You are on page 1of 9

I.

Layunin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga Sanhi at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan.
2. Nabibigyang kahalagahan ang pagkakaroon ng Kapayapaan.
3. Nakapapaghihinuha ng mga plano at hakbang sa malawakang kapayaan at pagpigil
sa mga susunod pang simple man o komplikadong digmaan.

II. Nilalaman

A. Paksa:
“Ang mga Sanhi at mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.”

B. Sanggunian:
Kayamanan III, p. 407-423

C. Kagamitan:
LCD, Projector, laptop, Speaker, Larawan, Visual Aids

III. Pamamaraan

A. Pang-araw araw na Gawain


1. Panimulang Panalangin
2. Pagsasaayos ng Silid Aralan
3. Pagtatala ng Liban

B. Balik Aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Bilang panimula, magbibigay ang guro ng


kaunting pagbabalik tanaw sa Unang digmaang
pandaigdig.

Isaayos Mo Ako! (Differentiate Cause and


Effect)
Magbibigay ang guro ng mga salita at ididikit ito
sa blackboard.

Pagbagsak ng ekonomiya Imperyalismo

Nasyonalismo Pagbagsak ng Imperyo

League of Nations Alyansa

Militarismo Pagkamatay ng marami

Pandaigdigang hidwaan

Pagkatapos, maglalaan ang guro ng table.


Inaasahang magsasagot ang mga mag-aaral sa
inalaang Gawain. Kanilang ilalagay ang mga
salita sa nakalaang pangkat kung ito ba ay Sanhi
o Bunga ng Digmaang Pandaigidig

Unang Digmaang Pandaigdigan


Sanhi Bunga
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5.
Inaasahang Sagot

Unang Digmaang Pandaigdigan


Sanhi Bunga
1. Imperyalismo 1. Pagkamatay ng
2. Nasyonalismo marami
3. Alyansa 2. Pagbagsak ng
4. Militarismo Ekonomiya
5. Pandaigdigang 3. Pagbagsak ng
Hidwaan Imperyo
4. Daan tungo sa
pagbuo ng pagkakaisa

C. Motibasyon

Unawain mo Ako! (Video Clips Analysis)


Magpapakita ang guro ng isang video clips. Ang
video clips ay naglalaman ng ganito:
(Papanuorin ng mga mag-aaral ang inilaang video
Unang Senaryo: Perpektong Lipunan clips)

Ikalawang Senaryo A : Mga Sanhi ng Digmaan


Ikalawang Senaryo A: Mga Bunga ng Digmaan

Matapos ang video, inaasahang magtatanong ang


guro:

Ano ang inyong napanood sa unang senaryo na


aking ipinakita? Nagpapakita ito ng Kapayapaan, Katahimikan at
kung anu-ano pang magagandang element ng
lipunan.
Nais nyo bang tumira sa ganoong lugar? Bakit?
(Magbibigay ang mga mag-aaral ng kuro-kuro)

Magaling. Ano naman ang ipinakikita ng ikalawang


senaryo sa unang parte?
Ito mga epekto ng Unang Digmaang
Pandaigdigan.

Nagpapakita ng Kinahinatnan ng mundo bago


ang ikalawang Digmaang Pandaigdigan

Nagpapakita na hindi pa tapos ang World War II


at masusundan pa.

Ito ay nagpapakita ng mga Sanhi ng pagkakaroon


ng susunod pang digmaan, ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdigan.
Magaling. Ano naman ang ipinakikita ng ikalawang
senaryo sa unang parte?
Nagpapakita ng kinahinatnan ng mundo matapos
ang sunod-sunod na digmaan.

Nagpapakita ito ng mga masamang naidulot ng


World War II
Nagpapakita ito ng mga Bunga ng World War II.

