You are on page 1of 25

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo (Imperyalismo)
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Module
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
(Imperyalismo)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Geoffrey A. Retita, Emely B. Pactorayan Filipina F. Meehlieb, Lileth F.


Editor: Oliverio
Tagasuri: Lilifreda P. Almazan, Fatima D. Notarte, Leowenmar A. Corvera, Edwin
C. Salazar, Marina B. Sangeunza, Alyn M. Tolero, Jr.,
Marino L. Pamogas, Honorato Mendoza, Joel P. Plaza, John M. Anino,
Edwin G. Capon, Larry G. Morandante, Marnio L. Pamogas

Tagaguhit:
Tagalapat:Genebabe C. Betonio, Paul Andrew A. Tremedal
Tagapamahala:Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno Josephine
Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida,
Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga


Office Address: Teacher Development Center
J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600

Telefax: (086) 342-8207: (085) 342-5969


E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo (Imperyalismo)
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani- kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan


ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin sa mga kolonya o lupaing nasasakupan sa iba’t ibang panig ng daigdig at
tuklasin ang kaugnayan at kahalagahan nito sa kasalukuyan.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos


upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging


makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng
mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Ikalawang Yugto


ng Kolonyalismo (Imperyalismo) na nahahati sa sumusunod na paksa:

Paksa 1: Mga Sanhi sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo
Paksa 2: Uri, Dahilan at Lawak ng Pananakop
Paksa 3: Ang Paggalugad sa Gitnang Africa
Paksa 4: Imperyalismong Ingles sa Timog Asya
Paksa 5: Ang Pagsali ng United States sa mga Bansang Mananakop
Paksa 6: Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng


Kolonyalismo (Imperyalismo). MELC AP8 Quarter 3 Week 8/APMDIIIh-8

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang sa iyo ang mga


sumusunod:

1. Natatalakay ang mga uri, dahilan at lawak ng pananakop sa Ikalawang Yugto ng


Kolonyalismo (Imperyalismo);
2. Nahihinuha ang mga epekto ng Ikalawang Yugto ng Pananakop sa kasalukuyang
panahon sa aspetong kultural, relihiyon, lipunan, ekonomiya at pulitika;
3. Napapahalagahan ang mga mabuting epekto ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo (Imperyalismo);
4. Nakapagmumungkahi ng iba’t ibang paraan upang maitanghal ang mga
kakayahan at pambansang adhikain tungo sa pagkakaisa, kaunlaran at
soberaniya.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang inyong mga sagot.
1. Alin sa sumusunod ang isa sa pangunahing dahilan sa paglunsad ng ikalawang
yugto ng pananakop?
A. Rebolusyong Pranses C. Rebolusyong Amerikano
B. Rebolusyong Industriyal D. Rebolusyong Pangkalikasan

2. Paano nakatulong ang mga imbensyon sa teknolohiya at agham sa paglalayag?


A. Pinabilis nito ang paglalayag ng mga mananakop.
B. Nadagdagan nito ang mga armas ng mga kolonyalista.
C. Naging mahusay ang mga namumuno sa pamahalaan.
D. Pinaunlad nito ang ekonomiya ng mga bansang Europeo.

3. Anong doktrina ang nagsasaad na ang United States of America ay may


kapangyarihang magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng
Hilagang Amerika?
A. Bullionism C. Protectorate
B. Manifest Destiny D. White Man’s Burden

4. Bakit mahalaga sa mga negosyante ang pagbibigay ng espesyal na karapatan


sa kalakalan?
A. Upang gawing makapangyarihan ang kinabibilangang bansa
B. Para madagdagan nila ang ibibigay na buwis sa pamahalaan
C. Upang maimpluwensiyahan nila ang mga naglilingkod sa pamahalaan
D. Dahil malaya nilang mapangasiwaan ang pagpapalago sa kanilang negosyo

5. Ano ang pinakamahalagang layunin ng mga kanluranin sa mga bansang sinakop


nila?
A. Pinaunlad nila ang mga bansang nasakop.
B. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga maralita.
C. Binigyan nila ng edukasyon ang mga katutubo.
D. Dito sila kumuha ng hilaw na sangkap gaya ng rubber.

