You are on page 1of 8

QUARTER Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
3 WEEK 1 Region VIII
Division of Northern Samar
ALLEN NATIONAL HIGH SCHOOL
Allen
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan:______________________________ Year & Group:________________Score:_________________

I. Kasanayang Pakatuto:
Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa
panahon Renaissance.

II. Nilalaman
PAG-USBONG NG RENAISSANCE
Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 siglo,isinilang ang Renaissance.
Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa
dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang
kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa
panitikan
at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle
Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon.

Ang mga Humanista


Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari
samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tuligsain.
Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay
tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng
humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag-aaralan sa Humanities o Humanidades ang
wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan at pilosopiya at maging ang
Matimatika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanist ana dapat gawing
modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa asignaturang ito.
Ang humanism ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat
pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil
naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at
epektibong buhay.

MGA AMBAG NG RENNAISANCE SA IBA’T-IBANG LARANGAN


Sa Larangan Ng Sining At Panitikan
Francesco Petrarch (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo” Pinakamahalagang sinulat
nya sa Italyano ang “Songbook”, isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal
niyang si Laura.
Giovanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang
pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksiyon na
nagtataglay ng isang daang (100) nakakatawang salaysay.
William Shakespeare (1564- 1616). Ang “Makata ng nga Makata”. Naging tanyag na
manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa mga
isinulat nya ang mga walang kamatayang dula gaya ng “Julius Caesar”, “Romeo at Juliet”,
“Hamlet”, “Anthony at Cleopatra”, at “Scarlet”.
Desiderious Erasmus (1466-1536). “Prinsipe ng Humanista”. May akda ng “In Praise of
Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at karaniwang tao.
Nicollo Machievelli (1469-1527). Isang diplomatikong manunulat na taga Florence,
Italia. May akda ng “The Prince”. Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo. “Ang
layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan” at ang “ Wasto ang nilikha ng lakas”.
Miguel de Cervantes (1547-1616). Sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang
“Don Quixote de la Mancha”, aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan
ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.
Sa Larangan Ng Pagpipinta
Michaelangelo Boounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance,
ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta
niya sa Sistine Chapel ng KAtedral ng BAtikano ang kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa
pinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog niyang
likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng kaniyang Krusipikasyon.
Leonardo da Vinci (1452- 1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “
Huling Hapunan” (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang
kanyang labindalawang disipulo.
Raphael Santi (1483- 1520). “Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na
pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balance o proporsiyon ng kanyang likha. Ilan
sa kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang “Sistine Madonna”, “Madonna and the Child”,
at “Alba Madonna”.

Sa Larangan Ng Agham
Nicolas Copernicus (1473-1543). Inilahad ni Nicolas ang Teoryang Heliocentric:, “Ang
pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng
araw”. Pinasinungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro
ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng Simbahan.
Galileo Galilei (1564-1642). Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang
naitutulong ng kaniyang naimbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Coernican.
Sir Isaac Newton (1642-1727). Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon sa
kaniyang Batas ng Universal Gravitation, ang bawat planeta ay may kani-kaniyang lakas ng
grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog.
Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang
bagay na inihagis pataas.

Ang Kababaihan Sa Renaissance


Isotta Nogarola ng Verona. Ang may akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration
on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga
isyung teolohikal. Nariyan din si Laura Cereta mula sa Brescia nabago mamatay sa gulang na
30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa
kababaihan.
Sa pagsulat ng tula, mahalagang personalidad ng Renaissance sina Veronica Franco mula
sa Venice at si Vittoria Colonna mula sa Rome. Sa larangan ng pagpipinta, nariyan sina
Sofonisba Anguissola mula sa Cremona na may likha ng Self-Portrait (1554) at si Artemisia
Gentileschi, anak ni Orazio, na nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of
Holoferness (1625) at Self-Portrait as the Allegory of Painting (1630).

Ang Repormasyon
Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristiyanuhan mula ika-14
hanggang ika-17 na daantaon na humantong sa pagkakahati ng Simbahang Kristiyano. Dito
nagsisimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa Simbahang Katoliko Romano, gayunpaman
hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon
nang hindi binabago ang kanilang doktrina.

Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik


Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng
Wittenberg ang nabagabag at nagsimulang magduda nang Mabasa niya ang kaibahan ng
katuruan ng Simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan…”Ang pagpapawalang sala
ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at naging ganap sa pamamagitan ng
pananampalataya” (Romans 1:17)
Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther sa bisa at kapangyarihan ng mga
relikya ay kaniyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Rome noong 1571. Ang nagpasiklab ng
galit ni Luther ay ang kasuklam-suklam na gawain ng mga simbahan, ang pagbebenta ng
indulhensiya. Ito ay isang kaperasong papel na nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya ng
Diyos ay maaaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao.
Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng Simbahan tungkol sa pagkamit ng
indulhensiya, ang nagtulak sa kaniya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31 ng
Oktubre, 1517 ang kaniyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon” (Ninety-five theses).
Ipinanganak si Luther noong Nobyembre 10, 1483, sa Eisleben, Germany. Ang kaniyang ama, si
Hans Luther ay isang magsasaka na naging minero ng tanso, samantalang ang ina niyang si
Margareth Linderman ay mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri.
Kumalat sa iba-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong taong
1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang protestasyon – na
siyang pinagmulan ng salitang Protestante. Sila ay ang mga sumasalungat sa mamamayang
Katoliko at sa emperador ng Banal na Imperyong Romano. Pagkatapos ng ilang taong alitan ng
Protestante at Katoliko Romano na humantong sa digmaan, ito ay tinapos ni Charles V sa
pamamagitan ng paglagda ng Kapayapaang Augsburg noong 1555. Nasasaad sa kasunduan na
kilalanin ng mga hari o namumuno ang malayang pagpili ng relihiyon ang kanilang
nasasakupan.

Kontra-repormasyon
Bago nagsimula ang Repormasyong Protestante, nagsikap ang mga pinunong Katoliko na
maituwid ang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa Gregory VII (1037-1085), na
lalong kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno sa tatlong pagbabago sa
Simbahan.
1. Bawal sa mga pari ang mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang
mailaan ang buong sarili sa paglilingkod sa Diyos.
2. Pag-aalis ng simony.
3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa
Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno.

Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon


Naging tanyag ang pangalang Martin Luther bilang “Ama ng Himagsikang Protestante” na
siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng Simbahan. Ang kanilang layunin ay hindi upang
sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang Simbahan sa mga pagbabago o
reporma. Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante ay
nagdulot ng sumusunod na epekto:
 Nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay naging mga
Protestante samantalang ang mga timog naman ay nananatiling Katolik;
 Sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na iba sa aral ni Kristo, at
iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at
nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist,
Anglican, Presbyterian, at iba;
 Gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning panrelihiyon
upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang
pananampalatayang Katoliko.
 Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at Protestante)
ay nagbunga sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon at;
 Ang pagpapanumbalik ng katuruang espiritwal sa Kristiyanism, ang pagpapalaganap ng
Bibliya, at ang doktrina ng kaligtasan base sa Bibliya. Isinasaad dito na ang kaligtasan ay
makakamit hindi sa pagsapi sa Simbahan kundi sa pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo.