D. Paglalahad ng Layunin
Inaasahang ipapakita ng guro ang Layunin ng
paksang ito.

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
1. Natutukoy ang mga Sanhi at Bunga
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan.
2. Nabibigyang kahalagahan ang
pagkakaroon ng Kapayapaan.
3. Nakapapaghihinuha ng mga plano at
hakbang sa malawakang kapayaan at
pagpigil sa mga susunod pang simple
man o komplikadong digmaan.

E. Talakayan

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagbunga ng


malaking pagbabago sa mundo. Kagaya ng mga
naitala ninyo, napakalaki ng pinsala nito. Umasa
ang lahat na hindi na mangyayari pa ang bangungut
na digmaang ito. Subalit nagkamali ang lahat
sapagkat isa pang digmaan ang paparating na mas
magbabago sa mundo. At ito ang naitalang
pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan. Ano
ang digmaang ito?
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ngayon, pag-aaralan natin kung ano ang sanhi at
bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Paglalahad ng aralin.

Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, hindi


parin maitago ang dilubyong iniwan nito. At ang
mga iniwan ang nagpatindi sa mga sanhi at
pagsisimula ng digmang pandaigdigan.

Maisasakatuparan ang talakayan sa pamamagitan


ng paggamit ng powerpoint.

Sa pagsisimula ng ating pag-iisa sa aralin, ngayon


pagaaralan natin ang mga SANHI ng Ikalawang
digmaang Pandaigdigan.

Kilalanin Mo Ako! (Identifying Picture)


Ang Pagtatalkay ng Sanhi ay maisasakatuparan sa
pamamagitan ng aktibiti na ito. Magbibigay ang
guro tatlong poster. Ipapaliwanag ng mga mag-
aaral ang kanilang pagkaka-unawa sa larawan.
Aalamin nila kung alin sa mga sanhi ang Larawan.
Ang mga larawan na ito ay kaugnay ng isa sa mga
SANHI ng ikalawang digmaang pandaigdigan.

Noong 1929, tuluyan ng naranasan ang kahirapan.


Dahil sa kahirapan ano ang nangyari?
Ang kompitensiyang pandaigdiganang kalakalan
ay sumidhi at ang kanais-nais na lakas ng
nasyonalismo at imperyalismo ay nanaig upang
makapagpakilos ng bansa.
Magaling! Dahil sa Kahirapan, bawat bansa ay nais
umahon. At makakaahon sila sa pamamagitan ng
pananakop ng ibang bansa.
(Tutukuyin ng mga mag-aaral kung alin sa
mga larawan ang Unang Sanhi)
At iyan ang unang sanhi. Ang patuloy na
pagnanasa ng mga bansa na magpalawak ng
teritoryo.

Ang mga bansang nagpasimula ng pagpapalawak


ay sa pananaw na nasyonalismo at imperyalismo.

Paano niyo maipapagkumpara ang dalawa?


Ang Nasyonalismo ay pagpapalakas ng
kapangyarihan ng bansa sa loob nito. Ang
imperyalismo naman ay pagpapalakas din habang
nagpapalawak ng teritoryo.
Tama! Sumibol ang nasyonalismo sa mga bansang
Germany, Italy at Russia. Bilang mga bansang
sobrang naaapektuhan ng digmaan ano ang
kanilang inaasahan?
Ang pamahalaan ang inaasahan nila na
magpapabangon ng kanilang kabuhayan.
Dahil sa pamahalaan nagtiwala ang mga mamayan,
Ano naman ang ginawa ng pamahalaan? Anong uri
ng pamamahala ang sumibol dahil dito.
Dahil sa ang bawat tao ay umaasa sa pamahalaan,
inabuso naman ng pamahalaan ang
kapangyarihan. Dito sumibol ang diktadurya.
Paano namumuno ang pamahalaang diktadurya?
Ang Diktadurya ang kung saan ang bansa ay
pinamahalaan ng isang tao o pangkat ng tao na
hindi napapasailalim ng batas.
Magaling! Sa bansang Germany, matapos maging
chancellor si Adolf Hitler, nagbuo ito ng isang
malaking puwersa ng pulisya na tutupad sa kanyang
ipinag-uutos. Itinanghal niya ang sarili na diktador
at pinuno ng puwersang ito na tinawag na Nazi.

