You are on page 1of 26

8

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Nasyonalismo sa Europa
at Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig
Araling Panlipunan– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Nasyonalismo sa Europa at Iba’t Ibang Bahagi
ng Daigdig
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rona DC. Dionisio
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Marie Ann C. Ligsay PhD / Fatima M. Punongbayan
Salvador B. Lozano / Arnelia R. Trajano PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Nasyonalismo sa Europa
at Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyong pagkatuto at makatulong


upang maunawaan ang mga aralin sa Araling Panlipunan 8.

Sa modyul na ito ay may isang aralin lamang tayo ang Nasyonalismo sa


Europa at Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig. Tatalakayin at susuriin natin ang mga
kaganapan ng pagsulong ng Nasyonalimo.

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. naibibigay ang kahulugan ng Nasyonalismo,


2. naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng Nasyonalismo,
3. natutukoy ang mga pinuno at bayaning nanguna sa paglunsad ng
Nasyonalismo, at
4. nailalarawan ang mga pangyayari sa paglunsad ng Nasyonalismo.

Mga Tala para sa Guro


Sa araling ito, panatilihin ang pagpapakita ng mga gawain
kaugnay sa pagpapahalaga sa nasyonalismo. Magbigay ng mga
kuwentong nagpapakita ng pagiging nasyonalismo at mga
paraan upang maipahay ang pagiging nasyonalista.

Subukin

1
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang letra ng
tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa


pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan?
A. Kolonyalismo
B. Nasyonalismo
C. Imperyalismo
D. Patriotismo

2. Ang sumusunod ay pagpapakita ng pagiging nasyonalismo maliban sa isa…


A. Pagsunod sa batas kahit walang nakakakita
B. Paggalang sa awtoridad at pinuno ng bansa
C. Ugaliin ang panunuod ng balita tungkol sa Pilipinas
D. Pakikilahok sa eleksyon

3. Sa paggamit ng social media, paano natin maipapakita ang pagiging


nasyonalismo?
A. Sumali sa mga pangkat sa social media na nagtatampok ng mga
kaalaman tungkol sa kasaysayan ng ating bansa.
B. Magpost ng mga kuwento tungkol sa kabayanihan ng isang tao.
C. Gamitin ang social media upang makahanap ng tamang impormasyon at
upang mapalawak pa ang kaalaman.
D. Magpost ng mga larawan o video na nagpapakita ng pagiging maka-
Diyos, makatao at makabansa.

4. Sino ang lihim na nakipagkasundo kay Napoleon III para sa hinihinging


tulong laban sa Austria sa huli, nagkasundo ang France at Austria laban sa
Italy?
A. Count Camilio di Cavour
B. Giuseppe Garibaldi
C. Giuseppe Mazzini
D. Louis Philippe I

5. Pinasimulan nila ang samahang Risorgimento o “muling pagkabuhay”, na


naglalayong mapag-isa ang Italya, sino ang hindi kabilang?
A. Giuseppe Garibaldi
B. Count Camilio di Cavour
C. Giuseppe Mazzini
D. Louis Philippe I

6. Sino ang kinilala bilang “Ama ng Mehiko/Mexico” na nanguna at namuno ng


pag-aalsa?
A. Miguel Hidalgo
B. Vincent Oge
C. Tupac Amaru
D. Simon Bolivar

2
7. Nilagdaan ni Czar Nicholas I, ang “October Manifesto”, ano ang layunin sa
paglagda ng manifesto?
A. Upang hindi lumaganap ang rebolusyon sa Russia
B. Naglalayon itong bigyan ang mga mamamayan ng karapatang sibil
C. Upang malimitahan ang kapangyarihan ng monarkiya
D. Naglalayong mapalaya ang bansang Russia

8. Bakit tinawag na “Bloody Sunday” ang Enero 22, 1905 sa Russia?


A. Sa araw na ito sinimulan ang paglaban ng mga rebolusyonaryo.
B. Tulad ng People’s Power ng Pilipinas, ito ang araw ng pagsasama-sama ng
mga Russian para sa mapayapang demonstrasyon.
C. Ang madugong labanan ng mga mamamayan laban sa mga sundalo.
D. Namatay ang marami dahil sa pamamaril ng mga sundalo sa St.
Petersburg

