You are on page 1of 4

I .

Layunin
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga sanhi at kadahilanang nagbigay daan sa pag-usbong ng Unang
Digmaang Pandaigdig.
B. Nakagagawa ng isang makabuluhang awitin o jingle na nagpapahayag ng
damdaming Makabansa upang maiwasan ang mga sigalot sa ibat ibang bahagi ng
Daigdig.
C. Napapahalagahan ang mga naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig.
II .Nilalaman
a. Paksa : Ang Unang Digmaang Pandaigdig
b. Batayan :Kayamanan (Kasaysayan ng Mundo)nina Cecilia D, Soriano et,al pahina 308320)
c. Kagamitang Pagtuturo : Cartolina, Marker at mga Larawan
III .Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1 Pagdarasal
2 Pagtatala ng Liban
3 Balitaan
4 Balik-Tanaw
Balik-aral ~ pagkuha ng atensyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng isang
Dice na may numerong 1-6 itatanong ng mga sumusunod na katanungan.
- Ano ang mahahalagang pangyayari noong panahon ng pag-usbong ng
nasyonalismo?
- Paano nakaimpluwensiya ang mga pag-usbong ng Nasyonalismo sa iba
pang bansang kolonya?
- Ano ang naging epekto ng Nasyonalismo sa kasaysayan ng Daigdig?
5 Pagganyak (Engage) Picture Analysis
~ Pagtatanong patungkol sa paksang tatalakayin.

Ano ang ibig


ipahiwatig ng
mga larawan?
Ipaliwanag.
Bakit kaya
nagaganap ang

Digmaan?
Bumuo ng paliwanag mula sa salitang Digmaan.

B. Paglinang sa Aralin
1 Lunsaran

~ Inaasahang masasagutan ang mga sumusunod na katanungan.


- Ano ang mga pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong ng isang
digmaan?
- Bakit mahalagang matukoy ang mga dahilan ng pag-usbong ng digmaan?
- Paano kaya umusbong ang mga damdaming Nasyonalismo sa ibat ibang
bahagi ng daigdig sa gitna ng digmaan?
- Sa iyong palagay ano ang epekto nito sa mga tao sa kasalukuyang
panahon?

2 Pagtalakay

Ang Unang Digmaang Pandaigdig


Ang Mga Sanhi
ng Digmaan

Ang Daigdig sa
Gitna ng
Digmaan

Ang mga Epekto


ng Digmaan

Katanungan:
1. Ano-ano ang mga naging pangkalahatang sanhi ng digmaan?
2. Bakit naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig? Ipaliwanag.
3. Anu- ano ang ligang nakipaglaban sa gitna ng digmaan?
4. Bakit lumahok sa digmaan ang Amerika?
5. Kailan natapos ang digmaan? Anu-ano ang kondisyon ng Tratado?
IV. Pangwakas na Gawain
A. Pagsusuri
Inaasahang masasagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang mahahalagang pangyayari noong panahon ng Unang Digmaang
pandaigdig?
2. Paano nakaimpluwensiya ang mga pag-usbong ng Nasyonalismo sa pagsisimula
ng Digmaan?
3. Ano ang naging epekto ng Digmaan sa kasaysayan ng Daigdig?
B. Pagpapahalaga
Ang mga mag-aaral ay makapagpakita ng isang Jingle na nagpapahayag ng
damdaming makabansa upang maiwasan ang mga sigalot sa ibat ibang bahagi ng
Daigdig tungo sa malawakan at pandaigdigang pagkakaunawaan, pagtutulungan at
pagkakaisa.
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman
5 puntos
Pagkamalikhain
3 puntos
Pagganap
2 puntos
~Ipoproseso ang aralin sa tulong ng sumusunod na mga katanungan:
- Ano ang mga dahilan ng pag-usbong ng Unang Digmaang Pandaigdig?
- Ano ang ibat ibang pamamaraan na isinagawa ng bawat bansa upang
labanan ang mga kalaban?
- Paaano nagkaiba-iba ang kanilang stratehiyang ginamit sa paglaban?
- Paano naapektuhan ng Digmaan ang tranpormasyon at repormasyon ng
lipunan?
C. Pagtataya
I.

Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap:


1. Kinilala bilang dakilang digmaan at itinuturing na pinakamalaking digmaan sa
kasaysayan.
Unang Digmaang Pandaigdig
2. Tagapagmana ng trono sa Austria-Hungary. Archduke Francis Ferdinand
3. Isang stratehiya kung saan dapat talunin muna ng Alemanya ang Pransiya bago labanan
ang Rusya. Schlieffen Plan
4. Isang Serbian na pumatay kay Francis Ferdinand. Gavrilo Princep
5. Nagdeklara na ang Amerika ay isang Neutral na bansa at may Pangulong Woodrow
Wilson
6. Pampasaherong barkong Briton na pinasabog ng submarine ng Alemanya. Lusitania.
7. Ministro ng kalagayang panlabas ng Pransiya. Leopold von Berchtold
8. Alyansa sa pagitan ng Alemanya, Austria-Hungary at Turkiya. Central Powers
9. Kampihan ng malalakas na bansa. Alyansa
10.Pagdakila sa military kung saan ang sandatahang lakas at ang kahandaan sa digmaan
ang pangunahing patakaran ng isang bansa. Militarismo

II.

Sagutan ang mga sumusunod na Blockbuster.

