You are on page 1of 6

SEMI - DETAILED

LESSON PLAN
Araling Panlipunan 7
SY 2022-2023

Inihanda ni:
Ella Feliza C. Carreon
BSE IV

Checked and Reviewed by:


Ma’am Haidee Reytomas
T – III

Noted by:
JAL M. ACHACOSO, EdD
T – III/ Araling Panlipunan Coordinator
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:
1. Natutukoy at nasusuri ang mga naging Epekto ng mga pangyayari sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
2. Nabibigyang kahalagahan ang pagkakaroon ng Kapayapaan.
3. Nakabubuo ng mga plano at hakbang para makamit ang pangmatagalang kapayaan.

II. Nilalaman
A. Paksang Aralin

 Ikalawang Digmaang Pandaigdig

B. Kagamitan
 Mga larawan may kaugnayan sa paksa,
 Tulong Biswal
 Laptop at
 Powerpoint Presentation.
C. Sanggunian
 Asya, Araling Panlipunan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng Silid Aralan
c. Pagtatala ng mga lumiban
d. Balik-aral

Gawain: Silipin Mo, Sagutan Mo!

Panuto: Maglalagay ang guro ng ilang mga katanungan na may kinalaman sa nakaraang paksa
(Unang Digmaan Pandaigdig) sa silong ng upuan ng piling mag-aaral Ang bawat katanungan ay sasagutin
ng mag aaral ayon sa kaniyang sariling pagkakaunawa.

1.Ano-ano ang mga dahilan ng pagsiklab ng unang digmaang pandaigdig?

2.Bakit nagkaroon ng kasunduan na tinatawag na Treaty of Versailles?

3. Bilang isang mag aaral, maaari mo bang ibigay ang mahalagang aral na iyong napulot sa unang
digmaang pandaigdig?
B. Pagganyak:

Pamagat ng Gawain: 4 Pics 1 Word Game

Panuto: Magpapakita ang guro ng mga larawang may kaugnay sa bagong aralin ang “Ikalawang
Digmaang Pandaigdig”. Magtatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang ipasuri ang mga larawan at
hiingiin ng guro ang mga hinuha/opinion ng mga mag-aaral ukol sa mga larawan.

Mga Gabay na Katanungan:

1.Ano-ano ang inyong nakikita sa una at pangalawang larawan?

2.Maaari mo bang ibigay ang kaganapan sa pangatlo at panghuling larawan?

3. Suriing mabuti ang mga larawan, ano kaya ang ugnayan sa bawat –isa ng mga larawang inyong
nakikita?

4. Ayon sa inyong hinuha at mga kasagutan, saan patungkol ang paksang ating tatalakayin sa araw na ito?

C. Pagtalakay ng Aralin
Sa pamamagitan ng concept map maipaliliwanag ang ‘’ Ikalawang Digmaang Pandaigdig.’’
Isang global na digmaan na naganap sa pagitan ng
1939 hanggang 1945. Maraming mga bansa ang
naging bahagi ng digmaan na di nagtagal ay nahati
IKALAWANG sa dalawang magkatunggaling pwersa: Allied
Powers at Axis Powers.
DIGMAANG
PANDAIGDIG Tinuturing na pinakalamalawak pinakamahal at
pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng
sangkatauhan. Marami ang bansang natakot sa
labanang ito at lahat ng bansang lumahok ay
nagbuhos ng napakaraming pwersang military
upang malupig ang kalaban.

Mga Gabay na Katanungan:

1. Ayon sa iyong sariling pagkakaunawa, saan tumutukoy ang Ikalawang digmaang pandaigdig?

2.Ano ang hudyat ng pagsiklab ng Ikalawang digmaang pandaigdig?

3.Bakit sinasabing ang WWII ay ang pinakamalaki , malawak at mapinsalang digmaan kumpara sa
WWI?

Sa pamamagitan ng bubble map organizer matatalakay ang sumusunod na epekto ng ‘’ Ikalwang


digmaang pandaigdig’’

Ang ekonomiya
ay lubos na
naapektuhan.