9. Sino ang tinatawag na “George Washington” ng Venezuela at naging pangulo


ng Great Columbia?
A. Miguel Hidalgo
B. Vincent Oge
C. Tupac Amaru
D. Simon Bolivar

10. Tuwing kailan ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan ng bansang Mexico?


A. Setyembre 27
B. Setyembre 16
C. Hulyo 14
D. Hulyo 4

11. Bakit isinulong ng mga mulatto sa Peru ang nasyonalismo?


A. Ang kamatayan ni Tupac Amaru ang nagtulak sa mga mulatto na
magsagawang nasyonalismo.
B. Upang mawakasan ang sapilitang paggawa at mataas na buwis
C. Magkaroon ng pagkakataong mabigyan ng posisyon ang mga Indian
bilang gobernador.
D. Lahat ng nabanggit.

12. Paano nagkakatulad ang rebolusyon at nasyonalismo?


A. Nagkatulad ang rebolusyon at nasyonalismo dahil sa layunin nitong
makamit ang kalayaan ng bansang kinabibilangan.
B. Ang mga taong kabilang sa rebolusyon at nasyonalismo ay handang
ipaglaban ang kanilang bayan maging buhay man ang kapalit nito.
C. Ang rebolusyon ay marahas at radikal, samantala ang nasyonalismo ay
mapayapang demonstrasyon.
D. A at B

13. Sino ang Emperador ng Ikalawang Republika ng France noong 1851?


A. Louis Philippe I
B. Napoleon II
C. Louis Napoleon
D. Emperador William I

3
14. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa bayan sa panahon na may
nakamamatay ng pandemya? Lahat ay nagpapakita ng pagiging
nasyonalismo, maliban sa isa
A. Patuloy na gawin ang mga nakasanayang gawain kahit bawal.
B. Tumulong sa pamamagitan ng salapi o anumang bagay na maaaring
maibigay sa mga nangangailangan.
C. Ibahagi sa social media ang mga paraan upang hindi magkaroon ng
sakit.
D. Magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa pagbabahagi sa social media ang
kuwento ng mga nakaligtas at gumaling sa sakit ng pandemya.

15. Ito ang itinatag na kilusan ni Giuseppe Mazzini ng Italy.


A. Red Coats
B. Red Shirts
C. Red Ants
D. Red Army

Magaling! Natapos mo ang Subukin.

Paalala: Kung nasagot mo nang tama lahat sa Subukin, maaari mo nang lagpasan
ang modyul na ito upang tumungo sa susunod na modyul. Kung hindi mo naman
nasagot nang tama lahat, kailangan mong aralin ang modyul na ito.

Ngayon ay maaari ka nang tumungo sa ating aralin! Tara!

4
Aralin Nasyonalismo sa Europa
1 at Iba’t Ibang Bahagi
ng Daigdig
Natunghayan natin ang mga rebolusyon at pananakop sa mga nakaraang
aralin. Ang paglaganap ng kaisipang liberal mula sa mga pilosopo sa Panahon ng
Enligthenment, na naging matibay na pundasyon sa hinahangad na kalayaan,
karapatan at pagkakapantay-pantay.

Mga kaisipang nagtulak upang umusbong ang nasyonalismo sa Europa at


iba’t ibang bahagi ng daigdig, pero ano nga ba ang nasyonalismo? Iyan ang ating
aalamin!

Balikan

Naaalala mo pa ba ang ating nakaraang aralin? Subukin nga natin!

Tukuyin Natin!

A. Panuto: Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang


sagot sa loob ng kahon. Sagutan sa sagutang papel.

