You are on page 1of 14

7 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Unang Yugto (16 hanggang 17 Siglo)
Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya

Manunulat: Monalisa M. Santos

0
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin 1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya
(Ika-16 Hanggang 17 na siglo)

Alamin

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:

1. nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng


mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at
Kanlurang Asya;

1.1 nalalaman ang kahulugan at konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo;

1.2 natutukoy ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga


kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at
kanlurang Asya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Subukin

Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang bumuo ng isang salita sa pamamagitan ng
pagsaayos ng mga letra na inilalarawan ng bawat pangungusap.

Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pangungusap. Ayusin ang mga letra at isulat sa loob ng kahon ang tamang sagot.

1. Ibang katawagan sa mga Europeong bansa.


NIRANKAULN

2. Ito ay tumutukoy sa isang lupain na pinanirahan, pinangasiwaan at nilinang ng makapangyarihang


bansa.
NYAKOLO

3. Siya ang tanyag na Italyanong manlalakbay na taga Venice, Italy na nakarating sa iba’t ibang
bahagi ng Asya.

MAORC LPOO
4. Ang pagtatag ng isang kaharian upang mas lalong maging makapangyarihan.
YROPEMI

5. Isang prinsipyong pang-ekonomiyang Europeo na nagsasaad na nakabatay sa dami ng ginto at


pilak ang yaman at kapangyarihan ng isang bansa.

TIIMSONKMLREA

6. Banal na digmaan na inilunsad ng mga Kristiyano upang mabawi ang Jerusalem sa mga Muslim.
ARUASKD

7. Europeong bansa na mahigpit na karibal ng Portugal sa pagtuklas ng mga ruta.


NISAP

8. Ang bansa sa Timog Asya na pinag-aagawan ng mga Europeong bansa dahil sa taglay na yamang likas at
naging sentro ng kalakalan.

DIIAN
9. Ang lugar na tinaguriang “Spice Island” na matatagpuan sa Indonesia.
SACCMOUL

10. Mga taong naninirahan sa bansang Netherlands.


CHDUT

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Balikan

Matapos mong matukoy ang mga mahahalagang salita ay magkakaroon ka ng pagbabalik-tanaw


sa iyong pinag-aralan noong Ikalawang Markahan sa rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya.

GAWAIN: IMPERYO KO…………I-TAPAT MO SA REHIYON KO!

Ihilera ang imperyo ayon sa kinabibilangan nitong rehiyon sa Asya at pagkatapos ay sagutan ang mga gabay na tanong
batay sa iyong sariling pananaw.

Imperyong Hittites Imperyong Indo-Aryan

Imperyong Maurya Imperyong Persian

Imperyong Macedonian Imperyong Mogul

TIMOG ASYA
KANLURANG ASYA
1._______________________ 1.______________________
2._______________________ 2.______________________
3._______________________ 3.______________________

Mga Gabay na Tanong:

1. Paano naging imperyo ang isang maliit na pangkat lamang?


2. Ano ang naging karanasan ng mga Asyano sa panahon na sila ay pinaghaharian ng imperyo?
3. Ang imperyo ba ay katulad ng salitang imperyalismo at kolonyalismo?
4. May kabutihan ba ang pananakop?
5. Paano nakaimpluwensiya ang imperyalismo? Paano nabago ang pamumuhay ng mga sinakop?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Tuklasin

Matapos ang unang gawain, atin namang tuklasin kung sino-sino ang mga tinutukoy na mga
kanluranin, ano ang nagbigay-daan sa kanila na magtungo sa Asya, anong dahilan at paraan ang kanilang
ginamit upang maisakatuparan ang kanilang hangarin sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

Ang Asya ay maunlad at masagana sa anumang uri ng likas na yaman kaya maraming mga dayuhang bansa ang
nagnanais na mapuntahan ang ipinagmamalaking lupain ng mga Asyano.
May ugnayan ng nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano. Kung paano ito nagsimula, sa pamamagitan ng
palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Kung ikaw ang tatanungin mahalaga ba ang
pakikipagkalakan? May maitulong ba ito sa ikauunlad ng isang bansa? Ngunit paano mo haharapin ang isang sitwasyon
na hindi lang pala ang pakikipagkalakalan ang kanilang pakay kundi ang sakupin at kontrolin ang isang bansa? Halina’t
tuklasin ang mga ginawang pagtuklas ng mga mananakop sa iba’t ibang bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Gawain: Hula-Rawan

Suriin ang larawan at bumuo ng hinuha gamit ang similarities and differences concept.

