You are on page 1of 4

Rebuplika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Subic, Zambales

Banghay Aralin

Baitang: Grade 10
Paksa: Araling Panlipunan
Markahan: Una

1. LAYUNIN (OBJECTIVES)
Sa loob ng Anim napung minuto (60) ng pagtuturo ng Araling Panlipunan, at sila din ay inaasahan na
makamit ang 80% na pagkatuto ng mga sumusunod:
a) Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang Lipunan, Isyu at Kontemporaryo
b) Nakikilala ang mga isyung panlipunan at
c) Makapagbibigay ng mga halimbawa ng mga isyung nararanasan ng bansa.
II. Nilalaman (Content)
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu
Paksa: Konsepto ng kontemporaryong Isyu
III. Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Mga Sanggunian (References)
 Pahina sa Learning Materials: 7-12
B. Iba pang kagamitang Pangturo (Other Learning Resources)

 Laptop, Ppt, Word Map, Ghrapic Organizers, Pictures, Dictionary, Visual Aid.

IV. Pamamaraan (Procedures)


a. Panimulang Gawain (Preliminary Activities)
1. Panalangin: Maaari bang ang lahat ay magsi-tayo at tayo ay manalangin
2. Pagbati: Magandang umaga sa ating lahat
3. Paglalahad ng lumiban sa klase: May lumiban ba sa araw na ito?
4. Balik Aral / Pagsisimula ng bagong Aralin:
Gawain 1: WORD MAP
Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase at bawat pangkat ay may itatalagang salita na
gagamitin sa word map.
Pangkat 1: KONTEMPORARYO Pangkat 2: ISYU Pangkat 3: LIPUNAN
Rebuplika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Subic, Zambales

Bibigyan ng pagkakataong ang bawat pangkat na iulat ang kanilang mga sagot.

b. Paghahabi sa layunin ng aralin:


 Isagawa ang “key word act”
 Mula sa napagaralang mga salita bubuo ng hinuha ang mga mag aaral tungkol sa paksa.
 Ipapabuo sa mag-aaral ang layunin mula sa pag-uugnay ng mga salita.

c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:


Gawain 2: HEAD LINE SURI (Pangkatang Gawain)
Bubuo ng apat (4) na pangkat. Bawat pangkat ay susuri ng larawang ipapakita at
itatalaga ng guro at isusulat ang kanilang sagot sa diyagram.
Rebuplika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Subic, Zambales
Para sa Lokalisasyon maaaring palitan ng bawat pangkat ang mga larawan ng naayon sa kasalukuyang
kaganapan sa kanilang komunidad.

d. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #1


Ibabahagi ng mga mag aaral ang kanilang kasagutan sa diyagram
Mga Pamprosesong katanungan
1. Ano-ano ang pananaw ng inyong pangkat sa headline?
2. Maituturing ba itong isyung panglipuna?

e. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #2


Gamit ang Ppt tatalakayin ng Guro ang mga sumusunod na konsepto:
Kahulugan ng mga salita ayon sa konteksto ng pagaaral ng araling Panlipunan.
 Lipunan
 Isyu at
 Kontemporaryo.
f. Paglinang sa kabihasaan:
Gawain 3 Susuriin ng mga magaaral ang artikulong sinulat ni Leile B. Salvaterria
Rebuplika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Subic, Zambales
Makikita ang mga artikulo sa Learning Materials pahina 11

g. Paglalapat ng aralin sa araw-araw na buhay:

 Magbibigay ng sariling saloobin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang


binasang artikulo.
 Magbibigay ang mga mag-aaral ng halimbawa ng mga isyung panlipunan na
kanilang nararanasan sa kasalukuyan

h. Paglalahat ng Aralin:
Ipapaskil ng guro ang kasabihan at ito ay ipapaliwanag ng mga mag aaral.

i. Pagtataya ng Aralin:
Tama/ Mali Isulat ang tama kapag wasto ang pahayag at mali naman kung ito
nagsasaad ng maling pahayag.
_____1. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
_____2. Ang kontemporaryong isyu ay mga kontrobersiyal na isyu.
_____3. Ang koraption ay isang halimbawa ng kontemporaryong isyu.
_____4. Ayon sa artikulong isinulat ni Leila Salaverria ang Pilipinas ay kabilang sa mga
bansa na laganap ang korapsyon.
_____5. Ang salitang isyu ayon sa koteksto ng ating aralin ay tumutukoy sa ano mang
bagay na nailimbag o inilathala at ipinagbibili sa tiyak na panahon.
Gabay sa pagwawasto
1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Mali
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Sumulat ng lima o higit pang pangungusap kaugnay sa natutunang aralin na may paksang
Konsepto ng kontemporaryong Isyu.

You might also like