You are on page 1of 23

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Neokolonyalismo
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Neokolonyalismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Ria M. Soriano
Manunulat:
Angelica M. Burayag/ Virgilio L. Laggui, PhD
Tagasuri:
Mary Grace C. Bernardo/ Amabelle R. dela Merced
Raymond Villapane/ Rodel D. Lintag
Mary Jane P. Soriano

Tagaguhit: Jane Racquel T. Aquino/ Maesie T. Dela Pena


Tagalapat: Brenda Rose H. Muñoz
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD/ Angelica M. Burayag, PhD Ma.
Editha R. Caparas, EdD/ Nestor P. Nuesca, EdD Marie
Ann C. Ligsay, PhD/ Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag/ Mary Jane Padilla-Soriano

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Neokolonyalismo
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
Mga Tala para sa Guro
Kailangan gumamit ng mga gabay na tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Itur

Alamin
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Mababakas na sa
kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo sa ating bansa patuloy ang
pagpasok ng impluwensya ng mga Kanluraning bansa sa Asya. Ito ang
pangunahing dahilan ng makabago at tahimik na paraan ng pananakop. Ating
tuklasin at alamin ang bagong aralin. Handa ka na ba? Simulan na natin ang
iyong pagkatuto.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


 Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 Mga Anyo at Pamamaraan ng Neokolonyalismo
 Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:


 Nasusuri ang anyo at tugon sa neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya;
 Natataya ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang-ekonomiya at
pangkultura ng mga bansa sa Asya.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may
mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
A. Ekonomiya C. Kolonyalismo
B. Industriya D. Neokolonyalismo
2. Ang tawag sa pinakamahalagang sinaunang ruta kalakalan na nag-
uugnay sa mga bansang tulad ng China, Gitnang Asya, Persia,
Kanlurang Asya at Europe.
C. Caravanroute C. Kolonyalismo
D. Kalakalan D. Silkroute

3. Ang tawag sa mga bansang kabilang sa madalas na nakararanas at


mayroong mahinang ekonomiya.
A. Barter C. Money Economy
B. First World D. Third World

4. Siya ang nakipagkasundo sa Arabian American Oil Company para


sa 50% kita ng nasabing kompanya para maibigay sa Saudi Arabia
upang mapataas ang kita ng bansa.
A. Haring Ibn Saud C. Shah Reza
B. Harry S. Truman D. Yasser Arafat

5. Ang tawag sa anumang transaksiyong nagaganap sa pagitan ng


dalawang tao o bansa na kabilang sa isang pamilihan.
A. Barter C. Kalakalan
B. Caravanroute D. Import

6. Ito ay isang simpleng uri ng pakikipagkalakan na hindi nakabatay


sa salapi.
A. Barter C. Kalakalan
B. Caravanroute D. Import

7. Siya ang namumuno na tumulong sa pang-ekonomiya at


pangmilitar na pakikipagkasundo sa United States.
A. Haring Ibn Saud C. Shah Reza
B. Harry S. Truman D. Yasser Arafat

8. Ito ang tawag sa ekonomiyang nakabatay sa salapi.


A. Barter C. Money Economy
B. First World D. Third World

2
9. Produktong may ugnayan sa pag-aangkat sa ibang bansa.
A. Export C. Industriya
B. Import D. Silkroute

10. Nasa ilalim ng kanyang pamumuno sa Iran ang humingi ng tulong


teknikal sa mga bansang France, Germany, Italy at iba pa.
A. Haring Ibn Saud C. Shah Reza
B. Harry S. Truman D. Yasser Arafat

11. Ito ang sentro ng Information Technology sa Timog Asya.


A. Bangalore sa India C. Saudi Arabia
B. Canada D. Thailand

12. Organisasyon na kung saan ito ang nagkokontrol sa presyo ng


langis sa pagdaigdigang kalakalan.
A. Organization of Petroleum Exporting Countries
B. Oranization of Exporting Goods
C. Organization of Petroleum Importing Countries
D. Organization of Importing Goods

13. Kontrolado ang bigas at nangunguna sa tsaa sa pandaigdigang


ekonomiya.
A. India at Saudi C. Saudi at Sri-Lanka
B. India at Sri-Lanka D. Sri-Lanka at Iraq
14. Relihiyon na nakilala dahil sa mga mangangalakal na
misyonaryong kasama sa kalakalang naganap sa silk road.
A. Budismo C. Kristiyanismo
B. Islam D. Manichaiesm