6. Anong kontinente ang naging tanyag sa Europe dahil kay David Livingstone?
A. Africa C. Asia
B. Antarctica D. Australia

2
7. Paano natulungan ng Dagat Mediterranean ang sistema ng kalakalan upang
mapaunlad ang mga bayan na malapit dito?
A. Pinalawak nito ang sistemang barter.
B. Dito kinukuha ang maraming ginto at langis.
C. Naging susi ito ng mabilis na transportasyon.
D. Nakapagbigay ito ng hanapbuhay sa mga tao.

8. Anong bansa ang binansagang pinakamaningning na hiyas ng imperyong Ingles?


A. Australia C. India
B. China D. New Zealand

9. Ano ang mahihinuha mo sa Treaty of Paris sa pagitan ng France at


Great Britain?
A. Wala ng sagabal sa pamamahala ng Great Britain sa India.
B. Mabilis nang uunlad ang France dahil binitawan na nito ang India.
C. Ipinakita nito na mas makapangyarihan ang France laban sa Great Britain.
D. Pahirapan na ang pakikipagkalakalan ng Great Britain sa mga nasasakupan.

10. Ano-anong mga bansa ang napasakamay ng United States nang magtagumpay
laban sa Spain?
A. Bangladesh, Brazil, at Japan
B. Panama, Samoa, at Vietnam
C. Hawaii, Taiwan, at New Zealand
D. Guam, Philippines, at Puerto Rico

11. Ano ang malaking pakinabang ng mga naval base na itinatag ng United
States sa mga nasasakupan nito?
A. Pinahusay nito ang mga operasyong pandigma.
B. Pinayabong ang kaalaman sa mga yamang dagat.
C. Mabilis nitong napaunlad ang ekonomiya ng bansa.
D. Napangalagaan nito ang kapakanan ng mga mangingisda.

12. Paano nakinabang ang United States sa mga bansang napailalim sa paraang
protectorate?
A. Napalawak ang itinataguyod na relihiyon.
B. Napahusay ang kanilang kakayahan sa dagat.
C. Napangalagaan nito ang ekonomikong interes.
D. Naging kanlungan nila ang mga ito sa oras ng digmaan.

3
13. Ano ang pinakamagandang gawin upang matulungan ang paglago ng
ekonomiya kung natuklasang may mga ginto sa Australia?
A. Gawing sakahan ang lugar
B. Magpatayo ng mga minahan
C. Palakasin ang turismo sa bansa
D. Pangalagaan at huwag sirain ang kalikasan

14. Aling pahayag ang nagpapakita ng masamang epekto ng imperyalismo?


A. Tumaas ang bilang ng mga nandarayuhan at napabuti nito ang ugnayan.
B. Nahihirapan ang mga dayuhan sa pagpasok sa ilang pook ng nasasakupan.
C. Sinira nito ang kulturang katutubo dahil sa pananaig ng kulturang Kanluranin.
D. Natutunan ng mga katutubo ang mga ideyang pangkalakalan mula sa banyaga.

15.Ano ang masamang epekto ng hindi makatuwirang pagtatakda ng mga


hangganan sa ilang bahagi ng Asya at Africa na naging pamana ng mga
Kanluranin sa mga nasasakupang bansa?
A. Nahihirapan silang makamit ang mga pagbabago sa lipunan.
B. Pinahina at nilisan ng ibang mamamayan ang kanilang relihiyon.
C. Nagdulot ito ng migrasyon sa lipunan upang makahanap ng trabaho.
D. Patuloy ang hidwaan at kaguluhan lalong-lalo na sa mga hangganan.

Balikan

Gawain 1
Panuto: Batay sa Mapa ng Daigdig sa ibaba, punan ang talahanayan ng iyong
natutunan tungkol sa unang yugto ng kolonyalismo.
Gawin at kumpletohin ang mga hinihingi ng talahanayan sa iyong sagutang
papel.

