You are on page 1of 16

Petsa: Agosto 7, 2019

Oras: 7:30-8:30 AM; 2:15-3:15 PM


Baitang/Pangkat: Grade 8-Ruby
Grade 8-Opal

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipuan 8

A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipapamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kanyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan
na nagkaloob ng mga pamanang huhubog sa pamumuhay ng kasalukuyang
henerasyon.
B. Pamantayan sa Pagganap
 Nakabubuo ng panukalang proyektong magsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para
sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

I. LAYUNIN
K: Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, pinagmulan,
batayan at katangian. (AP8HSK-Ih-7)
: Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya,
Kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan. (AP8HSK-Ii-8)
S: Nakakagagawa ng concept map ukol sa katuturan at batayan ng salitang “kabihasnan”.
A: Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
(AP8HSK-Ij-10)

II. BANGHAY-ARALIN
Paksa: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Sanggunian: Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat)
Kagamitan: laptop, imahe at jumbled words para sa pagganyak, makukulay na papel
(construction paper), manila paper, pentel pen
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang-Gawain
 Balik-aral
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak (Picture Frame at Jumbled Words)
*Magbibigay ng ginupit na construction paper sa klase. Ipasusulat sa mga mag-aaral
ang kanilang mga kompletong pangalan dahil ito ang magiging batayan sa susunod na
gawaing activiti.
Pink – Unang Pangkat
Blue – Ikalawang Pangkat
Green – Ikatlong Pangkat
*Bawat grupo ay makakatanggap ng envelope na may lamang picture frame o mga
imahe at jumbled letters. Inaasahang ang bawat grupo ay makabubuo ng isang salita
mula sa jumbled letters na siyang maglalarawan o kumakatawan sa imahe.
*Ipapaskil sa pisara ang mga imahe katabi ng mga nabuong salita na naglalarawan o
kumakatawan ditto.
Unang Pangkat – PAMAYANAN, PAGSULAT
Ikalawang Pangkat – ILOG, PYRAMID
Ikatlong Pangkat – PAGSASAKA, CERAMICS
*PAMPROSESONG TANONG
1. Anu-ano ang mga salitang inyong nabuo?
2. Suriin ang mga nabuong salita, maging ang mga imahe. Ano kaya ang isang
salitang pinakaangkop para ilagay sa itaas ng frames? (KABIHASNAN)
3.Batay sa mga imahe sa mga frame, ano ba ang sarili ninyong pagkaunawa sa
salitang “kabihasnan”?
4. Batay sa nagging activiti, may ideya ba kayo sa kung tungkol saan ang tatalakayin
natin sa araw na ito?
2. Mga Gawain
a. Ang bawat grupo ay mag-iisip at magbibigay ng kahulugan, katuturan, at
kahalagahan ng salitang kabihasnan. (Pakikinggan ang ginawang depinisyon
pagkatapos)
b. Sa parehong grupo, pupunan ang “blank concept map” ng salitang may
kaugnayan sa kabihasnan.

Kabihasnan

c. Batay sa nabuong concept map, ano ang inyong sariling pagpapakahulugan ng


salitang kabihasnan?
3. Magpapakita ng mga sumusunod na imahe.

*PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang sinisimbolo ng korona ng hari? Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan
ng mga pinuno at mga batas sa sinaunang pamayanan?
2. Ano ang kahulugan ng larawan ng mga isda at palay sa aspektong pangkabuhayan
ng mga sinaunang tao? Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtatanguyod
ng kabihasnan?
3. Paano nagsimula ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao?
4. Ano ang kabutihan at kahalagahan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
5. Ano ang sinisimbolo ng gulong? Bakit mahalaga at malaki ang pakinabang ng
mataas na antas ng agham at teknolohiya?
6. Paano mailalarawan ang kabihasnan ayon sa inilahad na mga batayan nito?

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga
 Mahalaga bang lubos na maunawaan ang katuturan ng kabihasnan? Bakit?
 Tunay nga bang may importanteng papel na ginagampanan ang mga batayan
ng kabihasnan sa pagkabuo at patuloy na pag-unlad ng isang pamayanan?
Bakit?
 Mahalaga ba sa ating pamumuhay sa kasalukuyan ang kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig? Bakit?
2. Paglalahat
 Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang pamayanan o paraan ng pamumuhay
ng tao na kinakitaan ng mataas na antas ng kalinangang kultural at maunlad na
lipunang may organisadong pamahalaan,ekonomiya, sining, at sistema ng
pagsulat.
 Ang apat na bayatan ng kabihasnan ay ang mga sumusunod:
a. Pinuno at batas
b. Aktibong kalakalan
c. Sistema ng Pagsulat
d. Mataas na Antas ng Agham at Teknolohiya

