You are on page 1of 52

Mga

Pamahalaan
sa Asya
IKATLONG MARKAHAN
LAYUNIN:
1.Nasusuri ang iba’t ibang ideolohiya (ideolohiya ng
malayang demokrasya, sosyalismo, at komunismo);
2.Nasusuri ang balangkas ng pamahalaan ng mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya; at
3.Napapahalagahan ang pagkakaroon ng pamahalaan
ng isang bansa.
Balik-aral:

1. Ang dagliang dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpatay ni Gavrilo Princip sa nakatakdang
maging emperador ng Austria-Hungary. Sino ang pinunong ito?
2. Sa Unang Digmaang Pandaigdig, dalawang pwersa ang naglaban. Sino sa kanila ang natalo?
3. Sistematikong genocide o ethnic cleansing kung saan anim na milyong Hudyo ang ipinapatay ni Hitler
4. Bansang nagpasabog sa barkong British na Lusitania na ikinamatay ng mahigit na isang libong katao kasama
ang 128 na Amerikano.
5. Ang kasunduang naghudyat sa pormal na pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig.
 
Word Web
Ang ideolohiya ay
tumutukoy sa
__________________________.
Demokrasya,
Sosyalismo at
Komunismo
Ideolohiya
ito ay ang kalipunan ng
mga paniniwala na
pinaniniwalaan ng isa o
pangkat ng mga tao.
Dito binabatay ng
pamahalaan ang
paraan ng kanyang
pamamahala sa
ideolohiyang sinusunod
nila.
 
Antoine
Destutt de
Tracy
Mga Ideolohiya na
lumaganap sa
Kanlurang at Timog
Asya
“demoskratus” na ibig sabihin
ay pamamahala ng mga tao

free elections
Demokrasya

direct o tuwirang demokrasya


A. Direct Democracy – Ang mga tao
mismo ang namamahala o gumagawa ng
desisyon para sa kanilang bansa. Sila din
ang nag-aamyenda sa kanilang batas at
gumagawa ng batas.

Uri ng B. Representative Democracy – Ito ay


isang uri ng demokrasya na
Demokrasya: pinamumunuan ng mga piling opisyal na
nirerepresenta ang kabuuang populasyon
ng tao.
 
Ideolohiyang Demokrasya:
Nepal, Iraq, Cyprus
Noong 1915, itinatag ng Great Britain ang
Ceylon National Congress na unang partidong
politikal. Namuno ito upang ipaglaban ang
kasarinlan ng bansa. Pagkaraan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, pinamunuan ni Don

Sri Lanka at Stephen Senanayake, ang itinuturing na “Ama


ng Kasarinlang Sri Lanka,” ang pakikipaglaban

Maliliit na para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng


lahat ng pangkat-etniko. Noong Pebrero 4,

Estado sa 1948, ipinahayag ang kasarinlan ng bansa.


 