Manifest Destiny Kolonyalismo Sphere of Influence


White Man’s Burden Protectorate Social Darwinism

1. Isang uri ng Imperyalismo kung saan ang isang bansa na nasa ilalim ng
dayuhang pamamahala.
2. Paniniwalang ang lahing kayumanggi, itim at dilaw ay obligasyong
tulungan ng lahing puti upang umunlad.
3. Ito ang imperyalismong tuwirang sinasakop at pinamamahalaan ang
nasakop na bansa.
4. Paniniwala ng United States na nakatadhana at may basbas ng langit na
palawakin at angkinin ang mga bansa.
5. Imperyalismong may karapatan ang mga dayuhan sa kalakalan ng isang
bansa.

5
Isulat Natin!

B. Panuto: Isulat sa kontinente ng Africa at Asya ang mga bansang nanakop


sa kanila. Iguhit ang mapa sa sagutang papel at sagutin.

Mahusay! Naunawaan at natandaan mo ang nakaraang aralin. Natitiyak


kong ang susunod nating aralin ay iyo ring matutuhan.

Tuklasin

Natukoy mo ng tama at naisulat mo ang tamang bansa, magaling!


Bago tayo tumungo sa ating aralin nais kong basahin moa ng maikling talata
tungkol sa balita.
BALITA: Batang babae, isinalba ang watawat ng Pilipinas mula sa baha

Noong Hulyo 26, 2011, kumalat ang larawan ng isang batang babae, si
Janela Lelis, labindalawang taong gulang, mula sa Malinao, Albay, ay sinuong ang
baha dala – dala ang Watawat ng Pilipinas. . Naging viral sa internet ang kanyang
ipinakitang nasyonalismo na umani ng iba’t ibang papuri sa ginawa ng bata.
Binigyan ng National Historical Commission of the Philippines ng parangal si
Janela noong Agosto 23, 2011.

6
Mula sa balitang ito, hindi nalalayo ang edad mo sa bata, ipinapakita na
walang pinipiling edad ang pagpapakita ng nasyonalismo.
Sa sagutang papel sagutin ang sumusunod.
1. Sino ang paborito mong superhero? Bakit? Ipaliwanag.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, sinong superhero ang gusto mo? Bakit?
Ipaliwanag.
3. Kung papipiliin ka ng kapangyarihan, anong kapangyarihan ang gusto mo at
bakit? Ipaliwanag.
4. Paano makatutulong ang iyong kapangyarihan sa mga tao? Ipaliwanag.

Maganda ang iyong pagpapaliwanag. Magaling!

Ano nga ba ang Nasyonalismo? Ikaw, para sa iyo ano ang kahulugan ng
Nasyonalismo?

Ito ay isang paniniwala na ang isang bansa ay nararapat na nabubuklod ng


isang wika, adhikain, kaugalian, at kasaysayan at pinamumunuan ng isa lamang
pamahalaan upang makatayo bilang isang malayang bansa.

Ipinapakahulugan din ang nasyonalismo na damdamin at paniniwalang


makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa isang bansa o estadong
kinabibilangan. Sa madaling salita ay ang labis na pagmamahal sa bayan.

Paano nga ba natin maipapahayag ang pagiging isang nasyonalista?

Kilalanin naman natin ang mga Superheroes, wala mang kapangyarihang


lumipad, walang shield at walang robotic suits pero maraming nailigtas gamit ang
kanilang pamumuno.

Halika kilalanin natin ang ilan sa kanila!

Nasyonalismo sa Europa

Namuno: Bansa: Pangyayari:

Louis France mula Ang pagkakaroon ng July Revolution at ang


Napoleon o sa pamumuno pamumuno ni Louis Philippe I sa
Napoleon III ni Louis pagpapasimula ng July Monarchy. Umusbong
Philippe I na naman ang korapsyon na dahilan ng
(1851)
pagkakaroon ng Rebolusyon noong 1848 na
ikinabagsak ng monarkiya.

Itinatag ang Ikalawang Republika ng France


na pinamunuan ni Louis Napoleon bilang
emperador Napoleon III.

