You are on page 1of 47

Aralin: Kababaihan

sa Kanluran at
Timog Asya sa
Makabagong
Panahon
IKATLONG MARKAHAN
LAYUNIN:
1.Nasusuri ang kalagayan at papel ng kababaihan sa
Kanluran at Timog Asya; at
2.Nasusuri ang mga palatuntunan at samahang
pangkababaihan na nagtaguyod sa pagkakapantay-
pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika ng mga kababaihan sa Kanluran at Timog
Asya.
Gawain: Tinimbang Ka Ngunit
Kulang
Katuwang ka ba ng iyong pamilya sa
mga gawain sa inyong bahay? Paano
ninyo hinati ang mga trabaho at
responsibilidad? Sa bahaging ito,
iyong tutuklasin kung pantay ba ang
katayuan ng kababaihan at
kalalakihan sa inyong bahay sa
pamamagitan ng paglilista sa mga
gawaing-bahay na itinakda sa inyo.
Pagkatapos ay dugtungan ang mga
pangungusap sa ibaba. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
KANLURANG ASYA
PURDAH
Sa Saudi
Arabia, Rebolusyong Islamiko – Kilala din bilang Rebolusyong
Iran noong 1979 na nagpatalsik sa monarkiyang pamumuno
dalawang ng dinastiyang Pahlavi na suportado ng Estados Unidos.
kaganapang Upang maibsan ang epekto ng rebolusyon at hindi kumalat
sa karatig bansa gaya ng Saudi Arabia, hinigpitan ang mga
internasyunal kababaihan at marami sa kanilang mga karapatan ang
nawala.
ang may
malaking 9 /11 – serye ng pag-atake ng teroristang grupong Al-Qaeda
impluwensya sa sa Estados Unidos noong Setyembre 11, 2001 gamit ang mga
hijacked na pampasaherong eroplano na bumangga sa
kalagayan ng dalawang gusali ng World Trade Center at bahagi ng
Pentagon, ang pangunahing himpilan ng Tanggulang
mga Pambansa ng Estados Unidos. Mula nang mangyari ito, unti-
kababaihan sa unting nagluwag ng mga patakaran ang Saudi Arabia
patungkol sa karapatan ng mga kababaihan.
bansa:
Sa kasalukuyan, ang mga kababaihan sa
Saudi Arabia ay natatamasa na ang mga
sumusunod na karapatan at Kalayaan:
Lebanon - ang antas ng karapatan at kalayaan ng
Magkakaiba mga kababaihan ay nakadepende sa kanilang
relihiyon
ang kalagayan
at pamamaraan
ng pagsulong Oman - ipinagdiriwang ang Oktubre 17 bilang
sa karapatan Araw ng mga Kababaihan sa kanilang bansa.
ng mga
kababaihan sa
rehiyon. Narito U.A.E. - nangunguna sa pagsusulong ng mga
ang ilan sa mga karapatan ng mga kababaihan sa Mundo ng mga
halimbawa: Arabo. Pinapangalagaan ng kanilang Saligang
Batas ang karapatan ng mga kababaihan.
 Yemen - sa sinaunang kasaysayan ng bansa
Magkakaiba ang makapangyarihan ang mga babae gaya ni Reyna
Sheba. Subalit dahil karamihan ay kabilang sa
kalagayan at agrikultural na tribo na may pagtatangi sa mga
kalalakihan, marami sa mga kababaihan ngayon
pamamaraan ng ay hindi marunong bumasa at sumulat dahilan

pagsulong sa upang mahirapan silang makahanap ng trabaho.


