyante, artesano at


empleyado ang sumalakay Bastille, isang kutang bilanguan. Kahit
marami ang nasawi napabagsa parin nila ito. Ano ang mahalagang
resulta sa pagbagsak ng Bastille.
A. Ang pagkawasak ng simbolo ng matandang rehimen.
B. Nagdulot ng malawakang karahasan ang rebolusyong burges.
C. Dahil sa takot tumakas ang mga ang mag maharlika sa palasyo.

11
D. Dahil sa pag-ataki hindi nakaligtas ang Pambansang Kapulungan.

7. Noong Agosto 26, ipinahayag ang deklarasyon ng Pambansang


Kapulungan ang mga karapatan ng tao at ng mga mamamayan.
Paano ito nakaapekto sa mga karapatan ng mga matataas na uri sa
lipunan sa Pransiya?
A. Tumakas sa bansa ang mga maharlika ng palasyo.
B. Ikinulong ang mga nasa mga katungkulan sa kaharian.
C. Inalis nito ang mga espesyal na pribilihiyo ng mga maharlika at
klerigo.
D. Malugod nilang tinanggap ang deklarasyon bilang pagsuporta sa
bagong kapulungan.

8. Isa sa grupong nagsulong ng rebolusyong radikalismo sa Pransiya ay


ang mga diskontentong mga sans-culotte. Sino-sino ang mga kabilang
sa grupong ito?
A. Mga artesano, maliliit na katiwala, at mga empleyado.
B. Ang mga miyembro ng kapulungang lehislatibo.
C. Mga maharlika at matataas na gitnang uri.
D. Mga mambubukid at Parisiano.

9. Ang La Marseillaise ay ang awiting makabayan na kinanta ng mga


boluntaryong hukbo habang sila ay nagmamartsa patungong Paris.
Paano ang kantang ito ay naging makabuluhan para sa mga Pranses?
A. Ang kantang ito ay nagbigay insperasyon sa mga Pranses upang
pabagsakin ang monarkiya ni Louis XVI.
B. Itoy makabuluhan dahil sa kalaunan ito naging pambansang awit
ng Pransiya na sagisag ng kanilang Kalayaan.
C. Ang kantang ito ang hudyat upang mapabilis ang radikalisasyong
rebolusyon.
D. Makabuluhan dahil ito ang naging hudyat ng kanilang
himagsikan.

10. Noong Enero 1792 nadakip at nilitis si Louis XVI at nahatulan ng


kamatayan sapapamigitan ng pagbitay. Sa anong paraan siya pinatay?
A. Sa pamamgitan ng pasunog sa harap ng mga rebolusyonaryo.
B. Siya ay binitay sa paamamagitan ng pagbitin sa lubid.
C. Siya hinatulang mabitay gamit guillotine.
D. Sa pagkulong ng habang buhay.

12
Payabungin Natin
Gawain: TAMA O MALI.

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang


M kung ang ideya ng pahayag at T naman kung ito ay tama.

_________1. Isinaad sa akda ni Locke na lahat ng tao ay ipinanganak na


malaya at pantay-pantay, mayroong karapatan sa buhay, sa
ari-arian, at maging malaya.

_________2. Malaki ang naging impluwensiya ng mga kaisipang ipinanukala


ng mga philosophes na laman ng konsepto ng natural rights,
separation of powers, at social contract theory at nagmulat sa
mga Amerikano at Pranses upang mag-alsa laban sa
monarkiyang pamamahala.

_________3. Ayon sa Social Contract Theory, may karapatan ang


mamamayan na palitan ang isang pamahalaan kapag nilabag
nito ang likas na karapatan ng tao.

_________4. Sa Two Treatises of the Government nakapaloob ang ideya na


ang pamahalaan ay kailangang nahahati sa lehislatibo,
ehekutibo, at hudikatura.

_________5. Malaki ang naging impluwensiya ng Rebolusyong Pranses sa


Rebolusyong Amerika.

Pagnilayan Natin
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang rebolusyon? Matatandaang
ginamit ang salitang ito sa Rebolusyong Pangkaisipan, Rebolusyong
Siyentipiko, at Rebolusyong Indutriyal. Ang salitang ito naman ay ginamit
rin sa pagtukoy ng Rebolusyong Amerikano at Pranses. Mayroon bang
kaibahan ang kahulagan ng paggamit ng salitang rebolusyong sa mga
pangyayaring ito sa kasaysayan?

Ayon sa Merriam Dictionary, ang rebolusyon ay tumutukoy sa


malawakang pagbabago sa lipunan. Samantalang sa kasaysayan, ito ay
nangangahulugan pagpapatalsik ng isang rehimen, na maaring sa paraang
bayolente, ngunit nagreresulta sa pagbabago ng mga institusyon ng
lipunan. Samakatuwid, Rebolusyong Pangkaisipan man o rebolusyon ng
mga mamayan, ito ay nangangahulugan parin na paghahangad ng
malawakang pagbabago.

13
14
PAYABUNGIN NATIN SURIIN NATIN SUBUKIN NATIN
1. T 1.A 1.A
2.D 2.D
2. T 3.A 3.A
4.B 4.B
3. T 5.C 5.C
6.A 6.A
4. M 7.C 7.C
8.A
5. M 9.B 8.A
10.C 9.B
10.C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.


Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina
C. Manalo, and Kalenna Lorene S. Asis (2014). Kasaysayan Ng
Daigdig. 1. 1st ed. Vol. 1. 1 vol. 2014. Pasig City, Philippines:
Department of Education - Instructional Council Secretariat.

Perry, Marvin ... et al.(1989) A History of the World. Boston: Houghton


Mifflin, 1989.

Quiason, Serafine D., Barnardita R. Churchill, and Fe B. Mangahas (2008).


Kasaysayan Ng Daigdig. 1. Vol. 1. Quezon City, Philippines: C & E
Publishing Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like