You are on page 1of 10

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan

MGA PILYEGO NG GAWAING


PAMPAGKATUTO
(Ikalimang Linggo)

PAGKAMULAT: KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG


PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG
PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG PRANSES
AT AMERIKANO

Manunulat:

MARIA MERA G. GORGONIO


Teacher II

Mataas na Paaralang Pambansang Union


Sangay ng Siargao

Panimula
Ang Pilyegong mga Gawaing Pampagkatuto ay disenyo at sinulat para
sa batang katulad mo na nasa ikawalong baiting upang matatalakay ang
Pagkamulat: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Pranses at Amerikano.

Ang mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo


upang lumawak ang ating kaalaman sa mga mahahalagang pangyayari sa
Rebolusyong Amerikano at Pranses.

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:


Aralin 1: Pagkamulat: Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Pranses at Amerikano

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakapagpapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses

2. Nakapagtatalakay nang kaugnayan ng Rebolusyong


Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses

Pag-aralan

1
PAKSA: Pagkamulat: Kaugnayan ng
Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong
Pranses at Amerikano

Sa araling ito tuklasin ang mga dinamikong ideya tungkol sa


Rebolusyong Amerikano at Pranses at ang impluwensiya nito sa
pagsilang ng nasyonalismo sa daigdig.

Rebolusyong Pangkaisipan

Tumutukoy ang rebolusyon sa mabisang pagbabago ng isang


institusyon o lipunan. Madalas na nagdudulot ito ng pansamantalang
kaguluhan lalo’t higit sa mga taong nasanay sa isang tahimik at
konserbatibong pamumuhay.

Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang pagbabagong


ginawa nito sa iba-ibang aspekto ng buhay ng tao. Marami ang
nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang mapaunlad ang
buhay ng tao sa larangang pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at
maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwangan
(Enlightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng reason o
katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampolitikal, at pang-
ekonomiya. Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga
pilosopo.

Kaisipang Politikal

Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan noong ika-


18 na siglo (1700s). Isa sa kinilalang pilosopo sa panahong ito ay si Baron
de Montesquieu (MON tehs kyoo) dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa
absolutong monarkiyang nararanasan sa France ng panahong iyon.

Sa kaniyang aklat na pinamagatang “The Spirit of the Laws” (1748),


tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa Europe.
Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng
pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay nalilimitahan ng
parliament.

Mas kinilala ang kaisipang balance of power ni Montesquieu na


tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong

2
sangay (ehekutibo, lehislatura, at hudikatura). Ayon sa kaniya, ang paglikha
ng ganitong uri ng pamahalaan ay nagbibigay proteksyon sa mamamayan
laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan.

Philosophes

Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 na siglo, isang pangkat ng mga


taong tinatawag na philosophes (FHIL-uh-SAHFS) ang nakilala sa France.
Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na ang reason o katuwiran ay magagamit
sa lahat ng aspekto ng buhay, tulad ni Isaac Newton na ginamit ang
katuwiran sa agham. Limang mahahalagang kaisipan ang bumubuo sa
kanilang pilosopiya.

1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan (truth) ay


maaaring malaman gamit ang katuwiran. Para sa kanila, ang katuwiran ay
ang kawalan ng pagkiling at kakikitaan ng pag-unawa sa mga bagay-bagay.

2. May mga paggalang ang philosophes sa kalikasan (nature) ng isang


bagay. Ayon sa kanila, ang likas o natural ay mabuti. Naniniwala rin sila na
may likas na batas (natural law) ang lahat ng bagay. Tulad ng pisikal na
may likas na batas na sinusunod, ang ekonomiya, at politika ay gayon din.

3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga


taong sumusunod sa batas ng kalikasan. Naniniwala sila na ang
maginhawang buhay ay maaaring maranasan sa mundo. Taliwas ito sa
paniniwalang medieval na kailangang tanggapin ang kahirapan habang
nabubuhay upang matamasa ang kaginhawaan sa kabilang buhay.

