You are on page 1of 21

8

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan

Modyul 1: Ang Mga Dahilan at Epekto


ng Unang Digmaang Pandaigdig
Week 1-2

Naikonseptwalisa ni
Rowena C. Pantaleon
Master Teacher II
CCDCAGothongMNHS

Modyul 1: Ang Mga Dahilan at Epekto ng


Unang Digmaang Pandaigdig

1
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at
sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

Pamantayang Pangkasanayan
Ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng
komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran.

Kakayahan
Nasusuri ang mga dahilan ng mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng Unang
Digmaang Pandaigdig.

Paksa/Subject Code: Ang Mga Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap at Bunga ng


Unang Digmaang Pandaigdig (AP8AKD-IVa-1)

Subukin (Panimulang Pagtataya)


Magandang buhay mga mag-aaral! Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 1
sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi
markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi
kinakailangan hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong.

PANUTO: Basahin ang mga katanungan, piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig,
alin dito ang HINDI nabibilang?
A. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
B. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa.
C. Pagtatag ng Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa.
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa .

2. Ang digmaan ay nagdudulot ng teribleng pagkawala ng buhay at ari-arian. Nagdulot ito ng hinagpis
at lungkot sa milyun-milyong mga nakaligtas, kabilang ang mga naulila ng digmaan at nabalo.Kung
magpapatuloy ang digmaan, ano kaya ang mangyayari sa mundo?
A. Lalaganap ang kultura ng mga makapangyarihang bansa.
B. Mawawasak na ang daigdig dahil sa mga nakakamamatay na sandata.
C. Mangingibabaw ang mga makakapangyarihan bansa laban sa mahihina.
D. Marami ang mga mamamatay na halaman hayop, tao at maaring hindi na
matitirhan ang mundo.

3. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, alin sa mga sumusunod ang unang


ginawa ng “The Big Four”?
A. Pagbalangkas ng kasunduang pangkapayapaan ng mga bansa.
B. Nagpulong at nagkaisa na sila’y magkasundo para sa kaunlaran.
C. Palayain ang bansa sa pagkontrol ng makapangyarihan mga bansa.
D. Gumawa ng mga batas pangkabuhayan para sa biktima ng digmaan.

4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “Ang


sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan”?
A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa.
B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya

2
C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa
lamang.
D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t
ibang impluwensya.

5. Patuloy ang di pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga rebelde dahil sa pagkakaiba ng


prinsipyong ipinaglalaban. Bilang Pilipino, paano ito makakaapekto sa ating bansa?
A. Maririnig ang mga hinaing subalit patuloy pa rin ang gulo.
B. Mauunawaan ang mga prinsipyong ipinaglalaban ng mga rebelde.
C. Hindi na magkakaroon pagbabago sa kultura at pamumuhay ang mga Pilipino.
D. Magkakaroon ng takot ang mga tao at maapektuhan ang kanilang pamumuhay.

6. Anong kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang


Digmaang Pandaigdig?
A. Treaty of Paris C. League of Nations
B. United Nations D. Treaty of Versailles

7. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang
Digmaang Pandaigdig?

A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers.


B. Pagpapalabas ng Labing-Apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson.
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia.
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria- Hungary,
Rusya, at Ottoman.

8. Sinasabing hirap bumangon ang mga bansang nasangkot sa digmaan dahil sa nasirang mga
pananim at nasirang kabuhayan. Bilang isang kabataan, ano ang magagawa mo upang
mapagtagumpayan ang ganitong sitwasyon?
A. Mag-aral nang mabuti.
B. Paghingi ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.
C. Pagpapabayad sa bansang nanakop sa mga nasira nito.
D. Magsikap na muling makabangon sa pamamagitan ng pagkakaisa at
pagtutulungan.

9. Ang pagkakaroon ng digmaan ay may mabuti at masamang epekto sa mga


bansang sangkot dito. Isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ang
nasyonalismo na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa sariling bansa. Paano mo maipapahayag
ang nasyonalismo?
A. Pagtuturo ng kabayanihan nina Andres Bonifacio at George Washington sa
kanyang mga kababayan.
B. Paghinto sa paglalakad habang inaawit ang Lupang Hinirang.
C. Pagtitinda ng mga produkto sa isang tindahang pag-aari ng Pilipino bagama’t
ang mga produkto ay yari sa Europa.
D. Pagtatanggol sa bansa dahil sa pananalakay ng mga dayuhang ibig manakop at
luminang ng likas na yaman.
10. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga prebilihiyong maaaring matamasa ng mga
mamamayang naninirahan sa US at Pilipinas, alin ang HINDI kabilang?
A. May karapatang makaboto.
B. May kalayaan sa pananampalataya.
C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan.
D. Lahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyon.

11. Maraming mga dahilan kung bakit bumabangon ang sigalot sa pagitan ng mga bansa. Ang
pagsusukatan ng lakas at militarismo ay isa rin sa mga dahilan kung bakit sumisiklab ang digmaan
sa pagitan ng mga bansa. Kung ikaw ay isang militar, ano ang nararapat mong gawin?
A. Magiting na ipagtanggol ang bansa upang hindi ito tuluyang masakop ng
dayuhan.

3
B. Mag-organisa ng mga sundalo upang lihim na salakayin ang isang bansang
mayaman sa langis.
C. Agad na sumuporta sa anumang gagawing pananalakay ng iyong bansa sa
kalapit nitong bansa.
D. Gumawa ng mga dahilan kung sakaling nababalot ng takot kapag planong
ipadala sa isang magulong bayan.