 Iran - kumakalap ng One Million Signature sa
karapatan ng bansa upang wakasan ang diskriminasyon sa mga
kababaihan. Tanging bansa sa Asya na hindi
mga kababaihan tanggap ang CEDAW*.
 *Convention on the Elimination of All Forms of
sa rehiyon. Discrimination Against Women (CEDAW) –
Narito ang ilan isang internasyunal na kasunduan sa pagitan ng
mga bansa sa United Nations noong 1979 na ang
sa mga layunin ay isulong at pangalagaan ang karapatan
at kalayaan ng mga kababaihan. Kilala bilang
halimbawa: International Bill of Rights for Women.
Iraq - Sa bahaging Kurdistan, malaking problema
Magkakaiba pa rin ang pagsasagawa ng genital mutilation o
pagtutuli sa mga kababaihan, honour killings o
ang kalagayan pagpatay sa babae ng kanyang kapamilya upang
at pamamaraan hindi umano mawala ang karangalan ng pamilya, at
ng pagsulong pagdukot sa mga menor de edad upang pwersahang
dahil sa prostitusyon.
sa karapatan
ng mga Israel – Ang mga pagkilos ng kababaihan ay
kababaihan sa kadalasang impluwensya ng kanilang edukasyon sa
rehiyon. Narito Estados Unidos. Nagsasagawa sila ng mga
talakayan at pag-aaral, naglilimbag ng mga aklat at
ang ilan sa mga pahayagan, at nagtatayo ng mga pasilidad o center
halimbawa: para sa mga kababaihang biktima ng pang-aabuso.
 Turkey – Bagaman protektado ng Saligang Batas,
madalas pa rin ang pakikipagkasundo ng magulang sa
Magkakaiba maagang pagpapakasal ng kanilang mga anak na
babae (child marriage) at domestic violence. Isa sa mga
ang kalagayan grupong tumatalakay sa usapin ng kababaihan ay ang
at pamamaraan Kadin Cevresi (Women’s Circle) na naglilimbag ng mga
isinalin na banyagang aklat ng mga kababaihan at
ng pagsulong nagsasagawa ng mga pagpupulong ukol sa mga ito.
Ipinagbawal na din ang polygamy. Noong 1990, itinayo
sa karapatan ng ang Women Library and Information Center na kauna-
mga unahan at natatanging aklatan para sa mga pananaliksik
tungkol sa mga kababaihan at Purple Roof Women’s
kababaihan sa Shelter Foundation na pansamantalanag nagbibigay ng
rehiyon. Narito tahanan sa mga inabusong kababaihan. Gayunpaman,
may mga kababaihan na tumututol pa rin sa pagbabawal
ang ilan sa mga ng pamahalaan sa pagsusuot ng hijab sa pampubikong
lugar at unibersidad.
halimbawa:  
1. Arab Women Connect (AWC) – website
Ginamit na rin ng na naglalaman ng mga pananaliksik, ulat at
ESCWA at ibang statistics tungkol sa mga kababaihan sa
Ehipto, Jordan, Lebanon, Palestine, Syria,
mga grupo na Yemen, U.A.E. at Qatar.
nangangampanya
sa pagmumulat sa 2. Lazem – kampanya ng ESCWA at
American University of Beirut na may
kaisipang liberal hashtag na 2018‫ي‬111‫ ف‬1‫زم‬1‫ال‬# (“we must in
ang internet at 2018”) at #IWD2018. Naglalaman ito ng
mga video na nagbibigay pugay sa mga
social media dahil kababaihan na malaki ang kontribusyon sa
sa laki ng pagsulong ng kapakanan at karapatan ng
impluwensya nito. mga kababaihan sa Kanlurang Asya.
 
Halimbawa:
Halos magkapareho ang karanasan ng
mga kababaihan sa Timog at
Kanlurang Asya. Pagkasilang pa lang
ng sanggol na babae nakakaranas na
Katayuan ng siya nang diskriminasyon dahil sa
mga patriarchal society o lipunang
nakagawian na ang pagpapahalaga sa
Kababaihan mga kalalakihan. Nagsimula ang
sa India ganitong pagtingin sa mga kababaihan
noong panahon ng epiko sa India dahil
sa panahon ng sibilisasyong Indus
dating magkapantay ang turing sa mga
kababaihan at kalalakihan.
matriarchal ang lipunan ng mga nagtatag ng kabihasnang
Indus dahil sa kanilang pasamba sa mga diyosa ng
kalikasan.

Sa pagdating ng mga Aryan, nagsimula ang panahon ng


Vedas, ang mga banal na kasulatan ng Hinduismo. Isinasaad

Katayuan ng sa Rig Veda na maaaring pamanahan ang anak na babae


kung hindi pa siya nagpapakasal.

mga Maaari din ang swayamvara o pagpili ng babae ng kanyang


mapapangasawa ayon sa kung sino ang magwawagi sa

kababaihan tagisan ng lakas subalit kung muling magpakasal ay sa


kapatid lamang ng kanyang namatay na asawa.

sa India Walang rin ang konsepto ng diborsyo at dowry o bigay-


kaya.

Bawal din ang polygyny na isang uri ng polygamy kung saan


maaaring magkaroon ang lalaki ng maraming asawa na
nakatira sa iisang sambahayan subalit pinahihintulutan sa
mga maharlikang lalaki ang bigamy o muling pagpapakasal
ng lalaki sa ibang babae habang kasal pa sa iba.
Subalit sa panahon ng epiko, ang pamantayan ng pagiging
modelong babae ay ayon sa mga kararter na nasasaad sa
mga epiko gaya ng Ramayana kung saan sinagip si Sita ng
kanyang asawang si Rama. Ayon sa Kodigo ni Manu,
nangangailangan ang mga kababaihan ng proteksyon ng