Nagdulot ng Nagkaroon ng
kalayaan sa mga Epekto ng maigting
bansang Germany, ikalawang pagnanasa upang
Tsina, Pilipinas, digmaang matamo ang
Indonesia at pandaigdg kasarinlan.
marami pang iba.

Halos 60 na bansa
ang naapektuhan
na dulot ng
paagksira ng
maraming buhay at
ari-arian.
Mga Gabay na Katanungan:

1.Ano- ano ang naging epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig?

2.Sa iyong palagay, bakit ninais ng mga Kanlurang Asya ang pagtatamo ng kasarinlan?

3.Paano nagwakas o natapos ang ikalawang digmaang pandaigdig?

D. Pangkatang Gawain

Panuto: Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay magsasagawa
ng poster na nagpapakita ng epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig . Ang bawat pangkat ay
mayroong 5 minuto sa pagguguhit at 3 minuto sa pag uulat sa harapan.

RUBRIK PARA SA POSTER

PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS NAKUHANG PUNTOS


NILALAMAN Naipakita at 40
naipaliwanag nang
mahusay ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
KAANGKUPAN NG Maliwanag at angkop 40
POSTER SA PAKSA ang mensahe sa
paglalarawan ng
Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
PAGKAMALIKHAIN Urihinal ang ideya na 20
ginamit sa paggawa ng
poster.
KABUUANG PUNTOS 100

E. Pangwakas na Gawain

Panuto: Magtatawag ang guro ng piling mag-aaral upang sagutin ang katanungan na kanilang
makukuha sa isang maliit na kahon na hawak ng kanilang guro.

Gabay na tanong:

1. Bigyang kahulugan ang kapayapaan.

2. Kung ikaw ay isa sa mga nakaranas ng ikalawang digmaang pandaigdig na patuloy na nabubuhay
ngayon, paano mo bibigyan halaga ang kapayapaan na mayroon ang mundong ginagalawan mo ngayon?

3.Bilang isang mag –aaral, ano-ano ang puwede mong imungkahi na plano o hakbang upang magkaroon
ng pangmatagalan na kapayapaan at hindi na muling magkaroon ng digmaan?
IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ang nilalaman nito ay
tama o mali. Isulat ang T kung ito ay tama, at M kung mali. Isulat sa patlang ang sagot.

_____1. Itinuturing na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugo ang labanan sa kasaysayan ng


sangkatauhan.t

_____2. Maraming mga bansa ang naging bahagi ng digmaan na di nagtagal ay nahati sa tatlong
magkatunggaling pwersa.m

_____3. Marami ang bansang natakot sa labanang ito.t

_____4. Lahat ng bansang lumahok ay nagbuhos ng napakaraming pwersang military upang malupig ang
kalaban.t

_____5. Nahati sa Allied Powers at Access Powers ang dalawang magkatunggaliang pwersa.m

_____6. Isa sa epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig ay ang pagkakaroon ng maigting pagnanasa
upang matamo ang kasarinlan.t

_____7. Halos 80 na bansa ang naapektuhan na dulot ng paagksira ng maraming buhay at ari-arian.m

_____8. Nagdulot ng kalayaan sa mga bansang Germany, Tsina, Pilipinas, Indonesia at marami pang iba
ang ikatlong digmaang pandaigdig.m

_____9. Ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng kapanatagan at kasiguraduhan ng kaligtasan ng bawat


isa.t

____10. Hindi nagkaroon ng positibong epekto ang ikalawang digmaang pandaigdig.m

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gumamit ng talo (3) hanggang limang (5)
pangungusap para sa iyong kasagutan at isulat ang kasagutan sa malinis na kwaderno.

1. Ano ang pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa iyong isipan?
2. Para saiyo, ano ang pangkabuuang aral sa naganap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
3. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ng kabuhayan, politika,
at kultura ng mga bansang nasangkot o kabilang sa digmaan?

You might also like