12. Isa sa mga isyu ngayon ay ang pag-aagawan sa West Philippine Sea ng China at Pilipinas. Sa
iyong palagay, alin ang mas mabuting gawin upang maiwasan ang tensyon sa pagitan ng
dalawang bansa?
A. Alamin kung sino ang mga nakatira sa islang pinag-aagawan.
B. Alamin sa kasaysayan kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng isla.
C. Pag-aralan kung aling bansa ang higit na malapit sa islang pinag-aagawan.
D. Gawing batayan ang Pandaigdigang Batas bilang batayan sa teritoryo ng bawat
bansa.

13. Isa sa pinagmumulan ng digmaan ay ang di pagkakaunawaan ng bawat bansa. Bilang isang
mamamayan, alin ang maaaring gawin upang maiwasan ito?
A. Manalangin parati upang malampasan ang mga pagsubok ng iyong bansa.
B. Pagdisiplina ng UN sa bansang di sumusunod sa batas na napagkasunduan.
C. Pag-usapan ng dalawang bansa ang suliranin at kung paano sila magkakasundo.
D. Humingi ng payo sa mga may katungkulan sa bayan para sa ikabubuti ng bansa.

14. Isa sa mga epekto ng digmaan ay ang pagkakaroon ng trauma o takot ng mga
mamamayan. Kung ikaw ay isang lingkod bayan, paano mo aalagaan ang ating kapwa
Pilipino na biktima ng digmaan sa Marawi?
A. Magsagawa ng mga programang pangkalusugan.
B. Pagbibigay ng mga programang Stress Debriefing.
C. Pagkakaroon ng seminar at pagtuturo ng “self defense.”
D. Ipanalangin sila araw araw para sa kanilang kaligtasan.

15. Naging malaki ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian sa
ekonomiya ng mga bansa. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang “The Big Four”
sa Paris, France noong 1919 sa pangunguna nina Woodrow Wilson ng Amerika.
Sa iyong pananaw tama ba ang ginawa ng “The Big Four”?
A. Oo, dahil magastos ang digmaan.
B. Hindi, dahil sila naman ang nanguna sa pananakop at digmaan.
C. Oo, dahil marami ang namamatay, nagkahiwa-hiwalay at nawalan ng kabuhayan.
D. Hindi, dahil wala ng makukuhang hilaw na materyales ang mga bansa sa Europa kung
patuloy nilang itataguyod ang kapayapaan.

Aralin
Mga Sanhi/Dahilan ng Unang
1 Digmaang Pandaigdig

Alamin
Malalaman sa Aralin na ito ang mga dahilan at mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang
Digmaang Pandaigdig, gayundin ang mga usapin ng mga bansang sangkot sa digmaan. Bibigyang-
pansin din ang matinding epekto nito na nag-iwan ng malalim na sugat at aral sa kasaysayan ng

4
sangkatauhan. Tatalakayin din ang pagsisikap ng mga bansa upang makamit ang Kapayapaang
Pandaigdig.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig;
B. Natataya ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig; at
C. Napapahalagahan ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaan sa daigdig .

Panimulang Gawain
Gawain 1: Larawang SuriSuriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong
tungkol dito.

https://www.history.com/.image/t_share/MTU4MTA0NDU https://today.duke.edu/sites/default/files/styles/story_her
yMjIwMzMxODcw/worldwar1.jpg o/public/Royal_Irish_Rifles_ration_party_Somme_July_1916.

1. Ano ang ideyang ipinakikita sa larawan?

2. Kung magiging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang posible mong maramdaman?

3. Paano kaya maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig?

Tuklasin at Suriin

Matapos mabatid ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig,
marahil ay marami ka pa ring katanungan na nais masagot tungkol sa paksa. Handa ka na bang
tuklasin ang mga pangyayari, mga dahilan, at epekto ng Unang Digmaang Pandigdig? Nais mo rin
bang malaman ang mga hakbang na ginawa ng mga pinuno upang wakasan ang digmaan? Basahin
ang kasunod na teksto sa nasa ibaba at humanda sa pagsagot ng mga gawain kaugnay ng paksa.

Mga Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig

1. NASYONALISMO

▪ Ang damdaming nasyonalismo ay


nagbubunsod ng pagnanasa ng mga
tao upang maging malaya ang
kanilang bansa.
▪ Maaari din itong maging panganib na
magsimula ng isang alitan tulad ng
mga nangyari noong simula ng 1900.

https://societyofhonor.files.wordpress.com/2018/01/img_1070.jpg

5
▪ Kung minsan, ito ay lumalabis at nagiging panatikong pagmamahal sa bansa.
▪ May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi
nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa.

Halimbawa, ang mga Junker, ang aristokrasyang militar ng Germany, ay naniwalang sila ang
nangungunang lahi sa Europe.

Halimbawa, ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na nasa ilalim ng
Austria. Kabilang pa rito ay ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala
ng Austria.

Pamprosesong Tanong:

Mula sa teksto, isa-isahin ang mga bansa na nagpakita ng diwang nasyonalismo at alamin
ang kanilang dahilan sa diwa na iyon.

