You are on page 1of 12

SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY

GUMACA CAMPUS
Gumaca, Quezon
Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies

Banghay Aralin
sa Araling Panlipunan Baitang-7 Ikalawang Markahan
na ginagamitan ng Detailed 4A’s

I. Layunin
Sa araling ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. nasusuri ang mga kalagayan at bahaging ginampanan ng mga sinaunang kababaihang
Asyano
2. maka paghahambing tungkol sa kalagayan ng mga kababaihan noon at ngayon
3. mapapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga kababaihan Asyano sa
pagtataguyod at pagpapanatili ng kanilang katayuan sa lipunan

II. Nilalaman
a. Paksa: Ang mga Kababaihan Noon sa Pilipinas
b. Sanggunian: Module ng Araling Panlipunan Baitang 7 Ikalawang Markahan
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Pictures, Graphic Organizer

III. Pamamaraan

Gawain Ng Guro Gawain/Tugon Ng Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN
a. Pambungad na Pagbati at
Panalangin
“ Magandang Umaga.” “ Magandang Umaga rin po Maam/Teacher
Gly.”
“ Tayo ay tumayo upang manalangin.
Shane pangunahan mo ang (Ang lahat ay nagsitayo upang manalangin.)
panalangin.’’

b. Pagsasaayos ng Silid Aralan


“ Bago kayo umupo, pulutin ang mga (Ang lahat ng mag-aaral ay pupulutin ang
kalat sa paligid at ayusin ang inyong mga kalat at aayusin ang kanilang mga
mga upuan.’’ upuan.)

“ Maaari na kayong umupo.” “ Maraming salamat po!”

c. Pagtatala ng Liban sa Klase


“ May lumiban ba sa ating klase (Magtatala at sasabihin kung sino ang mga
ngayong araw Secretary?” liban sa klase.)

d. Pagbabalik Aral
“Bago tayo dumako sa ating aralin
ngayong araw ay magkaroon muna (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.)
tayo ng pagbabalik aral. Tungkol saan
ba ang ating pinag aralan kahapon?
Sinong nakakaalala?”

(Tatawag ng mag-aaral upang “ Tungkol po sa mga kababaihan noon sa


sumagot.) “Yes, Hanna.” kulturang Tsino at Muslim.”

“Tama! Maraming Salamat.”

“ Batay sa pinag aralan natin


kahapon, ano nga ulit ang ipinasusuot (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.)
ng kulturang tsino sa mga kababaihan
noon upang hindi sila makalayo sa
kanilang tahanan?’’

(Tatawag ng mag-aaral upang “ Sapatos na bakal po.’’


sumagot.)

“Okay, Tama! Sapatos na bakal o Foot


binding.”

“ Ano naman ang pagkakaiba ng


Polyandry at Polygamy? Batay sa (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.)
pinag aralan natin kahapon?’’

(Tatawag ng mag-aaral upang “ Ang Polyandry po ay nangangahulugan na


sumagot.) maaaring maging asawa ng magkapatid na
lalaki ang isang babae dahil sa kakulangan
sa pagkain. Habang ang Polygamy naman po
“ Okay, very good.” ay ang pag-aasawa ng isang lalaki sa
maraming babae.’’

“ Bago tayo mag simula sa ating


paksa ngayong araw, mayroon pa ba “ Wala na po.”
kayong mga katanungan tungkol sa
ating paksa kahapon?”

B. Aktibiti
a. “ Ngayon ay dadako na tayo sa ating
bagong aralin. Bago yun ay dumako
muna tayo sa isang aktibidad.”

(Magpapakita ng mga larawan.)


b. “ Sa inyong palagay ano ang ating
pag aaralan sa araw na ito? Batay sa (Sasagot ang mga mag-aaral.)
mga larawan na inyong nakikita.”

“Okay. Pwede.” “Another idea.?” “ Sa Kasal po.”

“ Okay. Pwede rin.” “May gusto pa “ Sa mag asawa po.”


bang sumagot?”
“ Ma’am tungkol po sa mga kababaihan?”
“ Okay. Lahat ng sagot nyo ay tama.”

c. “ Ngayong araw ay pag-uusapan natin


ang tungkol sa mga kababaihan sa
Pilipinas noon. Gayundin ay pag
uusapan natin kung kung paano sila
ikinakasal noon, kung sino ang
kanilang maaaring maging asawa at
ang mga batas tungkol sa mga
kababaihan noon.”

d. “Sa inyong palagay, ano-ano ang mga


ginagampanang papel ng mga “ Nasa bahay lang po.”
kababaihan noon sa Pilipinas?”
“ Pinagsisilbihan po ang asawa.”
“ Okay. Tingnan natin kung tama ang
mga sagot nyo.”