7
Count Hilagang Italy Layunin ng nasyonalismo na muling pag-
Camilio di mula isahin ang bansang Italya. Tinawag na
Cavour pamumuno ng Risorgimento o “muling pagkabuhay” ang
France, kilusan na pinangunahan nina Giuseppe
Austria at Garibaldi, itinatag ang kilusang Red Shirts,
Papal States Giuseppe Mazzini, na nagtatag ng Young Italy
at Count Camilio di Cavour, Punong Ministro
ng Sardinia.
Giuseppe Timog Italy
Nabigo sa Rebolusyon si Mazzini at si
Garibaldi
Garibaldi matagumpay na napagbuklod ang
Italy maliban sa Rome at Venetia.

Samantala, si Cavour ay lihim na


nakipagkasundo kay Napoleon III para sa
hinihinging tulong laban sa Austria sa huli,
nagkasundo ang France at Austria laban sa
Italy. Gayunpama’y lumaban ang Italy hanggang
sa matalo ang mga dayuhang mananakop.

William I Germany mula Hulyo 19, 1870 sumiklab ang Franco-


sa France Prussian War, kung saan ang Germany ay
sumanib puwersa sa Prussia upang matalo ang
France. Dahil sa pangyayaring ito napagbuklod
ang Germany at isinilang ng Ikalawang Reich na
pinamunuan ni Emperador William I.

Czar Russia “Bloody Sunday” ang taguri sa malagim


na pangyayari noong ika – 22 ng Enero 1905,
Nicholas II
kung saan pinagbabaril ang mga sibilyan na
mapayapang nagsasagawa ng demonstrasyon sa
St. Petersburg dahilan upang lalong magalit ang
mga mamamayan.

Upang hindi lumala ang sitwasyon, isang


batas ang nilagdaan ni Czar Nicholas I, tinawag
itong “October Manifesto” na naglalayong
mabigyan ng mga karapatang sibil ang mga
mamamayan, at pagtatatag ng Constitutional
Monarchy.

8
Suriin

Tunghayan naman natin ang Nasyonalismo ng ilang bansa sa Africa,


Hilagang America at Latin America, tara!

Latin America

Bansa: Pangyayari:

Sa pangunguna ng rebelyon ni Tupac Amaru noong


1780, layunin nitong wakasan ang sapilitang paggawa,
pagbubuwis at pagkakaroon ng pagkakataong magkaroon
Peru
ng posisyon ang mga Indian bilang Gobernador. Maraming
labanan, maraming namatay at binitay ang mga pinuno
ng rebelyon.

Katulad sa Peru ang kinahinatnan ng mga pinuno ng


Colombia, binitay din ang mga ito. Pinangunahan ng mga
Colombia mestizo (may lahing Espanyol at Indian) at creole (may
lahing Europeo) ang nasyonalismo noong 1781 dahil sa
mataas na pagpataw ng buwis.

Ang pagkamatay ni Vincent Oge, na isang mulatto (puti


at iba pang lahi), ang naging mitsa ng pag-aalsa noong
Haiti ibig sabihin
1791, pinamunuan sila ni Francois Dominique Toussaint
ay
L’Ouverture, sa kasawiang palad bago pa nakapagtatag ng
“Bulubunduking pamahalaan ay binawi ni Napoleon ang kolonya. Nakulong
lupain” ito at doon na nga siya’y namatay. Panibagong
rebolusyonaryo ang naitatag sa pamumuno ni Jean
Jacques Dessalines na matagumpay na nakamit ang
kalayaan.

Sa rebolusyong ito nakilala ang pinunong si Simon Bolivar, tinatawag


ding “George Washington” ng Venezuela ang kanyang pagkapanalo na naging
pangulo ng Great Columbia na kasalukuyan ng binubuo ng Panama,
Columbia, Venezuela at Ecuador.

May isang pangalan din nakilala sa panahon ng rebolusyon dahil sa


kaniyang mahusay na pamumuno, si Jose de San Martin. Matagumpay
niyang napalaya ang Argentina. Tinulungan din niya ang Chile at Peru
kasama si Simon Bolivar. Sa wakas, ika – 9 ng Disyembre 1824, nawakasan

9
na ang pananakop ng mga Kastila dahil sa kanilang pagkapanalo tuluyan ng
nakalaya ang Hilagang Amerika.

