You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
Tagbina District II
MALIXI INTEGRATED SCHOOL

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7


Na may Integrasyon sa mga Asignaturang Matematika, EsP, Art, Filipino
Petsa ng Pagtuturo: Marso 12, 2021

I. MGA LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy
A. Pamantayan sa
sa Timog at Kanlurang Asya saTransisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang
Nilalaman
ika-20 siglo)
Nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa
B. Pamantayan sa
Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang
Pagganap
ika-20 siglo)
C. Mga Layunin / MELC: Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
Pamantayan sa ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at
Pagkatuto Kanlurang Asya

Mga Layunin: Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. naitatala ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at
Kanlurang Asya;
2. nailalapat ang kaalaman sa pamamagitan ng paggawa ng concept map na
nagpapakita ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo; at
3. napahalagahan ang pagmamahal sa sariling bansa sa kabila ng mga impluwensiya
ng kolonyalismo at imperyalismo.
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo (Ika-16 Hanggang Ika-17
II- NILALAMAN
Siglo)
III- MGA MAPAGKUKUNAN SA PAG-AARAL
A. Mga Sanggunian
1. Gabay ng Guro Blando, Rosemarie C., et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Gabay ng Guro sa
sa Pagtuturo Pagtuturo.Eduresources Publishing Inc., Philippines 2014. Pahina 194-198.
2. Aklat ng mga Blando, Rosemarie C., et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Eduresources
Mag-aaral Publishing Inc., Philippines 2014. Pahina 196-200.
3. Iba pang
Kagamitan mula
sa Learning LAS – Surigao del Sur Division – AP7, Ikatlong Markahan – Unang Linggo
Resources Portal
B. Iba pang
Mapagkukunan
sa Pag-aaral/ Projector, laptop, strips, hand outs
Kagamitan
IV- PAMAMARAAN
A. Panimulang  Pagdarasal/Pagbati
Gawain  Pagsasaayos ng Silid
 Pagtatala ng Lumiban
 Pagbibigay ng mga Paalala
 Balik-Aral
 Pagganyak
 Bago dadako sa panibagong aralin, magpapakita muna ang guro ng isang
_______________________________________________________________________________________________________________
P-2, Malixi, Tagbina, Surigao del Sur, 8308 ...where LOVE for learning begins and make
0933-857-8778 a difference in a CHANGING world!
500582@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
Tagbina District II
MALIXI INTEGRATED SCHOOL
larawan tungkol sa araling tatalakayin. Magtatanong ang guro:
o Ano ang inyong nakikita sa larawan?
o Ano-anong mga pangyayari ang naganap?
o Base sa larawan na inyong nakita, ano kaya ang tatalakayin natin ngayon?
 Paglinang ng mga talasalitaan:
 Kolonyalismo – patakaran ng isang makapangyarihang bansa na
pamahalaan ang mga sinakop na bansa
 Imperyalismo – dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa
pampulitika, pangkabuhayan at kultura
B. Panlinang na  Pangkatang Gawain
Gawain “ Itala Mo”
 Hatiin sa tatlong pangkat ang buong klase.
 Gamit ang ibinigay na kopya ng topikong tatalakayin, punan ng wastong
impormasyong talahanayan ang “Data Retrieval Chart” na ibibigay ng guro sa
bawat pangkat.
 Mga paraan ng presentasyon ng mga awtput:
Unang Pangkat – sa pamamagitan ng Pagbabalita (Newscasting – News Anchor
at Reporter) (Indicator 1 – Filipino)
Ikalawang Pangkat – sa pamamagitan ng Pagguhit (Indicator 1 – Art)
Ikatlong Pangkat – sa pamamagitan ng Sabayang Pagbigkas (Indicator 1 – Filipino)
 Bibigyan ng sampung (10) minuto ang gawaing ito. (7 minuto para sa gawain at
3 minuto para sa presentasyon)
 Pagsusuri/Pagtatalakay

 Pagkatapos ng presentasyon, tatalakayin ang buong aralin gamit ang inihandang


power point presentation, laptop at LCD projector. (Indicator 3 – ICT)
 Ang kolonyalismo ay isang patakaran ng isang makapangyarihang
bansa na pamahalaan ang mga sinakop na bansa upang magamit ang
likas na yaman para sa kanilang interes. Samantala, ang imperyalismo
ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa
aspektong pampulitika, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng
mahina at maliit na bansa upang maging makapangyarihan sa mundo.
 Mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya:
Krusada; paglalakbay ni Marco Polo; Renaissance; Pagbagsak ng
Constantinople; at Merkantilismo.
 Hayaang maipaliwanag ng mga mag-aaral ang mga nilalaman ng paksa ( Unang
Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo – Ika-16 na Siglo hanggang Ika-17 na
Siglo) gamit ang kanilang natutunan sa katatapos lang na pangkatang gawain.
 Mga posibling tanong na ibibigay ng guro para mas lalong maintindihan ng mga
mag-aaral ang aralin:
o Ano ang kolonyalismo at imperyalismo?
o Sa palagay ninyo, paano nagsimula ang kolonyalismo? Imperyalismo?
o Ano-ano ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa bawat yugto ng
pananakop?
o Bakit napakahalaga ng mga Kanluranin ang kolonyalismo? Ang imperyalismo?
o Sa iyong palagay, mga ilang taon na kaya ang nakalipas ng maganap ang
kauna-unahang kolonyalismo at imperyalismo? (Indicator 1 – Matematika)