C. Analisis
a. (Tatalakayin ang aralin.)
“ Mayroon tayong tinatawag na boxer
codex. Nakapaloob dito na bago
dumating ang mga Espanyol sa
Pilipinas, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring
patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae sa sandaling makita
niya itong kasama ng ibang lalaki.”

b. “ Sa inyong palagay, kung sa ngayon


ay may tinatawag tayo na divorce at
annulment upang maghiwalay ang (Mag tataas ng kamay.)
mag asawa, sa paanong paraan
naman winawakasan ng mag asawa
ang kanilang pagiging kasal noon?”

“Yes, Shane.” “ Yung mga lalaki po is binabawi po nila yung


mga dowry na binigay nila sa pamilya ng
“Okay, tama yun.” babae.”

c. “ So paano nga ba winawakasan ang


pagkakatali sa kasal noon?”
“ Kung gustong hiwalayan ng lalaki
ang kanyang asawa, maari niya itong
gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa
ari- ariang binigay niya sa panahon ng
kanilang pagsasama.”
“ Kagaya nga ng sinabi ni Shane
kanina na binabawi nila ang dowry na
ibinigay nila.”
“ Subalit kung ang babae naman ang
nagnanais na hiwalayan ang kanyang
asawa ay wala siyang makukuhang
anumang pag- aari.

d. “ Ngayon naman ay tutungo tayo sa


dalawang Kodigo sa kababaihan sa
sinaunang lipunan.”

“ Ano ba kapag sinabi nating Kodigo?” Mga batas po.”

“Okay, Tama.”

“Mayroon tayong dalawang Kodigo sa


kababaihan noon sa lipunan. At yun
ay ang Kodigo ni Hammurabi at
Kodigo ni Manu.”

(Magpapakita ng larawan.)

D. Abstraksyon
a. “ Ano nga ba ang mga batas na
nakapaloob sa dalawang Kodigo?
Unahin natin ang Kodigo ni
Hammurabi.”

“ May ideya ba kayo kung sino si ( Naging hari po siya ng Babilonya.)


Hammurabi?”
“ Okay. Tama yun.”

“ Si Hammurabi ay ikaanim na hari ng


Unang Dinastiya ng Babilonya.
Lumikha siya ng mga batas upang
itaguyod ang maayos na kaugalian at
lipunan sa kanyang nasasakupan.
Bahagi ng mga probisyon na ito ang
mababang pagtingin sa mga
kababaihan.”

b. (Tatalakayin ang mga batas.) ( Makikinig ang mga mag-aaral.)


“ Ang mga batas na nakapaloob sa
Kodigo ni Haring Hammurabi ay ang
mga sumusunod:
1. Itinuturing ang mga babae na
parang produkto na binebenta
at binibili sa kalakalan.
2. Ipi-nagkakasundo ang babae
sa ibang lalaki kapalit ng pera
at dote.
3. Kahit bata pa lamang ang mga
babae ay ipagkakasundo na
siya hanggang umabot sa
sapat na gulang. Ayon
din sa batas ni Hammurabi,
ang babaeng hindi tapat sa
kanyang asawa ay
parurusahan ng kamatayan.
Sa oras na mahuli siyang
nakikipagtalik sa ibang
lalaki pareho silang itatapon sa
dagat hanggang malunod.
4. Pinapayagan na ibenta ng
lalaki ang kanyang asawa at
mga anak.
5. Mahigpit ang pagbabawal sa
paglahok ng mga babae sa
kalakalan.”

c. “ Ngayon ay dumako naman tayo sa


Kodigo ni Manu sa Kababaihan sa
Sinaunang Lipunan."

( Tatalakayin ang mga batas.) ( Makikinig ang mga mag-aaral.)