III. Mga Gawain.


Gawain 1. Panuto. Punan ang hinihinging impormasyon.
Larangan sa Panahon ng Kilalang Taong Nanguna Ambag/Kontribusyon sa
Rennaisance Kabihasnan
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 2.
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Sino sa mga sumusunod ang naging mitsa para sa kilusang repormasyon?
a. John Wycliffe b. Huss John c. Martin Luther d. Urich Zwingli
2. Lahat ay mga bahagi ng puna ni Martin Luther sa Simbahang Katoliko, maliban sa:
a. Ang paniniwala ng simbahan sa pre-determination
b. Ang labis na kapangyarihan ng Santo Papa
c. Ang pagmamalabis ng simbahan
d. Ang pagbebenta ng indulhen
3. Saan nanghihiram ng salapi ang papa, hari o panginoong maylupa kung sila ay
nangangailangan ng pera?
a. Aristokrasya c. Aristokrasya at nagmamay-ari ng barko
b. Nagmamay-ari ng barko d. Mangangalakal at banker
4. Alin sa mga ito ang naging salik sap ag-usbong ng Renaissanace?
a. Ang mayayaman at makapangyarihang angkan ng mangangalakal
b. Ang bagong transisyon ng Bibliya
c. Ang pag-unlad ng Protestante
d. Ang pag-unlad ng oil painting
5. Ano ang kahulugan ng Renaissance?
a. Rearrange b. Rebirth c. Rebaptize d. Recycle
6. Repormasyon: Alemanya; Renaissance: ________
a. France b. Italy c. Netherlands d. England
7. Sino ang nagpinta ng “Huling Hapunan”?
a. Michelangelo Bounarotti c. Leonardo da Vinci
b. Galileo Galilei d. Miguel de Cervantes
8. Siya ang tinaguriang “Prinsipe ng mga Humanista”.
a. Francesco Petrarch c. Giovanni Boccacio
b. William Shakespeare d. Desiderious Erasmus
9. Siya ay tinaguriang pinakamahusay na pintor ng Renaissance. “Alba Madonna”, ang isa sa
kanyang mga obra maestra.
a. Raphael Santi c. Nicolas Copernicus
b. Miguel de Cervantes d. Nicollo Machievelli
10. Siya naman ang may-akda ng Dialogue on Adam and Eve noong 1451.
a. Laura Cereta b. Veronica Franco c. Isotta Nogarola d. Vittoria Colonna

IV. Repleksyon
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Maglagay ng tsek (/) kung ginawa mo o
hindi ang mga gawaing nakatakda. Itala mo rin ang iyong dahilan at mungkahi sa gawaing ito.
Gawain Ginagawa Di- Ginagawa Dahilan/Mungkahi
1. Pagbabasa ng Bibliya
2. Pagdalo sa mga gawain ng
relihiyon (e.g.; pagsisimba)
3. Pagsasabuhay ng mga aral ng
kinabibilangang relihiyon
4. Pagrespeto sa
pananampalataya ng iba
5. Pakikipagpalitan ng ideya at
aral sa mga taong may ibang
relihiyon

Prepared by: ZENAIDA I. BANJAWAN


QUARTER Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
3 WEEK 2-3 Region VIII
Division of Northern Samar
ALLEN NATIONAL HIGH SCHOOL
Allen
ARALING PANLIPUNAN 8
Pangalan:______________________________ Year & Group:________________Score:_________________

I. Kasanayang Pakatuto:
Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng Kolonyalismo

II. Nilalaman
Ang Unang Yugto ng Kolonyalismo
Ang mga kaganapan simula sa panahon ng Renaissance, mga Krusada hanggang sa pag-
unlad ng paniniwalang merkantilismo ay nagbigay-daan sa Europa upang ito ay magsimulang
lumakas hanggang sa kasalukuyan. 
     Nagsimula ang eksplorasyon o paggagalugad at pagtuklas ng mga bagong lupain noong
ika-15 na siglo. Ang mga isinulat at kuwento ni Marco Polo tungkol sa kanyang paglalakbay sa
Silangan ay pumukaw sa interes ng mga Europeo. Dahil sa mga kontroladong mga ruta ng
kalakalan, napilitan ang ilang mga mangangalakal na maghanap ng bagong ruta upang
makarating sa Silangan. Dito nagsimulang maglayag sa karagatan ang mga tao. Ang pagtuklas
ng mga bagong lupain ang nagbigay-daan sa kolonyalismo. Ang kolonyalismo ay ang pagsakop
ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Ang panahong ika-15 siglo
hanggang ika-17 na siglo ay tinatawag din na unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Ang
imperyalismo ay tumutukoy sa panghihimasok, pag-impluwensya, o pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.