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

2. IMPERYALISMO AT EKONOMIYA

➢ Isa itong paraan ng pag-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang


kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo.
➢ Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at
magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lumikha ng
samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa.
❖ Halimbawa, sinalungat ng Britain ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa)
sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape
Colony patungong Cairo.
❖ Sa kabilang banda, nangangamba ang Britain sa lumalakas na ekonomiya ng Germany at sa
pagtatag nito ng Berlin-Baghdad Railway sapagkat ito’y panganib sa kaniyang lifeline patungog
India.
❖ Tinangka namang hadlangan ng Germany ang pagtatag ng French Protectorate sa Morocco
sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng France sa Hilagang Aprika.
❖ Dahil sa krisis sa dalawang lungsod sa Morocco, nagkalapit ang Britain at France laban sa
Germany.

https://etc.usf.edu/maps/pages/3600/3691/369
1.htm

6
3. MILITARISMO

▪ Ang militarismo ay isinilang sa huling bahagi ng 1800. Ito ay tumutukoy sa pagdakila sa


militar.
▪ Sa ilalim ng militarismo, ang sandatahang-lakas at ang kahandaan sa digmaan ay
pangunahing patakaran ng isang bansa.
▪ Ang militarismo ay sumibol mula sa ideya ni Darwin sa kanyang “survival of the fittest.”
▪ Winika ni Freidrich Von Bernhardi, isang sundalong Aleman na “Ang digmaan ay isang
pangunahing pangangailangan.”
▪ Habang tumataas ang tensiyon sa buong mundo, abalang-abala naman ang mga malalakas
na puwersa sa pagpaparami at pagpapalakas ng kanilang sandatahan at hukbong pandagat.
▪ Lalo pa itong nagpatingkad sa tensiyon at hinala na lalong nagdulot ng digmaan.
▪ Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe
ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang
pagpaparami ng armas.
▪ Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang
magtatag ng malalaking hukbong pandagat ang Germany.
▪ Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa kapangyarihang Inglatera bilang Reyna ng
Karagatan.

Ang pangamba sa digmaan ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa mga lider-militar.


Sa mga usaping pangkapayapaan at pandigma, laging kinokonsulta ng gobyerno ang
mga lider-militar. Natamo ng mga heneral at mga admiral ng Germany at Britain ang
kompiyansa ng bansa kaya nakakuha sila ng malaking pondo upang mapalaki at
mapaunlad ang kanilang puwersa. Habang tumataas ang militarismo at naghahabulan
ang mga bansa sa pagsasa-armas, lumalaki naman ang nalilikha nitong tensiyon.

Pamprosesong Tanong:

Paano naging ugat ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Imperyalismo at Militarismo?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4. PAGBUO NG MGA ALYANSA

➢ Takot at kawalan ng tiwala ang nagtulak sa malalakas na bansa na maghanap ng proteksiyon


sa pamamagitan ng alyansa.
➢ Lumagda ng kasunduan ang mga bansa na pangangalagaan o proteksiyonan ang bawat isa.
➢ Layunin ng mga alyansa na lumikha ng isang makapangyarihang kombinasyon.

7
https://historyforkids.org/wp-content/uploads/2020/11/Triple-
Alliance.png

➢ Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng


mga bansang makapangyarihan, nabuo ang dalawang
magkasalungat na alyansa.
➢ Ang unang alyansa, Triple Entente ay binubuo ng Germany,
Austria-Hungary at Italy.
➢ Sa ilalim ng alyansa, nangako ang bawat kasapi na
magtulungan sakaling may magtangkang sumalakay sa
kanilang bansa.
➢ Nais din ng alyansa na pantayan ang lakas ng Triple Alliance.
➢ Ang ikalawang alyansa naman ay nagsimula sa panahon ni
Bismarck noong 1882, ang Triple Alliance na binubuo ng
bansang Russia, France at Britain. OTTO VON BISMARCK
➢ Nabuo ito dahil sa di-pagkakaunawaan at hidwaan sa pagitan
ng Russia at France noong 1884 (Dual Alliance), ng France at https://en.wikipedia.org/wiki/Otto_
von_Bismarck
Britain noong 1904 (Entente cordiate) at ng Britain at Russia
noong 1907.

https://slideplayer.com/slide/5711804/18/images/19/Alliances+Triple+Alliance+Trip
le+Entente+Germany+Great+Britain.jpg

8
➢ Nalaman ni Bismarck na nagbabalak ipaghiganti ng France ang
inabot na kahihiyan sa Digmaang Franco-Prussian.
➢ Nakatitiyak ang Germany na hindi aatake ang France nang walang
katulong, kaya pumayag itong makapag-alyansa sa Austria-Hungary at
Russia noong 1881.
➢ Pagkatapos ng pagbibitiw ni Bismarck noong 1890, ipinakilala ni
Kaiser William II ang kanyang sariling mga patakaran.
➢ Pinangalagaan niya ang Triple Alliance ngunit tinapos na ng
Germany ang kanyang kasunduan sa Russia na humanap ng bagong
ka-alyansa.
KAISER WILLIAM II ➢ Noong 1914, nang sumabog ang digmaan, lumaban sa isang panig
https://en.wikipedia.org/wik ang Germany at Austria-Hungary,
i/Wilhelm_II,_German_Empe
➢ At dito nakilala ang bagong alyansa na Central Powers.

Isaisip
PANUTO: Kumpletuhin ang maikling pahayag.

Naging dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang militarismo sapagkat

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Isagawa at Pagyamanin

Gawain 1 PANUTO: Suriin ang mga dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ayon sa
klasipikasyong kinabibilangan ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik lamang.