Pinagkunan: Starbooks Online k t o 12 Resources Frontlearners.www.strabooks.ph

Unang Konsepto Unang Konsepto


Kolonyalismo Imperyalismo

Paano sila
magkakatulad?

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang kolonyalismo at imperyalismo?
2. Ano-ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salitang kolonyalismo at imperyalismo?
3. Naranasan ba ito ng rehiyon sa Timog at Kanlurang Asya?
4. Paano ito nakatulong sa mga kanluranin na makapanakop?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Pagyamanin

Upang mapagtibay ang iyong kaalaman at pag-unawa sa ating paksa, sagutan ang inihandang
gawain sa ibaba sa pamamagitan ng pagkumpleto ng diagram batay sa hinihinging impormasyon. Upang
maisakatuparan ang gawaing ito suriing mabuti ang teksto na matatagpuan sa mga pahina 7 at 8.

Pagkumpleto ng Diagram. Punan ang diagram ng mahahalagang impormasyon tungkol sa unang yugto ng pananakop
ng mga kanluranin sa Asya. Sa mga kahon na nasa kaliwang bahagi ng dayagram ay ilagay ang mga bansang
kanluranin na nag-unahan na magtungo sa Asya at sa katabing kahon nito, itala ang mga dahilan na nagbigay-daan sa
mga kanluranin na puntahan ang lupain ng mga Asyano.

Kanluraning Bansa Dahilan ng kanilang Pagpunta sa Asya

Unang Yugto ng
Kolonyalismo at
Imperyalismo sa
Asya

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Suriin

Bilang panimula, basahin at unawain ang sumusunod na teksto tungkol sa Unang Yugto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Ano nga ba ang hangad ng mga Kanluranin sa Asya? Anong paraan
ang ginamit nila upang masakop ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya? Tara na at magbasa.

Ano ang kolonyalismo at Imperyalismo?

Ang Kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay


magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang
makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
Ang Imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na imperium na ang ibig sabihin ay
command. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa
aspektong pulitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na
nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. (Blando et al Asya)

Bago ang pagtuklas at pananakop may ugnayan ng nagaganap sa mga Europeo at mga
Asyano. Ang ugnayang ito ay nagsimula sa pamamagitan ng palitan ng kalakal sa mga Asyano at
Europeong mangangalakal. Ang pinakatagpuan nila ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng
kalakan sa Asya. Una, ang Hilagang ruta, na nagpapasimula sa China at tatawid sa lungsod ng
Samarkand at Bokhara. Pangalawa, ang Gitnang Ruta, na papunta sa baybayin ng Syria at dadaan sa
Golpo ng Persia at ang huli ay ang Timog Ruta na maglalayag mula sa India babagtasin ang
Karagatang Indian hanggang sa makarating ng Egypt sa pamamagitan ng Red Sea.

Dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa mga mangangalakal na


Asyano at Europeo ay sinakop ng naghaharing Turkong Ottoman dahil dito naging limitado ang
pagdaan sa nasabing ruta tanging mga Italyanong mangangalakal lamang ang pinayagan na makadaan
at makipag-ugnayan sa mga mangangalakal na Asyano.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Unang Yugto: Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya

Ang mga Krusada ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari
upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel. Hindi man lubusang nagtagumpay
ang krusadang ito, subalit nagkaroon ng ugnayan ang mga Europeo sa Silangan at nakilala nila
ang mga produktong ipinagmalaki nito.

Ang Paglalakbay ni Marco Polo – Si Marco Polo ay isang Italyanong adbenturerong


mangangalakal na taga-Venice. Siya ay nanirahan sa China at nakarating sa Tibet, Burma, Laos,
Java, Japan, pati na sa Siberia. Nang bumalik siya sa Italy, inilimbag niya ang aklat na The
Travels of Marco Polo (1477) na naglalaman ng mga nakita niyang magagandang kabihasnan sa
mga bansang ito ng Asya lalo na sa China dahilan kung bakit nahikayat ang ibang mga Europeo
na makarating sa Asya.

Ang Renaissance ay isang kilusang pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin ang


pagbabalik-interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome. Ito ay hango sa salitang
Pranses na ang ibig sabihin ay “muling pagsilang”. Ito ang siyang nagbukas ng daan sa
pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersyal na
nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang-ekonomiya.

Ang Pagbagsak ng Constantinople (bahagi ng Turkey sa kasalukuyan). Ang Constantinople sa


ngayon ay Istanbul ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa at
nagsilbing rutang pangkalakalan ng mga Asyano at Europeo. Ang mga kalakal na nakukuha sa
Asya ng mga Italyano ay dinadala sa Kanlurang bahagi ng Europa tulad ng Portugal, Spain,
Netherlands, England, at France. Natigil lamang ito nang masakop ng mga Turkong Muslim ang
lugar at dahil dito napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal na Europeo.