Pinagkunan: https://www.mapsofindia.com/worldmap/

4
Kolonyalistang Layunin ng Pananakop Mga Bansang Nasakop
Bansa
1. Netherlands

2. Spain

3. Portugal

4. France

5. England

Tuklasin

Gawain 2: Photo-Suri
Panuto: Pag-aralan ang ipinapakita ng larawan. Sagutang ang mga sumusunod na
katanungan sa ibaba.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong mahihinuha sa larawan?

2. Magbigay ng isang salita na maiuugnay mo sa larawan at ipaliwanag kung ano


ang ipinapahiwatig nito.

5
Suriin

Hangad sa bahaging ito ang iyong kabatiran sa paksa. Umpisahan mo nang


magbasa at intindihin ang teksto.

Mga Sanhi sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo

Ang mga kaganapan sa ikalawang Rebolusyong Industriyal ay nasabayan ng


paghubog ng makabagong imperyo pagdating ng ika-19 na dantaon at sa
pagsisimula ng ika-20 na siglo. Napakinabangan ng husto sa panahong ito ang
paglago ng Rebolusyong Siyentipiko. Daglian ang paglawak ng pagkakanluranin o
westernization ng ibang lupain dahil sa mga imbensyon sa teknolohiya at agham na
nagpabilis sa mga paglalayag ng mga Europeo. Nag-udyok din sa paggalugad ang
matinding pangangailangan sa mga hilaw na materyales para sa pamilihan at sa
mga itinayong mga industriya sa Europa.

Paraan at Lawak ng Pananakop


1. Manifest Destiny - ay ang ideya o paniniwala na ang United States ay itinadhana
at pinagkalooban ng Diyos, na palawakin ang pamamahala nito at maikalat ang
demokrasya at kapitalismo sa buong kontinente ng Hilagang America.

2. White Man’s Burden – ay doktrina ng mga Europeo na tungkulin nila at ng


kanilang inapo na ang mga katutubo ng mga kolonyang hawak nila ay
mapangibabawan ng kanilang progresibong sibilisasyon.

3. Protectorate – ay ang pagkakaloob ng proteksiyon laban sa paglusob ng


ibang bansa.

4. Concession – ay ang pagkakaloob ng pribilehiyong makapagnegosyo ng mga


kanluraning bansa.

5. Sphere of Influence – ay isang rehiyon o maliit na bahagi ng bansa na kontrolado


ng maimpluwesiyang bansa sa pamamagitan ng pangagasiwa sa mga patakaran
at ibang pampulitikang aspeto nito.

Dagdag pa nito ay ang malaking pangangailangan ng hilaw na mga


materyales, pagsasakatuparan ng pamamaraang kapitalismo at paniniwalang
karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na palawakin ang nasasakupan at
palaganapin ang kanilang sibilisasyon. Ito ang dahilan kung bakit nangyari ang
ikalawang yugto ng pananakop.

6
Ang Paggalugad sa Gitnang Africa
Pahirapan ang pagpasok sa loobang bahagi ng Africa kung kaya walang
masyadong alam ang mga Europeo tungkol dito. Lubhang peligroso ang paglalayag
sa mga ilog dahil karamihan sa daloy nito ay may pambihirang lakas. Kakila-kilabot
ang gubat dito dahil bukod sa makulimlim ay nagkalat ang iba’t ibang uri ng hayop.

Pagdating ng 1854, narating ng isang misyonerong Ingles na si David


Livingstone ang lugar na ito. Natuklasan niya ang ang isang kamangha-manghang
talon na pinangalanan niyang Victoria Falls. Naabot niya ang bibig ng ilog Zambezi
sa Karagatang Indian noong Mayo 1856, na naging unang Europeano na tumawid
sa lapad ng southern Africa.

Pagbalik sa Britain, inilathala niya ang 'Missionary Travels and Researches in


South Africa' (1857) kung kaya nagkaroon ng kaalaman ang mga Europeo.