11. Anong U ang ipinataw ng Austria-Hungary sa Serbia.


12. Anong T ang nil;agdaan ng mga bansa sa Paris.
13. anong D ang alyansa sa pagitan ng Pransiya at Rusya.
14. Anong N ang itinuturing na isang positibong pwersa na nagbibigkis sa mga tao sa
isang
bansa.
15. Sinong A ang nagsulong ng Schlieffen Plan.
III. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa 3-5 na pangungusap
16-20. Paano ka makikibahagi sa pagtatatag ng pandaigdigang kaunlaran at kapayapaan?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
D. TakdangAralin # 3
Magdala ng larawan na nagpapakita ng epekto ng Unang Digmaang Pandigdig at lagyan
ito ng 3-5 na paliwanag o paglalarawan.

Prepared By: Ms. Lycka Mae A. Acosta


Social Science Teacher

ARALIN : UNANG DIGMAANG


PANDAIGDIG

Unang Digmaang Pandaigdig- kinilala


bilang dakilang digmaan at itinuturing na
pinakamalaking digmaan sa kasaysayan.

Mga Pangunahing Sanhi ng Unang


Digmaang Pandaigdig
1. Pag-usbong ng Nasyonalismo o ang

2.

3.
4.

5.

isang positibong pwersa na


nagbibigkis sa mga tao sa isang
bansa.
Pagkakaroon ng Imperyalismo o
ang dominasyon ng isang bansa sa
politika, ekonomiya, at kultura ng
isang bansa.
Ang palakasan ng mga bansa para
sa layuning mapataas ang antas ng
ekonomiya.
Pananaig ng Militarismo o ang
pagdakila sa militar kung saan ang
sandatahang lakas at ang
kahandaan sa digmaan ang
pangunahing patakaran ng isang
bansa.
Dahil sa takot at kawalan ng tiwala
na nagtulak sa malalakas na bansa
na maghanap ng proteksyon at
kakampi na tinawag na Alyansa.

Ang mga Pangunahing Alyansa Bago


ang Digmaan
1. Triple Alliance- alyansa sa pagitan
ng Alemanya, Austria-Hungary at
Italya.
2. Dual Alliance- alyansa sa pagitan ng
Pransiya at Rusya.
3. Triple Entente- alyansa sapagitan
ng Gran Britanya, Pransiya at Rusya.

Ang mga Pangunahing Alyansa sa


Gitna ng Digmaan

1. Central Powers- alyansa sa pagitan


ng Alemanya, Austria-Hungary at
Turkiya
2. Allies- alyansa sapagitan ng Gran
Britanya, Pransiya at Rusya.

Ang mga Pangyayari sa Digmaan

Hunyo 28, 1919- deklarasyon ng


digmaan
ng Austria sa Serbia.
-Paghingi ng tulong ng
Serbia sa Rusya.
Agosto 1, 1919- deklarasyon ng
digmaan ng
Alemanya sa Rusya.
-Paghingi ng tulong ng
Rusya
sa Pransiya.
-Deklarasyon ng digmaan
ng
Alemanya laban sa
Pransiya.
-Deklarasyon ng Britanya
sa
Alemanya.
Alfred Schlieffen- nagsulong ng
Schlieffen Plan.
Schlieffen Plan- isang stratehiya kung
saan dapat talunin muna ng Alemanya ang
Pransiya bago labanan ang Rusya.
Agosto 6, 1919- sinalakay ng Alemanya
ang Belhika.

Ang Pagpasok ng Amerika sa


Digmaan
Pangulong Woodrow Wilson- nagdeklara
na ang Amerika ay isang Neutral na bansa at
may karapatan sa tahimik na paglalakabay
sa karagatan.
Mayo 18, 1915- pinasabog ng submarino
ng Alemanya ang pampasaherong barkong
Briton na Lusitania.
Abril 12, 1917- nagdeklara ng digmaan ang
Amerika laban sa Alemanya.

Ang Tratado ng Paris

Archduke Francis Ferdinandtagapagmana ng trono sa Austria-Hungary.


Gavrilo Princep- isang Serbian na
pumatay kay Francis Ferdinand noong Hunyo
28, 1914.
Leopold von Berchtold- ministro ng
kalagayang panlabas ng Pransiya.

1. Pagkakaroon ng Paris Peace Settlement


2. Pagtangap na tanging Alemanya ang
may kasalanan sa digmaan.
3. Pagsuko ng Alemanya sa lahat ng
kolonya nito sa Aprika at Asya.
4. Paglimita sa laki ng hukbo ng Alemanya.
5. Pagbabawal sa Alemanya na bumili at
lumikha ng mga armas pandigma.
6. Pagbabayad ng Alemanya sa Allies ng
$33 bilyon sa loob ng 30 taon.

Ang mga Ultimatum ng AustriaHungary sa Serbia

Epekto ng Unang Digmaang


Pandaigdig

Ang Simula ng Digmaang Pandaigdig

1. Paghingi ng kabayaran sa nangyaring


krimen.
2. Pagtigil sa pangugulo sa Austria.
3. Pagsali at pakiki-alam ng Austria sa
imbestigasyon hingil sa pagpatay kay
Francis Ferdinand.
4. Pangingialam sa soberanya ng Serbia.

1. Pagkasira ng mga ari-arian.


2. Paglaganap ng kagutuman.
3. Pagkamatay ng mga tao sa ibat ibang
bahagi ng daigdig.
4. Pagbagsak ng Ekonomiya.
5. Pag-angat ng kababaihan.

You might also like