4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring


umunlad kung gagamit ng “makaagham na paraan”.

5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes. Tulad ng mga British,


ninais nilang maranasan ang kalayaan sa pagpapahayag, pagpili ng
relihiyon, pakikipagkalakalan, maging sa paglalakbay. Mangyayari lamang
ito kung gagamitin ang reason.

Isa sa itinuturing na maimpluwensiyang philosophes si Francois


Marie Arouet na mas kilala sa tawag na Voltaire. Siya ay nakapagsulat ng
higit sa 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika at maging
drama.
Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga
katunggali tulad ng mga pari, aristocrats, at maging ang pamahalaan. Dahil
sa tahasang pagtuligsa sa mga ito, ilang beses siyang nakulong. Matapos

3
nito’y ipinatapon siya sa England ng dalawang taon at kaniyang nasaksihan
at hinangaan ang pamahalaang Ingles.

Nang makabalik ng Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa


batas at kaugaliang Pranses at maging sa relihiyong Kristiyanismo.
Nagkaroon man siya ng maraming kaaway dahil sa kanyang opinion, hindi
siya huminto sa pakikipaglaban upang matamasa ang katuwiran, kalayaan
sa pamamahayag, at pagpili ng relihiyon, at tolerance.

Samantalang bukod sa magkataliwas na ideya ni Thomas Hobbes at


John Locke tungkol sa katangian ng pamahalaang nararapat na mamuno
sa mamamayan, isa pang philosophe ang tumalakay sa pamamahala at siya
ay si Jean Jacques Rousseau (roo-SOH).

Nagmula sa isang mahirap na pamilya, si Rousseau ay kinilala dahil


sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa
kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal (individual freedom).

Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng kaunlaran,


siya ay naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang
nagnakaw sa kabutihan ng tao.

Ayon sa kaniya, likas na mabuti ang tao. Nagiging masama lamang


ang tao dahil sa impluwensiya ng lipunang kaniyang kinabibilangan.
Mauugat ito nang umusbong ang sibilisasyon at sinira ang kalayaan at
pagkakapantay-pantay na siya naming katangian ng sinaunang lipunan.
Binigyang diin niya na ang kasamaan ng lipunan (evils of the society) ay
mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan
sa pagkamal nito.

Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa


kaniyang aklat na The Social Contract. Naniniwala siya na magkakaroon
lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa
‘pangkalahatang kagustuhan’ (general will). Samakatuwid, isinusuko ng tao
ang kaniyang will o kagustuhan sa pamahalaan.

Ang Social Contract niya ang naging saligan ng mga batas ng


rebolusyon sa France.

Pagpapalaganap ng Ideyang Liberal


Pinalaganap ni Denis Diderot (dee DROH) ang ideya ng mga philisophe
sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na Encyclopedia na
tumatalakay sa iba-ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan ng

4
pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong
kaisipan sa mga usaping pamamahala, pilosopiya, at relihiyon.

Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang tradisyonal na


relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng
Encyclopedia at binantaan ang mga Katolikong bibili at babasa nito.

Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang na 20,000 kopya


ang naimprenta sa mga taong 1751-1789. Nang ito ay maisalin sa ibang
wika, naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong
Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europe kundi maging sa
America at kalaunan ay Asya at Africa.

Mga Kababaihan sa Panahon ng Enlightenment

Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay tinitignan ng mga


philosophes na hindi akma sa kababaihan. Naniniwala sila na limitado
lamang ang karapatan ng kababaihan kung ihahambing sa kalalakihan.

Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng ika-18 na


siglo (1700s) nang magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng
pagtingin. Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang uring
kababaihan kaysa kalalakihan.

Pinangunahan nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ang


laban ng kababaihan. Sa akdang A Vindication of Rights of the Woman ni
Wallstonecraft ito ang paraan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay
ang kalalakihan at kababaihan.