A. Alyansa B. Nasyonalismo

C. Militarismo D. Imperyalismo

________1. Ang pagtanggi ng Germany sa pagkakaroon ng kolonya ng France sa kaharian


ng mga Turkong-Ottoman.
________2. Ang pagbawi sa mga nawalang teritoryo.
________3. Ang pangamba ng mga bansa dahil sa paglakas ng ekonomiya ng Germany.
________4. Ang pagtaas ng mga gastusin ng sandatahan ng isang bansa.
________5. Ang paglagda sa Entente Cordiale.
________6. Ang aagawan sa kolonya ng France at Germany.
________7. Ang paniniwalang Pan-Slavism ng mga Ruso.
________8. Ang winika ni Freidrich Von Bernhardi, “Ang digmaan ay isang pangunahing
pangangailangan.”
________9. Ang pagsasama ng Austria-Hungary at Italy.
________10. Ang pagpapalakas sa hukbong pandagat ng mga bansa.

9
Aralin Ang Mga Mahahalagang
Pangyayari sa Unang Digmaang
2 Pandaigdig

Alamin
Magandang buhay mga mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong kaalaman ang
matutunan tungkol sa Mga Mahahalagang Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Sa
araling ito, ikaw ay inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:

A. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang


Pandaigdig;
B. Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang
Pandaigdig; at
C. Naitatala ang mga mahahalagang pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig.

Tuklasin at Suriin

Bagong Uri ng Labanan

Ang Dakilang Digmaan (Great War) ay itinuturing ng mga pahayagan na


pinakamalaking digmaan sa kasaysayan. Pinakilos ng France ang halos 8.5 milyong Pranses, 9
milyong Briton, 12 milyong Ruso at 11 milyong Aleman.

Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang


naghudyat sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Noong
Hunyo 28,1914, pinatay ni Gavrilo Princip si Archduke Franz
Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie habang sila ay naglilibot sa
Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary. Narito ang mga
pangyayaring nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig:
https://www.biography.com/politi
1. Ang Digmaan sa Kanluran cal-figure/franz-ferdinand

▪ Sa kanlurang bahagi, ang mga magkakalabang sandatahan ay naghukay ng lungga sa


malalawak na kanal (trenches) mula sa
hangganan ng Switzerland hanggang sa Belgium.
Isang lihim na lagusan ang nagdurugtong sa mga
bunker o lungga, mga gamit pangkomunikasyon,
at mga sandata.
▪ Sa pagitan ng dalawang magkalabang trenches,
makikita ang “no man’s land.” Ito ay bakanteng
lupaing may nakatanim na mga landmine o bomba
na naitanim sa lupa. Madalas, kapag tinatawag
ang mga sundalo at lumalabas sila sa kanilang
lungga, daraan sila sa “no man’s land” nang
walang proteksiyon maliban sa mga baril at
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:No- helmet.
mans_land.jpg
▪ Noong 1916, nagsagawa ng isang opensiba ang
magkabilang panig. Ginulat ng mga Aleman ang mga Pranses na nasa Verdun. Ipinagtanggol
10
naman ng mga Pranses ang kanilang posisyon, ngunit namatayan ang dalawang panig nang
mahigit na kalahating milyong tao.
▪ Ang opensiba ng mga Allies sa may ilog ng Somme ay mas lalong magastos. Sa isang araw na
labanan, mahigit 60,000 na Briton ang napapatay at nasusugatan. Sa loob lamang ng limang
buwang labanan namatay ang mahigit na isang milyong katao.
▪ Ang makabagong armas ay nakadagdag sa malawakang pagwasak dala ng digmaan. Noong
1914, ang mga sandatang pandigma o malaking armas ng Germany ang lumipol ng mga
kaaway mula sa 15 milyang distansya. Pagsapit ng 1918, inatake ang Paris mula sa
distansyang 70 milya.

2. Ang Digmaan sa Silangan


▪ Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni
Grand Duke Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit
nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong
Ruso sa Digmaan ng Tannenberg.
▪ Nagtagumpay ang Hukbong Ruso sa Galicia. Ngunit hindi
nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga Aleman sa
Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng
Russia.
▪ Ang sunod-sunod nilang pagkatalo ang naging dahilan ng https://en.wikipedia.org/wi
ki/Grand_Duke_Nicholas_Mi
pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso 1917 at ang
pagsilang ng Komunismo sa Russia.
▪ Upang makaiwas ang Russia sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang
Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng
Russia ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers.

3. Ang Digmaan sa Balkan

▪ Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia


pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang
Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers
noong Oktubre, 1915.
▪ Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng
Balkan ay napasailalim na ng Central Powers. Ang
Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance at
nanatiling neutral.
▪ Noong 1915, sumali ito sa magkaanib na
bansa. Hinangad na maangkin ang mga teritoryong
Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang
mga kolonya nito sa Africa.
https://www.quora.com/Why-was-the-Balkan-League-formed- ▪ Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang
between-Greece-Bulgaria-and-Serbia
mapigilan ang Russia sa pag-angkin sa Dardanelles.

4. Ang Digmaan sa Karagatan

▪ Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng Germany at


Britanya. Ang naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat (Seven
Seas) lakas pandagat ng Britanya. Dumaong ang bapor ng Germany sa Kanal Kiel at naging
mainit ang labanan.

11
▪ Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa
dagat. Sa kabilang dako, ang mabibilis na raider at
mga submarinong U-boats ng kanilang kalaban ay
nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang
pandagat ng mga Alyado.
▪ Ang pinakamabagsik na raider ng Germany ay ang
Emden. Sa dakong huli, napalubog ito ng
Sydney, isang Australian cruiser.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang_Dig

Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 9-17

Isaisip
PANUTO: Sagutin ang mga katanungan.

