You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Kontemporaryong Isyu
Mga hakbang ng Pamahalaan sa mga Usaping Politikal

I. Layunin
Pagkatapos ng pag – aaral, ang mga mag – aaral ay inaasahan na:
A. Naipaliliwanag ang konsepto ng political dynasties.
B. Nasusuri ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag
na pamahalaan

C. Naipapahayag ang kahalagahan ng political dynasties sa lipunan.

II. Paksang Aralin : Mga hakbang ng Pamahalaan sa mga Usaping Politikal


Paksa : Pagsugpo sa katiwalian– Politica de familia
Sanggunian : Paglinang sa Kasaysayan 10 : Kontemporaneong Isyu
Materyales: Larawan, Cartolina, bond paper
Pagpapahalaga : Napapahalagahan ang political dynasties sa lipunan
Sanib – kaalaman : Filipino / English, Mapeh (Arts)

III. Pamamaraan
Panimulang Gawain:
Pagdarasal
Pag –alam ng liban sa klase
Pagbabalik-aral

A. Pagganyak : Magpapakita ng larawan ng isang Pamilya na may Political Dynasty


B. Paglalahad :
Magpapakita ng mga scrambled letters at ipaliliwanag ng guro pagkatapos maisaayos ng mag
– aaral.
Obligasyong Panlipunan ng mga Pilipino sa pagpapanatili ng Politica de Familia ( family
Policy)
PADRAZGOCOM
BOOL AN GNATU
AMASIKIKIAP
ISMSSOB
KINGSEE TREN
NASAKALAP
Magpapakita ng mga larawan o pahuhulaan kung ano ang tawag na nasa larawan pagkatapos
ay ipapaliwang ng guro ang ibig sabihin ng salita
Ayon kay Sheila Coronel 2007 mayroong pitong M ng pagtatayo bg isang dinastiyang
politikal
1. Money
2. Machine
3. Media and Movies
4. Marriage
5. Murder and Mayhem
6. Myth
7. Mergers
Ilalahad din ang iba pang pag- aaral nina Ronald Mendoza Edsel Beja Jr., Victor Venida, at
David Yap ukol sa dalawang modelo ng dinastiyang politikal sa Pilipinas. Tatalakayin din
ang mga artikulo ni Asuncion Maramba ukol sa pamilya at politika.

C. Pagpapahalaga: Sa palagay ano ang kahalagahan ng political dynasty sa lipunan?


D. Paglalahat : Sa ating tinalakay ngayong umagang ito, ano ano ang inyong natutunan ukol
sa political dynasties?
E. Pagtataya : Role play
Upang malaman ang natutunan ng mga mag – aaral sa talakayan, sila ay maghahati sa limang
grupo at magsasadula ng mga natutunan sa aralin ngayong araw na ito. Ang guro ay
magbibigay ng isang salita kaugnay sa politica de familia. Magbibigay lamang ang guro ng
10 minuto upang makapaghanda ang bawat grupo sa kanilang pagsasadula.

F. Takdang Aralin
Magbasa ukol sa katiwalian at korupsiyon upang magkaron na kayo ng ideya sa ating
susunod na talakayan basahin ito sa pahinang 138 – 147. Paglinang sa kasaysayan 10.
Kontemporaneong isyu
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10
Kontemporeaneong Isyu
Mga hakbang ng Pamahalaan sa Usaping Politikal

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag – aaral ay inaasahan na:
A. Naipapaliwanag ang konsepto, uri, at pamamaraan ng graft and corruption.
B. Natataya ang epekto ng graft and corruption sa pagtitiwala at partisipasyon ng mga
mamamayan sa programa ng pamahalaan.
C. Napapahalagahan ang pagsusuri ng kaugnayan ng graft and corruption sa aspektong
pagkabuhayan at panlipunan.

II. Paksang Aralin : Mga hakbang ng Pamahalaan sa mga Usaping Politikal


Paksa : Katiwalian at Korupsyon
Sanggunian : Paglinang sa Kasaysayan 10 : Kontemporaneong Isyu
Materyales: Cartolina, bond paper, speaker, laptop
Pagpapahalaga : Napapahalagahan ang nagaganap sa lipunan
Sanib – kaalaman : Filipino / English, Mapeh (Arts)

III. Pamamaraan
Panimulang Gawain:
Pagdarasal
Pag –alam ng liban sa klase
Pagbabalik-aral

A. Pagganyak :
Ang mga mag- aaral ay aatasang ipikit ang kanilang mga mata at ipapalagay nila na nasa
ganitong sitwasyon sila:
Halimbawa may ipon ka dahil may isang bagay kang gustung – gustong bilhin, nang
marami na ang iyong ipon ay kinuha itong lahat ng taong pinagkakatiwalaan mo.
Pagkatapos ay hayaan ang mga mag- aaral na imulat ang kanilang mga mata at itanong ang
mga sumusunod na mga tanong.
a. Anong nararamdaman mo habang iniisip mo ang ganitong sitwasyon?
b. Bakit ka malungkot?
c. Bakit ka galit?

B. Paglalahad:
Iparinig sa mag – aaral ang kantang “UPUAN” habang may nakapaskil na lyrics sa pisara.
Pagkatapos ng kanta ay tanungin ang mga mag – aaral upang matukoy kung may
naintindihan ba sila sa konseptong nais iparating ;
a. Ano ang inyong naintindihan sa kanta?
b. Ano sa palagay nyo ang nararamdaman ng kumakanta?
c. Ano kaya ang gusto niyang ipahayag?
d. Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ng kumakanta? Bakit?