Paligsahan sa Pagkamkam sa Africa ng mga Bansa sa Europe


Ang kontinente ng Africa ay may tatlong rehiyon. Makikita ang Dagat
Mediterranean sa hilagang bahagi kung saan makararanas ng tropiko o mainit na
klima ang mga lugar na kabilang dito. Malamig na klima naman ang mararanasan
katimugang bahagi ng Africa.

Nagsimula na ang tunggalian sa pag-aagawan ng mga bansang Europeo sa


Africa sa loob ng tatlong dekada. Pinasok at hawak na ng mga kanluraning bansa
ang mga lugar na hindi pa nila kabisado. Ang Congo Basin ay naangkin ng Belgium
sa pamamahala ni Haring Leopoldo I. Samantala, ang ibang mga lupain ay nakuha
ng bansang France, Britain, Germany, Portugal at Italy.

Mapa ng Africa

Pinagkunan:http://what-when-how.com/western-colonialism/scramble-for-africa-western-colonialism/

7
Malaki ang naitulong ng Dagat Mediterranean sa pagpapabilis ng paraan ng
transportasyon. Ang magandang bunga nito ay ang paglago ng mga lungsod ng
Tunis at Algiers na nagsisilbing daungan ng mga barko na nagdadala ng mga
kalakal.

Sa simula, pagbibili lamang ng mga alipin ang inatupag ng mga Europeo


hanggang sa napagtanto nila ang potensiyal ng mga likas na yaman na nakapaloob
sa Africa. Inisip nila na ang oportunidad na nakikita nila ay magdulot ng kaunlaran sa
kanilang bansa. Kaya sinimulan nila na maggalugad ng mga lugar upang
makamkam ang mga likas na yaman gaya ng brilyante, asukal, asin, ginto, iron,
cobalt, uranium, tanso, bauxite, pilak, at petrolyo, bukod nito mayroon ding mga
kahoy at mga tropikal na prutas.

Mga Pamprosesong Tanong


Panuto: Saguting ang mga sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Bakit nahuli ang paggalugad ng mga Europeo sa Africa?
2. Ano ang mga natuklasan ng mga Europeo matapos nilang galugarin ang loobang
bahagi ng Africa?
3. Bakit pinagtuunan ng pansin ng mga Europeo ang pagkamkam ng mga lupain sa
Africa?
4. Paano nakatulong ang Dagat Mediterranean sa pag-unlad ng ilang lugar sa Africa?
5. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga daungan ng mga
barkong nagdadala ng kalakal sa pag-unlad ng isang lugar?

Imperyalismo sa Timog Asya


Ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon, at teknolohiya ay dinala ng British
East India Company noong lubos itong naging maimpluwensiya sa gobyerno ng
India. Sa patapos na panahon ng 1800, hindi nagtagal ay hawak na ng Imperyo ng
Great Britain ang pangangasiwa sa kompanya. Binansagang “pinakamakinang na
kayamanan” ng imperyo ang India. Ang pitong taong digmaan ng France at Britain
ay nahinto sa pamamagitan ng Treaty of Paris. Napagkasunduan na ang France ay
wala ng mahahawakan na lupain sa India na nagpahina ng kanilang impluwensiya
sa nasabing bansa. Subalit may mga naiwan pa ring trading posts ang bansang
France sa India nagpanatili ng ugnayan sa aspeto ng negosyo at kalakalan.

Ang Pagsali ng United States sa mga Bansang Mananakop


Nagbunga ng pag-angkin sa Cuba, Pilipinas, Guam, at Puerto Rico ang
pananaig ng United States noong nakipagdigma ito sa Spain. Ginawang istasyong
pandagat ang Guam papuntang Silangan, samantala ang Puerto Rico naman ay
istasyong pandagat sa Caribbean. Nakuha naman nila ang Samoa at ginawang
pangunahing istasyong pandagat. Ang Pearl Harbor na matatagpuan sa Hawaii ay
ang pinakanamumukod-tanging pundasyong himpilang-dagat sa Pacific ng United
States pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ang pagkakaroon ng mga base
militar ng United States sa mga lugar na nabanggit ay palatandaan ng kanilang
kapangyarihan at impluwensiya na sa kalaunan ay nauwi sa pananakop.