Mexico–Nakilala si Padre Miguel Hidalgo bilang “Ama ng Mexico” hindi


man nagtagumpay ang kanyang pangunguna sa rebelyon kinilala ang
kanyang pag-aalsa bilang araw ng kalayaan sa Mexico tuwing ika – 16 ng
Setyembre.

May malalayang bansa sa Africa, ito ay ang Ethiopia,


Liberia at Republic of South Africa. May mga bansa na
naging malaya na hindi dumanas ng karahasan pero ang
Africa bansa tulad ng Congo at Algeria ay kinailangang
dumanak ng dugo para sa kalayaan.

Hilagang America

Pagyamanin

Ilan lamang iyan sa mga napakaraming kuwento ng pagpapamalas ng


Nasyonalismo.

BILL-HIN MO NA ‘TO
A. Panuto: Basahin ang sumusunod na talata.

Bakit nga ba mukha ng mga bayani o pangulo ng bansa ang disenyo ng


mga pera? Alamin natin!

Ayon nga sa historian na si Ambeth Ocampo, ang pera ay parang "calling


card" ng isang bansa. Ito ang dahilan kaya't makikita si Mao Zedong sa mga salapi
ng China, si Mahatma Gandhi sa India, George Washington sa Amerika, at si
Queen Elizabeth para sa Britanya at mga kolonya nito. 

Ganito din ang pananaw ng isa pang historian na si Michael Charleston


"Xiao" Chua. "When we look at our money, we don't just see currency, we don't just
see economy, but we also see a part of our story there," paliwanag niya. (Ong,
2018)

Batay sa naging sagot ng mga historian hindi dapat paglaruan ang pera o
pagkatiklop-tiklupin ng mabuti, ito ay pabibigay din ng paggalang sa ating
kasaysayan.

10
KA-FACE-RA-HAN ‘TO V.1!

B. Panuto: Tukuyin kung sino ang mukhang nakadisenyo sa ating pera.


Simulan natin.

1. 2. 3.
₱20 ₱50 ₱100

4. ₱200 5. ₱500

A. Manuel Roxas D. Diosdado Macapagal


B. Manuel L. Quezon E. Sergio Osmeña
C. Benigno Aquino at Corazon Aquino

KA-FACE-RA-HAN ‘TO V.2!

C. Panuto: Tukuyin naman natin ang mga nasa barya, sino ang mukhang
nakadisenyo sa barya? Gawin ito sa sagutang papel.

1. A. General Antonio Luna


₱1
B. Jose Rizal
C. Apolinario Mabini
2. D. Emilio Aguinaldo
₱5
E. Andres Bonifacio
3. - 5.

₱10

Basahin at unawain mabuti ang nakasaad sa talata. Alam mo ba ang batas na ito?

Republic Act No. 8491, o ang "Flag and Heraldic Code of the Philippines."

Ang batas na ito ay naglalaman ng mga alituntunin na dapat sundin sa


tuwing inaawit at pinapatugtog ang Pambansang Awit, nakapaloob din dito ang
mga alituntunin bilang paggalang sa watawat ng Pilipinas. Sa katunayan ang hindi

11
mo pagtayo habang inaawit ang Pambasang Awit ay isa ng paglabag sa batas na
ito. Kung magkagayon, ikaw ay maaaring makulong at magmulta.

Isipin. Alam mo pa ba ang mga sinisimbolo ng mga kulay at simbolo ng


watawat ng Pilipinas?

Isalaysay Mo!

D. Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay na sumasagot sa tanong na nasa


ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Bakit dapat malaman ng mga mag-aaral ang batas na Republic Act No.
8491, o ang "Flag and Heraldic Code of the Philippines"?

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pamantayan 5 3 1
Hindi
Naipaliwanag ng naipaliwanag ng Ang paliwanag o
Nilalaman maayos ang maayos ang sagot ay hindi tugma
sagot sa tanong. sagot sa tanong. sa tanong.