Katayuan ng mga kalalakihan. Kaya naman madalas ang pagpapakasal


na Arsha sa panahong ito kung saan ipinapakasal sa

mga matandang lalaki ang anak na babae kapalit lamang ng


dalawang baka dahil hindi kaya ng pamilya ng babae ang
mga gastusin para sa kanya. Ang kahalagahan ng mga
kababaihan babae sa mga ritwal ay unti-unting nawala at napalitan ng
mga kalalakihan. Nagsimula ang sati subalit sa mga lahi ng

sa India mandirigma lamang noong una. Unti-unti na rin bumabata


ang ipinagkakasundo para ipakasal – edad 8 or 10 taong
gulang. Kaya naman marami sa mga kababaihan ay hindi
nakapag-aral dahilan upang mawalan ng kaalaman at
kapangyarihan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Sa gitnang panahon ng India
(Medieval India) o panahon ng
pananakop ng mga Muslim sa
Katayuan ng India (ika-6 na siglo – 1526),
mga maraming mga kababaihan sa
naghaharing uri ang nagpakita ng
kababaihan kakaibang kakayahan sa larangan
sa India ng pamamahala gaya ni Razia
Sultana na natatanging babaeng
pinuno sa Sultanato ng Delhi mula
1236 – 1240.
Magsisimula ang makabagong panahon
sa India mula sa paghahari ng imperyong
Mughal (1526) tatawid ito sa pananakop
ng mga Ingles sa India hanggang 1947,
taon ng kanilang kalayaan mula sa
pananakop ng mga Kanluranin. Mula sa
iba’t ibang antas ng buhay ang
magpapakita ng pagkilos para iangat ang
kalagayan ng mga kababaihan:
Ishwar
Chandra
Vidyasagar
MOHANDAS
GANDHI
NUR JAHAN
KITTUR
CHENNAMA
REYNA
JHANSI
MARTHA
MAULT
NEE MEAD
 All India Women’s Education
Conference – samahang itinatag
Organisasyon: noong 1927 na naglayong isulong ang
edukasyon at panlipunang kapakanan
ng mga bata at kababaihan.
Chandramukhi Basu –kauna-unahang babaeng
Indian na nakapagtapos ng kursong masteral.
Noong 1876, siya lang ang kaisa-isang babae na
pinayagan kumuha ng panghuling pagsusulit sa
Fine Arts. Siya ang nanguna subalit nagpulong pa
ang paaralan kung ilalabas ba sa publiko ang resulta
Edukadong ng pagsusulit.
Babaeng
Kadambini Ganguly at Anandi Gopal Joshi –
Indian: mga kauna-unahang manggagamot na babae sa
India at sa buong imperyo ng Britanya. Ang ama ni
Kadambini at asawa ni Anandi ay pawang mga
tagapagtaguyod ng karapatan ng mga kababaihan.
CHANDRA
BASU
KADAMBINI
GANGULY
ANANDI
GOPAL
JOSHI
Kasturba Gandhi – asawa ni Mahatma Gandhi na
isinulong ang kalayaan ng India mula sa Britanya.

Sarojini Naidu – tinawag na Nightingale of India, siya


Kababaihan ang kauna-unahang babaeng Indian na naging pangulo
ng Indian National Congress, samahang pampulitikal
sa Politika: na nagsulong sa kalayaan ng India. Pinamunuan din
niya ang Women’s India Associaton.