8
Pamprosesong Tanong
Panuto: Saguting ang sumusunod na tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng himpilang-pandagat ng United


States sa kanilang mga nasasakupan?

Ang Protectorate at iba pang Uri ng Kolonya


Pinangasiwaan at naging tagapagtanggol ang United States sa mga bansang
napabilang sa West Indies, kasama na ang bansang Australia, New Zealand at mga
bansang matatagpuan sa Central America. Layunin nitong mamalagi ang malayang
kalakalan sa mga rehiyon nito, mapagkunan ng hilaw na materyales at
maproteksyunan ang mga gawaing pang-ekonomiko ng United States. Ang
malalaking proporsiyong pangkabuhayan ay napasakamay ng malalaking
organisasyong pangkomersyo ng United States.

Protektado naman ng Great Britain ang mga bansang Australia at New


Zealand. Dati rati ang mga bansang ito pagkaraan ng himagsikan sa America ay
naging tapunan ng mga bilanggo. Di nagtagal, nag-umpisa ang pagtatayo ng mga
kolonya sa mga lupaing ito nang madiskubre ang ginto sa Australia. Malaking tulong
ang lupaing ito sa migrasyon at bagong pananahanan lalo na sa lumulubong bilang
ng tao sa Great Britain.

Mga Pamprosesong Tanong


Panuto: Saguting ang mga sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng layunin ng United States at Great Britain sa
mga bansang napailalim sa kanila.
2. Alina ng madaling umunlad, ang mahihinang bansa na aasa sa sariling
kakayahan o ang magpasakop sa maunald na bansa? Patunayan.

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon


Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing nasakop lalo
na sa aspekto ng buhay. Hinimok ng mga mananakop na sundin ng mga bansang
nasakop nila ang mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, pang-espiritwal,
panlipunan at pangkultura upang maisakatuparan ang sarili nitong interes.

Nalasap ng mga mamamayang nasakop ang malupit at marahas na


pamamalakad ng mga banyaga sa paglawak ng imperyalismo sa Africa at Asya. Ang
likas na yaman at lakas-paggawa ay walang pakundangang inabuso ng mga
Kanluranin. Sa ilang bahagi ng kolonya ay naging dahilan ito sa pagkawala at
pagyurak ng kulturang katutubo dahil sa pangingibabaw ng mga Kanluranin. Ang
mga bakas ng pananakop ay nag-iwan ng sigalot sa ilang bahagi ng Asya at Africa
dahil sa hindi malinaw na pagpapatupad ng mga hangganan na hanggang sa
kasalukuyan ay pinagtatalunan.

9
Mga Pamprosesong Tanong
Panuto: Saguting ang mga sumusunod na mga tanong.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Paano mo mailalarawan ang paraan ng pamamahala ng mga Kanluranin sa
mga bansang kanilang sinakop?
2. Naniniwala ka ba na may mabuting naidulot ang pananakop ng mga
Kanluranin sa Pilipinas? Patunayan.

Pagyamanin

Gawain 3: Hanap-Hanay!
Panuto: Hanapin mula sa Hanay A ang tamang kahuluhan na nasa Hanay B.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Concession. 1. Paniniwala na tungkulin ng mga
Europeyo at ng kanilang mga
inapo na panaigin ang kanilang
maunald na kabihasnan sa mga
katutubo ng mga kolonyang
kanilang sinakop.
2. Sphere of Influence. 2. Pagbibigay ng espesyal na
karapatang pang-negosyo.
3. White Man’s Burden 3. Doktrinang nagsasabi na may
karapatang ibigay ng Diyos ang
United States na magpalawak at
angkinin ang buong kontinente
ng Hilagang Amerika.

4. Protectorate 4. Isang lugar o maliit na bahagi ng


bansa kung saan kontrolado ang
pamahalaan at politika ng
makapangyarihang bansa.