Binubuo ng
Binubuo ng isa o
Bilang ng limang o higit Binubuo ng apat
Lupang Hinirang tatlong
pangungusap pang na pangungusap.
pangungusap.
pangungusap.
Bayang magiliw,
Sariling salita o ngSariling
Perlas salita o
silanganan, Gumamit o kumopya
ideya ang Alab ng ideya
puso ang ng mga salita.
ginamit.
Sa 1.___________ ginamit.
mo’y buhay.
Pagsulat
Organisado ang
LupangWalang kaisahan
hinirang, Malawak at hindi
pagbibigay ng kaang
Duyan ng mga ideyang
magiting, organisado, ang
mga kaisipanSaat2._____________
isinulat.
ideya at kaisipan.
ideya. Di ka pasisiil.
Batayan sa Pagmamarka
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit 3._______ bughaw,
May dilag ang tula
Awitin Natin!
At awit sa paglayang minamahal.
D. Panuto: Kumpletuhin ang
liriko ng Ang kislap ng watawat mo’y Pambansang Awit
sa sagutang Tagumpay na 4._______________; papel.
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng 5.__________pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
12
Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.
Kumpletuhin Natin!
E. Panuto: Kumpletuhin ang Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas sa sagutang
papel.

Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas


Ako ay Pilipino, taos pusong nanunumpa sa watawat ng Pilipinas,
at sa bansnag Kanyang 1. ___________ na may 2. ________, katarungan at
3-. ________; na pinakikilos ng 4. __________
Maka-Diyos, makakalikasan, makatao, at 5. ______________.

13
Isaisip

Napakahusay! Nakayanan mong sagutin ang Pagyamanin kaya naman tiyak


kong kayang - kaya mo ito!

Spider Map!
Panuto: Isulat ang hinihinging sagot sa Spider Map, gawin ito sa sagutang papel.

Aking Natutuhan Mahalagang matutuhan

Nasyonalismo sa
Europa at
Iba’t ibang Bahagi
ng Daigdig

Natutuhang aral o moral lesson


Maipapahayag ko ang pagiging
nasyolismo sa pamamgitan ng

14
Isagawa

Bigyan ng tatlong palakpak! Malinaw mong naipahayag sa Isaisip ang iyong


natutuhan.

Nakarinig ka na ba ng live spoken poetry? Tumutula? Bakit ko naitanong?


Dahil, nais kong bumuo ka ng maigsing spoken poetry tungkol sa pagmamahal mo
sa Inang Bayan.

Muli nating ipaalam sa iba ang kahalagahan ng kalayaan na ipinaglaban ng


ating bayani dahil sa pagmamahal sa ating bayan. Galingan mo!

Batayan sa Pagmamarka

Pamantayan 5 3 1

Naglalaman ng Naglalaman ng Naglalaman ng


mga impormasyon impormasyon at mga impormasyon at
at mga salita na salitang malayo o mga salitang
angkop sa paksa. hindi tugma sa malayo o hindi
Nilalaman paksa. tugma sa paksa.
Organisado ang
mga ideya sa Organisado ang mga Hindi organisado
buong ideya sa buong ang mga ideya sa
komposisyon. komposisyon. komposisyon.

Binubuo ng
Binubuo ng tatlong Binubuo ng tatlong
dalawang talata na
Bilang ng talata na may apat talata na may tatlong
may apat o mas
talata na pangungusap o pangungusap o
mababang bilang
taludtod. taludtod.
ng pangungusap.

15
Tayahin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, patuloy mong sagutin ang mga


katanungan.

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Paano maipakikita ang pagiging nasyonalismo sa kasalukuyang panahong
dagsa ang mga dayuhang produkto mula sa kasangkapan, damit at pagkain?
Maliban sa isa.
A. Hindi lamang sa pagtangkilik ng produktong Pilipino maipapakita ang
pagmamahal sa bayan.
B. Maaaring sa ibang bagay hindi natin matangkilik ang produktong
Pilipino, pero ang pagpapatuloy ng ating mga putahe sa ulam ay tiyak na
nasyonalismo.
C. Hindi maiiwasan ang pagbili ng mga dayuhang produkto kaya patuloy
natin itong gawin.
D. Suportahan ang mga produktong Pilipino sa pagbabahagi ng mga larawan
o video ng ipinagmamalaki nating produkto.