15. Ito ang naging pamilihan ng mga kalakal na gawa ng mga dayuhan.
A. Asya C. Kanlurang- Asya
B. Timog D. Timog Asya

Napakagaling mo! Kung naintindihan mo ang mga tanong at marami kang nasagutan sa bahagi ng modyul na it

3
Aralin Neokolonyalismo:
1 Ang Bagong Istilo Ng
Pamamaraang Kolonyalismo

Balikan

Tingnan mo ang tanong na nasa ibaba. Bago ka magsimula sa bagong


aralin, magbalik-aral ka sa iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod na tanong.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Ayusin ang mga
pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa inilalarawan ng
pangungusap. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Isang maluwag at mahabang damit panlabas. Kadalasan, hanggang lupa ang
laylayan nito. (BYAAA)
2. International Day for the Elimination of Violence against Women.
(REBMETPES 52)

3. Website na naglalaman ng mga pananaliksik, ulat, at statistics tungkol sa


kababaihan sa Ehipto, Jordan, Lebanon, Palestine, Syria, Yemen, U.A.E, at
Qatar. (BARA ENWOM TNNECOC)

4. Maluwag at mahabang talukbong na hawak sa kamay upang matakpan ang


katawan maliban sa mukha. (DORHAC)
5. Kabilang sa 100 na pinakamakapangyarihang negosyante sa buong mundo ayon
sa Forbes at Time Magazine. (ANLUB MANLIUS ANYALO)
6. Ito ang tawag sa kauna-unahan at natatanging aklatan sa bansang Turkey para
sa pananaliksik tungkol sa kababaihan. (MEWON YRARBIL NDA NOTAMROFIN
TERNCE)

7. Talukbong sa ulo maliban sa mukha. Tumutukoy rin ito sa pananamit nang


may pitagan at bini. ( BAJIH )

8. Kauna-unahang babaeng opisyal sa gabinete ng Hari ng Saudi Arabia.


(HARON LA-ZIAF)

9. Mula sa salitang Hindi at Persian na parda na nangangahulugang belo, kurtina


o tabing. (ARDPU)
10. Siya ang tinawag na Iron Lady of India dahil sa haba ng kanyang panunungkulan
bilang unang babaeng Punong Ministro ng India. ( ARIDIN HIDGAN)

4
Tuklasin

Sa puntong ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa bagong leksyon.


Halina at gagabayan kita sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Simulan mo ito
sa pagsagot ng gawaing magpapakilala sa bagong leksyon.

Gawain
Panuto:Ano ang mga salitang naiisip mo kapag nakikita mo ang salitang
sumusunod. Sumulat ng salita na naglalarawan sa salitang nasa loob ng hugis.
Pagkatapos mong maibigay ang mga salita, pagsamahin mo ang dalawang salita
upang makuha ang tema ng leksyon natin ngayon.

NEO KOLONYALISMO

Suriin

Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya


Ang neokolonyalismo ay di-tuwirang pananakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang bansang malaya na may mahinang ekonomiya
. Ito ay ang bagong pamamaraan ng pananakop ng mga malalakas at mauunlad na
bansa sa mga hindi masyadong maunlad na
bansa.

Ang mga bansang kabilang sa Third


World ang madalas na makaranas at magkaroon
ng mahinang ekonomiya sapagkat patuloy silang
umaasa sa mga bansang kailang sa First World
o bansang may maunlad na ekonomiya at
industriya.

5
Ang pag-iral ng neokolonyalismo sa mga
tulong at donasyon na ipinagkakaloob ng dating
mananakop na bansa ay may kapalit na
pagkontrol sa ekonomiya ng dating sinakop na
bansa. Sa ganitong paraan nagtatagumpay sila na
maitaguyod ang kanilang mga sariling interes.

Ang halimbawa ng neokolonyalismo ay maaaring


sa aspeto ng politika, ekonomiya, kalakalan,
kultura, at iba pa. Ito ay maaaring sa
pamamagitan ng pagbibigay ng dayuhang tulong o
foreign aid ng mga mayayamang bansa sa mga
mahihirap na bansa.