Timog-Asya Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap


ang mapayapang Rebolusyong People Power.
Nagsilbing inspirasyon nila ang katulad ng
EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986.
Noong Mayo 28, 2008, idineklara ang Nepal
bilang isang Federal Democratic Republic.
Kanlurang
Asya
Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang
kalayaan at oportunidad sa
pamamagitan ng United States. Naging
instrumento ang pamahalaan ng US sa
pagtulong sa mga Hudyo. Itinatag ang
Kilusang Zionismo sa Base,
Switzerland noong 1897 ni Theodore
Herzl, isang Austro Hungarian. Inihayag
ang malayang nasyon ng Israel sa Tel-
Aviv noong Mayo 14, 1948. Tinawag
itong Republika ng Israel at ang naging
unang Punong Ministro ay si David
Ben-Gurion.
Iraq
Pagkaraan ng Ikalawang Digmang Pandaigdig, ang
Iraq at Palestine ay napasailalim sa pamamahala ng
Great Britain. Dahil sa hindi maayos na pamumuno at
kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga
kilusang makabayan noong huling bahagi ng ika-19 na
dantaon. Sumiklab ang nasyonalistang pag-aalsa sa
Baghdad at nahirapan ang mga hukbong British sa
paggapi sa mga ito. Upang mahikayat na pumanig sa
kanila, pumayag ang mga British sa hiling ng mga
nasyonalistang Iraqi. Ang kahilingang ito ay ang
ipagkaloob sa kanila ang kasarinlan at itatag nila ang
Kaharian ng Iraq at iluklok si Faisal bilang hari.
Saudi
Arabia
KOMUNISMO
“communis” -“pandaigdigan”
(Hammer and sickle)
Karl Marx (Alemanya)
Nicolai Lenin (Unyong Sobyet)
Mao Zedong (Tsina)
lipunang walang antas o pag-uuri-uri
(classless society)
COMMUNIST
PARTY IN
SAUDI
ARABIA
Agosto 31, 1975
Iraqi
Communist
Party
Marso 31, 1934
Communist
Party of
India
Disyembre 25, 1925
Communist Party of India (Marxism)
Nobyembre 7, 1964
Sosyalismo
Isang doktrina ito na nababatay sa patakarang pang-
ekonomiya kung saan ang pamamalakad ng
pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao.
Ang grupong ito ang siyang pumipigil sa pagmamay-
ari, at sa pangangasiwa ng lupa, kapital, at
mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at
lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan
ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng
pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit
ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na
distribusyon ng produksyon ng bansa.
Mga katangian
ng sosyalismo:
Mayroong pantay na
pamamahala at
pamamalakad sa mga
pag mamay aring
yaman ng estado.
Ang mga manggagawa
ang siyang
nangangasiwa sa
sistemang ekonomiya
ng bansa
Inaalis ang
anumang bahid
ng kapitalismo
Sinisigurado na mayroong
trabaho ang bawat
mamamayan at
nakikinabang ang lahat
sa yaman na mayroon
ang bansa
BALANGKAS NG
PAMAHALAAN
SA TIMOG AT
KANLURANG
ASYA
hawak ng mga mamamayan ang
kapangyarihan sa pamahalaan. Ang mga
tao ay may pantay- pantay na karapatan at
pribilehiyo. May kalayaan silang politikal,
DEMOKRASYA pangkabuhayan at panlipunan. Nagtatakda
ang batas ng kapangyarihan ang mga
pinuno ng bansa at kumikilos ayon sa
batas.
isang uri ng pamahalaan na walang
monarka. Ang pinakamataas na
kapangyarihan ay nasa mga mamamayan
na maaring maghalal ng mga taong
REPUBLIKA kakatawan sa kanila. Maaaring
Presidensyal o Parlyamentaryo ang
anyong republika.
Sa pamahalaang ito, hawak ng mga lokal
na pamahalaan ang kapangyarihan na
hindi maaaring pakialaman ng
pamahalaang nasyonal. May halos
kumpletong autonomiya ang bawat
PAMAHALAANG estado o yunit na politikal sa pamamahala
PEDERAL ng sariling teritoryo, subalit nagsasama-
sama ang mga pamahalaang lokal na ito
upang sumailalim sa mga batas ng
pamahalaang pederal.
Ito ang sistemang politikal na hawak ng
estado o ng pamunuang namamahala nito
ang ganap na kapangyarihan. Maaaring
TOTALITARYANISMO minamana ang kapangyarihan ng estado o
pinipili ang lider ng isang espesyal na
grupo.
Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng
isang diktador na hindi nalilimitahan ng

DIKTADURYA anumang batas ang kanyang desisyon.


Masugid siyang tagataguyod sa isang
ideolohiyang pinagtitibayan ng
pamamahala gaya ng komunismo.
ang lider ng relihiyon ang namumuno
bilang kinatawan ng kanilang diyos.
TEOKRASYA  
iisang partidong awtoritaryan ang may
kapangyarihan sa ekonomiya ng bansa.
KOMUNISM Isang lipunan na pantay-pantay ang lahat

