You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education – Region III Central Luzon

DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Araling Panlipunan Grade 7
Quarter 1 – WEEK 5
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):


Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies


MELC No. 4- Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon
D. Layunin (Objectives):
• Nailalarawan ang mga natatanging likas na yaman sa Asya sa bawat rehiyon
• Naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga likas na yaman sa pamumuhay ng
mga Asyano
• Napahahalagahan ang mga likas na yamang taglay ng Asya

I. NILALAMAN (Content): Implikasyon ng Likas Na Yaman sa Pamumuhay


ng mga Asyano
Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): p. 36 - 42
2. Iba pang pinagkuhanang sources: Queenza D. Villareal. Jocelyn D. Flores. Reysielyn E. Santos.
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Ang
Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano Unang Edisyon, 2020. RO3

B. Iba pang Kagamitang Panturo: mga larawan, sagutang notebook

II. PAMAMARAAN (Procedures):

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):


Gawain 1: Isulat kung saang rehiyon ng Asya mayaman sa mga likas na yaman ang mga nakasulat
sa ibaba.
1. Langis - ________________________________
2. Caviar - ________________________________
3. reserba ng bakal at karbon - ______________________________
4. malawak na kagubatan- __________________________________
5. nangunguna sa produksyon ng palay - ______________________

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)

Sa ika-apat na bahagi ng modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga yamang likas ng Asya at ang kaugnayan
nito sa pamumuhay ng mga Asyano. Sa naunang aralin ay ipinakilala ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon
ng Asya. Ngayon naman ay ang epekto ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano. Handa ka na ba?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ang mga bagay na likas na makikita sa ating kapaligiran tulad ng kalupaan, katubigan, malalawak na kagubatan,
mga hayop, mineral at iba pang mga katulad nito ay maituturing na yamang-likas sa isang lugar. Kung hindi sa
yamang taglay ng kapaligiran, ano kayang uri ng pamumuhay mayroon tayo? Paano kaya tayo makagagawa ng
Page 1 of 8
mga produkto at kagamitan natin sa araw-araw? Uunlad kaya ang paraan ng ating pamumuhay?
Gawain 2:
Kaya Kong Iugnay! (Pagsusuri ng Diagram)
Suriin mo ang mga larawan at alamin ang nais na ipahiwatig ng diagram na nasa ibaba sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gabay na katanungan para sa gawaing ito.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang ipinapahiwatig ng unang pangkat ng mga larawan?
2. Ano naman ang ipinapahiwatig ng ikalawang pangkat ng mga larawan?
3. Paano kaya nagkakaugnay ang ipinapakita ng dalawang pangkat ng larawan sa bawat isa?
4. Nagiging mahalagang salik ba ang mga bagay na nakukuha ng tao sa kapaligiran upang magkaroon ng
pagbabago sa pamumuhay sa paglipas ng panahon? Ipaliwanag.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

IMPLIKASYON NG LIKAS YAMAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO


Ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang anyong lupa, anyong tubig, anyong
gubat at mineral na lubos na nakaaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano. Bukod sa naging panirahan
ng tao, ang anyong lupa ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kultura at pamumuhay ng mga tao. Ang
mga bulubundukin ay nakatutulong upang maging tanggulan o idepensa ng isang lugar laban sa mga
mananakop at harang sa malalakas na bagyo. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid at mga kabundukan sa iba’t
ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samut-saring yamang mineral, mga metaliko, di-metaliko, at gas.

Ang bundok at gubat ay naging panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Ito rin ay nagbibigay ng mga
bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na materyales. Ang kapatagan at mga lambak naman ay
binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao para sa mga pananim. Ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang
pastulan na nakatutulong sa pagtustos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang paggamit ng tao sa iba’t ibang
uri ng anyong lupa ay nakapagambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.

Katulad sa sinaunang kabihasnan, ang mga anyong tubig tulad ng lawa at ilog ay pinagkukuhanan ng
tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng
irigasyon sa mga sakahan at taniman, daanan ng mga transportasyong pantubig, kalakalan at pinagkukuhanan
ng mga pagkain at mga palamuti.

