You are on page 1of 13

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan – Modyul 4:


Ang Bunga ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Ang Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Annalyn I. Balagtas


Editor: Marites A. Abiera
Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin

Sa unang aralin o module ay napag-aralan mo na ang tungkol sa tunggalian ng mga


bansa sa pagitan ng nabuong Allied Powers at ang mga mahahalagang pangayayrina may
kaugnayan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Marahil ay nagtataka ka kung bakit hindi
naiwasan ang muling pagsiklab ng ganitong uri ng digmaan sa kabila ng malagim na pinsala
na dulot nito. Suriin sa araling ito ang mga naging bunga o epekto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

Most Essential Learning Competency (MELC):

Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng


Ikalawang Digmaang Pandaidig. (AP8AKD-IVb-2)

Layunin:

1. Nasusuri ang mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig;

2. Nakabubuo ng pahayag tungkol sa sariling pananaw hinggil sa pag-iwas sa


digmaan sa pamamagitan ng pagsuri sa korus ng isang awitin ng kapayapaan.

3. Napahahalagahan ang pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa tungo sa


ikauunlad ng buong daigdig.

Subukin

Piliin ang tamang sagot sa mga sumusunod.

1. Anong taon nagsisimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?


A. 1937 B. 1936 C. 1939 D. 1938

2. Ano ang pangalan ng lider ng German-Nazi?


A. Adolf Hitler C. Emperor Heroito
B. Benito Mussolini D. Franco Balderico

3. Sino si Benito Mussolini?


A. Ito ay isang lider sa bansang Poland. C. Pangulo ng estados Unidos.
B. Kumandante at lider sa bansang Italy. D. Wala sa mga pagpipilian.

4. Ano ang ibig sabihin ng Berlin, Rome, Tokyo Axis?


A. Kasunduan sa pagwawakas ng digmaan. C. Kasunduan ng Russia.
B. Kasunduan at alyansa ng Germany, Italy at Japan. D. Wala sa mga pagpipilian

1
5. Ang mga sumusunod ay mga bunga ng Ikalawang digmaang pandaigdig maliban sa isa.
A. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportansyon at pananalapi ng maraming bansa
B. Malaking bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian
C. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at
Imperyong Hapon ni Hirohito
D. Nagkakaroon ng mapayapang usapan
6. Ano ang ibig sabihin ng “Day of Infamy”?
A. Sinalakay ng Japan ng Pearl Harbor. C. Namatay si Mussolini.
B. Namatay si Adolf Hitler. D. Atomic bomb sa Hiroshima.

7. Ito ay itinuturing na pinakamapanirang digmaan sa kasaysayan.


A. Labanan sa Manila Bay
B.Unang Digmaang Pandaigdig.
C. Hundred Years War
D. Ikalawang Digmaang Pandaigdig

8. Sino ang nagsabi ng “I shall return”?


A. Douglas McArthur C. Douglas Mcauto
B. Douglas McDonald D. Douglas McCovy

9.Anong kahindik-hindik na pangyayari ang naganap noong August 6, 1945?


A. Atomic Bomb sa Hokoshima C. Atomic bomb sa Hiroshima
B. Atomic Bomb sa Horoshima D. Atomic bomb sa Hideoshima

10. Anong araw ibinagsak ang atomic bomb sa Nagasaki, Japan?


A. August 8, 1945 C. August 10, 1945
B. August 9, 1945 D. August 11, 1945

Balikan
Panuto: Nasa sa ibaba ang larawan na nagpapakita ng epekto ng giyera sa Marawi noong
May 23 hanggang Oct. 23, 2017. Isipin mong nanirahan ka sa mga lugar na ito. Ano
ang mararamdaman mo?

2
https://www.google.com/search?q=marawi+siege&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwizpIrk1LPtAhVbeXAKHfq_B2YQ_AUoAnoECAw
QBA&biw=1077&bih=491

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat and iyong sagot sa kwaderno.

1. Ano ang ipinapakita sa larawan? Anong pangyayari sa giyera sa Marawi


(Marawi Siege) ang tumatak sa iyong isipan?
2. Paano naman kaya nakaapekto ang giyera sa Marawi sa larangan ng kabuhayan,
politika at maging sa kultura ng mga naninirahan sa lugar na ito?
3. Para sa iyo, anong aral ang iyong natutunan sa naganap na giyera sa Marawi?