Dayuhang Tulong (Foreign Aid) – Ito ay maaaring sa paraan na pang-ekonomiya


na kung saan inililipat ang kapital, produkto at serbisyo mula sa ibang bansa
papunta sa isang bansa upang ito ay magbenepisyo. Maaari rin itong tulong
pangkultura, pangmilitar at pampulitikal.

Mga Anyo at Pamamaraan ng Neokolonyalismo

1. Neokolonyalismong Politikal
Isang patunay na kanyang kontronlin ng
makapangyarihang bansa ang mga bansang mahihinay ay
sa larangan ng politika. Tahimik na pamamaraan ang
ginagawang pangkilos upang maimpluwensiyahan ang mga
mahihinang bansa. Ang halimbawa nito ay ang eleksiyon na
kung saan ito ay paraan ng pagbabatas sa ilalim ng
pamaraaang politikal.
2. Neokolonyalismong Pangmilitar
Ito ay ang pagtulong at pagsuporta ng
malalakas na bansa sa mga mahihinang bansa na
kung saan nagagawang tumulong ng mga kanluraning
bansa sa kanilang mga dating kolonya kapag ito ay
nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.
Handa itong magbigay ng kanilang hukbong
sandatahan at iba pang tulong pangmilitar.
Halimbawa nito ay ang pagtulong sa Kuwait ng United States nang lusubin ito ng
bansang Iraq, nagbigay ng hukbong sandatahan ang bansang America upang
lumaban para sa Kuwait.
3. Neokolonyalismong Kultural

Isa sa paraan ng makapangyarihang bansa ay


gamitin ang kultura upang sila ay yakapin ng mga
mahihinang bansa. Sinisikap nilang panatilihin ang paraan
ng pamumuhay, kaugalian, paraan ng pananamit, sayaw,
awit, ostilo ng buhok, pagkain, libangan, at pati na ang
paraan ng kanilang pagdiriwang. Hinuhubog ng

6
makapangyarihang bansa ang kultura gamit ang mass media at edukasyon.Isang
halimbawa nito ay ang naganap sa India mula sa bansang Britain. Ang edukasyon
sa India ay ibinatay sa sistemang British at ginamit ang wikang Ingles sa pagtuturo
upang maging mahusay na manggagawa at kawani kanilang pamahalaang
kolonyal.

Globalisasyon ng Edukasyon ( intelektwal na pananakop)

 Pagpapalitan ng iskolar at iba pang paraan sa ibang bansa upang mapaunlad


ang kaalaman ng bawat isa.

 Nababalewala ang mga kurikulum na dapat sundin


sa edukasyon ng mahihirap na bansa dahil sa
patuloy na pagsunod sa sistema ng edukasyon sa
Kanluran.

 Nakikipag-ugnayan ang mga tagapamahala ng mga


pamantasan sa mga paaralang Kanluranin upang
mabago ang kanilang mg alibro at kagamitan at
ang pagdaragdag ng pondo ng mga Kanluraning
bansa upang maisakatuparan ang dagdag kurso at
maging maayos ang kanilang intelekwal na kurkulum.

Epekto ng Neokolonyalismo sa mga Bansa sa


Timog at Kanlurang Asya

International Monetary Fund at World Bank ang dalawang ahensya na


nagpapautang ng salapi sa mga dating kolonyang bansa upang may magamit sa
kanilang mga pangangailangan tulad sa edukasyon, mga pagawain at iba pang
proyekto ng bansang nangungutang.

- Dahil sa patuloy na pagtulong ng


mayayamang bansa sa mga bansa sa Asya ay
naging palaasa o over-dependent na lamang
ang mga mahihirap na bansa sa mga
mauunlad na bansa.
- Sila rin ang namamahala sa pera ng
mga bansa sa Ikatlong Daigdig kung ano ang
dapat pondohan ng mga ito tulad ng dapat
ipambayad sa mga utang-panlabas na siyang
dahilan upang hindi napapaunlad ang sektor
ng agrikultura na siyang pangunahing
ikinabubuhay ng mga bansa.
- Isang hindi magandang ginagawa ng
mga mauunlad na bansa ay diktahan ang
mga bansang papaunlad pa lamang na upang
liitan ang pondo sa edukasyon at kalusugan
kaya naghihirap ang ilang mga bansang
mahihirap.