O ng tao ,walang mayaman o mahirap ,


makapangyarihan o taga-sunod.
Nagsimula ito sa kilusan ng mga Islamist
upang magdulot ng pagbabago sa
relihiyon, politikal, at sosyal. Layunin
REPUBLIKANG nitong agawin ang kapangyarihan sa mga
ISLAMIC bansang Islamic at gamitin ito upang
makamit ang kanilang adhikaing
repormasyon sa lipunan.
kapag ang iilang namumunong ito ay hindi
kabilang sa mataas na antas ng lipunan,
maaaring pamunuan ng isang partido
OLIGARKIYA (one-party rule). Kabilang dito ang mga
bansang North Korea, Laos, Syria,
Turkmenistan, at Vietnam sa ganitong uri
ng pamamahala.
Ang punong ministro(Prime Minister) ang
pinakamataas na pinuno. Siya ang pinili ng
mga kagawad ng Batasang Asemblea. Ang
PARLYAMENTARYO mga kagawad ay inihalal ng mga
mamamayan sa mga lungsod at lalawigan
bilang kinatawan nila.
ay isang anyo ng pamahalaan na
ang kataas-taasang kapangyarihan
ay lubusan o naturingang inilalagak
sa isang indibiduwal, ang pinuno ng
estado, na kadalasang panghabang-
buhay o hanggang pagbibitiw, at
MONARKIYA "buo itong hinihiwalay mula sa lahat
ng kasapi ng estado”.Tinatawag na
monarko ang namumuno sa
monarkiya. Ito ang karaniwang anyo
ng pamahalaan sa mundo noong
luma at gitnang panahon.
Ang Constitutional Monarchy ay isang bansa na may
pamahalaan kung saan ang Pinuno ay
Hari/Reyna/Emperador/Emirato/Sultan. Ang
kapangyarihan ay nahahati sa mga tao. Kapag ang
bansa ay constitutional monarchy, ibig sabihin wala sa
mga Hari o Reyna na ito ang buong kapangyarihan ng
pamamahala, bagkus ay nakabase sa Constitution o
Batas na ginawa ng mga kapulungan sa naturang
bansa. Ang halimbawa ng bansang may Constitutional
MONARKIYA Monarchy ay ang Japan, ang kanilang Emperador ay
si Emperor Akihito ngunit wala siyang gaanong
kapangyarihan, kung baga ang trabaho niya ay
pangseremonya lamang tulad ng pagtanggap ng mga
pinunong dignitaries mula sa ibang bansa at siya rin
ang nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa ng mga
mamamayan. Ang may pamamalakad sa pamahalan
ay ang Punong Ministro (Yoshihide Suga ang bagong
Punong Ministro ng Japan) na binoto ng mamamayan
(Demokrasya kasi ang Japan)
Ang kasalungat nito ay Absolute Monarchy.
Ang kapangayrihan ay nasa isang tao
lamang, at ang pamamahala ay base sa

Absolute batas ng pinuno


(Hari/Reyna/Emirato/Emperador/Sultan ng
Monarchy bansa. Ang mga bansang may Absolute
Monarchy ay Brunei, Saudi Arabia at iba
pang bansa sa Middle East.
ay uri ng pamahalaan kung saan ang
kapangyarihan ay sa ilalim ang
pamahalaang aristokrasya ay umiiral sa
China,Yogoslovakia at iba pang
komunistang bansa ay aristokratang
pamahalaan. Ang nakapangyayari sa mga
bansang ito ay may partidong komunista
ARISTOKRASYA
na nasa kamay ng ilang
makapangyarahihang tao lamang. May ilan
din namang uri na kung saan inaagaw ang
kapangyarihan sa pamamagitan ng military
junta na kung saan pinapatalsik sa
posisyon ang mataas na lider.
Katuturan
ng
Pamahalaan
Lahat ng bansa ay may pamahalaan na
nagpapasya sa mga gawain ng isang bansa.
Nagmula ang salitang pamahalaan sa wikang
Griyego na nangangahulugang “mamahala o
kumontrol.” Ito ang institusyong gumagawa at
nagpapatupad ng mga batas, naniningil ng buwis
at naglalaan ng gastusin para sa mga
pambansang proyekto tulad ng imprastraktura at

PAMAHALAAN serbisyo tulad ng kalusugan.