Pagkatapos ng kanta ay tatalakayin ang mga sumusunod na tanong;


a. Ano ang graft and corruption?
b. Ano ang dahilan ng graft and corruption?
c. Sino – sino ang madalas na sangkot sa graft and corruption?
d. Bakit mayroong graft and corruption?
e. Sino – sino ang naaapektuhan ng graft and corruption?

C. Pagpapahalaga : ano ang kahalagahan na malaman natin ang tungkol sa graft and
corruption?
D. Pagtataya: Role play
Hatiin ang klase sa limang grupo at sagutin ang mga nasa table na ito:
ANO ANG IYONG GAGAWIN KUNG IKAW ANG NASA SA MGA SUMUSUNOD NA
SITWASYON?
1. Nagmamaneho ang iyong ama upang ihatid ka sa paaralan. Pinara siya ng isang pulis at
hinuli dahil bawal ang kotse niya sa daan dahil labag sa color coding ang plate number
ng iyong kotse. Nakita mong mag-aabot ang iyong ama ng limandaang piso sa pulis
upang hindi siya mabigyan violation ticket.
2. Sa isang pagsusulit, narinig mong magtanong sa iyo ng mga sagot ang iyong kaibigan na
palagi kang tinutulungan. Alam mo ang mga sagot sa pagsusulit.
3. Inilibre ka ng iyong kaibigan na treasurer ng inyong klase sa isang fastfood restaurant.
Nang tinanong mo siya kung bakit siya nanglibre, ang sabi niya ay sobra ang nakolekta
niyang pondo mula sa klase kaya doon niya kinuha ang panlibre sa iyo.
4. Kailangan mo ng ID mula sa barangay para sa isang application. Nagulat ka nang singilin
ng limandaang piso ka ng isang opiyal upang iproseso ang iyong ID samantalang ito ay
libre dapat.
5. Ikaw ang napiling maging editor-in-chief o punong patnugot ng inyong yearbook ngayong
taon. Inatasan ka ng inyong guro na pumili ng mga kamag-aral na mahusay sa pgsulat at
sining na silang bubuo ng yearbook. Nagmamakaawa ang iyong kaibigan na isama mo siya
kahit alam mong may kahinaan siya sa pagsulat at sining.

E. Takdang aralin : Bilang estudyante , paano ka makakatulong para maiwasan ang


korupsyon? Gumawa ng sanaysay na hindi bababa sa 100 na salita ukol dito at ilagay sa
½ crosswise.
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10
Kontemporeaneong Isyu
Mga hakbang ng Pamahalaan sa Usaping Politikal

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag – aaral ay inaasahan na:
A. Nakakapagtukoy ng mga solusyon / paraan upang maiwasan ang graft and corruption sa
lipunan.
B. Nakakabuo ng isang malikhaing awitin na nagpapahiwatig ng mga paraan sa kanilang
sariling pananaw upang maiwasan ang graft and corruption
C. Napapahalagahan ang pagiging mapanuri ng mga mamamayan upang masolusyuanan ang
graft and corruption.

II. Paksang Aralin : Mga hakbang ng Pamahalaan sa mga Usaping Politikal


Paksa : Pag – iwas sa Katiwalian at Korupsyon
Sanggunian : Paglinang sa Kasaysayan 10 : Kontemporaneong Isyu
Materyales: Cartolina, bond paper
Pagpapahalaga : Napapahalagahan ang nagaganap sa lipunan
Sanib – kaalaman : Filipino / English, Mapeh (Arts)

III. Pamamaraan
Panimulang Gawain:
Pagdarasal
Pag –alam ng liban sa klase
Pagbabalik-aral :
Maikling pagsusulit upang malaman ang natutunan ng mag – aaral ukol sa mga
nakaraang aralin

A. Pagganyak: Sino na sa iyo ang naranasan na mangupit?


Ilan ang kinupit mo?
Nahuli ka ba ng Nanay o Tatay mo?
Anong nararamdaman mo habang ginagawa mo ito at naramdaman pagkatapos
mong mangupit?

B. Paglalahad :
Ano ano ang pamamaraan ng pamahalaan sa pag – iwas sa katiwalian?
Ano ano ang mga kagawaran na may pananagutan sa pagpapataw ng karampatang parusa sa
sinumang gagawa ng korupsiyon?
Ano anong mga ahensiya ang talamak ang korupsiyon?
Ano ano ang mga sagabal sa paglaban sa korupsiyon?
C. Pagpapahalaga : Ano ang kahalagahan ng pag- aaral ng ukol sa graft and corruption
bilang mag – aaral?

D. Pagtataya
Paano maiiwasan ang graft and corruption?
1. Sa kaparehang grupo, ang mga mag – aaral ay inaatasang gumawa ng maikling awitin
kung saan nakapaloob ang kanilang sariling solusyon upang maiwasan ang graft and
corruption.

2. Ang kanilang likha ay mamarkahan batay sa pamantayan sa ibaba:

PAMANTAYAN:
 Nilalaman 30 %
 Pagkakaisa 25 %
 Pagkamalikhain 25 %
 Uniqueness 20 %
100%
E. Takdang aralin
Magbasa ukol sa Panunumbalik sa Kapayapaan at Kaayusan upang makapagtalakayan at
makasagot kayo sa mga katanunangan.

You might also like