“ Ang mga batas naman na nakapaloob


sa Kodigo ni Manu ay ang mga
sumusunod:
1. Ang isang Brahmin o pari sa
Hinduismo ay hindi pinapayagan na
makipagtalik sa isang mababang uri
ng babae sa lipunan dahil siya ay
mapupunta sa impyerno.
2. Ipinagkakaloob ang dote sa
pamilya ng isang babae at hindi sa
kanya.
3. Ang mga ritwal na may
kaugnayan sa kababaihan ay hindi
kinikilala.
4. Ayon din sa Kodigo, ang agwat
ng edad ng mag asawa ay tatlong
beses ang tanda sa lalaki sa kanyang
asawang babae.
5. Isa pa na iniuutos ng kodigo, ay
hindi dapat tututol ang ama na
ipag-kasundo ang anak na babae na
ipa-kasal dahil ito ay isang malaking
paglabag na katumbas ay
pagpapalaglag sa sanggol.

d. “ Kung kayo ang tatanungin alin sa (Magtataas ng kamay.)


dalawang Kodigo ang pipiliin nyo?
Bakit?”

(Tatawag ng mag-aaral.) ( Mga inaasahang sagot mula sa mag-aaral.)

“ Okay. Sino pang gustong sumagot?” “Wala po kasi pareho po silang


nagdedescriminate sa mga kababaihan.”

“ Okay. Salamat.” “Kodigo ni Manu po kasi hindi sya katulad ng


Kodigo ni Hammurabi na itinuturing mga
( Magbibigay ng sariling pananaw kababaihan na parang produkto na ibebenta
kung ano ang pipiliin sa dalawang lang.”
kodigo.)

E. Aplikasyon
a. (Hahatiin sa dalawang grupo ang mga
buong klase)

“ Bawat grupo ay gagawa ng


dalawang Kodigo para sa mga
kababaihan noon. Ipapaliwanag nyo
kung bakit yun ang naisip nyo at kung
paano ito makakatulong sa mga
kababaihan noon. Pipili kayo ng isang
magrerepresenta ng inyong grupo
upang sabihin ang inyong naging
sagot. Naintindihan nyo ba ang inyong “ Opo.”
gagawin?”
“Mayroon lamang kayong sampung
minuto upang maghanda.”

b. ( Tatawagin na ang unang grupo na ( Mag babahagi ang unang grupo ng kanilang
magbabahagi ng kanilang naging naging sagot)
sagot.)

( Tatawagin ang ikalawang grupo ( Mag babahagi ang ikalawang grupo ng


upang ibahagi sa klase ang kanilang kanilang naging sagot)
naging sagot.)

c. “Okay good job everyone.”


(Magbibigay ng kunteng feedback at
karagdagang impormasyon o opinyon
tungkol sa mga naging sagot ng mga
mag-aaral.)

d. ( Magpapakita ng dalawang graphic


organizer. )

Kababaihan
Noon

Kababaihan
Ngayon
“ Ngayon naman ay magbigay kayo
ng mga katangian, ugali, kakayahan,
at katayuan sa lipunan ng mga
kababaihan noon at ngayon. “

(Tatawag ng mga mag-aaral upang ( Mga inaasahang sagot mula sa mga


sumagot.) mag-aaral.)

(NOON: Laging nasa bahay, Mahinhin, Bawal


magtrabaho, Pag aalaga sa pamilya ang
obligasyon.)

(NGAYON: Kilala na sa lipunan, Pwede ng


gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga
lalaki gaya ng paghahanap buhay, Sila na
ang nagtatrabaho para sa pamilya.)
“ Okay, salamat. Makikita natin
sainyong mga naging sagot ang
pagkakaiba ng mga kababaihan sa
panahon ngayon at noon maging ang
kanilang mga katayuan sa ating
lipunan.”

F. Paglalahat
a. “ Ano ang ibig sabihin ng Boxer ( Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral.)
Codex?”

(Tatawag ng mag aaral upang “ Ang boxer codex po ay bago dumating ang
sumagot.) “Yes Patricia.” mga Espanyol sa Pilipinas noon ay
pinapayagan ang mga
“ Okay. Tama yun.” lalaki na magkaroon ng maraming asawa.”

(May magtataas ulit ng kamay.)