 
Ang pamahalaan ang nagpapatakbo ng mga
gawain ng isang bansa o estado tulad ng
kalakalan at edukasyon. Ito rin ang nagpapanatili
ng kaayusan at kapayapaan sa bansa tulad ng
pagtatalaga ng pulisya at military, gayundin ang
pagsasaayos ng sistemang pangkatarungan. Ang
pamahalaan din ang nakikipag-ugnayan sa
pamahalaan ng ibang bansa
Mayroong tatlong
uri ng pamahalaan
na batay sa dami
ng namamahala.
Paglinang sa Kabihasnan
Cloze Procedure. Punan
ang patlang ng wastong
salita upang mabuo ang
diwa ng pangungusap na
patungkol sa mga
ideolohiya at balangkas ng
pamahalaan. Piliin ang
sagot sa ibaba.
KONSEPTO AT TALASALITAAN
Ideolohiya – kalipunan ng mga paniniwala hinggil sa mga pangangailangang dapat
tugunan at sa mga adhikain ng isang tao o grupo ng mga tao, o ng sambayanan
Polisiya – patakaran o pamamalakad
Kolonyalismo – pananakop ng teritoryo. Halimbawa: Ang Filipinas ay kolonya ng
Espanya mula 1565 hanggang 1898.
Demokrasya – sistema ng pamahalaang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay
ng mamamayan; pamahalaan na ang namumuno ay humahango ng kapangyarihan
mula sa mga tao o sa mga mamamayang pinamumunuan

Tandaan Mo/ Sosyalismo – sistema ng pamahalaan na ang tagagawa ng produkto ang siyang
humahawak o nagtataglay ng kapangyarihang politikal at siyang humahawak sa

Pagyamanin mga pamamaraan ng paglilikom at pagpapamudmod ng pangangailangan ng


mamamayan

at Isaisip
Komunismo – sistema ng pamamahala sa ekonomiya, lipunan, at politika na ang lahat
ng kagamitan at pamamaraan ng produksyon ay pag-aari ng estado at binubuo ng
lipunang walang kinikilalang antas (social class), sa ilalim ng isang sentralisadong
pamunuan
Diktadurya – sistema ng pamamahala ng diktador
Domino Theory – ito ang paniniwala ng mga pinuno ng Estados Unidos, lalo na ni
Pangulong Dwight D. Eisenhower (1890–1961), na kapag tuluyang mapasakamay ng
mga komunista ang Vietnam, kakalat ang komunismo sa buong Timog-Silangang Asya
na tila magkakadikit na domino. Naging popular ang teoryang ito noong 1954.
Sanggunian: Gabby’s Practical English-Filipino Dictionary, Lau, Albert, ed. Southeast
Asia and the Cold War. Hoboken, NJ: Routledge, 2012.
Performance Task – 10
puntos
Magaling! Talaga namang Gawain 1: Kung ikaw ay binigyan ng pagkakataong mamuno,
bilib ako sa pagsisikap mo alin sa mga nabanggit na pamahalaan ang iyong pipiliin para sa
sa pag-aaral. Sa bahaging iyong pamamahala?
ito ay inaasahan na ___________________________________________________
___________________________________________________
mailalapit at ___________________________________________________
maisasabuhay ang mga  
kakayahan na nalinang sa Gawain 2: Bilang mahalagang kasapi ng isang pamayanan,
ano-anong kakayahan o katangian ang dapat mong linangin
iyo. Inaasahan na upang lalong maging mabuting mamamayan ng iyong bansa?
magagamit mo rin ito (Sumulat ng 2-3 pangungusap)
sa pang-araw-araw na ___________________________________________________
buhay. ___________________________________________________
___________________________________________________
PAGPAPAHALAGA
(Sumulat ng 2-3
pangungusap)
Sanggunian (References):

Catacutan, Ronaldo F. Modyul 5: Mga Pamahalaan sa Asya. DepEd Region III, SDO City of San
Fernando, Pampanga High School. 2020
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa
Gitna ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.
"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of Education, 2016.
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01
/AP-CG.pdf.
"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management and
Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdfview/18275.
"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource Management and
Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/

You might also like