Kung maging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang posible mong maramdaman?
Paano kaya maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig?

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___

Isagawa at Pagyamanin

Gawain 2: Konseptong Nais Ko, Hulaan Mo!


PANUTO: Basahin ang mga clue sa bawat bilang at tukuyin ang mga konseptong
inilalarawan sa pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng mga kahon.
1.Pagkakampihan ng mga bansa
A Y A
2. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe
M I T A S O
3. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa
I P Y L O
4. Pagmamahal sa bayan
N S N L M
5. Bansang kaalyado ng France at Russia
G T B T N
6. Organisasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
E E F A O
7. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig
V S I L S
8. Ang entablado ng Unang Digmaang Pandaigdig
R P
9. Siya ang lumagda sa Proclamation of Neutrality
W D O I L
10. Alyansang binubuo ng Austria, Hungary, at Germany
T L E L I N E
12
Aralin Mga Naging Bunga/Epekto ng
3 Unang Digmaang Pandaigdig

Alamin
Magaling mga mag-aaral! Ngayon, samahan ninyo ako sa Modyul na ito upang malaman ang bunga
o epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. Tatalakayin ng aralin na ito kung paano hinarap ng mga
tao ang digmaan at ikaw ay inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:

A. Naiisa-isa ang mga layunin ng Liga ng mga Bansa (League of Nations) para makamit ang
pandaigdigang samahan at kaunlaran;
B. Nasusuri ang bunga/epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig; at
C. Napahahalagahan ang mga kasunduan para makamit ang pandaigdigang pangkapayapaan.

Tuklasin at Suriin

Sa kabila ng tagumpay para sa mga Allies, nauwi ang digmaan sa malawakang pagkasira
at pagkawala ng buhay at hanapbuhay ng mga nanalo at natalo sa digmaan. Nag-iwan ito
ng halos 8.5 milyong sundalong nagbuwis ng kanilang buhay kabilang ang:

USA ITALYBRITAIN
GERMANS
1% 7% 10%
26%
AUSTRO-
HUNGARIA
N
13%

RUSSIANS FRENCH
23% 20% https://www.longlongtrail.co.uk/soldiers/a-
soldiers-life-1914-1918/what-happened-to-a-

• Sadyang nabago ang mapa ng Europe dahil sa digmaan.


• Nag-iba rin ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig. Ang Austria at Hungary
ay nagkahiwalay. Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland,
Czechoslovakia, Yugoslavia at Albania ay naging malalayang bansa.
• Apat na imperyo sa Europe ang nagwakas: ang Hohenzollern ng Germany, Hapsburg
ng Austria-Hungary, Romanov ng Russia at Ottoman ng Turkey. Nabigo ang mga
bansa sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaaan sa daigdig.
• Ang mga itinalaga ng kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit sa Germany.
Lubhang marahas ang mga parusang iginawad sa Germany. Ang pagkapahiya ng
Germany ang dahilan ng muli nilang paghahanda upang muling makipaglaban sa
mga bansang Alyado.

13
Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian.
Tinatayang umabot sa 8,500,000 katao ang namatay sa labanan. Nasa 22,000,000 naman
ang tinatayang nasugatan. Samantalang 18,000,000 ang sibilyang namatay sa gutom, sakit
at paghihirap. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka
at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang umabot sa
200 bilyong dolyar.

https://termcoord.eu/2014/07/shot-triggered-war/

Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 13-17

Mga Kasunduang Pangkapayapaan

▪ Umisip ng paraan ang mga nanalong


bansa upang maiwasan ang
digmaan na pinaniniwalaan nilang
salot sa kapayapaan.
▪ Bumalangkas sila ng kasunduang
pangkapayapaan sa Paris (Treaty of
Paris) noong 1919-1920.
▪ Ang mga pagpupulong na ito ay
pinangunahan ng tinatawag na Big
Four: Pangulong Woodrow Wilson ng
US ; Punong Ministro David Llyod
George ng Great Britain; Vittorio
Emmanuel Orlando ng Italy; at ang
Punong Ministro Clemenceau ng
France.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5a/
▪ Ang pangunahing nilalaman ng mga
Big_four.jpg
kasunduan ay ibinatay sa Labing-
apat na Puntos (Fourteen Points) ni Pangulong Wilson.

14
Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson

Binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero, 1918 ang labing-apat


na puntos na naglalaman ng mga layunin ng United States sa
pakikidigma. Naglalaman din ito ng kaniyang mga ideya tungkol sa
isang “kapayapaang walang talunan” para sa kapakinabangan ng
lahat ng mga bansa. Ilan sa mga puntos na napagkasunduan ang
sumusunod:

1. Katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan;


2. Kalayaan sa karagatan;
3. Pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas
sa suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan
https://www.whitehouse.gov/about-the-
ng mga mamamayan;
white-house/presidents/woodrow-wilson/
4. Pagbabawas ng mga armas;
5. Pagbabawas ng taripa;
6. Pagbuo ng Liga ng Mga Bansa.

Pamprosesong Tanong:

Magtala ng ilang katangian ni Pangulong Wilson bilang isang lider.

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Mga Liga ng Mga Bansa (League of Nations)


Ang pagkakaroon ng isang pandaigdigang samahan ng mga bansa ay matagal nang pangarap ni
Pangulong Wilson. Sa wakas, nagtagumpay siya sa panghihikayat sa mga pinuno ng mga bansang
alyado na maitatag at sumapi sa Liga ng mga Bansa. Ang konstitusyon nito ay napaloob sa
Kasunduan sa Versailles na may sumusunod na mga layunin:
1. Maiwasan ang digmaan;
2. Maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba;
3. Lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi;
4. Mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan; at
5. Mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.

Ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa ang sumusunod:

1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong 1920,
Bulgaria at Greece noong 1925, at Colombia at Peru noong 1934.
2. Pinangasiwaan nito ang iba’t ibang mandato.
3. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan.

Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 22-24cxcc

Naging sapat kaya ang mga kasunduan ng mga bansa upang tuluyang matuldukan ang Unang
Digmaang Pandaigdig? Natupad kaya ni Pangulong Wilson ang kapayapaang matagal niyang
hinangad? Naging pabor kaya sa lahat ng bansa ang mga probisyon ng Kasunduan? Bakit nagkaroon
ng lihim na kasunduang lingid sa kaalaman ni Pangulong Wilson? Halina at alamin ang mga
kasagutan.

Mga Lihim na Kasunduan Lingid sa Kaalaman ni Pangulong Wilson


Lingid sa kaalaman ng Britanya, France at iba pang bansa, ang ibang miyembro ng
Alyado ay gumawa ng lihim na kasunduan. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya at teritoryo ng

15
Central Powers. Halimbawa, pinangakuan ang Italya ng teritoryong hindi naman nito sakop. Ang
Turkey naman ay maaaring paghati-hatian ng ibang maiimpluwensiyang bansa.
Pormal itong naganap nang mabuo ang Kasunduan sa Versailles. Naisagawa ang mga
sumusunod na pangyayari:
1. Nawalang lahat ang mga kolonya ng Germany. Ibinigay ang mga teritoryong Posen,
Kanlurang Prussia at ang Silesia sa bagong Republika ng Poland. Ang Danzig ay naging
malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga Alyado bilang mandato.
2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa France. Ang Saar Basen ay napasailalim ng
pamamahala ng Liga ng mga Bansa sa loob ng labinlimang taon.
3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark.
4. Lubhang pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany sa lupa at sa dagat.
Binawasan ito ng marami at ang pinaglalakbayang ilog ng Germany at ipinagbawal ang
kanilang mga partisipasyon sa anumang digmaan.
5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang pang-
internasyonal.
6. Pinagbawalang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Germany.
7. Ang Germany ay pinapangakong magbayad ng malaking halaga sa mga bansang
napinsala bilang reparasyon. Ang layunin ng mga gumawa ng kasunduang ito ay upang
lubusang pilayin ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang gambalain ang
kapayapaan ng daigdig.
Halaw sa PROJECT EASE- Module 17- Labanan ng mga Bansa sa Daigdig ph. 23-24 Basahin din ang Kasaysayan
ng Daigdig, Teofista L. Vivar et al, ph.243-250 at Kasaysayan ng Daigdig, Grace Estela C. Mateo, Ph.D, et.al, ph. 309-
319

Isaisip
PANUTO : Sagutin ang mga tanong sa loob ng kahon.

1. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang magkaroon ng pambansang


pagkakaisa at kaunlaran ang mga bansa sa daigdig?
___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

2. Bilang mag-aaral, paano ka makikibahagi sa pagpapatatag ng pandaigdigang kaunlaran at


kapayapaan?
____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Isagawa at Pagyamanin

Gawain 3: Story Map

PANUTO: Batay sa binasang teksto, Pumili ng isang mahahalagang pangyayari na naganap sa Unang
Digmaang Pandaigdig at punan ng impormasyon ang Story Map upang mabuo ang graphic organizer.
Kopyahin at isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

16
Kasukdulan

Pamprosesong Tanong:
1. Sino-sinong pinuno ang nanguna sa Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Saang bahagi ng daigdig naganap ang pinakamainit na labanan?
3. Ipaliwanag ang simula, mahahalagang labanan, mga kasunduang naganap at naging
wakas ng UDigmaang Pandaigdig.
4. Paano nakaapekto ang digmaang ito sa mundo?

Tayahin
PANUTO: Basahin ang mga katanungan, piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Malaki ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa buhay at ari-arian sa ekonomiya ng
mga bansa. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang “THE BIG FOUR” sa Paris, France noong
1919 sa pangunguna ni Woodrow Wilson ng Amerika. Sa iyong pananaw tama ba ang ginawa ng
“THE BIG FOUR”?
A. Oo, dahil magastos ang digmaan.
B. Hindi, dahil sila naman ang nanguna sa pananakop at digmaan.
C. Oo, dahil marami ang namatay, nagkakahiwa-hiwalay at nawalan ng
kabuhayan.
D. Hindi, dahil wala ng makukuhang hilaw na materyales ang mga bansa sa Europa kung
patuloy nilang itataguyod ang kapayapaan.

2. Isa sa mga isyu ngayon ay ang pag-aagawan sa West Philippine Sea ng China at ng Pilipinas. Sa
iyong palagay, alin ang mas mabuting gawin upang maiwasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang
bansa?
A. Alamin kung sino ang mga nakatira sa islang pinag-aagawan.
B. Alamin sa kasaysayan kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng isla.
C. Pag-aralan kung aling bansa ang higit na malapit sa islang pinag-aagawan.
D. Gawing batayan ang Pandaigdigang Batas bilang batayan sa teritoryo ng bawat
bansa.