Agrikultura
• Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa isang bansa dahil ito ang nagbibigay ng kabuhayan
sa maraming mamamayan.
• Ang pagkain at ilang produktong panluwas ay nagmumula sa pagsasaka.
• Ang mga Asyano ay may organisadong irigasyon, may malawakang kultibasyon ng lupain, paggamit ng
araro at pagkakaroon ng espesyalisadong mga manggagawa sa ilalim ng burokratikong kontrol.
• Sa paglaki ng produksyon, ang ilang kompanya ay gumagamit ng makabagong makinarya upang
mapabilis at maparami ang produkto.
• Katuwang ito ng pamahalaan sa pagtugon ng pangangailangan ng mamamayan.

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA SA BANSA


• Pinagkukuhanan ng kitang panlabas.
• Pangunahing nagbibigay trabaho sa mamamayan.
• Pinagkukuhanan ng hilaw na materyal upang makabuo ng bagong produkto.

Page 2 of 8
Ekonomiya
• Ang likas na yaman ang naging susi sa pagunlad ng ekonomiya ng mga bansa sa Asya.
• Ang ekonomiya ay sumasagot sa tanong na: Paano tutugunan ng pamahalaan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao?
• Ang mga bansa sa Asya ay unti-unting umunlad gamit ang kani-kanilang likas na yaman na ginawang
panustos sa materyales na kailangan sa mga pagawaan.
• Ang ilang salat sa likas yaman ay umaangkat at nakikipagpalitan ng hilaw na materyales sa ibang bansa
upang tugunan ang kanilang pangangailangan sa produksyon.
• Nakatutulong nang higit ang makabagong teknolohiya sa pagtaas ng pambansang kita na nakabubuti sa
pamumuhay ng mga mamamayan.

Panahanan
• Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay nakaaapekto nang lubos sa likas na yaman.
• Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay walang hanggan ngunit ang pinagkukunan ng yaman ay
limitado lamang.
• Ang populasyon ng Asya ay mabilis na lumolobo ngunit ang lupa ay mananatili sa sukat nito.
Samakatuwid, lumiliit ang espasyo ng lupa para sa panahanan ng mga tao.
• Ang ilan ay isinagawa ang land conversion na nakapagdudulot ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop.
• Ginagamit ng tao ang espasyo ng panirahan na dapat lamang ay para sa mga hayop.
• Dahil sa talino ng mga tao sa kasalukuyan at bunga ng teknolohiya, nakakayang baguhin ang kakayahan
ng lupa at kanilang kapaligiran.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


(Paglinang/ Alamin Mo/Paunlarin)

Atin namang suriin ang implikasyon ng agrikultura, ekonomiya at panahanan sa pamumuhay ng mga
Asyano. Gamit ang mga impormasyong nakatala sa sumusunod na smart art graphic organizer na magbibigay
ng mas malalim na pagunawa sa pag-angkop ng bawat rehiyon sa Asya upang matamasa ang pag-unlad sa
kanilang pamumuhay. Unawaing mabuti ang mga impormasyon upang masagutan at maisagawa mo ang mga
gawain na kaugnay nito.

Page 3 of 8
Page 4 of 8
Page 5 of 8
F. Paglinang sa Kabihasnan( Gawin Mo/ Pagyamanin)
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat ang TAMA o MALI.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin)


(Tunghayan ang bahaging ito sa huling pahina)

Page 6 of 8
H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang mga rehiyon sa Asya na tinutukoy at inilalarawan sa bawat bilang.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/ Isagawa)


(Tunghayan ang bahaging ito sa huling pahina)

J. Karagdagang Gawain at Remediation

Gumawa ng isang “commercial tag line” ukol sa pangangalaga ng ating kalikasan na madaling
tumatak sa isipan ng bawat mamamayan.

RUBRIK:

PAMANTAYAN 5 4 3 2

Page 7 of 8
Araling Panlipunan Grade 7
Quarter 1 - Week 5 Assessment – SY 2021-2022

Name: _________________________________ Section: _______ Score:


PERFORMANCE TASK: (20 puntos) – Gawin ito sa likurang bahagi ng pahinang ito.
Ngayon ay naunawaan mo na ang implikasyon ng katangi-tanging likas na yaman ng Asya sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay noon at ngayon. Bilang pangwakas na gawain, gumawa ka ng isang ISLOGAN na
magpapakita ng mensahe na maghihikayat na pangalagaan at pahalagahan ang likas na yaman dahil sa mga
bagay na dulot nito sa ating pamumuhay bilang Asyano. (Gamitin ang RUBRIK na nasa Karagdagang Gawain)

Page 8 of 8

You might also like