kolonisasyon Inihanda ni: JOYCE LORRAINE C. CAMPOSANO 1. Ano ang isinisimbulo at kahulugan ng una, ikalawa, at ikatlong larawan?
2. Ano ang mensahe na nais ipahiwatig ng
mga nasa larawan? Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin • Ito ang nagbigay daan sa KOLONYALISMO na ang ibig sabihin ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. • Nagsimula ang unang yugto ng imperyalismo na maaaring tuwiran o di- tuwirang pananakop noong ika-15-17 siglo. Ang imperyalismo ay ang paghihimasok, pagiimpluwensiya, o pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa. Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon • Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado at hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta, napukaw ang kanilang paghahangad na makarating dito dahil sa paglalarawan ay mayaman ang lugar na ito. Ang aklat na THE TRAVELS OF MARCO POLO (circa 1298) ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating ang China. Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Nakadagdag ang tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, lalo pa at ang rutang dinaanan sa kanlurang Asya sa panahong ito ay kontrolado ng mga Muslim. Tatlong motibo sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon:
• Paghahanap ng kayamanan (Gold);
• Pagpapalaganap ng kristiyanismo (God); at • Paghahangad sa katanyagan at karangalan (Glory). KAYAMANAN Ninais ng mga bansang Europeo na magkaroon ng maraming BULLION (ginto o pilak) dahil ito sa patakarang merkantilismo.Hangad nila ang mga produktong galing sa Asya tulad ng asukal, seda at pampalasa. Ang mga pampalasa o SPICES ay maaaring gamitin sa pagpreserba ng pagkain, lalo na ng karne, at bilang medisina. RELIHIYON Isa sa mga dahilan ng mga Europeo sa paglalakbay at kolonyalismo ay upang ipalaganap ang Kristiyanismo. Ito ay isa sa mga naging mabisang paraan ng pananakop ng mga Kanluraning bansa. KATANYAGAN • Malaki ang ginampanan ng Renaissance sa paghahangad ng mga manlalakbay na Europeo na makarating sa mga bagong lupain. Napukaw din ng Renaissance ang interes ng mga Europeo na tumuklas ng mga bagong lupain. Dahil ang pananaw sa daigdig sa panahon ng Renaissance ay humanistiko at hindi nakasentro sa diyos gaya ng sa Middle Ages, nagkaroon ng tiwala sa sariling kakayahan ang tao. Ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong patunayan ang kanyang galing. Hangad niyang maging sanhi ito ng katanyagan hindi lamang ng sarili kundi ng bansang kinabibilangan. • Sa katunayan ang mga pampalasa at iba pang produkto mula sa Asya ay kinalakal ng mga mangangalakal na Venetian (taga- Venice) sa Europe at sila lamang ang tanging nagbenta nito. Ito ang dahilan kung bakit ang kakaunting ginto sa Europe ay umunti. Ang mangangalakal na ito ay isa sa mga pangunahing bumubuo sa BOURGEOISIE o gitnang uri sa Europe. PAG-UNLAD NG TEKNOLOHIYA • Partikular sa pag-unlad ng teknolohiya ay ang paggawa ng sasakyang pandagat at instrumentong kailangan nila sa paglalalyag. ANO ANG CARAVEL? Ang caravel ay sasakyang pandagat na may tatlo hanggang apat na poste na pinagkakapitan ng layag. Dahil sa laki ng caravel mas maraming tao at kagamitan tulad ng baril at kanyon ang kaya nitong dalhin sa paglalakbay. Ang ASTROLABE ay ginamit upang malaman ng manlalayag ang latitude sa pamamagitan ng pagtingin sa posisyon ng araw, buwan, at bituin. ANO ANG COMPASS? Ang compass ay upang malaman ang direksyon ng barko kahit gabi o maulap ang panahon. Si prinsipe Henry ng Portugal na kinilala bilang “Henry the Navigator” ay nakatulong sa pagpapamalas ng interes at kaalaman sa paglalakbay at pagsuporta sa ekspidesyon. Mga Salik na Pumukaw sa Panahon ng Eksplorasyon 1. Ang Paglalakbay ni Marco Polo Inilalarawan ng aklat ang mga pagdiriwang, kayamanan, at kapayapaan ng lugar na gumising sa kuryusidad at imahinasyon ng mga Europeo upang marating ang Asya. Ipinababatid dito na sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. 2. Ang patakarang Merkantilismo Konsepto na ang yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto at pilak. Ninais ng mga bansang Europeo na magkaroon ng maraming bullion (ginto at pilak) Hangad din nila ang mga produkto sa Asya tulad ng asukal, seda at pampalasa. 3. Paghahanap ng bagong ruta ng kalakalan Pagsapit ng ika-14 na siglo ay sinakop at kinontrol ng mga Turkong Muslim ang mga unang rutang pangkalakalan at ang mga mangangalakal lamang na taga Venice, Pisaat Genoa dahil sa mataas na buwis na ipinapataw ng mga Turko. Hilagang Ruta – nagsisimula sa Peking (China) at babagtas sa direksyon ng Samarkand at Bokhara, tinatawid ang Caspian Sea at Black Sea at nagtatapos sa lungsod ng Constantinople. Panggitnang Ruta – Mula sa India Timog na Ruta – Mula sa India, babagtasin ang Indian Ocean, bababayin ang Arabia tuloy sa red sea hanggang sa sa Cairo o Alexandria sa Egypt. 4. Pag-unlad ng teknolohiya Ang pag-unlad4 ng teknolohiya ang nagsulong sa mga paglalakbay ng mga Europeo. Ang caravel, bapor na nilikha ng mga Europeo na epektibong nakakausad taliwas sa ihip ng hangin na ginagamitan din ng magnetic compass na likha ng Tsina na nagtuturo ng direksyon sa mga nabigador. Ang Paghahanap ng Spices • Mula noong ika-13 na siglo ay nagdepende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang mga paminta, cinnamon at nutmeg. Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain, pagpreserba ng mga karne, panghalo sa mga pabango, kosmetiks, at medisina. Pagyamanin mo! Panuto: Sagutin ang tanong sa mga kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Maikling Pagsusulit