7
Ang (IMF) International Monetary Fund o Pandaigdigang Pondong
Pananalapi - ay isang organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang
mamahala sa pandaigdigang sistema sa pananalapi sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga halaga ng palitan at balanse ng mga kabayaran, gayon din
ang pag-alok ng teknikal at pinansyal na tulong kapag hiningi.

Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Pagkatapos ng kolonyalismo at imperyalismo, umusbong ang kakaibang


pagpasok ng impluwensiya ng Kanluraning Bansa na tinatawag na
neokolonyalismo. Ito ay ang pagtulong ng mga makapangyarihan at mayayamang
bansa sa mga mahihirap na bansa gamit ang ekonomiyang sektor.
Ang mga ilang mga bansa sa Asya ay napilitang yakapin ang ganitong
sistema upang makabangon ang kanilang naghihikahos na ekonomiyang bunga ng
digmaan.

Kabilang dito ang mga Arabong bansa


sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq at
Kuwait na may hawak ng malaking reserba ng
langis sa daigdig. Kasama ang tatlong bansang
ito sa Organization of the Petroleum
Exporting Countries (OPEC) na siyang
nagkokokontrol ng presyo ng langis sa
pandaigdigang kalakalan. Nag-unahan ang
mga Kanluraning bansa na masakop ang mga
bansa sa Kanlurang Asya nang matuklasan
ang langis sa rehiyon.

Turkey. Taong 1945, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ni Pangulong


Harry S. Truman (USA) at Pangulong Celal Bayar (Turkey) ang
pagtulong ng bansang America sa Turkey upang mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa at ang sistema ng hukbong pangmilitar ng Turkey.
Dahil sa liberalismong pang-ekonomiyang patakaran na ipinatutupad sa
bansang Turkey ay patuloy na pagtanggap ng dayuhang tulong mula sa
United States.
Iran. Humingi ng tulong teknikal sa mga bansang France, Germany , Italy
si Sha Reza upang lubos maiwasan ang pagkontrol ng Great Britain at
Russia sa Anglo-Iranian Oil Company sapagkat nananatiling pag-aari ng
Great Britain ang kompanya ng langis na pag-aari ng Irann.
Israel. Si Yasser Arafat ang dating tagapangulo ng Palestinian
Liberation Organization. Kinilala ito ng mga Arabe bilang isang
makabayang samahan, dahilan na maraming samahang nabuo sa mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya na muling nagpakita ng kanilang
pagiging makabayan.
India. Sa bansang ito nanatili ang paggamit ng wikang ingles at patuloy
na paglalaro ng cricket at badminton.

8
Maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na makatayo sa
kanilang sariling mga paa at hindi na umasa pa sa mga makapangyarihan at
maimpluwensiyang bansa. Nagsilbing hamon din sa kanila na kaya nilang
matumbasan ang anumang kaunlaran mayroon ang mga makapangyarihang
bansa.
Sa kabila na ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay hindi nasakop ng mga
Kanluranin, may mga pandaigdigang sistema sa ekonomiya ang hindi
nakatutulong sa pag-unlad ng mga ito. May mga pandaigdigang kompanya ang
nagbibigay ng mga patakaran sa papaunlad na bansa. Ang liberasyon ng
ekonomiya sa daigdig sa kasalukuyan ay nagbigay-daan sa pagbubukas ng mga
pamilihan ng pagpapaunlad ng mga bansa na wala namang maitutumbas sa
malayang pagpasok ng teknolohiya ng mauunlad na bansa.

Upang makatiyak na ikaw ay nakapagsuri sa iyong binasang teksto ay maaari mong gamitin ang kasunod na

Gawain:
Panuto. Kumpletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong. Bumuo ng mga pangungusap.
1. Ano ang neokolonyalismo?

2. Nagaganap pa ba ito sa kasalukuyan? Magbigay ng isang halimbawa.

3. Ano ang importansya ng International Monetary Fund at World Bank?

Gawain: Nais kong makita ang iyong natutuhan, maaari mong markahan ang
galing mo sa pagsagot gamit ang mga gabay na tanong na lohikal na nakaayon sa
mga tanong na sinagot mo sa itaas. Sa iskalang 1 hanggang 5, kung saan ang 5
ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa, markahan mo ang iyong sariling
gawain. Isulat ang iskor sa kolum na nasa kanan.
DESKRIPSYON ESKALA ISKOR
Kagalingan sa pag-unawa sa paksa 1-5
Kagalingan sa pagsagot sa mga tanong 1-5
Kagalingan sa interpretasyon ng mga
1-5
tanong
Kagalingan sa pag-uugnay sa ibang
1-5
isyu
Kagalingan sa pagbubuod 1-5
KABUUAN:

9
Kalakalan sa Timog at Kanlurang Asya
Tinatawag na kalakalan ang anomang transaksiyon na nagaganap sa dalawang
tao, maging sa mga bansa.
May dalawang klase ng kalakalan:
a. Barter – ito ay simpleng pakikipagkalalan na hindi ginagamitan ng
salapi. Nagaganap ang kalakalan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan
ng mga produkto sa ibang produkto hanggat nagkakaroon ng kasunduan
sa dalawang panig.
b. Money economy- ang pakikipagkalakalan ay nagaganap sa
pamamagitan produkto at salapi.

May dalawang uri ng kalakalan:


a.Kalakalang panloob – ang
pakikipagkalakalan o palitan ng produkto ay
nagaganap sa loob ng bansa lamang.
b.Kalakalang panlabas- nahati sa dalawang
uri ang kalakalang panlabas
 export o produktong iniluluwas
- Tulad ng bansang Syria na nagluluwas ng
mga produktong petrolyo, tela, bulak , prutas,
gulay, tabako sa mga bansang Germany, Italy,
France at iba pang bansa.
- Nagluluwas din ng mahahalagang bato,
alahas, tela , kemikal at carpet ang bansang
India.
 import – produktong may kaugnayan sa mga inaangkat mula sa
ibang bansa.
- Nariyan din naman ang bansang India na umaangkat ng mga kemikal,
makinarya , electronics at fertilizers mula sa United States, Singapore, Belgium,
United Kingdom at Germany.

Mahalaga ang kalakalan para sa mga Kanluraning bansa sapagkat ito ay


naging instrumento upang makakam nila ang mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya. Itinuring na pangunahing mangangalakal sa Asya ang lahing Arabo, Indian,
Tsino at Malay sa Asya. Naging masigla ang pakikipagpalitan ng mga kalakal
maging ang kultura ng mangangalakal mula sa Asya at Europe gamit ang mga
rutang pangkalakalan tulad ng silkroute at caravan. Ang silkroute ay
pinakamahalagang sinaunang ruta na nag-uugnay sa mga bansang China,
Gitnang Asya, Iran (Persia) Kanlurang Asya at Europe. Ang mga produktong seda,
porselana, jade, at mga produktong bronse ay pinagmumulan ng malaking kita ng
mga bansang Asyano. Nakilala ang China at Iran bilang sentro ng kalakalan ng
telang seda.

1
Mga Ilang Kaganapan Sa Kalakalan, Kultura at Ekonomiya
ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya.
a. Ang Asya ay naging malaking pamilihan ng mga produktong gawa ng mga
bansang Asyano at mga dayuhang mangangalakal.
b. Naging magkakompetisyon ang bansang India at mga bansang Ingles sa
industriya ng paghahabi.
c. Ang malaking reserba ng langis ay
pinangungunahan ng mga bansang Arabo tulad
ng Saudi Arabia, Iraq at Kuwait. Ang mga
bansang nabanggit ay kabilang din sa
Organization of Petroleum Exporting Countries
(OPEC) na siyang kumokontrol sa pamilihan ng
langis sa pandaigdigang kalakalan. Ito rin ang
naging dahilan kung bakit maraming
mangangalakal ng langis tulad ng Pilipinas,
Pakistan, India, Thailand, Sri Lanka at
Indonesia ang bumibili sa mga bansang Saudi
Arabia, Iraq at Kuwait.
d. Kontrolado ng bansang India ang pagluluwas
ng bigas habang ang Sri Lanka naman ang nangunguna sa bentahan ng tsaa sa
pandaigdigang kalakalan.
e. Ang sentro naman ng information technology ay ang Bangalore , India.
f. Naging matatag din ang ugnayan ng mga bansa sa pagtatatag ng South Asian
Association for Regional Cooperation (SAARC) noong 1997. Ito ay nagsilbing
forum sa India at Pakistan na siyang may hawak ng usaping panseguridad at
pang-ekonomiya sa Kanlurang Asya.

