You are on page 1of 22

Ang Unang Yugto ng

Kolonyalismo at
Imperyalismo
Noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo ay
naganap ang Panahon ng Pagtuklas na
pinangunahan ng ilang imperyo sa Europa.
Napadali ang pagkalat ng kulturang Europeo
nang sila ay maglayag sa iba’t ibang bahagi
ng mundo na hindi pa nararating ng
karamihan.
Ang impluwensiya ng ilang
bansa sa Europa ay nakita at
naramdaman na ng mundo
simula pa noong Panahon ng
Pagtuklas. Kabilang ang
Pilipinas sa mga nakaramdam
nito, sapagkat ang maraming
aspekto ng ating pamumuhay,
tulad ng relihiyon, pagkain,
pananamit, at paniniwala ay
may impluwensiya ng mga Isa si Ferdinand Magellan sa mga
manlalakbay na tumulong sa Espanya upang

Espanyol na nanakop sa bansa. tumuklas ng mga bagong lu gar sa Silangan o


Asya.
Mula ika-15 hanggang ika-17 na siglo,
ang mga Europeo ay naglayag sa mga
karagatan upang makahanap ng mga
bagong lupain at daan o ruta na
maaaring gamitin sa pakikipagkalakalan
sa Asya. Ang panahong ito ay tinawag
na Panahon ng Pagtuklas.
Mula sa mga bagong lupain na
natagpuan ay pumasok ang sinasabing
Unang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo. Lumang mapa ng Pilipinas na ginawa
ng mga Espanyol
Noong ika-15 siglo ay nagsimula ang paggalugad at
paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng
mga Europeo. Ang itinuturing na tatlong motibo ng
paggalugad para sa kolonyalismo ay ang
pagpapalaganap ng relihiyong Katolisismo,
paghahanap ng kayamanan at mga kalakal, at ang
pagkakamit ng katanyagan.
Ang Kolonyalismo at
Imperyalismo
Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng
kapangyarihan ng isang bansa na ginagawa sa
pamamagitan ng sapilitang pananakop at
pagkontrol sa ekonomiya at pulitika ng mga
nasakop na lugar. Ang mga nasakop na bansa
ay itinuturing na pag-aari ng imperyong
mananakop, kaya naman, ang lahat ng polisiya,
patakaran, at adbokasiya na ipinatutupad sa
imperyo ay ipinatutupad rin
sa mga nasakop.
Ang kolonyalismo ay isang anyo ng imperyalismo.
Ito ay pananakop ng isang makapangyarihang
bansa sa isang mahinang bansa upang gamitin ito
para sa pulitikal at ekonomikong interes ng
mananakop na bansa. Palaging may hindi pantay
na relasyon sa pagitan ng mananakop at kolonya.
Sa maraming pagkakataon sa kasaysayan, ang mga
mananakop at kolonyang bansa ay magkakalayong
bansa na may kaniya-kaniyang prekolonyal na
kultura at pamumuhay. Samakatuwid, ang
pagkontol ay ginagawa ng mga dayuhan.