2. Bakit dapat kabisado ng isang Pilipino ang pambansang awit at panunumpa sa


watawat?
A. Dahil ito ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan
B. Makakatulong ito upang tumatak sa puso’t isipan ng mga Pilipino ang
kagitingan at kabayanihan ng ating mga bayani.
C. Ang panunumpa sa watawat, ay magsisilbing pangako ng isang Pilipino
para sa bansa at magpapaalala na maging maka-Diyos, makalikasan at
makatao.
D. Lahat ng nabanggit

3. Damdamin at paniniwalang makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa isang


bansa o estadong kinabibilangan.
A. Kolonyalismo
B. Nasyonalismo
C. Imperyalismo
D. Patriotismo

4. Ang sumusunod ay malalayang bansa sa Africa bago magsimula ang 1914,


maliban sa isa
A. Angola
B. Ethiopia
C. Republic of South Africa
D. Liberia

16
5. Matagumpay niyang napalaya ang Argentina dahil sa kaniyang husay sa
pamumuno, sino siya?
A. Jose de San Martin
B. Vincent Oge
C. Tupac Amaru
D. Simon Bolivar

6. Ang kanyang kamatayan at pamumuno ang nagmulat sa mga mulatto na


magrebelyon, sino siya?
A. Jose de San Martin
B. Vincent Oge
C. Tupac Amaru
D. Simon Bolivar

7. Batay sa mga aralin, bakit ito mahalagang matutunan ang nasyonalismo?


A. Ipinapakita nito ang mga pangyayaring nagaganap tuwing may
nagsusulong ng nasyonalismo.
B. Inihahanda ng mga araling ito ang puso’t isip ng isang tao sa mga
posibilidad na pangyayari kapag isinulong ang pagmamahal sa
bayan.
C. Upang ipakita ang mga bunga ng pagsusulong ng nasyonalismo.
D. A at B

8. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa loob ng


inyong tahanan?
A. Maipapakita ito sa pamamagitan ng paggalang sa kapwa at
kapamilya.
B. Sumunod sa pinag-uutos at batas ng mga magulang bilang sila ang
awtoridad sa tahanan
C. Tumulong sa mga gawaing bahay.
D. Lahat ng nabanggit

9. Sino ang kinilala bilang “Ama ng Mehiko/Mexico” bilang pangunguna at


pamumuno ng pag-aalsa?
A. Miguel Hidalgo
B. Vincent Oge
C. Tupac Amaru
D. Simon Bolivar

10.Bakit tinawag na “Bloody Sunday” ang pangyayari sa Russia noong


Enero 22, 1905?
A. Sa araw na ito sinimulan ang paglaban ng mga rebolusyonaryo.
B. Tulad ng People’s Power ng Pilipinas, ito ang araw ng pagsasama-
sama ng mga Ruso para sa mapayapang demonstrasyon.
C. Ang madugong labanan ng mga mamamayan laban sa mga sundalo.
D. Namatay ang marami dahil sa pamamaril ng mga sundalo sa St.
Petersburg

11. Sino ang Emperador ng Ikalawang Republika ng France noong 1851?


A. Louis Philippe I
B. Napoleon II
C. Louis Napoleon
D. Emperador William I

17
12. Pinuno sa Haiti na nanguna sa pagsulong ng Nasyonalismo maliban sa isa
A. Vincent Oge
B. Francois Dominique Toussaint
C. Tupac Amaru
D. Jean Jacques Dessalines

13. Batay sa mga naging pangyayari sa nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang


bahagi ng daigdig, anong mensahe o moral lesson ang matutuhan?
A. Ipaglaban ang iyong karapatan kung ikaw ang tama.
B. Ang paghihirap, pagsasakripisyo at pagtitiis ay magbubunga ng
matamis na tagumpay.
C. Ang nasyonalismo ay katulad ng paglaban sa mga problema sa
buhay.
D. Hindi man matanaw ang dulo, pero tiyak na may katapusan.