Epekto ng Kalakalan sa mga Pagbabagong Pang-ekonomiya


at Pang-Kultura ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

a. Ang Islam ay nakilala dahil sa mga mangangalakal at misyonerong kasama sa


kalakalang naganap sa silk route.
b. Kabilang sa mga kalakal na ibinebent ng mga artisano, mangangalakal at mga
misyonerong manlalakbay ay ang kani-kanilang mga bagong ideya, teknolohiya
at mga paniniwala upang makahikayat ng mga pananampalataya.
c. Nagkaroon ng magandang ugnayan ang mga mangangalakal sa iba’t ibang
lupain dulot ng bentahan ng seda. Sinikap ding matutuhan ang lokal na wika
at kaugalian ng kanilang mga bansang pinupuntahan.
d. Paghahati- hati ng populasyon ng mga bansa sa iba’t ibang relihiyon na
ipinapakilala sa kanila. Ang ilang halimbawa ay
1. Budismo- Ipinakilala ng mga mangangalakal na Iranian mula sa Bactria,
Parthia at Transoxania ang relihiyong ito at lumaganap sa bansang
China na nagpabago sa paraan ng pagkain, paraan ng paglilibong,
pananaw sa labas ng bansa at maging larangan ng arkitektura,
pagpipinta at iskultura ay nabago.
2. Ang mga paniniwalang Iranian ay napasama at kumalat sa relihiyong
Kristiyanismo at Hudaismo.

1
Pagkatapos mong basahin at suriin ang teksto tungkol sa mga epekto ng kalakalan dulot ng mga pagbab

Gawain:

Panuto: Buuin ang concept web. Lagyan ng wastong impormasyon ang kasunod na
concept web.

Ito ay uri ng
kalakalang
panlabas na kung
saan ang mga
Anong uri ng produkto ay
kalakalan ang iniaangkat mula sa
tumutukoy sa ibang bansa.
pagpapalitan ng
kalakal sa ibang Ito ay uri ng
kalakalang
bansa? panlabas na kung
saan ang mga
Ano ang kahulugan produkto ay
ng kalakalan? iniluluwas sa ating
bansa.
Anong uri ng
kalakalan ang
Ano ang
tumutukoy sa
kahalagahan ng
pagpapalitan ng
kalakalan?
kalakal sa loob
lamang ng bansa?

Pagyamanin

Ngayong nabasa mo na ang iba’t ibang anyo ng neokolonyalismo bilang bagong


pamamaraang ginagamit ng mga kolonyalistang bansa, sagutin ang mga
sumusunod.

Gawain A: Tukuyin kung anong uri ng neokolonyalismo ang ipinakikita ng mga


sitwasyon. Isulat sa patlang ang pananda ng tamang sagot.

Pang-ekonomiya Pangmilitar Pangkultural

1
1. Sa panig ng Saudi Arabia, sa ilalim ng pamumuno ni Haring Ibn
Saud, Disyembre taong 1950 nang ito ay nakipagkasundo sa Arabian American Oil
Company (ARAMCO) na ang 50% kita sa nasabing kompanya ay maibigay sa Saudi
Arabia nang sa gayon ay mapataas ang kita ng bansa.
2. Nagagawang impluwensyahan ng makapangyarihang bansa ang
usapin tungkol sa mga kalagayang panloob at paggawa ng batas tulad ng
eleksiyon.

3. Ito ay ang patuloy na paggamit ng United States ng base militar


sa Dharan kapalit ng tulong teknikal at pagpapahintulot ng pagbili ng mga armas
sa ilalim ng Mutual Defense Assistance Act.

4. Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa


mahihinang mga bansa ukol sa pamumuhay tulad ng paraan ng pananamit,
sayaw, awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan, at pati na ang pagdiriwang.

5. Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang


mga dating kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang
bansa.

Gawain B: Basahin ang mga halimbawa. Dapat bang tanggapin ang mga
sumusunod? Isulat ang “ “ kung dapat at “ “ kung hindi dapat.
1. Musika at pelikulang dayuhan
2. Tulong militar
3. Produktong dayuhan
4. Madalas na pag-utang
5. Tulong gamot, pagkain at edukasyon

Gawain C: Base sa mga sagot mo sa itaas, ipaliwanag kung kailan naging hindi
dapat tanggapin ang pagtulong mula sa ibang bansa at paano mo ito maiwawasto?