5. Manifest Destiny 5. Paghawak o pagprotekta ng isang


kolonista sa isang bansa o lugar
na kanyang nasasakupan,

1
Gawain 4: Imbestigahan Mo
Panuto: Batay sa Mapa ng Daigdig sa ibaba, kumpletuhin ang hinihingi ng bawat
kolumn sa susunod na talahanayan.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

Pinagkunan: https://www.cambridge.org/core/books/germany-and-the-modern-world-18801914/world-of
enemies/1196D38AC182CF12F62A92CB43E29375

Mga Bansang Mga Bansang Layunin ng Epekto ng


Nanakop sa Sinakop Pananakop Pananakop
Ikalawang Yugto
ng
Imperyalismo
1. Great Britain
2. United States
3. France
4. Belgium
5. Germany

1
Isaisip

Gawain 5: Dagdag-Kaalaman
Panuto: Punan ng kaukulang impormasyong ang sumusunod na mga pangungusap.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.
Natutunan ko sa araling ito na ang Ikalawang Yugto ng Pananakop ay may
_
_.
Ang pananakop ay nagdulot ng _
_
_ _.
Ang mahalagang natutunan ko sa araling ito ay _
_
_.
Sa kabuuan, _
_
.

Isagawa
Gawain 6: Timbang-Epekto!
Panuto: Maglista ng mabuti at di-mabuting epekto ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

Mabuting Epekto: Di-mabuting Epekto:

Epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo

Pinagkunan: http://clipart-library.com/scale-cliparts.html

1
Panlinang na Gawain
Panuto: Sagutan ang sumusunod na katanungan na may kinalaman sa epekto ng
ikalawang yugto ng kolonyalismo.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Nararanasan pa rin ba sa kasalukuyan ang epekto ng pananakop? Patunayan.


2. May mabuti bang naidulot ang pagiging palaasa ng mga bansang sinakop sa
biyaya ng mga Kanluranin? Patunayan.
3. Batay sa iyong napag-aralan tungkol sa epekto ng ikalawang yugto ng
kolonyalismo, magmungkahi ng tatlong (3) mga bagay na dapat gawin upang
mapaunlad ang bansa na hindi umaasa sa biyaya ng mga Kanluranin.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra
ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot niyo.

1. Paano nakinabang ang United States sa mga bansang napailalim nila


sa paraang protectorate?
A. Napalawak ang itinataguyod na relihiyon.
B. Napahusay ang kanilang kakayahan sa dagat.
C. Napangalagaan nito ang ekonomikong interes.
D. Naging kanlungan nila ang mga ito sa oras ng digmaan.

2. Anu-anong mga bansa ang nakuha ng United States nang magtagumpay ito
laban sa Spain?
A. Bangladesh, Brazil, at Japan
B. Panama, Samoa, at Vietnam
C. Guam, Pilipinas, at Puerto Rico
D. Hawaii, Taiwan, at New Zealand

3. Bakit mahalaga sa mga negosyante ang pagbibigay ng espesyal na karapatan


sa kalakalan?
A. Para madagdagan nila ang ibibigay na buwis a pamahalaan
B. Upang gawing makapangyarihan ang kinabibilangang bansa
C. Upang maimpluwensiyahan nila ang mga naglilingkod sa pamahalaan
D. Dahil malaya nilang mapangasiwaan ang pagpapalago sa kanilang negosyo

4. Paano nakatulong ang mga imbensyon sa teknolohiya at agham sa paglalayag?


A. Pinabilis nito ang paglalayag ng mga mananakop.
B. Nadagdagan nito ang mga armas ng mga kolonyalista.
C. Naging mahusay ang mga namumuno sa pamahalaan.
D. Pinaunlad nito ang ekonomiya ng mga bansang Europeo.

1
5. Paano natulungan ng Dagat Mediterranean ang sistema ng kalakalan upang
sa mapaunlad ang mga bayan na kaharap o malapit dito?
A. Pinalawak nito ang sistemang barter.
B. Dito kinukuha ang maraming ginto at langis.
C. Naging susi ito ng mabilis na transportasyon.
D. Nakapagbigay ito ng hanapbuhay sa mga tao.