Sa Italy naman, si Benito Mussolini ang naging


diktador at itinatag ang Pasismo.

Sa katauhan ni Heneral Francisco Franco naman


naisakatuparan ang diktadurya sa Russia. Ang
partido naman ng Falange ang nabuo nito.

Ano kaya ang mangyayari matapos ang pagtatayo


ng mga diktaduryang ito.
(Magbibigay ng opinion ang mga mag-aaral)

Dahil sa ang bawat diktadurya ay binubuo na


military, inaashan ang malakihang digmaan.

Dahil sa matindi ang pagpapalakas ng


kapangyarihan ng mga bansang ito, hindi
malabong ipaglaban ng mga ito ang kani-
kanilang prinsipyo na magdudulot ng digmaan.

Dahil sa diktadurya, kung magpasya ang


dikatadur ng digmaan, maaring mangyari ito
sapagkat ang diktadurya ay walang sinusunod na
batas.
Tam! Hindi lang sa Europa nagkakainitan. Maging
sa Asya sa pamamagitan naman ng Imperyalismo.
Ito ay ang bansang Japan, nang magpasimula sila
ng pananakop sa Manchuria. Para maipagpatuloy,
nagbitiw sila sa League of Nations.

Makatarungan bang talikuran ang inyong


pangakong binitawan para lang sa sariling
kapakanan?
(Magbibigay ng opinion ang mga mag-aaral)
Salamat sa sagot! Subalit ang Kasunduan matapos
ang unang digmaang pandaigdigan ay isa rin sa
mga sanhi ng Ikalawang Digmaang pandaigdig.
(Tutukuyin ng mga mag-aaral kung alin sa
mga larawan ang Unang Sanhi)
Ito ay ang Di naging makatarungan ang
kasunduang Versailles para sa Germany.

Bakit kaya sinasabing Germany ang sinasabing


dehado sa kasunduang ito?
Bilang pinakamalupit na bansa noong Digmaan
ito ang pinagmulta dahil sila ang nakapinsala.
Tama! Labis ang pagtutol ng bansang Germany sa
nangyari. Ayon kasi sa kasunduan ay kailangan
silang umamin ito na sila ang nagpasimula ng
digmaan. Bakit kaya ito napakahirap sa kanila?
Anong kaisipan sila meron?
Ang mga German ay nainiwala na sila ang
pinakadakilang tao sa daigdig kaya napakahirap
sa kanila ang gawin ito.
Tama! At hindi lang iyan, pinag-ambag pa sila ng 5
milyong dolyar para sa pinsala?
Dehado kaya talaga ang mga German?
(Magbibigay ng opinion ang mga mag-aaral)
Matapos ito, ilan pang mga teritoryo nya ay
pinaghati-hatian ng ibat-ibang bansa. Sa pangyayari
kayang ito, maari na kaya nating sabihing
nadisiplinado na ang bansang Germany?
(Magbibigay ng opinion ang mga mag-aaral)
Hindi pagkadisiplinado noon ang nararamdaman ng
Germany kundi paghihiganti. Dahil sa iniisip nila
na sila ang pinakadakila, nais nilang patunayan sa
buong mundo na hindi sila papatalo. Ano ang
patunay na nais nilang maghiganti?
Sila ang nagsimula ng mga digmaan. Sila parin
ang naitang pinakamalupit.
Tama! Sa pagsisimula ng mga maliliit na digmaan,
ano kaya ang ginagawa ng League of Nation? Wala
ba silang ginagawang hakbang para mapigilan ang
muling pagkakaroon ng malawakang digmaan?
Hindi matibay ang samahang ito at itinuturing ng
ibang bansa na hindi patas. Naisakatuparan man
ang pagsasabatas nito, hindi parin naging mabisa
(Tutukuyin ng mga mag-aaral kung alin sa
mga larawan ang Unang Sanhi)
Mahusay! Dahil sa ang kasunduan ay puro pabor sa .
mga bansang nanalo sa digmaan, Hindi
naipatupad ang mga tungkulin ng League of
nation at ito ang ikatlong dahilan ng Digmaan. Para
saan ba dapat talaga ang League of Nation?
Ito ay isang samahan ng mga bansang naglalayon
na mapigilan ang mapaminsalang digmaan sa
halip ay maghatid ng kapayapaan.
Tama! Subalit ang samahan ay hindi doon
nagtungo, sa halip, nagi itong paraan ng pagganti sa
mga nag-abusong bansa. Bawat isa ay naghahangad
na makalamang. Saan Kaya nagtungo ang kanilang
usapan?
Huminto ang naganap na pagpupulong dahil a
pagkakaiba ng interes ng mga delegado.
Tumpak! Sa kabila ng hindi pagsasakatuparan ng
League of nation, nagpatuloy parin ang kapayapaan
sa tulong ng limang kasunduan kabilang ang
kasunduan sa Versailles.