1
Isaisip

Malugod kitang binabati. Napagtagumpayan mo ang mga pagsubok na


inihandaupang masukat ang iyong kaalaman at natutuhan sa leksyon. Sa puntong
ito, muling hahasain ang iyong kaalaman kung ganap na ang iyong pagkatuto.

Dugtungan ang isang pangungusap na hindi tapos tungkol sa


neokolonyalismo ng Pilipinas.

Ang neokolonyalismo sa larangan ng ekonomiya sa Pilipinas ay kakikitaan


ng

Isagawa

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Ipaliwanag mo ang iyong


sagot.
1. Naniniwala ka ba na ang Pilipinas ay nakapaloob sa balangkas ng
neokolonyalismo? Magbigay ng isang halimbawa.

2. Sa iyong palagay ano ang mabuting dulot ng neokolonyalismo sa ating


bansa? Ipaliwanag.

1
Tayahin

GAWAIN I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.
Barter Kalakalan
Money Economy Silkroute
First World Neokolonyalismo
Harry Truman Kalakalang Panloob
Haring Ibn Saud Import

1. Ang tawag sa mga bansang kabilang sa may maunlad na


ekonomiya at industriya.
2. Ito ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang malaya na may
mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang bansa.
3. Tawag sa pinakamahalagang sinaunang ruta kalakalan na nag-
uugnay sa mga bansang tulad ng China, Persia, at Europe.
4. Siya ang nakipagkasundo sa Arabian American Oil Company upang
ang 50% na kita ng nasabing kompanya ay maibigay sa Saudi Arabia
para mapataas ang kita ng bansa.
5. Ang tawag sa anumang transaksiyong nagaganap sa pagitan ng
dalawang tao o bansa na kabilang sa isang pamilihan.
6. Ito ay isang simpleng uri ng pakikipagkalakan na hindi nakabatay
sa salapi.
7. Siya ang namumuno na tumulong sa pang-ekonomiya at
pangmilitar na pakikipagkasundo sa United States.
8. Produktong may ugnayan sa pag-aangkat sa ibang bansa
9. Ito ang tawag sa ekonomiyang nakabatay sa salapi.
10. Uri ng kalakalan kung saan ang palitan ay sa loob lamang ng
bansa.
Gawain II. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang TA
kung ang pahayag ay tama at MA kung mali ang pahayag.

1. Ang tatlong bansang nakapaloob sa OPEC ay ang Saudi Arabia, Iraq, at


Kuwait.
2. Iniluluwas ng bansang India ang mga produktong tulad ng mahahalagang
bato, alahas, tela, kemikal, bakal, carpet, at iba pa.
3. Third World ang tawag sa mga bansang maunlad ang ekonomiya at
industriya.
4. Ang dalawang uri ng kalakang panlabas ay import at export.
5. Si Yasser Arafat ang tagapangulo ng Palestine Liberation Organization.

1
Karagdagang Gawain

Ako ay nasisiyahan sapagkat iyong pinatunayan ang husay at galing sa mga


gawaing inihanda para sa iyo. Ang karagdagang gawain ito ang magpapalalim
upang ikaw ay magpatuloy na matuto.

Gawain:

Panuto: Hanapin ang mga salita na nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng


pagbilog sa crossword puzzle. Isulat ang lahat ng salitang mahahanap pati na ang
kanilang produktong iniluluwas o inaangkat. (10pts.) Halimbawa: Sri-Lanka - tsaa

Belgium Iran Singapore


China Israel Syria
United States India Saudi Arabia
Turkey

B E L A N I H C R I A P T I
A A U L U E C H S I A O U C
R I H N E N S H B I A R R E
I T D R I A I A L F G I K L
N Y H N A L R A G A N D E O
A J A P I A T S A B I C Y W
R A I N I I S Y I H S R K E
I B S D P I L I P I N A Y L
S O U N I T E D S T A T E S
N A P M M U I G L E B D A N
S I N G A P O R E L A N D S

1
Susi sa Pagwawasto

1
Sanggunian
Blando, Rosemarie C. et al. Asya: Pagkakaisa ng Pagkakaiba. Pasig City:
Eduresources Publishing, Inc. 2014.

Mateo, Grace Estela C. etal. Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc. 2012.

Most Essential Learning Competencies Matrix, Araling Panlipunan. Department of


Education, 2020

1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bl
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: *

You might also like