14. Bakit nilagdaan ni Czar Nicholas I, ng Russia ang “October Manifesto”?


A. Upang hindi lumaganap ang rebelosyun sa Russia
B.Naglalayon itong bigyan ang mga mamamayan ng karapatang sibil
C.Upang malimitahan ang kapangyarihan ng monarkiya
D. Naglalayong mapalaya ang bansang Russia

15. Sino ang kinilala bilang “George Washington” ng Venezuela?


A.Miguel Hidalgo
B. Vincent Oge
C. Tupac Amaru
D. Simon Bolivar

Mahusay! Natapos at nasagutan mo ng tama an gating Tayahin, may sapat ka ng


kaalaaman tungkol sa Nayonalismo sa Europa at Iba’t ibang bahagi ng daigdig.

18
Karagdagang Gawain

Tunay na masalimot ang kasaysayan, pero ito ay malaking tulong para


maiwasan sa hinaharap. Magaling! Isang aralin na naman ang ating natapos.

Poster Making
Panuto: Bumuo ng isang poster sa isang long bond paper. Para sa tema ng poster:

“Ang pagiging malaya ay pagkakaroon ng karapatan:


Kalayaan Ko! Karapatan Ko!”

Batayan sa Pagmamarka

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang


Puntos

Nilalaman Naipapakita sa poster ang kaugnayan 15


sa ibinigay na tema.

Pagkamalikhai Makulay at makabuluhan ang 15


n nagawang poster.

Kabuuan: 30

Mahusay! Napagtagumpayan mo ang modyul na ito.


Binabati kita dahil isang markahan ang iyong natapos!

19
20
Subukin Pagyamanin Tayahin
B. BILL-HIN MO NA ‘TO: Basahin at C.
C. unawain D.
D. KA-FACE-RA-HAN ‘TO V.1! B.
A. B. A.
D. D. A.
A. A. B.
B. C. B.
D. E. D.
D. A.
B. KA-FACE-RA-HAN ‘TO V.2! D.
D. B C.
B. D. C.
C. C. B.
A. A. B.
B. E. D.
Note: 3-5 in any order
Isalaysay Mo!
Tingnan ang Batayan sa Pagmamarka
Awitin Natin!
dibdib
manlulupig
mong
luwalhati’t
Kumpletuhin Natin!
sinasagisag
dangal
kalayaan
sambayanang
makabansa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

EASE Modyul 15: Rebolusyong Pampulitika sa Pransiya at Amerika. Accessed June


30, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/

EASE Modyul 16: Ang Pag-unlad ng Nasyonalismo. Accessed June 30, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/

Modyul ng Mag-aaral; Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig, DepEd-Bureau


of Secondary Education Curriculum Department Division

Most Essential Learning Competencies (MELCS) per SUBJECT (SY 2020 – 2021).
Accessed June 30, 2020. https://depedlps.club/most-essential-learning-
competencies-melcs-per-subject-sy-2020-2021/

Ong, Michelle. “Alamin: Proseso sa pagpili ng mga bayani na itatampok sa pera”.


ABS-CBN News, June 12, 2018, https://news.abs-
cbn.com/business/06/12/18/alamin-proseso-sa-pagpili-ng-mga-bayani-
na-itatampok-sa-pera

Republic Act No. 8491. Official Gazette. February 12, 1998.


https://www.officialgazette.gov.ph/1998/02/12/republic-act-no-8491/

Vexels. Philippine National Flag. August 24, 2016, https://www.vexels.com/png-


svg/preview/134717/philippines-national-flag

Vivar, Teofiista L. EdD, Zemaida M. De Leon, Priscilla H. Rillo, and Nieva J.


Discipulo. Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon: Kasaysayan ng Daigdig,
SD Pubications, Inc.,2000

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like