Dahil sa mahigpit na pagnanasa ng Nazi na muling


mapanumbalik ang kapangyarihan ng Germany sa
mundo, sa pangunguna ni Hitler, pinangunahan nila
ang digmaan sa pananakop ng Poland na ikinagalit
ng France at Britain. Dahil dito nagbanta ng
digmaan ang Britain at France sa Germany.

Ang Japan naman sa Asia ang nagtangka s


apananakop na tinuligsa ng USA. Ito ang dahilan ng
pagbomba ng japan sa Pearl harbor.

Sinu-Sino kaya ang magiging magkalyansa sa


puntong ito?
Bilang mga tagapagpigil ng kaguluhan,
magkakasama ang Britain, France at USA.
Tama! At sila ang tinawag na Allied.
Ang mga mananakop naman na bansang
Germany, Italy at japan ang nagsama-sama bilang
Axis.
Magaling! At ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
ay nangyari nga. Ilan pang mga labanan ang
naganap.

Ano ang kinahinatnan ng mundo maatapos sumuko


ang pinakahuling bansa ng Axis, ang Japan noong
1945? Ito ang naging hudyat ng katapusan ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Ang Ikalawang digmaang Pandaigdig ay ang
pinakamadugo at pinakamapinsala sa lahat ng
digmaan. Nagdulot ito ng maraming pagbabago sa
kasaysayan ng daigdig.

Ngayon alamin natin kung ano naman ang mga


BUNGA na iniwan nito sa kasaysayan.

Ipakita Mo Ako! (Show me a Picture) (Pagsasagawa ng aktibiti)


Ang paglalahad ng bunga ay maisasakatuparan sa
pamamgitan nito. Hahatiin ng guro ang magaaral
sa limang grupo. Pagkatapos papipiliin ng envelop
ang bawat group leader. Ang bawat envelop ay
naglalaman ng isa sa mga bunga ng World War II.
Inaasahang ang nabunot nilang bunga ay kanilang
isasadula sa pamamagitan ng pagiging estatwa.
Kailangang ang ipinakitang imahe sa pamamagitan
ng pagiging estatwa ay magpapakita ng isa sa mga
Bunga. Bibigyan sila ng 3 minuto para ayusin ito.

Mga BUNGA ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdigan:

1. Nagwagi ang demokrasya laban sa


mapanakop na pamahalaan.
2. Dahilan ito ng pagkawala ng maraming
buhay.
3. Nasira ang pandaigdigang ekonomiya.
4. Lumaya ang maraming bansa.
5. Itinatag ang United Nations.