 Aplikasyon/Paglalapat

_______________________________________________________________________________________________________________
P-2, Malixi, Tagbina, Surigao del Sur, 8308 ...where LOVE for learning begins and make
0933-857-8778 a difference in a CHANGING world!
500582@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
Tagbina District II
MALIXI INTEGRATED SCHOOL
“Ilapat Mo!”
 Ang mga mag-aaral ay inaasahang gumawa ng concept map na nagpapakita ng
epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa ating bansa.
 mga posibling tanong na ibibigay ng guro pagkatapos ng gawain:
o Gaano kahalaga ang pagmamahal sa sariling bansa sa kabila ng mga
impluwensiya ng kolonyalismo at imperyalismo? Magbigay ng mga halimbawa.
(Indicator 1 – EsP)
o Paano ninyo mailalarawan ang buhay ng mga tao lalong-lalo na sa mga
kabataan sa panahon ng pananakop? Katulad ng sa ating bansa sa panahon ng
pananakop ng mga Spañol, Amerikano at Hapon? (Indicator 2)
o Sa kasalukuyan, ano ang inyong mga nakikitang pangyayari na may kinalaman
sa kolonyalismo at imperyalismo? Lokal, buong bansa, o sa ibang bansa?
(Indicator 2)
 Paglalahat

 Magtatanong ang guro:


o Ano ang kolonyalismo? Imperyalismo?
o Ano-ano ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa
Asya?
o Kailan nangyari ang unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?
V - PAGTATAYA
 Pagsusulit/Formative Test
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na salita sa ibaba ang nangangahulugang,
“muling pagsilang”?
A. krusada C. merkantilismo
B. paglalakbay D. Renaissance
2. Ito ay ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan.
A. astrolabe C. barometer
B. Compass D. telescope
3. Ang mga sumusunod ay ang magandang epekto ng kolonyalismo at
Imperyalismo maliban sa:
A. lumawak ang kalakalan
B. nakilala ang iba’t ibang produkto
C. lumawak ang kaalaman sa Heograpiya
D. napalitan ang mga paniniwala at pananampalataya ng mga Asyano
4. Anong uri ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya ang pahayag na, “Ang mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa Kanluranin”?
A. ekonomiya C. kalusugan
B. pulitika D. sosyo-kultural
5. Paano nagaganap ang tuwirang pagkontrol bilang paraan ng kolonyalismo?
A. kapag mas mayaman ang isang mananakop na bansa
B. kapag ganap na pinangangasiwaan ang bansang nasakop
C. kapag ang isang mananakop ay may taglay naganap na kapangyarihan
D. kapag inilipat ng bansang sumakop ang mga tanggapan ng
pamahalaan sa sinakop na bansa

VI – TAKDANG-ARALIN
_______________________________________________________________________________________________________________
P-2, Malixi, Tagbina, Surigao del Sur, 8308 ...where LOVE for learning begins and make
0933-857-8778 a difference in a CHANGING world!
500582@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
Tagbina District II
MALIXI INTEGRATED SCHOOL
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga tanong at isulat sa ikaapat na bahagi
ng papel:

1. Sa palagay mo, bakit ang mga Kanluranin ang madalas manakop ng mga ibang
bansa lalong-lalo na sa Asya?
2. Magbigay ng iba pang halimbawa na makikita mo sa iyong lokalidad na sa tingin
mo ay impluwensiya ng kolonyalismo at imperyalismo.
VI – Reflection

a. No. of learners within mastery level: _______________________________


b. No. of learners needing reinforcement and remediation: _______________
c. Did the remedial lesson work? ____________________ No. of learners who have caught up _____________________
d. No. of learners who continue to require remediation___________________
e. Which of my teaching strategies worked well? ________________________________________________________________________
f. Why did this work? _____________________________________________________________________________________________
g. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve? _________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
h. What innovations or localized materials did I use/discover which I wish to share with other teachers? ____________________________
________________________________________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Iniwasto at Isiniyasat ni:

ROEL O. PABELONIA MYRNALYN V. EVANGELIO


Tagapagturo ESP-II/Punong-Guro

_______________________________________________________________________________________________________________
P-2, Malixi, Tagbina, Surigao del Sur, 8308 ...where LOVE for learning begins and make
0933-857-8778 a difference in a CHANGING world!
500582@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
Tagbina District II
MALIXI INTEGRATED SCHOOL

Batayan sa pagmamarka ang sumusunod na kraytirya:

Mga Kraytirya Natatangi Mahusay Medyo Mahusay Hindi Mahusay


(10pts) (8pts) (6pts) (4pts)

Malinaw na mensahe

Malawak na
kaalaman sa
paksang tinatalakay

Pagkamalikhain

Kabuang Marka

_______________________________________________________________________________________________________________
P-2, Malixi, Tagbina, Surigao del Sur, 8308 ...where LOVE for learning begins and make
0933-857-8778 a difference in a CHANGING world!
500582@deped.gov.ph

You might also like