You are on page 1of 13

8

Araling Panlipunan
Gawaing Pagkatuto
Ikaapat na Markahan – MELC 1
Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang
pangyayaring naganap at bunga ng unang
digmaang pandaigdig

REGION VI-WESTERN VISAYAS

1
Araling Panlipunan 8
Gawaing Pagkatuto
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay inilimbag upang magamit ng


mga Paaralan sa Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng Gawaing Pagkatuto na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet

Manunulat: Analiza D. Salarda


Editors: Junal M. Marcon
Milka H. Gepulle
Tagasuri: Nescel P. Panes
Tagalapat: Sunny Grace P. Libo-on

Regional Management Team: Division of Passi City Management Team:


Ramir B. Uytico Jesse M. Gomez
Pedro T. Escobarte, Jr. Ernesto F. Servillon Jr.
Elena P. Gonzaga Ma. Nilma E. Casamayor
Donald T. Genine Nescel P. Panes
Mary Hazel Vivien P. Pineda Junal M. Marcon

Milka H. Gepulle

2
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay nabuo sa pamamagitan


ng sama-samang pagtutulungan mga manunulat, illustrator, editor, layout artist, tagasuri,
at Quality Assurance Team ng Sangay ng Passi City, Rehiyon 6 Kanlurang Visayas at ng
Kagawaran ng Edukasyon. Inihanda ito para maging gabay ng mga learning facilitators
upang matulungan ang mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi
na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Gawaing Pagkatuto na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na


mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-
kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at
ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga Learning Facilitators


Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay binuo upang matugunan
ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi
ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga Learning Moderators, siguraduhin nating malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-
unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Araling Panlipunan 8 Gawaing Pagkatuto na ito ay binuo upang


matulungan ka, aming mag-aaral, na patuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon
sa paaralan. Pangunahing layunin ng learning material na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.

3
Ikaapat na Markahan – MELC 1

Araling Panlipunan 8

Pangalan: ______________________________Baitang at Seksiyon: ____________


Petsa: ________________________________ Iskor: _______________________

GAWAING PAGKATUTO

ANG KONTEMPORARYONG DAIGDIG (IKA-20 SIGLO HANGGANG SA KASALUKUYAN):


MGA SULIRANIN AT HAMON TUNGO SA PANDAIGDIGANG KAPAYAPAAN,
PAGKAKAISA, PAGTUTULUNGAN, AT KAUNLARAN

I. Kasanayang Pagkatuto at Koda

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa


Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan ng mga
bansa at rehiyon sa daigdig.
• Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang
Digmaang Pandaigdig. (AP8AKD-IVa-1)

II. Panimula (Susing Konsepto)

“Mankind must put an end on war before war puts an end to mankind.” (John F.
Kennedy) Karaniwan nang naririnig ang ganitong kasabihan: Hindi maaring makamtan ng isang
bansa ang kapayapaan at katahimikan kung hindi mapagdaanan ang mga pagsubok na
dumarating dito. Ang pagkaranas ng digmaan ay isa lamang na pagsubok na hindi naiwasan
noong unang panahon dahil sa pagpapaligsahan ng mga bansang mayayaman at sakim sa
kapangyarihan.Kung iisipin, tao lang naman ang may gawa ng lahat ng mga ito at tao din ang
makalutas ng problemang ito sa daigdig? Kailan ba narating ng mundo ang katahimikan o
kapayapaan? Sino ba gumawa ng hakbang para maiwasan ang digmaan tungo sa kapayapaan?
Marahil ilan lamang ito sa mga katanungan na tao lang ang maaring makasagot nito.

Sa modyul na ito ay nasusuri at natatalakay ang mga dahilan, mahahalagang


pangyayaring naganap at bunga ng unang digmaang pandaigdig. Inaasahang sa pagtatapos ng
iyong paglalakbay panahon na upang masasagot mo ang katanungang ito: “Ano ang mga
dahilan, mahalagang pangyayari at bunga ng unang digmaaang pandaigdig?”

