Professional Documents
Culture Documents
Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit
ng reason o katwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampolitikal, at pang ekonomiya.
Nagsimula ito sa batayang kaisipan ipinamungkahi ng mga pilosopo.
Kaisipang Politikal
Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan noong ika-8 na siglo (1700s). Baron de
Montesquieu - Isa sa kilalang pilosopo sa panahong ito dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa
absolutong monarkiyang nararanasan sa France sa panahong iyon.
Sa kaniyang aklat na “The Spirit of Laws”(1748), tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang
namayani sa Europe. Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng
pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament. Ngunit, mas kinilala
ang kaisipang balance of power na tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa
tatlong sangay (ehekutibo, lehislatura ,at hudikatura).
Philosophes
Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 na siglo, isang pangkat ng mga taong tinawag na philosophes ang
nakilala sa France. Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na ang reason o katwiran ay magagamit sa
lahat ng aspeto ng buhay. Tulad ni Isaac Newton na ginamit ang katwiran sa agham(science).
LIMANG MAHALAGANG KAISIPAN NA BUMUBUO SA KANILANG PILOSOPIYA:
1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan(truth) ay maaaring malaman gamit ang
katwiran. (Para sa kanila ang katwiran ay ang kawalan ng pagkiling at kakitaan ng pag unawa sa
mga bagay bagay)
2. May paggalang ang mga philosophes sa kalikasan(nature) ng isang bagay. Ayon sa kanila, ang
likas o natural ay mabuti. Naniniwala rin sila na may likas na batas(natural law).
3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas at
kalikasan. Naniniwala sila na ang maginhawang buhay ay maaring maranasan sa mundo.Taliwas ito
sa paniniwalang medieval na kailangan tanggapin ang kahirapan habang nabubuhay upang
matamasa ang kaginhawaan sa kabilang buhay.
4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniniwala na maaaring umunlad kung gagamit ng
“makaagham na paraan”.
Isa sa itinuturing na maimpluwensyang philosophes si Francois Marie Arouet. Mas kilala sa tawag
na Voltaire, siya ay nakapagsulat ng higit 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika, at
maging drama. Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali tulad ng
mga pari, aristocrats, at maging ang pamahalaan. Dahil sa tahasang pagtuligsa sa mga ito, ilang
beses siyang nakulong.
Ipinatapon siya sa England ng dalawang taon at ang kaniyang nasaksihan at hinangaan ang
pamahalaang Ingles. Nang makabalik sa Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa batas at
kaugaliang Pranses at maging sa relihiyong Kristiyanismo. Nagkaroon man siya ng maraming
kaaway dahil sa kaniyang opinyon, hindi siya huminto sa pakikipaglaban upang matamasa ang
katuwiran, kalayaan sa pamamahayag, at pagpili ng relihiyon at tolerance.
Thomas Hobbes at John Locke - may magkataliwas na ideya tungkol sa katangian ng pamahalaang
nararapat na mamuno sa mamamayan.
Jean Jacques Rousseau - nagmula sa isang mahirap na pamilya, kinilala dahil sa kahusayan sa
pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal(individual
freedom). Kaliwasan, nakararaming philosopher na nagnanais ng kaunlaran, siya ay naniniwala na
“ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa kabutihan ng tao”. Ayon sa kaniya,
likas na mabuti ang tao, nagiging masama lamang ito dahil sa impluwensiya ng lipunan kanyang
kinabibilangan. Mauugat ito nang umusbong ang sibilisasyon at sinira ang kalayaan at
pagkakapantay-pantay na siya namang katangian ng sinaunang lipunan. Binigyang diin din niya ang
kasamaan ng lipunan (evils of the society) ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at
labis na kagustuhan sa pagkamal nito. Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan
sa kaniyang aklat na The Social Contract.
Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa
‘pangkalahatang kagustuhan’ (general will). Ang Social Contract niya ang naging saligan ng mga
batas ng rebolusyon sa France.
Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang na 20,000 kopya ang naimprenta sa mga taong
1751-1789. Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi
lamang sa kabuuan ng Europa kundi maging sa Amerika at kalaunan ay sa Asya at Africa.
KAISIPANG PANG-EKONOMIYA
Maging ang kaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng pagbabago sa panahong ito. Kinuwestiyon
ang merkantilismo na matagal na namayani sa Europa at kinilala ang polisiyang laissez faire.
Binibigyang-diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi nararapat na pakialam
ang pamahalaan. Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na pinagbabatayan ng yaman ang dami
ng ginto at pilak.
Tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging pinamumulan ng yaman o nakatutulong sa
pagpapayaman. Tinawag na Physiocrats ang mga naniniwala at nagpalaganap nito ng ganitong
kaisipan. Si Francois Quesnay ay isa sa mga naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya.
Katulad ni Quesnay, naniniwala si Adam Smith na kailangan ang produksyon upang kumita ang tao.
Isa siyang ekonomistang British na nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaaring dumaloy
nang maayos nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan. Pangunahin umanong tungkulin ng
pamahalaan ang pagbibigay-proteksyon ng mga mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan,
at pamahalaan ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at
pagpapagawa ng mga tulay at kalsada.
Sa politika, ipinakilala niya ang bagong patakaran sa mga naisang makatarungang pamahalaan. Ito
ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan, ang tagapangasiwa, tagapagbatas at hukuman
na nagtutulungan at nagsusuri ng kanilang mga gawain. Ang prinsipyong ito ang ginamit ng mga
Amerikanong mambabatas tulad nina Thomas Jefferson at John Quincy Adams bilang batayan sa
paggawa ng kanilang saligang batas.
Samantala, ipinahayag naman ni George Berkeley na walang laman ang utak ng tao, kundi mga ideya
at ano ang katotohanan sa kung ano ang tunay sa pag-iisip ng tao.
Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europa at iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Marami sa mga may pinag-aralang Europeo ang nagnanais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot
at iba pang babasahin na tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian. Nagkaroon ng mga salon
na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo, manunulat, artists, ay iba pang katulad nito.
Nagmula sa Paris ang salons(1600) o tuwing nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa
pagsabik ng 1700’s, ang kababaihang mula sa gitnang uri ay nagkaroon ng kanyang-kanyang
pagtitipon. Kalaunan ay naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle class at nobles na may
pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng mga ideyang liberal.