F. Paglalahat
Punan Mo Ako! (Concept Map)
Ang Paglalahat ay maisasakatuparan sa
pamamagitan ng Concept Map.Inaasahang SANHI NG
magsasagot ang mga magaaral. WORLD WAR II

? ?
?

BUNGA NG
WORLD WAR II

? ?
?

? ?

G. Pagpapahalaga

Pagusapan natin To! (Sharing and Valuing)


Alam niyo ba na ang bawat napakalaking digmaan
ay nagsisimula sa napakaliit na bagay? Maaring
sabihin nating ang isang palitong posporo ay
maaring makapagpaliyab ng buong mundo. O sa
mas madaling maunawaan ay, Ang galit sa puso mo
ay maaring makalikha na digmaang sangkot ang
buong mundo.

Kung ganoon ano ang kailangan upang ang maliit


na digmaan sa ating buhay ay mapigilan?
Halimbawa po sa Pamilya, kung kaaway mo ang
iyong kapatid, makipagbati sa kanya bago pa
lumala ang gulo. Dapat magunawaan kayo at
intindihin ang bawat pagkakamali ng isa

Sa Magulang, bilang isang Anak, kailangn mong


gumalang.

Pag tungkol sa paaralan, isipinj na ang bawat tao


ay iba-iba, kaya maging handa na magpatawad at
tanggapin ang isat-isa.

Bilang isang mag-aaral, kailangan matuto kang


sumunod sa guro. Mag-aral ka dapat ng mabuti
ng hindi mo sila biguin pati ang pamilya mo.
(Magbibigay pa sila ng iba pang kuro-kuro)
Tama! Ang isang digmaan ay nagsisimula lang sa
maliit na di pagkakaunawaan. Kaya habang maaga
pa, kailangan na itong ayusin at pag-usapan.

H. Paglalapat
Mismong Ako! (Formulate Promises)

Bilang isang concern citizen, Ano ang iyong


maipapangako upang hindi na magkaroon pa ng
digmaang ating kinatatakutan?
(Isulat ang inyong pangalan at lagyan ito ng pirma)
Petsa:_________

Ako si __________________________________
At ako ay nangangako na ___________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Lagda sa Ibabaw ng pangalan

IV. Ebalwasyon

I. Tama o Mali
PANUTO: Basahin ng mabuti ang salaysay. Tukuyin kung ito ay sanhi o Bunga.
Isulat ang TAMA kung wasto ang sinasabi at MALI naman kung hindi.

_______________1. Ang Pagkakaroon ng United nation ay bunga ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdigan.
_______________2. Ang pagkakaroon ng demokrasya laban sa mananakop na bansa ay
maituturing na sanhi.
_______________3. Ang Pagbagsak ng lipunan ay maituturing na bunga.
_______________4. Isa sa mga Sanhi ay ang hindi patas na kasunduan sa League of Nations.
_______________5. Naging sanhi ng digmaan ang pagpapalaya sa mga bansa.

V. Takdang Aralin

1. Paano nagsimula ang Cold War?


2. Tukuyin ang mga bansang sangkot rito?
3. Isa-isahin ang naging mga naging bunga nito?
Republic of the Philippines
Southern Luzon State University
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Lucban, Quezon

Detalyadong Banghay Aralin para sa Aralin Panlipunan III


“Ang mga Sanhi at mga Bunga ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.”

Final Demonstration
Pebrero 20, 2014
III- Masikap

Inihanda ni:

CARLO TROY ACELOTT T. MANALO


BSEd IV - Social Studies

Iwinasto ni:

MS. MARITES ABUYAN


Cooperating Teacher

Nilagdaan nina:

MRS. LORELIE JASUL


Chairman, LDNHS – Araling Panlipunan Department

MR. ROLITO INOJOSA


Principal, Lucena Dalahican National High School

PROF. MARIFE S. MAGPANTAY


Supervisor, BSEd IV Pre – Service Teacher

You might also like