Mahabang panahon bago binigyang pansin ang ideyang ito. Ngunit isa
ang malinaw: naisatinig sa Panahong Enlightenment ang diskriminasyon
laban sa kababaihan.

Kaisipang Pang-ekonomiya

Maging ang kaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng pagbabago sa


panahong ito. Kinuwestiyon ang merkantilismo sa matagal ng namayani sa
Europe at kinilala ang polisiyang laissez faire. Binigyang diin sa kaisipang
ito ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi nararapat na pakialaman
ang pamahalaan. Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na ang
pinagbabantayan ng yaman ay ang dami ng ginto at pilak.

5
Tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng
yaman o nakatutulong sa pagpapayaman. Tinawag na physiocrats ang mga
naniwala at nagpalaganap nito ng ganitong kaisipan.

Si Francois Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang


ekonomiya.

Katulad ni Quesnay, naniniwala si Adam Smith na kailangan ang


produksiyon upang kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang British na
nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaaring dumaloy nang
maayos nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.

Ang pangunahin umanong tungkulin ng pamahalaan ay ang


pagbibigay proteksiyon sa mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng
lipunan at pamahalaan at ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng
pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng mga tulay at kalsada.

Kung maisasagawa, ang mga ito’y higit na madaling magkakaroon ng


interaksiyong pang-ekonomiko sa bawat indibidwal na siya naming
magpapaangat ng ekonomiya at pamumuhay ng mamamayan.

Impluwensya ng Pagkamulat ng Pangkaisipan

Nagbigay ng pagkamulat-pangkaisipan ng ideya at wika na siyang


ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Naging
epektibo ang impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng
karapatang makapili ng sariling pilosopiya.

Higit ngang mapanuri ang tao at iba-ibang pananaw ang kanilang


natutuhan sa panahong ito. Marami ang natutong magtanong sa mga
kaugalian at tradisyong matagal ng sinunod.

Naging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa estruktura ng lipunan


samantalang ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito.
Nagbibigay daan ito sa isa pang uri ng rebolusyon ang Rebolusyong
Politikal.

Mga Gawaing Pampagkatuto


6
Gawain 1. Isulat ang limang mahahalagang kaisipan na bumubuo sa
pilosopiya ng mga philosophes sa ilalim ng kahon.
1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 2. Buoin mo ako!


Buoin ang mahahalagang salita mula sa araling tinalakay batay sa
kahulugang ibinigay sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Nagpalaganap ng ideya ng mga philosophe sa pamamagitan ng


pagsulat at pagtipon ng 28 volume na Encyclopedia na tumatalakay
sa iba-ibang paksa.

2. Pangkat ng mga taong nakilala sa France sa kalagitnaang bahagi


ng ika-18 siglo.

3. Madalas gumamit ng satiriko laban sa kanyang mga katunggali


tulad ng mga pari, aristocrats,a t maging ang pamahalaan.

4. Isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya.

5. Kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na


tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal
(individual freedom).

7
Gawain 3. Diyagram ng Pag-unawa
Gamit ang kasunod na diyagram, tukuyin ang hinihinging mga
impormasyon ayon sa dalawang Rebolusyong Pangkaisipan

Rebolusyong Pangkaisipan

Kaisipang Politikal Kaisipang Pang-ekonomiya

Answer key
Gawain 2.
1. Denis Diderot
2. Philosophes
3. Voltaire
4. Francois Quesnay
5. Jean Jacques Rousseau

Answer key

8
Gawain 1: Maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-
aaral

Gawain 2.
1. Denis Diderot
2. Philosophes
3. Voltaire
4. Francois Quesnay
5. Jean Jacques Rousseau

Gawain 3: Maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-


aaral

Sanggunian

AKLAT:

Teofista L. Vivar et al,ph, Vivar et al, Grace Estela C. Mateo, Ph.D, et.
Al,Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

You might also like