6. Ano ang pinakamagandang gawin upang matulungan ang paglago ng


ekonomiya kung natuklasang may mga ginto sa Australia?
A. Gawing sakahan ang lugar
B. Magpatayo ng mga minahan
C. Palakasin ang turismo sa bansa
D. Pangalagaan at huwag sirain ang kalikasan

7. Aling paglalahad ang malaking pakinabang ng mga naval base na itinatag


ng United States sa mga nasasakupan nito?
A. Pinahusay nito ang mga operasyong pandigma.
B. Pinayabong ang kaalaman sa mga yamang dagat.
C. Mabilis nitong napaunlad ang ekonomiya ng bansa.
D. Napangalagaan nito ang kapakanan ng mga mangingisda.

8. Ano ang pinakamahalagang layunin ng mga kanluranin sa mga bansang


sinakop nila?
A. Pinaunlad nila ang mga bansang nasakop.
B. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga maralita.
C. Binigyan nila ng edukasyon ang mga katutubo.
D. Dito sila kumuha ng hilaw na sangkap gaya ng rubber.

9. Alin sa sumusunod ang isa sa mga pangunahing mekanismo sa paglunsad


ng ikalawang yugto ng pananakop?
A. Rebolusyong Pranses
B. Rebolusyong Industriyal
C. Rebolusyong Amerikano
D. Rebolusyong Pangkalikasan

10. Ano ang mahihinuha sa inilabas na Treaty of Paris sa pagitan ng France at Great
Britain?
A. Wala ng sagabal sa pamamahala ng Great Britain sa India.
B. Mabilis ng uunlad ang France dahil binitawan na nito ang India.
C. Pahirapan na ang pakipagkalan ng Great Britain sa mga nasasakupan.
D. Ipinakita nito na mas makapangyarihan ang France laban sa Great Britain.

11. Aling pahayag ang nagpapakita ng masamang epekto ng imperyalismo?


A. Tumaas ang bilang ng mga nandarayuhan at napabuti nito ang ugnayan.
B. Nahihirapan ang mga dayuhan sa pagpasok sa ilang pook ng nasasakupan.
C. Sinira nito ang kulturang katutubo dahil sa pananaig ng kulturang Kanluranin.
D. Natutunan ng mga katutubo ang mga ideyang pangkalakalan mula sa banyaga.

1
12. Ano ang masamang epekto ng hindi makatuwirang pagtatakda ng mga
hangganan sa ilang bahagi ng Asya at Africa na naging pamana ng mga
Kanluranin sa mga nasasakupang bansa?
A. Nahihirapan silang makamit ang mga pagbabago sa lipunan.
B. Pinahina at nilisan ng ibang mamamayan ang kanilang relihiyon.
C. Nagdulot ito ng migrasyon sa lipunan upang makahanap ng trabaho.
D. Patuloy ang hidwaan at kaguluhan lalong-lalo na sa mga hangganan.

13. Anong kontinente ang naging tanyag sa Europe dahil kay David Livingstone?
A. Africa C. Asia
B. Antarctica D. Australia

14. Anong doktrina ang naglalaman na ang United States of America ay


puwedeng magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang
America?
A. Bullionism C. Protectorate
B. Manifest Destiny D. White Man’s Burden

15. Ito ay binansagang pinakamaningning na hiyas ng imperyong Ingles.


A. Australia C. India
B. China D. New Zealand

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Epekto Mo ‘to!


Panuto: Tuklasin at magtala ng tig-dalawang epekto ng ikalawang yugto ng
pananakop sa iba’t ibang larangan sa kasalukuyang panahon. Maaring
itanong sa mga magulang o sumangguni sa ibang aklat o sa internet.
Gawin ang mga ito sa sagutang papel.

Pampolitika:
1.
2.

Pang-ekonomiya: Panrelihiyon:
1. _ 1. _
2. 2.
Epekto ng Ikalawang Yugto

Panlipunan: Pangkultura:
1. 1. _
2. 2.

1
Susi sa Pagwawasto

1
1
1
1
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu,
Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna
Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng
mag- aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifac
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: *

You might also like