Tuklasin
Panuto: Sa loob ng kahon sa ibaba ay makikita mo ang listahan ng mga bansang
magkakampi bago naganap ang digmaan na nag-umpisa noong 1914. Ayusin ang
mga ito at ilista ang mga bansang kabilang sa Allied Powers, Central Powers, at
Neutral Countries sa listahan sa ibaba. Isulat ang sagot gamit ang pormat sa ibaba
sa iyong kwaderno..

Belhika Rusyan Empire Albania


Bulgarya Romanya Sweden
Portugal Gran Britanya Switzerland
Denmark Morocco Norway
Pransya Austo-Hungarian Empire Netherlands
Gresya Italya Romanya
Russian Empire Ottoman Empire

ALLIED POWERS CENTRAL POWERS NEUTRAL COUNTRIES

1._________________ 1. _________________ 1. _________________


2._________________ 2. _________________ 2. _________________
3._________________ 3. _________________ 3. _________________
4._________________ 4. _________________ 4. _________________
5._________________ 5. _________________
6._________________ 6. _________________
7._________________ 7. _________________
8._________________ 8. _________________

3
Sa puntong ito, unti unti mo ng matutunghayan ang kabuuang nilalaman tungkol sa
paksa. Kaya basahin at unawin mong mabuti ang bawat pahayag, teksto at pangungusap
para lubos mong maintindihan ang mensaheng nais ipabatid.

Ang pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang


Mga Naging Bunga nito.

Bakit nga ba sumiklab ang


Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
Ano naman
kaya ang mga
naging bunga
nito?
Ano-ano ang
mga dahilan
nito?

Halika! Ating
Ano-anong mga alamin ang mga
bansa ang kasagutan.
naglalaban?

Marahil ay nagtataka ka kung bakit hindi maiwasan ang muling pagsiklab ng Ikalawang
Digmaan pandaigdig sa kabila ng malagim na pinsalang naidulot ng Unang Digmaang
Pandaigdig sa buong sangkatauhan. Marami ang naniniwala na matututo na ang mga tao sa
naging dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa mga bansa sa Europe. Lahat ng mga alitan
at tunggalian ay dapat ayusin, pag-usapan at pag-aralan sa tama at legal na paraan.
Ngunit para sa ibang bansa, ang nakamit na kabiguan ay isang mapait na karanasan
na naka-ukit sa kasaysayan. Ito ang naging hamon sa mga bansang nabigo na umisip at
gumawa ng mga bagong paraan at patakaran upang mapagtagumpayan ang mga susunod
na hamon sakaling maulit ang mapaminsalang labanan.
Hindi pa man lubusang nakabangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga bansa sa
daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala na rin ito ng
nasimulang ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop
at pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang mga pangyayaring naganap at nagpasiklab ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga sumusunod:

1. Pag-alis ng bansang Germany (Alemanya) sa Liga ng mga Bansa. (1933)


2. Ang Pag-agaw ng bansang Japan (Hapon) sa Manchuria. (1931)
3. Pagsakop ng bansang Italy (Italya) sa Ethiopia. (1935)
4. Pagsasanib ng Austria at Germany. (1938)
5. Paglusob sa Czechoslovakia. (1938)
6. Digmaang Sibil sa Spain (Espanya). (1936)
7. Paglusob ng Germany sa Poland. (1939)

4
Isang madugong digmaang pandaigdig ang sumiklab nang lusubin ng Germany ang
Poland noong Setyembre 1, 1939. Pagkaraan ng tatlong araw, Setyembre 3, 1939 napasabak
na sa digmaan ang Great Britain at France laban sa Germany. Wala pang isang Linggo,
lumahok na ang Australia, New Zealand, Canada at South Africa. Nahatak ang buong daigdig
sa pangalawang digmaan. Sa loob ng anim na taon naganap ang mga digmaan sa ibat-ibang
panig ng daigdig mula Europe hanggang sa mga Isla ng Pacific at mga bansa sa Asya.
Naglaban sa lupa, dagat at himpapawid ang mga magkalabang pwersa.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay itinuturing na pinakamapanirang digmaan sa
kasaysayan. Kung ang mga operasyong militar sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig
ay pangunahing naganap sa kontinente ng Europe, ang Ikalawang Digmaang pandaigdig ay
kinasangkutan hindi lamang ng Europe kundi maging ang Asya, Africa at ang mga isla sa
Pacific ay nakasama sa digmaan.
Mahigit sa 17 milyong miyembro ng hukbong sandatahan ng iba’t-ibang
nagsagupaang bansa ang namatay sa digmaan. Pinahina rin nito ang kakayahang pang-
ekonomiya ng mga pangunahing nasyon at iniwan ang maraming bansa sa bingit ng
pagkaguho.
Nagsusumikap ang malalakas na bansa upang mapanatili ang kapayapaan sa buong
mundo pagkatapos ng Unang Digmaang pandaigdig. Ang malagim na pangyayaring idinulot
ng Unang Digmaang Pandaigdig ay sariwa pa sa gunita ng kasaysayan maging ang epekto
nito sa pandaigdig na kabuhayan. Ang Great Depression noong 1924 ay lubos na
naramdaman ng buong mundo. Sa mga panahong ito natutuon ang paningin ng mga tao sa
kani-kanilang mga pamahalaan upang matugunan ang kawalan ng pagkain, trabaho at iba
pang pangunahing kabuhayan. Hinanap ng mga tao ang tamang kasagutan at masasandalan
upang malagpasan ang sinapit ng kapalaran bunga ng digmaan.

Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Ang Ikalawang Digmaang pandaigdig ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng
daigdig.
1. Malaking bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 na bansa ang
naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang
Pandaigdig.
2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura,
industriya, transportansyon at pananalapi ng maraming bansa.
3. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at
Imperyong Hapon ni Hirohito.
4. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga
opisyal ng bayan at mga pinunong military.
5. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa- ang Silangang Germany, Kanlurang
Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon,
India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa.

5
Pagyamanin

Gawain A.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa sagutang papel o
sa kwaderno ang titik lamang ng tamang sagot. Isulat ang…..
A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Ekonomiya;
B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Lipunan;
C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Pulitika; at
D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Relihiyon.
1. Paglaganap ng kaisipang tanging mga Aleman (German) ang magaling at nangungunang
lahi sa daigdig.
2. Paglaganap ng kaisipan laban sa mga Hudyo dahil sa paniniwalang sila ang dahilan sa
kamatayan ni Kristo.
3. Pagkawasak ng buhay at ari-arian hatid ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
4. Pakikisangkot ng Rusya sa usapin ng mga Estado sa Balkan dahil sa kapwa Ruso na Greek
Orthodox.
5. Pagbagal ng industrialisasyon at kalakalan dulot ng mga digmaang pandaigdig.
6. Pagpapalaganap ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ng mga Hapon sa kalakhang
Asya.
7. Pagpapakilala ng mga Hapon na ang lahing Asyano ay mataas na lahi tulad ng mga
Europeo.
8. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig ay pinamunuan at nakontrol ng Central Powers
ang pamamahala laban sa mga natalo sa digmaan.
9. Paglalaban ng pamumuno sa pagitan ng mga Fascistang Nationalist Front at Sosyalistang
Popular Army sa Espanya.
10. Paghinto ng suplay sa langis at pagpigil sa mga ari-ariang Hapones sa Estados Unidos.

Isaisip
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Bilang isang indibidwal, may magagawa ako upang makatulong sa


pagbabago ng daigdig at ito ay sa pamamagitan ng ______________________
________________________________________________________________________.

__________.
Isagawa
Gawain: Awit Mo, Ramdam Ko!

Sabi sa awit:

“Heal the world, Make it a better place


For you and for me, and the entire human race.
There are people dying if you care enough for the living.
Make a better place, for you and for me.”

Paano mapadarama ng tao ang kapayapaan sa tahanan? Sa lipunan? Sa buong mundo?


Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol dito, binubuo ito ng isang daang salita o higit pa.
Isulat ito sa iyong kwaderno o sa isang bondpaper.

Pamantayan sa Pagbibigay Marka

10 puntos 8 puntos 5 na puntos


Kumpleto at wasto ang Wasto ang ideyang Hindi kumpleto ang
ideyang inilahad inilahad ngunit may ideyang inilahad
kunting kulan

Tayahin
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at hanapin ang mga
sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.

1. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig maliban sa _____________.
A. Dahil sa kasunduan ng mga Liga ng mga bansa.
B. Dahil sa pag-agaw ng Japan sa bansang Manchuria sa Tsina.
C. Dahil sa pagsakop ng Germany sa Poland at Czechoslovakia.
D. Dahil sa pagsasanib ng mga bansang Austria at Germany.

