Professional Documents
Culture Documents
IV. PAMARAAN
Oryentasyon para sa mga mag-aaral, pag-organisa ng klase, pagbibigay
ng mga aklat at iba pang mga pangunang gawain (kung face-to-face)
Page 1 of 8
B. Paghahabi ng layunin sa aralin/ Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
Aralin (Panimula/Tuklasin)
Gawain 1: Tunghayan ang mga larawang nasa ibaba:
1. Sa iyong pagsusuri sa mga larawan na nasa itaas, anong tanong kaya ang iyong
mabubuo mula sa mga imaheng ito?
2. Sumulat ka ng tig-iisang kaisipan/ katanungan na nais mong malaman sa bawat
larawan, ilagay ito sa iyong sagutang kwaderno.
3. Basahin mong muli ang iyong mga nabuong tanong sa bawat larawan at iyan ay
tatalakayin sa mga susunod na bahagi ng talakayan.
2. Saan, kailan, at paano nagsimula ang COVID-19? (Maaaring tunghayan ang video na
nasa link na ito: (Talakayan) https://www.youtube.com/watch?v=TUH4kIgnEK0) o basahin ang
tekstong ito.
Ayon sa masusing pag-aaral ng
mga siyentipiko, lumalabas na ito
ay nagsimula sa Wuhan, China.
Ang unang kaso ng COVID-19 ay
naitala noong November 17,
2019, subalit lumipas pa ang
isang buwan bago ito opisyal na
nadiskubre na isang bagong
virus. Ang Wuhan ay malaking
kapital ng Hubei probinsiya ng China na pinaniniwalaang nagsimula ang outbreak
sa isang wet market ng Wuhan kung saan nagkakaroon ng kalakalan ng iba’t ibang
mga exotic na mga hayop na ginagawang laman tiyan ng mga naninirahan doon.
Marami ring naniniwala na ang pangunahing carrier ng virus na ito ay nanggaling
sa mga paniki at naipasa ito sa ibang mga hayop. Mayroon ding mga naglipanang
paniniwala o mga haka-haka ukol sa sinasabing “Conspiracy Theories,” at ang “bio-
engineer,” na ang ibig sabihin ay sinadyang gawin ng tao ang virus upang gawing
sandata o weapon. Ang lahat ang mga ito ay wala pang konkretong ebidensya
upang paniwalaan at kasalukuyan pang inaaral ng mga siyentipiko ang totoong
pinagmulan ng virus.
Page 3 of 8
Ang mga coronavirus ay isang
malaking pamilya ng mga virus.
Zoonotic virus ang mga ito, ibig
sabihin naipapasa ng mga hayop
ang virus sa mga tao.
Pinaniniwalaang pangunahing
carrier ang mga paniki at kalaunan
ay naipapasa nila ito sa ibang mga
hayop, tulad ng mga “dromedary
camels” na nagdulot ng Middle East
Respiratory Syndrome – Coronavirus o MERS-CoV. Marami sa kanila ang
humahawa sa mga hayop, ngunit ang ilang mga coronavirus mula sa mga hayop
ay maaaring mag-evolve (magbago) na maging isang bagong coronavirus para sa
mga tao na maaaring kumalat mula sa tao-sa-tao. Ito ang nangyari sa bagong
coronavirus na kilala bilang SARS-CoV-2, na nagdudulot ng sakit na kilala bilang
COVID-19. Samakatuwid ang tawag mismo sa virus ay SARS-CoV-2 at ang sakit
na dulot ng virus na ito ay COVID-19, tulad ng sakit na AIDS ang pinagmulan na
virus ay Human Immunodeficiency Virus o HIV. Sa kasalukuyan, wala pang
nadidiskubreng gamot o bakuna (vaccine) para sa sakit na ito.
Page 4 of 8
nang nasa 50 hanggang 100 milyong katao at nakapagtala ng mahigit 500 milyong
kataong nagpositibo sa sakit.
Itong 2019 – 2020 ay patuloy pa rin tayong nakikipaglaban sa COVID-19 at
umaasang matutuldukan ang pagdami ng mga nahahawa sa sakit at ang pagkitil
nito sa buhay ng bawat tao sa buong mundo.
Gawain 6: Gamit ang iyong sariling karanasan at mga nababasa o napapanood, paano
mo maipakikita ang mga mungkahing gawain upang maiwasan ang pagkakaroon ng
COVID-19. Itala mo ang iyong mga sagot sa iyong sagutang kwaderno. Maaaring ang
mga ito ay ginagawa mo sa loob ng bahay, sa labas ng bahay, o maging sa paaralan.
Page 6 of 8
7. Ano ang nilalaman ng Republic Act No. 11469 o ang Bayanihan to Heal as One
Act?
Ito ay ang batas na nagbigay ng special authority sa Pangulo ng Pilipinas para
malabanan at mapabilis ang mga gagawing hakbang tungo sa pagharap sa hamong
dala ng COVID-19 sa bansa. Ilan sa mga mahahalagang nilalaman nito ay ang
sumusunod:
• ang bawat pamilyang nabibilang sa low-income household ay
makatatanggap ng 5,000 – 8,000 pesos kada buwan sa loob ng dalawang
buwan o ang tinatawag na Social Amelioration Program o SAP.
• magkakaroon ng 30-day grace period para sa pagbabayad ng mga loans at
renta sa bahay.
• makatatanggap ng 5,000 – 8,000 pesos ang mga miyembro ng conditional
cash transfer.
• may karapatan ang gobyerno na tiyakin ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng
sweldo ng mga empleyado.
• pagpapatupad ng work-from-home scheme sa mga empleyado ng gobyerno
at pribadong sektor.
• titiyakin ng pamahalaan na mapabilis ang daloy ng medical needs at food
supplies.
• mahigpit na ipinagbabawal ang hoarding at over-pricing sa mga pangunahing
bilihin gaya ng alcohol, face masks, pagkain, tisyu at vitamins.
• magkakaroon ng mabilis na access ang pamahalaan sa delivery ng mga test
kits dahil luluwagan ng mga polisiyang kailangan dito.
• ang distribusyon ng Personal Protective Equipment o PPE, face masks, face
shields, at alcohol ay hindi dapat ma-delay.
• pinalawig din ng batas na ito ang filing ng income tax return or ITR deadline.
• ang mga medical at health practitioners ay makatatanggap ng karagdagang
risk allowance na iba pa sa kanilang hazard pay.
• sagot ng PHILHEALTH ang lahat ng gagastusin kung sakaling maospital ang
mga frontliner.
• bibigyan ng 100,000 pesos ang mga health worker na magkakaroon ng
COVID-19 habang gumaganap ng kanilang tungkulin.
• bibigyan ng isang milyong piso ang mga health worker na namatay habang
naka-duty laban sa COVID-19.
Page 7 of 8
Araling Panlipunan Grade 7
Lingguhang Pagsusulit at Aplikasyon (Written & Performance Task)
Quarter 1 – Week 1 (School Year 2021 – 2022)
RUBRIK
15 puntos 10 puntos 5 puntos
Maayos, maliwanag, malinaw, akma, may May ilang mga pahayag na hindi Karamihan sa mga pahayag ay hindi
kaisahan, at paninindigan ang mga sumusuporta o akma sa napiling paraan akma sa napiling kaparaanan. Hindi ito
pahayag na isinulat sa napiling paraan. naipaliwanag o napanindigan
Page 8 of 8