Noong ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad na kagamitang pandagat.


tulad ng Astrolabe na kung saan ginagamit ito upang malaman ang oras at latitud
samantalang ang Compass ay ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan.

Ang Merkantilismo ay ang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto


at pilak, may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa na umiral
sa Europa. Dahil dito, kinailangan ng mga Europeo na makahanap ng mga lugar na
mapagkukunan ng likas na yaman at hilaw na sangkap na panustos sa industriya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS NG MGA BANSANG KANLURANIN

Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Map_of_Portuguese_Carreira_da_India.gif
Sa paghahanap ng panibagong ruta pinangunahan ito ng Portugal at Spain. Maraming
manlalayag na Portuges ang naglakbay ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang paglalakbay ni
Vasco da Gama sapagkat nalibot niya ang “Cape of Good Hope” sa dulo ng Aprika na siyang
magbubukas ng ruta patungong India at sa mga Islang Indies. Ang pagkatuklas ng alternatibong ruta ng
mga Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang Europeo na maggalugad sa ibang panig ng
daigdig. Nangunguna ang Portugal at Spain na humantong sa matinding pagtutunggalian kaya
namagitan na ang Papa ng Simbahang Katoliko upang hindi humantong sa isang digmaan sa
pamamagitan ng Kasunduang Tordesillas na kung saan ang Portugal ay manggagalugad sa bandang
silangan samantalang ang Espanya ay sa bandang kanluran. Ang hindi naiwasan na digmaan ng
Portuges at Espanya ay sa Moluccas. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng mga rekado.
Sa pamamagitan ng Tratadong Saragosa noong 1529, nakuha ng Portuges ang Moluccas.
Portugal: Mga lugar na nasakop Mga daungan ang piniling
Calicut sa India ni Vasco da Gama sakupin ng Portugal upang
Ormuz sa Golpo ng Persia (Iran ngayon) Diu at Goa makontrol ang kalakalan hanggang
sa India, Aden sa Red Sea, Malacca sa Malaya at sa ipinasok ang Kristiyanismong
Moluccas sa Ternate, Macao sa China at sa Formosa Katolisismo sa mga nasasakupan
(Taiwan ngayon) ni Alfonso de Albuquerque nito.

Sa pamamagitan ng East India Company, naitatag ng Inglatera (England) ang sentro ng


kalakalan sa India. Sinundan ito ng pagsakop ng Ceylon (Sri Lanka ngayon), Malaya, at
Singapore. Noong una, pangkabuhayan ang dahilan ng England sa pagpunta sa India. Nang
makita ang malaking pakinabang sa likas na yaman nito tuluyang sinakop ang India ng
England.

Ang France ang pangatlong bansa na gustong masakop ang India. Ginamit ang French
East India Company na naitatag noong 1664. Ang Labanan sa Plassey sa pagitan ng England at
France ang nagpapanatili ng England sa India na kung saan natalo ang France. Noong ika-18
siglo nasakop ng Pransiya ang Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam. Ang mga
teritoryong ito ang buong kolonya ng French Indochina.

Ang Dutch East India Company naman ang ginamit ng Netherlands upang makontrol
ang isang bahagi ng India. Napasailalim ng Netherlands ang East Indies (Indonesia sa
kasalukuyan).

Sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Kanlurang Asya ay hindi pa


nagkakainteres ang mga Kanluranin dahil ito ay sakop ng mga Turkong Ottoman at
pinagpatibay ng pagkakaisa dahil sa relihiyong Islam. (Blando et al Asya)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Isaisip

Binabati kita! Upang masukat ang inyong mga natutunan sa aralin na ito. bumuo ng
isang salita batay sa unang paksang tinalakay tungkol sa mga dahilan at paraan ng mga
Kanluraning bansa upang magtungo sa Asya sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga salita
upang mabuo ang katuturan ng pangungusap sa ibaba.

Mula pa noong unang panahon, mayroon nang ugnayan ang mga


A_ya_o at Eu_o_e_. Ang pinakatagpuan ng mga ito ay ang
t__t__o na pangunahing rutang pangkalakalan. Maraming
pangyayari ang nagbigay-daan sa pagtungo ng mga Europeo sa Asya.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod na salik: ang paglunsad ng
kr_s_d_, paglalakbay ni Marco Polo, ang R_n_is_ _n_e ,
pagbagsak ng Constantinople na sa ngayon ay tinawag na I_ta_b_l.
Nang umiral sa Europa ang prinsipyong pang-ekonomiya na
tinatawag na M_rk_nt_l _s_o ay nagkaroon ng matinding interes
ang mga K_nl_r_n_n hindi lamang pakikipagkalakalan kundi ang
ipalaganap ang kanilang kapangyarihan.