IV. PAGTATAYA
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang kahulugan at katuturan ng kabihasnan?
2. Bakit mahalaga ang bahaging ginampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang
pamayanan?
3. Bakit mahalaga ang aktibong kalakalan sa pagtataguyod ng kabihasnan?
4. Ano ang kahalagan ng sistema ng pagsulat sa isang pamayanan?
5. Bakit malaki ang pakinabang ng mataas na antas ng agham at teknolohiya?
6. Ibigay ang apat na batayan ng kabihasnan. Ipaliwanag ang kalahalagahan at
importansya ng mga ito sa pag-usbong ng kabihasnan noon, at maging hanggang
ngayon. (10 points)

V. TAKDANG-ARALIN
1. Anu-ano ang mga sinaunang kabihasnan umunlad sa daigdig partikuar na sa Asya, Africa
at America?
2. May bahaging ginagampanan ba ang heograpiya sa paghubog ng mga kabihasnan noong
sinaunang panahon? Bakit?
Petsa: Setyembre 1, 2019
Oras: 7:30-8:30 AM; 2:15-3:15 PM
Baitang/Pangkat: Grade 8-Ruby
Grade 8-Opal

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipuan 8

A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipapamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kanyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan
na nagkaloob ng mga pamanang huhubog sa pamumuhay ng kasalukuyang
henerasyon.
B. Pamantayan sa Pagganap
 Nakabubuo ng panukalang proyektong magsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para
sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

I. LAYUNIN
K: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. (AP8HSK-Ig-6)
S: Nagagawa ng Geopgraphy Checklist ukol sa mga Sinaunang Kabihasnan na umusbong
sa daigdig.
A: Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
(AP8HSK-Ij-10)

II. BANGHAY-ARALIN
Paksa: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Sanggunian: Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat)
Kagamitan: laptop, imahe at jumbled words para sa pagganyak, makukulay na papel
(construction paper), manila paper, pentel pen

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang-Gawain
 Balik-aral
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
*Ipaskil ang mapa ng daigdig. Ipatukoy ang mga kontinente ng daigdig.
*Ipatukoy rin sa mapa ang mga sinaunang kabihasnan sa pamamagitan ng
paglalagay ng bituin sa kinaroroonan nito sa mapa. Itanong kung saan umusbong
ang mga nasabing sinaunang kabihasnan sa daidig.
*May mahalagang papel ba ang heograpiya sa paghubog at pag-usbong ng mga
kabihasnan sa sinaunang panahon?
*Paano naimpluwensyahan ng heograpiya ang pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan?

2. Mga Gawain
*Hahatiin sa lima ang klase.
1. Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
2. Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya
3. Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
4. Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa
5. Ang Kabihasnan sa Mesoamerica
*Magbibigay ng mga Gabay na Tanong sa bawat grupo at kanila itong ibabahagi
sa klase.
*Hihikayatin ang klase na diskubrihen ang mahalagang papel at impluwensya ng
heograpiya sa pag-usbong at pag-unlad ng kabihasnan sa sinaunang panahon.

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga
 May mahalagang papel ba na ginagampanan ang heograpiya sa pag-unlad ng
kabihasnan sa sinaunang panahon? Bakit?
2. Paglalahat
 Ang Kabihasnan sa Mesopotamia ay umusbong sa dalawang ilog---ang
Tigris at Euphrates.
 Umusbong naman ang Kabihasnan sa Timog Asya sa Indus River.
 Ang Yellow River/ Ilog Huang Ho ay may mahalagang papel naman na
ginampanan sa kabihasnang umusbong sa Silangang Asya.
 May malaking tulong ang Nile River sa kabihasnang umusbong sa Egypt sa
Afica.
 Ang mga anyong lupa at anyong tubig sa Mesoamerica ay may mahalagang
papel pag-usbong at pag-unlad ng kabihasnan na umusbong rito.
3. Paglalapat
 Gawin ang Geography Checklist sa pahina 65 sa batayang aklat.
Pamprosesong Tanong

1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan


sa daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
2. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal
ang mga sinaunang kabihasnan?
3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal na ito sa pamumuhay ng
mga sinaunang tao?
4. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang
kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan? Bakit?

IV. PAGTATAYA.

I.(Sagutin ang Gawain 3 sa pahina 64 sa Batayang Aklat.