Indira Gandhi – kilala bilang Iron Lady ng India,


siya ang kauna-unahan at kaisa-isang babaeng Punong
Ministro sa India na anak ni Jawaharlal Nehru. Natapos
ang mahaba niyang panunungkulan ng barilin ng
kanyang mga guwardiya.
Kasturba
Gandhi
Sarojini Naidu
Indira Gandhi
Bengal Sati Regulation 1829 – ipinag-utos ni Gov. Hen. Lord
William Bentinck na bawal at illegal ang sati at may parusa ang
sinumang lumabag.
Narito ang mga Hindu Widow’s Remarriage Act 1856 – kautusan sa mga lugar
mahahalagang na saklaw ng East India Company na pinapayagan ang mga
balong babae na muling mag-asawa.
batas tungkol Female Infanticide Prevention Act 1870 – ipinagbabawal ang
sa mga pagpatay sa mga sanggol na babae.
kababaihan na
Indian Factory Act 1891 – nagbabawal sa hindi makatwirang
naisabatas bilang ng oras sa pagtatrabaho ng mga kababaihan.
noong panahon
Child Marriage Restraint Act 1929 - pagtatalaga sa edad na 14
ng British Raj bilang legal na gulang sa pag-aasawa ng babaeng Indian
sa India.
Hindu Law of Inheritance Act 1929 - Binigyan ng karapatan
ang mga anak at apong babae na pamanahan bago ang mga
kapatid ng namayapa.
1. Karapatan sa pantay na
Sa paglaya ng pagkakataon at maayos na
India, tiniyak kalagayan sa trabaho at sahod
ng kanilang
Saligang 2. Karapatan laban sa
Batas ang diskriminasyon
pangangalaga
sa mga
kababaihan 3. Karapatan laban sa di-
gaya ng: makataong kaugalian
Narito ang ilan pa sa
mga mahahalagang
batas na nagsusulong
sa pagkakataong pang-
ekonomiya ng mga
kababaihan sa India
gaya ng:
Sabarimala
Shrine
Sri Lanka
May mga  Lumahok ang mga kababaihan sa
digmaang sibil upang ipaglaban hindi
pagkilos din lamang ang kalayaan ng kanilang lahi
sa ibang mga kundi maging mga karapatan at kalayaan
ng mga kababaihan. Itinatag nila ang
bansa sa Women’s Front of the Liberation
Timog Asya Tigers.
 Women for Peace – itinatag noong 1984
gaya ng mga na nagsilbing bantay laban sa
sumusunod: militarisasyon ng Sri Lanka. Naging
aktibo rin ito sa pagtatanggol ng mga
karapatang pantao at sibil.
Pakistan
May mga  Naging aktibo rin ang kababaihan sa pagsusulong
ng kalayaan sa mananakop na Ingles lalo na sa
pagkilos din 
paghingi ng pagbabago sa edukasyon.
May mga posisyon rin sa pamahalaan na inilaan
sa ibang mga 
ang kanilang Saligang Batas para sa kababaihan.
Women’s Action Forum – itinatag sa simula upang
bansa sa tutulan ang Ordinansang Hudood na may mga ilang
probisyon na hindi patas sa kababaihan. Kalaunan
Timog Asya ito ay lumaki at naging pangunahing tagapangalaga
ng mga karapatan ng kababaihan.
gaya ng mga  Sindhian Tahreek – kilusang pangkababaihan sa
Sindh na nagtagumpay laban sa child marriage at
sumusunod: polygamy gayundin sa pagsusulong ng karapatan
ng kababaihan sa pagdedesisyon tungkol sa pag-
aasawa.
May mga Bangladesh
pagkilos din  Mahila Parishad – itinatag noong 1970
ang itinuturing na pinakamalaking
sa ibang mga samahan ng mga kababaihan sa
bansa sa bangladesh na may malaking
impluwensya sa batas sa pagbabawal sa
Timog Asya dote at pagsali ng bansa sa CEDAW.
gaya ng mga  Collective Women’s Platform –
samahan ng mga kababaihan laban sa
sumusunod: anumang uri ng pang-aabuso.
Gawain: Words Beneath My Wings
Maraming mga salita na maaaring magsilbing hangin o ulap na tutulak sa pakpak ng
mga kababaihan upang magtagumpay sa buhay. Maglista ng 5 matagumpay na
kababaihan at 5 samahang nagsusulong ng kapakanan ng mga kababaihan sa Timog
Asya na iyong natutunan sa nabasang aralin. Isulat ito sa sagutang papel.
 
Performance Task
Gawain: Lucky One
Para sa iyo, ano ang katangi-tanging babae? PUMILI KA NG ISA sa mga gawain na nais mong
gawin upang ipakita ang iyong sagot sa tanong. Lumikha ka ng…

1. isang pahinang sanaysay na nagpapaliwanag kung bakit dapat isulong ang


pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o
2. isang poster-slogan sa oslo paper o 1/8 na illustration board na nagsusulong
sa mga karapatan ng mga kababaihan o
3. isang 2-minutong awit na nagbibigay pugay sa mga pagsusumikap ng mga
kababaihan na isulong ang kanilang karapatan at kalayaan o
4. sang 2-minutong sayaw na nagpapakita ng kalagayan ng mga kababaihan at
ang kanilang paglalakbay tungo sa pagkakapantay-pantay o
5. isang 3-minutong vlog tungkol sa isang babae na iyong hinahangaan dahil sa
mga pagsusumikap at natamo niyang tagumpay sa buhay.
Bilang pagbubuod
ng aralin,
kumpletuhin ang
talatang nasa ibaba
gamit ang mga
pagpipilian na nasa
loob ng kahon.
Sanggunian (References):
Roque, Heidee D. Modyul 6: Kababaihan sa Kanluran at Timog Asya sa Makabagong
Panahon. DepEd Region III, SDO City of San Fernando, Pampanga High School. 2020
Blando, Rosemarie C., et.al., (2014). Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa
Gitna ng Pagkakaiba.1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education Bureau of
Learning Resources. pp. 259 – 264.
Mateo, Grace Estella, C., et.al. (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Batayang
Aklat sa Araling Panlipunan Ikalawang Taon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House.
pp. 332 – 341.
 
 

You might also like