III. Mga Sanggunian

• Modyul ng Mag-aaral, Araling Panlipunan, Kasaysayan ng Daigdig


Pahina 446 - 463
• Pana-panahon – pahina 355-375
• Project Ease Modyul 17
• Kayamanan, Kasaysayan ng Mundo, pahina-263-275
• Elements/Icons (www.canva.com)

4
IV. Mga Gawain

Gawain 1: KONSEPTO NAIS KO, HULAAN MO:

Panuto: Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong
inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga
kahon.

1. SENTRO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG


R P
2. SIYA ANG MAY AKDA NG FOURTEEN POINTS
W D O L N

3. PAGKAKAMPIHAN NG MGA BANSA


A N A

4. PAGMAMAHAL SA BAYAN
S Y L M
5. PAGHIHIMAGSIK NG MAKAPANGYARIHANG BANSA SA MAHINANG BANSA
M P Y L S O

Gawain 2: Magbasa at Matuto

Panuto: Basahin at unawain ang teksto na kinuha mula sa Araling Panlipunan 8:


Module ng Mag-aral,Kasaysayan ng Daigdig, Unang Digmaang Pandaigdig,
Pahina 446-463.
• Pana-panahon - pahina 355-375
• Project Ease Modyul 17
• Kayamanan, Kasaysayan ng Mundo, pahina-263-275

Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig

1. Nasyonalismo

Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao


upang maging malaya ang kanilang bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging
panatikong pagmamahal sa bansa.

May mga bansa na masidhi ang paniniwalang karapatan nila na pangalagaan


ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Isang
halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa
ilalim ng Austria.

5
Gusto ring maangkin ng Rusya ang Constantinople upang magkaroon siya ng
daungang ligtas sa yelo. Sa kabilang dako, nais angkinin ng Italya ang trent at triste na
sakop din ng Austria. Ang pransya naman ay nagnanais ding mapabalik sa kanya ang
Alsace-Lorraine na inangkin ng Alemanya noong 1871 bunga ng digmaan ng Pransya at
Prusya. Dahil dito, ipinalagay ng maraming Pranses na natural nilang kaaway ang mga
Aleman.

2. Imperyalismo

Isang paraan ng pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng


mga bansang Europeo ang pag-aangkin ng mga kolonya. Ang pag-uunahan ng mga
makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa
pinagkukunang-yaman at kalakal ng Aprika at Asya ay lumikha ng samaan ng loob at
pag-aalitan ng mga bansa. Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Alemanya sa
Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng
transportasyong riles mula sa Cape colony patungong Cairo. Tinangka namang
hadlangan ng Alemanya ang pagtatatag ng French protectorate sa Morocco sapagkat
naiinggit ito sa mga tagumpay ng Pransya sa hilagang Aprika. Sa gitnang silangan,
nabahala ang Inglatera sa pagtatatag ng Berlin-Baghdad railway sapagkat ito ay
panganib sa kanyang lifeline patungong India. Ang pagpapalawak ng hangganan ng
Austria sa balkan at tumawag ng pansin at mahigpit na pagsalungat ng Serbia at Rusya.
Naging kalaban din ng Alemanya ang Britanya at Hapon sa pagsakop sa Tsina. Hindi
nasiyahan ang Alemanya at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti lamang
ang kanilang nasakop samantalang malaki ang nabahagi ng Inglatera at Pransya.

3. Militarismo

Upang mapangalagaan ang kan-kanilang teritoryo, kinakailangan ng ibang mga


bansa sa Europa ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at
karagatan. Kaugnay nito ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng
paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng malalaking
hukbong pandagat ang Alemanya. Ipinalagay na ito ay tahasang paghamon sa
kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng karagatan.

4. Pagbuo ng mga Alyansa

Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang


makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo – ang Triple
Entente ay binubuo ng France, Great Britain at Russia at Triple Alliance ay binubuo
ng Germany, Austria-Hungary at Italya. Otto Von Bismarck nagpasimula ng sistema
ng alyansa na nag dulot ng pag-igting ng lumulubhang tensyon sa Germany. Ang mga
bansa sa loob ng bawat grupo ay nagkasundong magtutulungan kung sasalakayin ang
alinman sa kanila.