3. Ang pagkakaroon ng digmaan ay may mabuti at masamang epekto sa mga bansang


sangkot dito. Isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ang
nasyonalismo na ang ibig sabihin ay pagmamahal sa sariling bansa. Paano mo
maipapahayag ang nasyonalismo?
A. Paghinto sa paglakad habang inaawit ang Lupang Hinirang.

17
B. Pagtuturo ng kabayanihan nina Andres Bonifacio at George Washington.
C. Pagtitinda ng mga produkto sa isang tindahang pag-aari ng Pilipino bagama’t ang
mga produkto ay yari sa Europa.
D. Pagtatanggol sa bansa dahil sa pananalakay ng mga dayuhang ibig manakop at
luminang sa likas na yaman.

4. Anong kasunduan ng mga bansa ang nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
A. Treaty of Paris C. League of Nations
B. United Nations D. Treaty of Versailles

5. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, alin sa mga sumusunod ang unang ginawa ng “The
Big Four”?
A. Pagbalangkas ng kasunduang pangkapayapaan ng mga bansa.
B. Nagpulong at nagkaisa na sila’y magkasundo para sa kaunlaran.
C. Palayain ang bansa sa pagkontrol ng mga makapangyarihang bansa.
D. Gumawa ng mga batas pangkabuhayan para sa mga biktima ng digmaan.

6. Isa sa pinagmumulan ng digmaan ay ang di pagkakaunawaan ng bawat bansa. Bilang isang


mamamayan, alin ang maaaring gawin upang maiwasan ito?
A. Manalangin parati upang malampasan ang mga pagsubok ng iyong bansa.
B. Pagdisiplina sa bansang di sumusunod sa mga batas na napagkasunduan.
C. Pag-usapan ng dalawang bansa ang suliranin at kung paano sila magkakasundo.
D. Humingi ng payo sa mga may katungkulan sa bayan para sa ikabubuti ng bansa.

7. Patuloy ang di pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga rebelde dahil sa pagkakaiba ng


prinsipyong ipinaglalaban. Bilang Pilipino, paano ito makakaapekto sa ating bansa?
A. Maririnig ang mga hinaing subalit patuloy pa rin ang gulo.
B. Mauunawaan ang mga prinsipyong ipinaglalaban ng mga rebelde.
C. Hindi na magkakaroon ng pagbabago sa kultura at pamumuhay ang mga Pilipino.
D. Magkakaroon ng takot ang mga tao at maaapektuhan ang kanilang pamumuhay.

8. Ang mga sumusunod na pangyayari ang naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig, alin
dito ang HINDI nabibilang?
A. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
B. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa.
C. Pagtatag ng Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa.
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.

9. Ang digmaan ay nagdudulot ng teribleng pagkawala ng buhay at ari-arian. Nagdulot ito ng hinagpis
at lungkot sa milyun-milyong mga nakaligtas, kabilang ang mga naulila ng digmaan at nabalo. Kung
magpapatuloy ang digmaan, ano ang posibleng mangyayari sa mundo?
A. Lalaganap ang kultura ng mga makapangyarihang bansa.
B. Mawawasak na ang daigdig dahil sa mga nakakamamatay na sandata.
C. Mangingibabaw ang makakapangyarihan na mga bansa laban sa mahihina.
D. Marami ang mga mamamatay na halaman, hayop, tao at maaaring hindi na matitirhan
ang mundo.

10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito “Ang
sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensyang dayuhan”?
A. Napapanatili ang kultura ng isang bansa.
B. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya.
C. Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang.
D. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t ibang
impluwensya.

18
11. Maraming mga dahilan kung bakit bumabangon ang sigalot sa pagitan ng mga bansa. Ang
pagsusukatan ng lakas at militarismo ay isa rin sa mga dahilan kung bakit sumisiklab ang digmaan
sa pagitan ng mga bansa. Kung ikaw ay isang militar, ano ang nararapat mong gawin?
A. Magiting na ipagtanggol ang bansa upang hindi ito tuluyang masakop ng dayuhan.
B. Mag-organisa ng mga sundalo upang lihim na salakayin ang isang bansang mayaman
sa langis.
C. Agad na sumuporta sa anumang gagawing pananalakay ng iyong bansa sa kalapit nitong
bansa.
D. Gumawa ng mga dahilan kung sakaling nababalot ng takot kapag planong ipadala sa
isang magulong bayan.

12. Sinasabing hirap bumangon ang mga bansang nasangkot sa digmaan dahil sa nasalanta na mga
pananim at nasirang kabuhayan. Bilang isang kabataan, ano ang magagawa mo upang
mapagtagumpayan mo ang ganitong sitwasyon?
A. Mag-aral nang mabuti.
B. Paghingi ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.
C. Pagpapabayad sa bansang nanakop sa mga nasira nito.
D. Magsikap na muling makabangon sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan.

13. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga prebilihiyong maaaring matamasa ng mga
mamamayang naninirahan sa U.S. at Pilipinas, alin ang HINDI kabilang?
A. May karapatang makaboto.
B. May kalayaan sa pananampalataya.
C. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan.
D. Lahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyon.

14. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unang
Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers.
B. Pagpapalabas ng Labing-Apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson.
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia.
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria-Hungary,
Rusya, at Ottoman.

15. Isa sa epekto ng digmaan ay ang pagkakaroon ng trauma o takot ng mga mamamayan. Kung
ikaw ay isang lingkod bayan, paano mo aalagaan ang ating kapwa Pilipino na biktima ng digmaan
sa Marawi?
A. Magsagawa ng mga programang pangkalusugan.
B. Pagbibigay ng mga programang Stress Debriefing.
C. Pagkakaroon ng seminar at pagtuturo ng “self defense.”
D. Ipanalangin sila araw-araw para sa kanilang kaligtasan.

