Professional Documents
Culture Documents
Noong Gitnang Panahon, ang Bibliya ang pangunahing pinagbatayan ng mga Europeo
ng kaalaman tungkol sa Daigdig. Noong una, naniwala ang mga tao na ang daigdig ang sentro
ng sandaigdigan na tinawag na GEOCENTRIC model ni Ptolemy, na ang mundo ang sentro
ng solar system. Ang paniniwalang ito ang pinabulaanan nina Nicolaus Copernicus, Johannes
Kepler, at Galileo Galilei.
https://tinyurl.com/y28xtj8e
William Harvey Inakda ang On The Motion of the Heart and Blood, kung saan
isinasaad ; dumadaloy ang dugo sa buong katawan ; ang puso ang
nagpapadaloy ng dugo sa katawan.
Robert Hooke Natuklasan ang cell noong 1665 gamit ang kaniyang imbensiyong
microscope.
Ang Enlightenment
Sa paggamit ng mga siyentista ng scientific method at pangangatwiran sa
pagpapaliwanag ng sangkatauhan, naisip din nilang gamitin ang katwiran upang subuking
ipaliwanag ang kaasalan ng tao, at iba pang aspeto sa buhay gaya ng edukasyon, relihiyon,
at pamahalaan. Nagbigay daan sa Period of Enlightenment o panahon ng rason o
kaliwanagan.
Thomas Hobbes, pilosopong English, may-akda ng Leviathan.
Ayon sa kanya, ang tao ay likas na masama, higit na mahalaga ang
kaayusan kaysa karapatan ng tao, ang pamahalaan ay dapat magtangan
ng nakakatakot na kapangyarihan ng tulad sa isang Leviathan o halimaw
sa dagat.
2
John Locke, may-akda ng “Two Treaties of Government.” Taliwas
kay Hobbes, ayon sa kanya, may kakayahan ang tao na matuto mula
sa karanasan at sa pagpapaunlad ng sarili; May tatlong likas na
karapatan ang tao buhay, kalayaan, at pagmamay-ari; lehitimo ang
kapangyarihan ng pamahalaang may pahintulot ng mamamayan.
http://bit.ly/3tEvcrt http://bit.ly/2N7BF
Rebolusyong Industriyal
Ang mga kaisipang isinulong sa panhaon ng Rebolusyong Siyentipiko ay naging daan
din sa pagkatuklas at pag-imbento ng mga makabagong makinarya na nagpabilis at
nagparami ng produksiyon sa Amerika at Europa. Isinilang ang Rebulosyong Industriyal na
naging daan sa pagkakaroon ng sistemang pabrika (factory system) at pag-unlad ng
Komunikasyon at Transportasyon.
3
Mga Imbensiyon sa Industriya ng Tela sa Great Britain
Isang Industriya na kinkitaan ng mabilis na pag-unlad ay ang Tela.
flying shuttle
Nagpabilis sa paggawa ng yarn,
1764 James na gamit sa paghahabi ng tela
Hargreaves
Spinning Jenny
Gumamit ng enerhiya mula sa
1769 Richard tubig upang mapabilis ang
Arkwright spinning wheel
Water Frame
Spinning Mule
Power Loom
https://tinyurl.com/y4uratln
Sistema ng Pabrika
Dahil malalaki ang naimbentong makina, kinailangan itong ilipat sa higit na malalaking
pagawaan, sa pabrika. Dito pinairal sa manggagawa ang estandardisasyon sa oras ng
paggawa 12-14 oras bawat araw at 6 araw sa isang linggo. Pag-unlad ng komunikasyon at
transportasyon
Sa pagdami ng mga imbensiyon, naghanap ang mga Europeo ng mas mura at
epektibong mapagkukunan ng enerhiya. Dito na naimbento ni Thomas Savery ang unang
Steam Engine noong 1689 at ginamit sa pagmimina. Pinaghusay ito ni Thomas
Newcomen, subalit si James Watt ang nagpakilala sa praktikal na gamit nito noong 1769 at
nakagawa siya ng mga sasakyang pinaandar ng steam.
4
Imbensiyon Taon Imbentor Paglalarawan
steamboat