6
Gawain 2. FOUR PICS IN ONE!!!

Panuto: Tukuyin sa mga larawan ang naging dahilan ng Unang Digmaaang


Pandaigdig. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. 2.

______________________________ ______________________________

3. 4.

______________________________ ______________________________

7
Magbasa at Matuto

MGA PANGYAYARI SA UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

1. Ang Digmaan sa Kanluran

Dito naganap ang pinakamainit ng labanan noong unang digmaang pandaigdig.


Ang bahaging nasakop ng digmaaan ay mula sa hilagang Belhika hanggang sa
hangganan ng Switzerland. Lumusob sa Belhika ang hukbong Alemanya at
ipinagwalang-bahala nitong huli ang pagiging neutral na bansa nito. Ito ang paraang
ginamit nila upang malusob ang Pransya. Ngunit sila'y inantala ng magiting na
pagsasanggalang ng mga taga-Belhika sa Leige.

2. Ang Digmaan sa Silangan

Lumusob ang Rusya sa Prusya (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke


Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit noong dumating ang saklolo ng
Alemanya, natalo ang hukbong Ruso sa digmaan ng Tannenberg. Sa Galicia ay
nagtagumpay ang hukbong Ruso. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay
pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong
sandatahan ng Rusya. Ang sunud-sunod nilang pagkatalo ay naging dahilan din ng
pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso, 1917 at ang pagsilang ng komunismo
sa Rusya. Upang makaiwas na ang Rusya sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa ilalim
ng pamahalaang Bolshevik sa Alemanya sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Bres-
Litovsk. Iniwan ng Rusya ang mga alyado at sumapi sa Central Powers.

3. Ang Digmaan sa Balkan

Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan.upang


makaganti ang Bulgaria sa kanyang pagkatalo, sumapi ang Bulgaria sa Central Powers
noong oktubre, 1915. sa taong 1916, karamihan sa mga estado
ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers”.

Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral


pansamantala hanggang 1915. Sa taong ito sumali siya sa magkaanib na bansa.
hinangad niyang maangkin ang mga teritoryong latin na hawak ng Austria (Italy
Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Aprika. ang Turkey ay kumampi sa Alemanya
upang mapigilan ang Rusya sa pag-angkin sa Dardanelles.

4. Ang Digmaan sa Karagatan

Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng


Alemanya at Britanya. Ang lakas pandagat ng Britanya ay naitaboy ng mga barkong
pandigma ng Alemanya mula sa pitong dagat (seven seas). Kumanlong ang bapor ng
Alemanya sa Kanal Kiel at naging mainit ang labanan.

8
Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa kabilang dako, ang mga
mabibilis na Raider at mga submarinong U-boats ng kanilang kalaban ay nakagawa ng
malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga alyado. Ang pinakamabagsik na raider
ng Alemanya ay ang emden. Sa dakong huli, napalubog ito ng Sydney, isang Australian
Cruiser.

GAWAIN 3: UP THE STAIRS TIMELINE!


Panuto: Gamit ang ladder o hagdan gumawa ng timeline sa mga pangyayari sa Unang
Digmaang Pandaiigdig.

Ang mga Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig

➢ Ang mapa ng Europa ay sadyang nabago. Ang kalagayang pampolitika sa


buong daigdig ay nag-iba. Ang Austria at Hungaria ay nagkahiwalay. Ang
mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia,
Yukoslavia at Albanya ay naging malalayang bansa. Apat na imperyo sa
Europa ang nagwakas, ang mga Hohenzollern ng Alemanya, mga
Hapsburg ng Austria-Hungary, Romanov ng Rusya at Ottoman ng Turkey.

9
➢ Nabigo ang mga bansa sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan
sa daigdig. Ang mga itinalaga ng kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng
hinanakit sa Alemanya. lubhang marahas ang mga parusang iginawad sa
Alemanya. Ang pagkapahiya ng Germany ay naging dahilan kung bakit ang
bansang ito ay naghanda na naman upang muling makipaglaban sa mga
bansang alyado.