Motibo ng eksplorasyon
-Pagpapalaganap ng kristiyanismo
-Paghahanap ng kayamanan
-Paghahangad ng katanyagan at karangalan
-Kolonyalismo

Ang paghahanap ng Spices o pampalasa mula sa Asya ay isa ring dahilan ng paglalakbay.
Malaki ang pangangailan ng mga Europeo sa mga pampalasa lalo na ang paminta, cinnamon at
nutmeg mula sa India. Sa panahon na ito, ang kalakalan ng spices ay kontrolado ng mga
Muslim at mga taga-Venice sa Italy kaya nagkaroon ng monopolyo ng kalakalan. 
     Nakatulong upang mapadali ang paglalayag ang pag-unlad ng teknolohiya. Ang mga
unang bansang Europeo na nagpasimula ng paglalayag ay gumamit ng mas malalaking
sasakyang pandagat na tinatawag na caravel na naglalaman ng kanyon at riple. Nakatulong din
ang pagkakatuklas sa compass na siyang ginagamit upang malaman ang tamang direksyon
habang naglalakbay, gayundin ang astrolabe na siyang ginagamit upang sukatin ang altitude o
taas ng araw at bituin. Nakatulong din ang mapa na nagpapakita sa baybayin ng Dagat
Mediterranean at may grid system.

Ang Portugal
     Pinangunahan ng Portugal ang paghahanap ng mga spices at ginto sa pamamagitan ng
paglalakbay sa karagatan. Malaki ang papel na ginampanan ni Prinsepe Henry “The Navigator”
sa pagtatagumpay ng Portugal. Nagpatayo siya ng paaralan ng nabigasyon at hinikayat ang mga
mahuhusay na astrologo, kartograpo, mandaragat at mathematician. 

Bartholomeu Dias
    Noong 1488, Natagpuan niya ang Cape of Good Hope sa Katimugang bahagi ng Africa.
Ang pangyayaring ito ang nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang Asya sa
pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.
Vasco da Gama 
     Noong 1497, kanyang pinamunuan ang apat na sasakyang pandagat na umikot sa Cape
of Good hope at nakarating sa India. Natagpuan niya ang mga Hindu at Muslim na
nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana at pampalasa na pangunahing
pangangailangan sa Portugal. Napatunayan ang yaman ng Silangan at ang maunlad na
kalakalan.

Ang Spain
     Dahil sa paghahangad ng Spain sa kayamanan mula sa Silangan, tinustusan nina Haring
Ferdinand V at Reyna Isabella ang eksplorasyon ng bansa.

Christopher Columbus
Noong 1492, pinangunahan niya ang ekspedisyon na may layuning makarating sa India
sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran ng Atlantic Ocean. Nakarating siya sa isla ng
Bahamas at tinawag ang mga tao dito na Indian. Narating din niya ang lupain ng Hispaniola at
Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat sa pangangailangan ng Spain.
Amerigo Vespucci
     Noong 1507, ipinaliwanag niya na si Columbus ay nakatuklas ng New World o Bagong
Mundo, na kinilala bilang America hinango mula sa kanyang pangalan. Ito ay naitala sa mapa
ng Europe kasama ang iba pang isla.

Ferdinand Magellan
     Noong 1519, nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran patungong
Silangan. Natuklasan niya ang Brazil, nilakbay ang makipot na daanan ng tubig na mas kilala
ngayon bilang Strait of Magellan, patungo sa Pacific Ocean hanggang makarating sa Pilipinas.
Dahil dito, napatunayan na maaaring ikutin ang mundo at muling makakabalik sa
pinanggalingan.

Ang Paghahati sa Daigdig


     Ang pag-uunahan ng pagtuklas ng mga bagong lupain ay nagdulot ng lumalalang
paligsahan sa pagitan ng Portugal at Spain. Namagitan si Pope Alexander VI sa kanilang
paglalabanan. Noong 1493, gumuhit ang Pope ng line of demarcation, isang hindi nakikitang
linya mula sa gitna ng Atlantic Ocean mula sa North Pole hanggang South Pole. 
    Ipinakikita sa mapa na lahat ng matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi
ng linya ay para sa Spain. Ang Silangang bahagi naman ay para sa Portugal.

Ang France
     Ang mga Pranses ay nagsagawa rin ng kanilang paggalugad sa daigdig, partikular na sa
bahagi ng hilagang Amerika.
Jacques Cartier 
     Noong 1534, kaniyang naabot ang St. Lawrence River at ipinasailalim sa France
ang lugar na ngayon ay silangang bahagi ng Canada.

Samuel de Champlain
     Noong 1608, kaniyang itinatag ang Quebec bilang unang permanenteng kolonyang
French at kalakalan ng fur o produktong gawa sa balahibo ng hayop.