7
2. Ang mga sumusunod na mga bansa ay ang bumubuo sa mga bansang naging Malaya
dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig maliban sa ____________.
A. Tsina B. Malaysia C. Pilipinas D. Thailand

3. Bakit naghihinakit ang Germany sa Kasunduan sa Versailles?


A. Bumaba ang kanilang moral dahil sa kasunduang sa Versailles.
B. Pagkukuha ng kanilang mga kolonya dahil sa Kasunduan sa Versailles.
C. Pagbabayad ng malaking halaga sa Unang Digmaang Pandaigdig.
D. Pinagbabawalan na gumawa ng mga armas at amunisyon ang Germany.

4. Bakit itinatag ang United Nations?


A. Upang mangalagaan ang seguridad at kaayusan ng mundo.
B. Upang matulungan ang mga mahihirap na bansa sa daigdig.
C. Upang itaguyod ang Karapatan ng mga Bata sa buong mundo.
D. Upang itaguyod ang Karapatang Pantao sa mga bansa sa mundo.

5. Alin sa mga bansang ito ang HINDI kabilang sa mga bansang nagpupulong upang
magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan noong Unang Digmaang Pandaigdig?
A. England B. France C. Italy D. United States

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at kung ito ay mali palitan
ng tamang sagot ang salitang may salungguhit.

6. Ang digmaan ang paraan upang mapalakas ang sandatahang lakas ng Europa.
7. Ang Tennis Court Oath ang nagiging dahilan kung bakit bumaba ang moral ng
bansang Germany na nagdulot ng digmaan.
8. Ang digmaan sa Kanlurang Bahagi ang pinakamainit na labanan sa Europa.
9. Ang sunod-sunod na pagkapanalo ng Russia sa laban ang dahilan ng pagbagsak ng
Dinastiyang Romanov.
10. Ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1924 ay lubos na naramdaman ng buong
mundo.

Karagdagang Gawain
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag o katanungan sa bawat bilang. Sagutin ito ayon
sa iyong sariling pananaw tungkol sa aralin. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Anong ang iyong opinyon tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
2. Paano nakaaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ng politika at
kultura ng mga bansang nasangkot o kabilang sa digmaan?

Pamantayan sa Pagbibigay Marka.


5 puntos- kung tumpak at kompleto ang ibinigay na sagot
3 puntos- kung kaunti lamang ang tamang sagot na ibinigay.
2 puntos- kung malayo sa katotohanan ang ibinigay na sagot

8
Susi sa Pagwawasto

Tuklasin

Allied Powers Central Powers Neutral Countries Pagyamanin

Belhika Austro-Hungarian Empire Albanya A


Gran Britanya Bulgarya Denmark 1.B 6. A
Gresya German Empire Spain 2.D 7. B
Italya Ottoman Empire Morocco 3.A 8. C
Portugal Netherlands 4.D 9. C
Pransiya Norway 5.A 10.A
Romanya Sweden
Russian Empire Switzerland

Subukin Tayahin

1. C 1. A
2. A 2. D
3. B 3. A
4. B 4. A
5. D 5. B
6. A 6. TAMA
7. D 7. Kasunduan sa Versailles
8. A 8. TAMA
9. C 9. Pagkatalo
10. B 10. Great Depression

9
Sanggunian
Aklat
Dr. Teofista Vicar et. Al (1992) Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig, Unang Edisyon.
UP SEDP Serye IV.
Araling Panlipunan IV, Ang Kasaysayan ng Daigdig, Serye ng SEDP, Unang Edisyon,
1992.Vicente Publishing House, Inc.
Celia D. Soriano, et.al. Pana-Panahon III (Kasaysayan ng Mundo). Worktext para sa Araling
Panlipunan.Kasaysayan ng Daigdig. RBS Serye ng Araling Panlipunan. Unang
Edisyon,1999.
Gregorio F. Zaide at Sonia M. Zaide. Kasaysayan ng Daigdig Para ss Mundong
Postmoderno. Ika-anim na Edisyon. All Nations Publishing Co. Inc.

Module
Project EASE (Effective Alternative Secondary Education), Araling Panlipunan, Module
17, Labanan ng mga Bansa sa Daigdig.

Internet
https://www.google.com/search?ei=MtLJX_GnCZWchwOR5Jf4Aw&q=marawi+siege+&oq=marawi+siege+&gs_lc
p=CgZwc3ktYWIQAzIHCAAQyQMQQzICCAAyAg

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like