Karagdagang Gawain
Islogan Ko, Para sa Bayan
PANUTO: Gumawa ng islogan na nagpapahiwatig ng iyong matinding pagtutol sa mga kaguluhan at
digmaan sa daigdig. Isulat sa long bondpaper ang inyong islogan at lagyan ng disenyo. Ang batayan
ng pagmamarka ay ang rubriks sa ibaba.

19
MGA
4 3 2 1 Marka
KRAYTERYA
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi Walang 5 puntos
nagpamala malikhain gaanong ipinamalas na
s ng sa naging pagkamalikhai
pagkamalik paghahand malikhain n sa
hain sa a. sa paghahanda.
paghahand paghahand
a. a.
Presentasyon Lubhang Naging Hindi Hindi naging 5 puntos
naging malinaw gaanong malinaw ang
malinaw ang malinaw pagbigkas/pag
ang pagbigkas ang hahatid ng
pagbigkas at pagbigkas mensahe.
at paghahatid at
paghahatid ng paghahatid
ng mensahe. ng
mensahe. mensahe.
Organisasyon Buo ang May Konsistent, Hindi ganap 5 puntos
kaisipan kaishan at may ang
konsistent, may sapat kaisahan, pagkakabuo,
kumpleto na detalye kulang sa kulang ang
ang detalye at malinaw detalye at detalye at di-
at na hindi malinaw ang
napalinaw. intension. gaanong intensyon
malinaw
ang
intension
Kaangkupan sa Angkop na Angkop Hindi Hindi angkop 5 puntos
Paksa angkop ang ang mga gaanong ang mga salita
mga salita salita o angkop at larawan sa
(islogan) at islogan sa ang mga paksa.
larawan sa larawan ng salita at
paksa. paksa. larawan sa
paksa
Kabuuang 20
Puntos puntos

Sangguniang Aklat

Mateo,Grace Estela C; Ph.D, et al (2012) Kasaysayan ng Daigdig,Quezon City,Philippines:Vibal


Publishing House,Inc.

Soriano, C. et.al (2017) Kayamanan: Kasaysayan ng Daigdig, ,Quezon City,Philippines: REX


Bookstore.

Website and Links


A&E Television Networks (2018). World War 1 Battles: Timelines. Retrieved April 05, 2021
https://www.history.com/.image/t_share/MTU4MTA0NDUyMjIwMzMxODcw/worldwar1.jpg

Today Duke (2017). Royal Irish Ration Party. Retrieved April 11, 2021
https://today.duke.edu/sites/default/files/styles/story_hero/public/Royal_Irish_Rifles_ration_part
y_Somme_July_1916.jpg?itok=v6lqtW-B

20
Joe America (2018). Nationalism, Treason, Complacency, And Us. Retrieved April 08, 2021
https://societyofhonor.files.wordpress.com/2018/01/img_1070.jpg

Florida Center for Instructional Technology (2009). Overseas Empires of European Powers, 1914.
Retrieved April 15, 2021
https://etc.usf.edu/maps/pages/3600/3691/3691.htm

History for Kids (2021). Triple Alliance Facts for Kids. Retrieved April 09, 2021
https://historyforkids.org/triple-alliance/

Wikipedia (2016). Otto von Bismarck. Retrieved April 07, 2021


https://en.wikipedia.org/wiki/Otto_von_Bismarck

Wikipedia (2021). Wilhelm II, German Emperor. Retrieved April 16, 2021
https://en.wikipedia.org/wiki/Wilhelm_II,_German_Emperor

A&E Television Networks (2017). Franz Ferdinand Biography. Retrieved April 05, 2021
https://www.biography.com/political-figure/franz-ferdinand

Freddis (2006). No-mans land. Retrieved April 17, 2021


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:No-mans_land.jpg

Wikipedia (2020). Grand Duke Nicholas Mikhailovich of Russia. Retrieved April 15, 2021
https://en.wikipedia.org/wiki/Grand_Duke_Nicholas_Mikhailovich_of_Russia

Dritero Ferri (2020). Why was the Balkan League formed between Greece, Bulgaria and Serbia?.
Retrieved April 21, 2021
https://www.quora.com/Why-was-the-Balkan-League-formed-between-Greece-Bulgaria-and-Serbia

Wikipedia Tagalog (2020). Unang Digmaang Pandaigdig. Retrieved April 24, 2021
https://tl.wikipedia.org/wiki/Unang_Digmaang_Pandaigdig

Chris Baker (2010). What happened to a soldier who died?. Retrieved May 03, 2021
https://www.longlongtrail.co.uk/soldiers/a-soldiers-life-1914-1918/what-happened-to-a-soldier-
who-died/

Jurdana Martin Retegi (2014). The shot that triggered the war. Retrieved May 05, 2021
https://termcoord.eu/2014/07/shot-triggered-war/

Wikipedia (2021). Treaty of Versailles. Retrieved April 27, 2021


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/5/5a/Big_four.jpg

The White House (2015). Woodrow Wilson The 28th President Of The United States. Retrieved April
30, 2021
https://www.whitehouse.gov/about-the-white-house/presidents/woodrow-wilson/

Alannah Hill (2016). World War I Causes. Retrieved May 07, 2021
https://slideplayer.com/slide/5711804/18/images/19/Alliances+Triple+Alliance+Triple+Entente+
Germany+Great+Britain.jpg

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


21

You might also like