II. Kilalanin ang tinutukoy ng bawat aytem

1. Ang ______________ ay nangangahulugang lupain sa pagitan ng dalawang ilog.

2-3. Ang dalawang ilog na ito ay may mahalagang papel na ginagampanan sa


kabihasnang umusbong sa Kanlurang Asya.

4. Ito ang lungsod sa Kanlurang-Asya na itinuturing na kauna-unahang lungsod sa


daigdig.

5. Ang ilog na ito ay may mahalagang pape na ginampanan sa pag-usbong ng kabihasnan


sa Timog-Asya
6-7. Ito ang dalawang lungsod sa lambak ng Indus na sinasabing pinakabagong tuklas na
mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon.

8.Ang kabihasnan na umusbong sa bansang ito ang pinakamatandang kabihasnang


nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.

9. Saan umusbong ang kabihasnan sa China?

10. Siya ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinulot ng lambak-
ilog sa China.
11. Ito ay nangangahulugang Middle Kingdom.

12-13. Anu-ano ang mahalagang papel ng Nile sa Egypt?

14. Anong aspekto ng heograpiya ang nakatulong upang mahadlangan ng Egypt ang
pagsalakay at sila ay makapamuhay nang masaya at mapaya sa loob ng mahabang
panahon.

15. Ito ang tawag sa kauna-unahang kabihasnang umusbong sa America noong ika-13 na
Siglo BCE.

V. TAKDANG-ARALIN’

1. Magsaliksik ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa mga Sinaunang Kabihasnan na


umusbong sa Kanlurang Asya, Timog Asya, Silangang Asya, Africa, at Mesoamerica.

2.Anu-ano ang kontribusyon ng bawat kabihasnan?


Petsa: Setyembre 9, 2019
Oras: 7:30-8:30 AM; 2:15-3:15 PM
Baitang/Pangkat: Grade 8-Ruby
Grade 8-Opal

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipuan 8

A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipapamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kanyang
kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan
na nagkaloob ng mga pamanang huhubog sa pamumuhay ng kasalukuyang
henerasyon.
B. Pamantayan sa Pagganap
 Nakabubuo ng panukalang proyektong magsusulong sa pangangalaga at
preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para
sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

C. LAYUNIN
K: Natatalakay ang pamana at ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
(AP8HSK-Ig-6)
S: Nabubuo ng Thank You Letter ukol sa mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig.
A: Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
(AP8HSK-Ij-10)

II. BANGHAY-ARALIN
Paksa: Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Sanggunian: Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat)
Kagamitan: laptop

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang-Gawain
 Balik-aral
B. Paglinang na Gawain
1. Pagganyak
 Magpapakita ng Video ukol sa mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig.
 Tanungin ang klase kung tungkol saan ang napanood.
2. Mga Gawain
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga
Magpapagawa ng Thank You Letter o Liham Pasasalamat ang mga Sinaunang
Kabihasnan Ukol sa kanilang ambag noon na magpahanggang ngayon ay
napapakinabangan nating lahat sa buong mundo.
2. Paglalahat
 Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig ay may kanya-
kanyang kontribusyon o ambag na magpahanggang ngayon ay
napapakinabingan nating lahat sa buong mundo.
3. Paglalapat
IV. PAGTATAYA

Tukuyin ang mga sumusunod:


1. Ito ang lugar sa Mesopotamia kung saan sinasamba nila ang kanilang mga diyos at
patron.
2. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng na nalinang sa Sumer.
3. Ang ambag na ito ng Kabihasnang Mesopotamia ay naglalaman ng 282 kalipunan ng
batas.
4. Ito ang sinasabing nagsilbing simbolo ng Kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang
panahon.
5. Ito ang sinasabing libingan ng mga Pharaoh sa Egypt at kaya sinisimbolo nito ang
kapangyarihan ng mga namumuno.
6. Ito ang sistema ng pagsulat ng mga Egyptian.
7. Isa ito sa mga ambag ng Egypt kung saan ang katawan ng yumao ay isinasailalim sa
isang preserbasyon bago tuluyang ilibing.
8. Ang paniniwalang ito ay mula sa China at sinasabing magdulot ng magandang
kinabukasan sa sinuman ang tamang pagbalanse ng Yin at Yang.
9-10. Magbigay ng dalawang pamana o ambag ng Kabihasnang Indus.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ano-ano ang pamana o ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig? (5 puntos)
2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga sinaunang taong
naninirahan sa kani-kanilang kabihasnan? (5 puntos)
3. Maituturing ba na dakilang pamana ang mga ambag na ito? Bakit? (5 puntos)

You might also like