You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Bungsuan National High School


Dumarao, Capiz

LESSON PLAN
Oktubre 21, 2015
I. Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga Pilosopiya sa Asya.
2. Naibabahagi ang mga ambag ng iba’t-ibang Pilosopiya sa Asya.
3. Nasasabi ang nagpasimuno ng iba’t-ibang Pilosopiya sa Asya.

II. Nilalaman
Paksa: Mga Pilosopiya sa Asya
Sanggunian: Asya: Pagkiakaisa sa Gitna ng Pagkakaisa, Rosemarie C. Blando, et
al., Eduresources Publishing, Inc., p. 161-162
Kagamitan: kompyuter, manila paper, pentel pen, cartolina
Pagpapahalaga: pagtutulungan at pakikisam

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Balik-aral
1. Anu-ano ang mga relihiyon sa Asya?
 Hinduismo
 Budhismo
 Sikhismo
 Kristyanismo
 Zoroastriyanismo
 Islam
 Judaismo
2. Sinu-sino ang nagtatag ng mga relihiyong ito?
 Budhismo: Sidharta Gautama
 Jainismo: Mahaviro o Vardamana
 Sikhismo: Guru Nanak
 Kristyanismo: Hesu Kristo
 Zoroastriyanismo: Zoroaster
 Islam: Muhamad
 Judaismo: Moses
b. Pagganyak
Panuto: Kulayan ang larawan at tukuyin ang sinu-sino ang mga ito.
B. Paglinang ng Aralin
1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at pagkatapos ay magtalaga ng lider.
2. Ang napiling lider ang pipili ng letrang kanyang napupusuan.
3. Panoorin ang bidyu ayon sa letrang nabunot ang sagutin ang mga gabay na
tanong
4. Pagkatapos panuorin ang mga bidyu, punan ng angkop na salita
ang kahon
Concept Mapping.

Mga Pilosopiya sa Asya

Pilosopiya Pilosopiya Pilosopiya


®

Nagtatag Nagtatag Nagtatag

Turo at paniniwala Turo at paniniwala Turo at paniniwala

a. Analisis
Ibahagi sa klase ang mga sagot ayon sa bidyung napanood.

C. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat
1. Anu-ano ang mga pilosopiya sa Asya?
Ang mga pilosopiya sa Asya ay
 Confucianism
 Taoism
 Legalismo

2. Anu-ano ang mga paniniwala ng bawat pilosopiya sa Asya?


Confucianism
 Mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay
magdadala sa kanya ng kapayapaan
Taoism
 Ang buhay at kamatayan ay magkasama
 Lahat ng bagay ay iisa
Legalismo
 Ang pagsasaka at pagtatanggol sa bayan bilang sundalo
ay makapagsasalba ng lipunan
b. Paglalapat
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga pilosopiya sa Asya ang sa tingin nyo ay
dapat nating tularan at sundin?
Confucianism, dahil ito ay may “pagnanais na makatulong sa iba
na maabot nila ang kanilang hangarin” ayon na rin sa mga turo
nito.Tinuturo din nito kung paano "maging mabuti at mapagbigay
sa nangangailangan", magkaroon ng "simpatya", "pusong
makatao" at "makatuwid na kaugalian".
IV. Pagtataya
Panuto: Itiman ang bilog ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na pilosopiya sa Asya ang naniniwala na ang mabuting
paraan ng pamumuhay ang magdala sa kanya sa kapayapaan?
a. Confucianism
b. Legalism
c. Taoism
d. Jainism
2. Ano ang tawag sa kasulatan ng mga Taoismo kung saan naglalayong makamit ang
ugnayang mistiko?
a. Tao Teaching
b. Four Books at Five Classics
c. Ethical Teaching
d. Ten Commandments
3. Alin sa mga pilosopiya sa Asya ang naniniwala na ang lahat ng bagay ay iisa?
a. Legalism
b. Taoism
c. Confuciasm
d. Sikhism
4. Sya ay kilalang pilosopo sa Asya na sumulat ng librong Four Books at Five
Classics
a. Confucius
b. Lao Tzu
c. Mencius
d. Xun Kuang
5. . Alin sa mga ito ang paniniwala ni Confucius?
a. Ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng
kapayapaan .
b. Naniniwala siya na kapag gumawa ka ng masama ang katumbas ay dapat
gumawa ka ng kabutihan.
c. Naniniwala siya sa iisang diyos.
d. Siya ay naniniwala sa reinkarnasyon.

V. Kasunduan
Iguhit ang pilosopo na iyong nagustuhan at ang kanilang pilosopiya.

You might also like