You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG


FLORENCE DE LEON
TCP 2

I – Layunin:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag –aaral ay inaasahan na:

A. Nakapaghihinuha buhat sa nakuhang katibayan sa mga pangyayaring nagdulot ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
B. Nakapagpapasya ng tumpak ukol sa mga desisyon ng LIder noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
C. Nakapag – uugnay ugnay ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.

II – Paksang Aralin : Ikalawang Digmaang Pandaigdig


A. Paksa : Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. Sanggunian: KASAYSAYAN NG DAIGDIG Araling Panlipunan 8
C. Materyales: Bond paper, Manila paper, Pentel pen, Mga Larawan

III – Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng liban sa klase
3. Pangongolekta ng gawaing - bahay
4. Pagbabalik – aral

B. Pagganyak: Magpapakita ng mga larawan ng pagbomba ng Amerika sa


Hiroshima at Nagasaki.
Gawain :Think – Pair - Share
Saang bansa matatagpuan ang Hiroshima?
Bakit pinasabog ng Amerika ang Hiroshima?
Ano ang nangyari pagkatapos itong pasabugin?
Sino ang mga nagpasabog sa Hiroshima?
Ano ang naging epkto nito sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

C. Paglalahad: Tatalakayin ang mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Hahatiin ang klase sa apat na grupo at magsasama – sama sa nakabilog na upuan ang
bawat miyembro ng bawat grupo upang mapag – usapan ang gagawing presentasyon

GRUPO 1 : Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig


GRUPO 2: Mahahalagang Pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
GRUPO 3: Mga Kaganapang Nagbigay daan sa pagwawakas ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
GRUPO 4 : Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

D. Pagpapahalaga: Bilang mag – aaral ano ang kahalagahan na malaman ang


pinagmulan ng dahilan ng ikalawang digmaang pandaigdig at koneksyon nito sa
kasalukuyang panahon?
E. Paglalahat: Ano – ano ang dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Ano – ano ang mahahalagang pangyayari noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
Ano – ano ang mga kaganapang nagbigay daan sa pagwawakas ng
Ikalawang DIgmaang Pandaigdig?
Ano – ano ang Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

F. Pagtataya :
Upang matiyak ang inyong pag – unawa sa mahahalagang pangyayaring nagbigay daan
sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gawin ang Up the Stairs Timeline sa ibaba. Iguhit
mo ito at pagkatapos ay isulat sa kahon ang mga pangyayaring naging dahilan ng
pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
G. Gawaing Bahay : Magbasa ukol sa Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Hahatiin ko kayo sa apat na grupo at bawat grupo ay magdadala ng ¼ Manila paper at
Pentel pen.

You might also like