“Yes, Dave.”
“ Sinasabi din po sa boxer codex na
maaaring patayin ng lalaki ang kanyang
“ Okay, very good.” asawang babae sa sandaling makita niya
itong may kasamang ibang lalaki.”

b. “ Ano naman ang mga naging ( Mga inaasahang sagot mula sa mga
katangian at katayuan sa lipunan ng mag-aaral.)
mga kababaihan noon batay sa
dalawang Kodigo na ating tinalakay?” “ Lagi lang po silang nasa bahay at bawal
mag trabaho. Hindi rin po kinikilala ang mga
“ Okay. Very Good.” ritwal na may kinalaman sa kanila. Pwede
silang ibenta at bilihin. Fix marriage po ang
nangyayari sa kanila. “

c. “ Bilang isang mag-aaral paano nyo ( Mga inaasahang sagot mula sa mga
mapahahalagahan ang mga naging mag-aaral.)
ambag o ang mga ginampanan ng “ Siguro po gagawin ko silang inspirasyon
mga kababaihan noon sa asya?” para pahalagahan kung anong mga meron
ako ngayon at kaya kong gawin ngayon. Kasi
hindi po nila nagawa yun dati. Kagaya na
lamang ng pagtatrabaho, Pagpili sa kung sino
ang gusto nating pakasalan, Pwede nating
gawin ang mga bagay na gusto natin at
Irerespeto at pahahalagahan ko ang sarili ko
bilang babae dahil dati ay binebenta lang
sila.’’
“ Okay. Very Good”

d. (Clarification sa Topic)
“ May mga katanungan pa ba kayo
tungkol sa ating aralin ngayong araw? “ Wala na po.”
O may mga gusto pa ba kayong
ibahagi?”

G. Ebalwasyon
a. “ Kumuha ng isang malinis na papel at
sagutin ang mga sumusunod na
katanungan. Sagot na lamang ang
inyong isusulat at hindi na ang mga
tanong.”

b. (Ipapakita ang power point


presentation para sa ebalwasyon.)

c. Unang Gawain
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang KH na
kolum kung ang pahayag ay
nabibilang sa Kodigo ni Hammurabi at
i-tsek (/) naman ang kolum na KM
kung ito ay kabilang sa Kodigo ni
Manu.

Pahayag KM KH

1. Ibinibenta ang babaeng


asawa sa kalakalan.

2. Basehan ang agwat ng edad


ng mag-asawa.

3. Kinakailangang
sumang-ayon ang ama na
ipagkasundo ang kanyang
anak na babae.
4. Kapag nagtaksil, ang
asawang babae ay itinatapon
sa dagat hanggang sa
malunod.

5. Bawal makilahok ang mga


babae sa kalakalan.

d. Ikalawang Gawain:
Panuto: Tukuyin ang mga
sumusunod na pahayag. Kung ito ay
may katotohanan, iguhit ang
masayang mukha :) at malungkot na
mukha naman kung sa tingin mo ito
ay walang katotohanan sa patlang
bago ang bilang.

____1. Noong sinaunang panahon,


ang mga kababaihan ay may
karapatang bumoto.
____2.Ipinapakita ng mga kababaihan
sa India ang kanilang pagmamahal sa
kanilang asawa sa pamamagitan ng
pagtalo nito sa apoy kapag ito ay
sumakabilang-buhay.
____3. Simbolo ng kagandahang
katauhan ang pagsuot ng purdah ng
mga kababaihang Muslim.
____4. May karapatan ang mga
kababaihan na pumili ng kanilang
mapapangasawa noon.
____5. Pinapatay ang mga sanggol
na babae sa India sa kadahilanang
ito ay malas.

H. Takdang-Aralin
a. “ Sa inyong takdang aralin susulat
kayo ng isang maikling tula na ang
pamagat ay “Babae Noon, Babae
Ngayon” na binubuo ng hindi bababa
sa dalawang saknong at hindi tataas
sa tatlong saknong na may apat na
linya.”

b. Isulat ito sa isang long bond paper at


ipapasa bukas.

c. (Sasabihin at ipaliliwanag ang


pamantayan sa pagmamarka ng
takdang aralin.)
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
Nilalaman at Kaangkupan-15 puntos
Pagkamalikhain/ Organisasyon-10
puntos
Kaayusan/ Kalinisan-5 puntos
Kabuuan-30 puntos

d. “ May mga katanungan pa ba kayo


para sa inyong takdang aralin.?” “Wala na po.”

“ Kung ganon ay dito na nagtatapos


ang ating klase ngayong araw. “Goodbye Ma’am/Teacher Gly.”
Salamat sa inyong lahat and have a
nice day everyone.” “Goodbye”

Inihanda ni: Edano, Glydel D.


BSED – Social Studies III
Para sa subject na: SSE20 - Teaching Approaches in Secondary Social Studies

You might also like