Bilang kolonya, ang Pilipinas ay walang


kontrol sa mga produktong ikinakalakal
mula rito kahit noong Kalakalang Galyon.
Mga Europeong
Nanggalugad sa Mundo
Ang paggalugad sa mundo ay pinangunahan ng mga bansang Portugal,
Espanya, Olanda, Inglatera, at Pransiya. Ang monarkiya ng mga nasabing
bansa ay aktibong nagbigay ng suporta sa paggalugad ng kani-kanilang
manlalakbay upang mas mapalawak pa ang kapangyarihan ng mga
bansa.
Tandaan na sa panahong ito, ang kapangyarihan ng bansa ay nasusukat
batay sa dami ng kayamanan at kol onyang bansa ng mga imperyo. Atin
pang kilalanin ang mga Europeong nanggalugad sa mundo noong
unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo.
Ang mga Portuges
● Pinangunahan ng Italyanong si
Amerigo Vespucci ang
paggalugad sa kanlurang bahagi
ng mundo sa ngalan ng Portugal.
● Ang kanilang orihinal at
pangunahing ambisyon ay
nakapokus sa East Indies.
● Naging malaking tulong sa
kanilang imperyo ang pagsakop
nila sa Brazil. Amerigo Vespucci
Ang mga Espanyol
● Ang mga Espanyol ay itinuturing na
pinakamakapangyarihang bansa sa pagsisimula ng unang
bahagi ng imperyalismo at kolonyalismo sa Europa.
● Naging mabilis ang pananakop ng Espanya sa mga bansa
sa Timog Amerika at Pilipinas matapos ang mga tila bigong
pagtatalaga ng settlement sa Santo Domingo at kontinental
na bahagi ng Amerika.
Ang mga Olandes
● Sumunod ang mga Olandes sa mga Espanyol at
Portuges sa paggalugad sa ibang bahagi ng mundo.
Naging malaking tulong ang kanilang malawak na
kaalaman sa paglalayag at pakikipagkalakalan.
● Dahil sa pagpapalakas sa kanilang kapangyarihang
pandagat, nanguna sa pandaigdigang komersiyo ang
imperyo sa pagsisimula ng ika-17 siglo.
Ang mga Ingles
● Nakibahagi ang mga Ingles sa pananakop sa
bahaging Amerika. Naging katunggali ng Inglatera ang
iba pang bansa sa Europa para dito.
● Naging aktibo ang paggalugad ng mga Ingles sa
Silangan. Naitatag ang East India Company, ang
pinakamatagal na enterprise sa unang yugto ng
imperyalismo.
Ang mga Pranses
● Binigyang interes ng mga Pranses ang mga
kolonya sa Aprika. Naging katunggali nila rito ang
mga Ingles.
● Unti-unting pinalago ng Pransiya ang kaniyang
kapangyarihan. Pagdating ng ika-18 siglo, ang
Pransiya at Inglatera ay kinilala na bilang
pinamakapangyarihan at magkatunggaling imperyo
sa mundo.
Mahahalagang Pangyayari
sa Unang Yugto ng
Imperyalismo at
Kolonyalismo sa Europa
Narito ang mahahalagang pangyayaring
naganap sa Europa noong Panahon ng
Paggalugad. Bigyang pansin ang
pagkakasunod-sunod ng pangyayari at
ang unti-unting paglawak ng mga
imperyo sa pagdaan ng panahon:
● Noong Agosto 3, 1492 ay
naglayag ang Italyanong si
Christopher Columbus mula sa
Espanya patungo sa mga isla
ng Carribean (na inakala niyang
Asya) sa tulong ni Reyna
Isabella. Tinawag niyang
Bagong Daigdig o New World
ang mga lugar na kaniyang
Christopher Columbus
narating.
●Ang dalawang pinakamapangyarihang bansa noon sa
mundo, ang Espanya at Portugal, ay ginawaran ng
Kasunduang Tordersillas ni Papa Alexander VI noong 1494.
Batay sa kasunduan, ang mundo ay hinati sa dalawang bahagi.
● Nilibot ni Vasco de Gama ng Portugal ang Cape of Good
Hope sa bahagi ng Aprika hanggang marating niya ang India
noong 1498. Siya ang unang Europeong nakarating sa India sa
pamamagitan ng paglalakbay sa dagat.
● Nadiskubre ng mga Espanyol ang Mexico (1519), Peru
(1532), at Pilipinas (1565). Nasakop ang Pilipinas matapos
itong marating ni Ferdinand Magellan noong 1521.
● Narating ni Jacques Cartier ang St. Lawrence River noong
1534. Nasakop ng Pransiya ang bahaging ito ng Canada.
● Itinatag ng mga Olandes ang Dutch East India Company
o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) sa Asya noong
1602.
● Nakuha ng mga Ingles ang teritoryo ng ngayon ay
Estados Unidos simula 1607. Nagkaroon ng 13 kolonya na
naitatag sa bansa, kabilang na ang Virginia, Maryland, North
Carolina, Georgia, Delaware, New Jersey, Pennsylvania, New
York, Rhode Island, Connecticut, Massachusetts, at New
Hampshire.
● Itinatag ni Samuel de Champlain noong 1608 ang Quebec bilang
unang kolonyang Pranses at sentro ng kalakalan para sa balahibo
ng hayop o animal fur.
● Napasok ng Olandes na si Henry Hudson ang Baybayin ng New
York noong 1609.
Noong 1624 ay nagtayo na ng Rehiyong Olandes sa lugar.
● Noong 1673 ay narating ni Louis Jolliet at misyonerong Jesuit na
si Jacques Marquette ang Ilog ng Mississippi sa Estados Unidos.
Naglakbay sila hanggang sa Ilog ng Arkansas sa parehong panahon.
Nagkaroon ng paligsahan sa pagitan ng Pransiya at Inglatera ang
paglakas ng kolonyang ito sa Hilagang
Amerika.
Kasama sa mga tumira sa lupain ng Hilagang Amerika ang Pilgrims o pangkat
ng Puritans mula Inglatera. Sila ay tumira sa Plymouth, Massachusetts.

You might also like