Louis Jolliet at Jacques Marquette


     Noong 1673, kanilang naabot ang Mississippi River at naglakbay hanggang
Arkansas River.

Rene-Robert Cavalier (Sieur de La Salle)


     Noong 1628, kaniyang pinangunahan ang expedisyon sa Mississippi River
hanggang sa Gulf of Mexico. Ang lahat ng lupain dito ay inialay sa hari ng France na si
Louis XIV at tinawag niya itong Louisiana.

Ang England
     Noong 1600, binigyan ng England ang English East India Company (EEIC) ng
karapatang makapagsulong ng interes na pangkalakalan. Binigyan ang EEIC ng
monopolyo ng kalakalang English sa East Indies, gayundin sa Africa, Virginia, at iba
pang bahagi ng Amerika. Ang mga sumusunod ay mga kolonyang English na naitatag:
 Roanoke Island – kolonya sa silangang baybayin ng Amerika na hindi nagtagal
 Carribean at Hilagang America – ang naging batayan ng imperyong English
 West Indies – arkipelago sa pagitan ng timog-silangang bahagi ng Hilagang Amerika at
hilagang bahagi ng Timog Amerika; naitatag dito ang mga plantasyon ng tubo.
 Jamestown – kasalukuyang estado ng Virginia sa United States

Sa kabuuan, 13 kolonya ang naitatag sa silangang dalampasigan ng HilagangAmerika.


Kabilang dito ang Virginia, Maryland, North Carolina, South Carolina, Georgia, Delaware, New
Jersey, Pennsylvania, New York, Rhode Island, Connecticut, Massachusetts, at New Hampshire.
Ito ang mga orihinal na kolonya na nang lumaon ay bumuo sa United States of America. Ang 13
kolonya na ito ay kasama sa mga simbolong bumubuo sa bandila ng United States of America.

Ang Netherland
     Sa pagpasok ng ika-17 na siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang
pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa Portugal at nagtatag
ng bagong sistema na tinatawag na sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay
pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito ay ang sapilitang
paggawa na naging patakaran din ng mga Espanyol sa Pilipinas. Pinangunahan ni Henry
Hudson ang kanilang kolonya sa Amerika. Noong 1609, napasok niya ang New York Bay at
pinangalanan ito na New Netherland. Noong 1624, isang trade outpost o himpilang
pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala
bilang New York City.
 Mas nagtagal ang kapangyarihan ng Dutch sa Asya kung ihahambing sa iba dahil sa
pagkakatatag ng Dutch East India Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong
1602. Ang mga daungan nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Ducth sa
paminta at iba pang rekado.

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

Ang sumusunod ang naging epekto ng paggalugad ng mga bansang Europeo:


 Naging sentrong pangkalakalang daigdig ang Europe. 
 Dahil sa pagdami ng salapi, lumawak ang kalakalan at namuhunan ang mga negosyante
sa malalaking negosyo.

  Nabuwag ng mga Europeo, sa pamamagitan ng bagong kalakalan, ang monopolyo ng mga


Venetian sa Euro-Asya.
 Umunlad at naitama ang maraming kaalaman tungkol sa heograpiya, hayop, at
halaman. 
 Napatunayan ang circumnavigation ni Ferdinand Magellan sa daigdig na lahat ng
karagatan sa daigdig ay magkakaugnay.
 Nagkaroon ng pagkakataon na lumaganap ang mga sakit tulad ng yellow fever at malaria
na hatid ng mga Europeo mula sa Africa patungong New World.

III. Mga Gawain.


Gawain 1. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo?


2. Punan ng tamang sagot ang talaan

Mga bansang nakiisa sa Pinuno ng Eksplorasyon Pangyayaring


eksplorasyon naganap
1.
2.
3.
4.
5.

3. Magtala ng naging epekto ng eksplorasyon

Mabuting epekto Hindi mabuting epekto


1. 1.
2. 2.
3. 3.

Gawain 2.
IV. Repleksyon
1. Sa iyong palagay, may maganda bang naidulot sa ating bansa ang mga nagdaang
eksplorasyon o paggalugad? Bakit?

Prepared by: ZENAIDA I. BANJAWAN

You might also like