Epekto sa Ekonomiya

• Sa simula ng digmaan, ang bawat panig ay nagtalaga ng isang sistema


ng pagkuha ng tao, armas, at transportasyon na nagkakahalaga ng
milyon-milyon. Lahat ng mga nakipagdigmang bansa, maliban sa Britain,
ay nagpataw ng military conscription kung saan ang lahat ng mga
kabataang lalaki ay kailangang handa para sa serbisyong militar.
• Nagpataw ng malaking buwis ang maraming mga bansa at humiram ng
malaking halaga ng pera upang mabayaran ang gastusin sa digmaan.
Inirasyon ang mga pagkain at iba pang pangangailangan, mula sa
sapatos hanggang sa gasolina.
• Noong ika-6 ng enero, 1916, pagkaraan ng sampung taon at mahigit na
200,000 sugatan, nilisan ng allies ang Dardanelles. Dito nagwakas ang
kampanya nila sa Gallipoli, Turkey na kilala bilang Gallipoli Dardanelles
Campaign.

GAWAIN 4: STORY MAP


Panuto: Gamiting gabay ang kasunod na Story Map upang masuri ang dahilan,
pangyayari, at epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Tauhan Tagpuan
Daloy ng
Pangyayari Epekto

Simula

Kasukdulan Wakas

10
Pamprosesong Tanong

1. Sino-sino ang mga pinuno sa Unang Digmaang Pandaigdig?

2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamainit na labanan?

3. Paano nakaapekto sa mundo ang Unang Digmaang Pandaigdig?

PERFORMANCE TASK

Islogan Ko, Para Sa Bayan

Panuto: Gumawa ng islogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa mga


kaguluhan at digmaan sa daigdig. Isulat ito sa graphic organizer sa ibaba.

Rubric sa Pagmamarka:

Pamantayan Puntos

Kaangkupan ng Islogan sa Paksa 40


Orihinal ang mga Ideya 30

Kalinisan at kaayusan ng Pagsulat 20


Dating o Impact sa Nagmamarka 10

Kabuuang Puntos 100

11
12
Susi sa Pagwawasto:
E U R O P E
1. SENTRO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
W O O D R O W W I L S O N
2. SIYA ANG MAY AKDA NG FOURTEEN POINTS
A L Y A N S A
3. PAGKAKAMPIHAN NG MGA BANSA
N A S Y O N A L I S M O
4. PAGMAMAHAL SA BAYAN
I M P E R Y A L I S M O
5.PAGHIHIMAGSIK NG MAKAPANGYARIHANG BANSA SA MAHINANG BANSA
GAWAIN 3: UP THE STAIRS TIMELINE!
1914- pagpatay ky Archduke Francis Ferdinand ng Serbia
1915- unang paggamit ng poison gas sa digmaan
1916- pagpasok ng military conscription ng Britain
1917- pagpasok ng America sa labanan
1918- pagkaroon ng armistice
Gawain 2. FOUR PICS IN ONE!!!
1. NASYONALISMO
2. ALYANSA
3. MILITARISMO
4. IMPERYALISMO
13
Pamprosesong Tanong
1. Sino-sino ang mga pinuno sa Unang Digmaang Pandaigdig?
Sina Napoleon, Simon Bolivar, George Washington, Cavour at Bismarck
ang mga pinuno nang magkaroon ng Unang digmaang pandaigdig.
2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamainit na labanan?
Sa Kanlurang bahagi ng Europe mula Belgium-Switzerland, naganap
ang pinakamainit na labanan.
3. Paano nakaapekto sa mundo ang Unang Digmaang Pandaigdig?
Naapektuhan ng Unang Digmaan ang ekonomiya, pulitika, kabuhayan
at katahimikan at kapayapaan ng mundo.
GAWAIN 4: STORY MAP
TAUHAN: ARCHDUKE FRANCIS FERDINAND
TAGPUAN: EUROPE
DALOY NG PANGYAYARI: UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
SIMULA: 1914
KASUNDUAN: NABUO ANG LIGA NG MGA BANSA
WAKAS: NABUO ANG ARMISTIVE
EPEKTO: HINDI NAGING MAGANDA ANG EPEKTO SA EKONOMIYA AT MARAMI ANG NAMATAY

You might also like