Isagawa

Sagutin

1. Ang isyu sa pagitan ng China at Pilipinas ay hindi mawala wala dahil sa pag-aagawan nito sa Islang West Philippine
Sea o tinatawag din itong South China Sea. Sa iyong palagay, umiiral ba ang kolonyalismo at imperyalismo sa
ganitong usapin?

2. Bilang isang Pilipino, ano ang dapat mong gawin upang makatulong sa ating pamahalaan tungkol sa isyung ito?
Isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot batay sa sariling karanasan at opinyon. Tatlo hanggang limang pangungusap
lamang ang inaasahang isagot sa nasabing katanungan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Tayahin

Upang masubok ang iyong kaalaman tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito, sagutin ang mga
katanungan na nasa ibaba.

Basahin ang mga tanong at isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.
1. Bago pa man sumapit ang ika-16 na siglo, ang Asya at Europa ay mayroon ng ugnayang pangakalakalan.
Ilan ang pangunahing ruta na dinadaanan sa pagitan ng dalawang kontinente na ito?
A. Isa B. Dalawa C. Tatlo D. Apat
2. Ang mga taga Europa ay naakit na maglakbay patungo sa silangan. Alin sa mga sumusunod ang nag-udyok
sa mga taga kanluran upang maglakbay at tumuklas ng mga lupain sa silangang bahagi ng daigdig?
A. Kagandahan ng mga tanawin sa Asya
B. Pagkakatuklas ng mapa, compass at barko
C. Ang pag-iral ng sistemang pang-ekonomiya na merkantilismo
D. Pagsara ng tatlong rutang pangkalakalan na nag-uugnay sa Asya at Europa
3. Ano-anong bansa sa Europa ang nakarating at nanakop sa India.
A. Germany, Italy, Japan C. Iran, Iraq, Turkey
B. England, France, Portugal D. China, Russia, USA
4. Sa unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo nag-unahan ang mga kanluraning bansa sa pagtuklas ng
mga lupain sa Asya. Bakit nanakop ng lupain sa Silangan ang mga taga-Kanluran tulad ng Portugal, Pransya
at Gran Britanya (England)?
A. Dahil sa patakarang merkantilismo
B. Upang magkaroon ng himpilang pangkalakalan
C. Para sanayin ang mga Asyano sa bagong kultura
D. Sapagkat nais nilang maging pinakamakapangyarihan
5. Isang Portuges na nakatuklas ng pinakamahalagang ruta patungong India sa pamamagitan ng paglibot sa
“Cape of Good Hope” sa dulo ng Aprika.
A. Alexander the Great C. Marco Polo
B. Ferdinand Magellan D. Vasco da Gama
6. Ang krusada ay isa sa mga pangyayari na naging daan sa panahon ng paglalakbay at pagtuklas ng mga
lupain sa silangan. Ano ang sanhi ng paglulunsad ng krusada ng mga pari at hari ng Europa?
A. Hanapin ang Israel
B. Bawiin ang banal na lupain sa mga Turkong Ottoman
C. Palaganapin ang kristiyanismo at magtayo ng mga simbahan
D. Gabayan ang mga manlalakbay patungo sa bahaging Silangan
7. Banal na digmaan na inilunsad ng mga Kristiyano upang mabawi ang Jerusalem sa mga Muslim.
A. Krusada B. Kolonyalismo C. Labanan sa Plassey D. Renaissance
8. Sa pagsara ng mga rutang pangkalakalan tanging mga taga Venice ng Italy ang nakadadaan sa
Constantinople? Bakit sila lamang ang tanging pinadaan dito?
A. Dahil sa pagbabayad ng buwis
B. Dahil magkaibigan ang mga taga Venice at Turkong Muslim
C. Dahil sila ay kababayan ni Marco Polo na unang nakadaan dito
D. Dahil sila ang may kontrol ng mga daanan patungo sa silangan
9. Ang paglalayag at pagkatuklas ng maraming lupain ng mga Europeo noong ika-16 hanggang ika- 20 siglo
ay bunga din ng pag-unlad sa teknolohiya sa larangan ng nabigasyon. Ano-ano ang mga halimbawa ng
imbensyong ito na nakatulong sa paglalakbay sa karagatan?
A. Astrolabe at compass C. Mga riles at tren
B. Malaking barko at layag D. Telegraph at telescope
10. Ang kahulugan nito ay ang muling pagsilang kung saan pinanumbalik ng mga Europeo ang klasikal na
kulturang Greek at Roman.
A. Krusada B. Kapitalismo C. Merkantilismo D. Renaissance

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Karagdagang Gawain

Lagyan ng tamang impormasyon ang talahanayan sa ibaba.

UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA


(16 hanggang 17 Siglo)

Rehiyon / Mananakop Paraan ng Patakaran


Bansa Pananakop
Timog 1.
(India)
2.
3.
4.
Kanluran 1.
(Oman)

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang ginamit na paraan ng mga Kanluranin para masakop ang Timog Asya? ang Kanlurang Asya?
2. Ano ang mga patakaran na ginamit ng mga mananakop sa Timog Asya at sa Kanlurang Asya?
3. Makatarungan ba ang ginamit na patakaran ng Ingles sa Timog Asya, ng Turkong Ottoman sa Kanlurang
Asya? Bakit?
4. Paano nagbago ang pamumuhay ng Timog at Kanlurang Asya sa mga patakarang pinairal sa Unang Yugto
ng Kolonyalismo at Imperyalismong naganap?

Sanggunian

Blando et al ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba; Unang Edisyon.Eduresources Publishing Inc.


2014 pp 193-195, 196-199, 201-204, 206

Mga Website:
https://en.wikipedia.org/wiki/Portugal
https://en.wikipedia.org/wiki/Spain

https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/7344/mod_resource/content/11/data/img9.png
https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/7661/mod_resource/content/12/data/img4.png
https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/7304/mod_resource/content/4/data/img9.png
https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/7824/mod_resource/content/3/data/img5.png
https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/8429/mod_resource/content/2/index.html
https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/8426/mod_resource/content/1/index.html
https://frontlearners.com/blended/mod/resource/view.php?id=7235
https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/7344/mod_resource/content/11/index.html

Starbooks Online k t o 12 Resources Frontlearners.www.strabooks.ph

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
12 DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
SUBUKIN: BALIKAN: GAWAIN
1. KANLURANIN 6. KRUSADA TIMOG ASYA KANLURANG ASYA
2. KOLONYA 7. SPAIN 1. Imperyong Indo-Aryan1. Imperyong Hittites
3. MARCO POLO 8. INDIA 2. Imperyong Maurya 2. Imperyong Macedonian
4. IMPERYO 9. MOLUCCAS 3. Imperyong Mogul 3. Imperyong Persian
5. MERKANTILISMO 10. DUTCH
TUKLASIN: Hula-Rawan
Unang Konsepto- Kolonyalismo Unang Konsepto-
Imperyalismo
[Kolonya, pananakop, makapangyarihan/malalakas na mga bansa, [kaharian, pananakop, malalakas na
mga bansa, lahat
hindi lahat ng aspekto ay kontrolado halimbawa ekonomiya lamang] ng aspekto ay kontrolado ng mga
mananakop]
Paano sila magkakatulad
Pagkontrol, pananakop, maging makapangyarihan
PAGYAMANIN:
Portugal, Spain, France, England, Netherlands-bansang mananakop
Krusada, Paglalakbay ni Marco Polo Pagbagsak ng Constantinople, Renaissance, at Merkantilismo
ISAISIP: TAYAHIN:
ASYANO AT EUROPEO 1. C 6. B
TATLO 2. D 7. A
KRUSADA 3. B 8. A
RENAISSANCE, ISTANBUL 4. A 9. A
MERKANTILISMO 5. D 10. D
KANLURANIN
ISAGAWA: Rubrik sa pagsulat ng isang sanaysay
Nilalaman: 4
Paggamit ng Salita: 3
Kaugnayan sa Paksa: 3
Kabuuan: 10
KARAGDAGANG GAWAIN:
Rehiyon Mananakop Paraan ng Patakaran
(Bansa) Pananakop
Timog 1. Portugal Pakikipagkalakalan, Pagpalaganap ng
(India) pagkontrol sa mga Relihiyong
daungan Kristiyanismo
2. England Pakikipagkalakalan. British East India
Nanalo sa isang Company
labanan sa Plassey
3. France Pakikipagkalakalan French East India
Company
4. Netherlands Pakikipagkalakalan Dutch East India
Company
Susi ng Pagwawasto
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Monalisa M. Santos

Tagasuri – Panloob: Aaron S.Enano


Tagaguhit: Gwendelene J. Coranez
Tagalapat:

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource, Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13

You might also like