You are on page 1of 5

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA

NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City


College of Teacher Education
SOCIAL SCIENCE DEPARTMENT

I. LAYUNIN

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a) Nailalahad ang mga Karapatang tinatamasa ng mga bata at ang mga batas o institusyon o
organsasyong na nagbibigay halaga at proteksyon sa mga karapatan ng bata,
b) Nabibigyang halaga ang mga ginagampanang papel ng mga tagapagsulong ng mga batas
ng karapatang tinatamasa ng bata,
c) Nakakagawa ng mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa karapatang
dapat tinatamasa ng bawat bata upang maging isang kapaki-pakinabang na mamayan ng
lipunan.

II. NILALAMAN

a) Paksa: Karapatan Pantao: Karapatan ng mga Bata


b) Balangkas:
 Mga Karapatan tinatamasa ng mga bata
 Mga Batas at institusyon o samahan na responsible para Karapatan ng mga bata
 Mga Suliraning kinakaharap/nararanasan ng bata
 Kahalagahan ng mga karapatan ng mga Bata
c) Sangunian:
 https://www.scyofbc.org/wp-content/uploads/2016/02/Tagalog-Child-Rights-
Brochure.pdf
 UNICEF (United Nations International Children's Emergency Fund). (2014).
UNICEF. Retrieved March 26, 2014, from Rights Overview:
http://www.unicef.org/crc/files/Rights_overview.pdf
 www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf
 LM.AP10-4.21.17.pdf
d) Batayan:
 Modyul: Mga Kontemporaryung Isyu ( Karapatan Pantao) Karapatan ng mga
Bata, p. 388 - 390
e) Kagamitan:
 Instructional material, Talang Gawain, Board & Marker, Modyul /Teksto,
Sagutang Papel, Laptop & Projector for PPT.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
a) Panalangin
b) Pagbati sa mga mag-aaral
c) Pagsasa-ayos ng silid-aralan
d) Pagtatala ng mga lumiban
e) Balitaan
Panuto: Ang klase ay may nakatakdang magbabalita bilang isa sa kanilang takdang
aralin.
“Pagbaba sa Minimun Age of Criminal Responsibility”
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Teacher Education
SOCIAL SCIENCE DEPARTMENT

Gabay na Tanong:
- Ano ang mahihinuha tungkol sa balita?
- Sa inyong palagay, ano kaya ang maaring nararamdaman ng mga magulang tungkol sa
isyung nagnanais na pababain ang minimum age ng criminal responsibilities ng mga
bata?
- Paano makakatulong ang Batas na ito sa ating pamayanan?
- Paano kaya ito makakaapekto sa mga karapatan mo bilang isang Minor de Edad?

f) Pagsasanay
Panuto: Gamit ang Factstorming Web bibigyang kahulugan ng mga mag-aaral ang mga 5
Uri ng Karapatang Pantao.

Pangkabuhayan

Sibil Politikal
KARAPATAN

PangKultura Panlipunan
MGA KARAPATAN

 Sa imporamsyon ukol sa idudulog  Sa edukasyon


na kaso laban sa isang tao  Panatilihin ang sariling sistema
 Mabuhay ng pagpapahalag
 Maghanabuhay  Bumuto
 Maglibang at magpahinga  Maging lider
 Sumali sa asembliya  Mamili ng Hanapbuhay

g) Balik- aral
Gabay na Tanong:
- Ano ang karapatan?
- Bakit kinakailangan na mayroong karapatan ang bawat tao?
- Paano tayo napagkakalooban ng mga karapatan?

B. Paglinang ng Aralin
a) Pagganyak “Maiba-TAYA”
Panuto: Magpapakita ng isang malaking Lata at Tsinelas at sabay sabay na
magbabalik-tanaw ang klase.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Teacher Education
SOCIAL SCIENCE DEPARTMENT

Pamprosesong Tanong:

- Anong laro ang naalala ninyo na ginagamitan ng Lata at Tsinelas?


- Anu-ano ang mga batas o rules o palatuntunan na dapat sundin sa paglalaro ng
Tumbang-Preso?
- Ano ang inyong nararamdaman sa paglalaro ng tumbang Presyo?
- Anu-ano pang mga karapatan ang tinatamasa ng isang batang tulad mo?
- Paano mo maituturing na ikaw ay isang bata?
- Sa papaanong paraan natatamasa nang isang bata ang kanyang karapatan?

b) Gawain
Panuto: Ipapangkat ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay
magpapakita ng isang malikhaing presentasyon batay sa nakatakdang gawain.

1…………. 2……………... 3………………


Gamit ang Role Playing Gamit ang Commercial/
Gamit ang Talkshow pipili ng isang artikulo na Advertisement ipapakita
ipapakita kung tungkol nasa UNCRC at ipapakita kung paano isinusulong ng
saan ang UNCRC (United kung paano nalalabag ang pamahalaan ang karapatan
Nation Convention on the karapatan ng mga bata. ng bata.
Rights of the Children).

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhan


g Puntos
Nilalaman Wasto at makakatotohanan ang mga impormasyon. Makikita ang 20
imporamsyon na inaasahan. puntos
Pagkamalikahai Nakakapukas ng atensyon ang inihandang presentasyon. 15
n Nagpapakita kakaibang paraan at gumamit ng teknolohiya upang puntos
maayos na maipresenta ang Gawain.
Kaayusan Maayos ang daloy ng presentasyon. Nagamit ang oras na inilaan 10
para sa presentasyon. puntos
Pagkakaisa Ang bawat kasapi ay nakisali, nakialam, at tumutulong at 5
makikitang may papel na ginampanan sa ginawang presentasyon. puntos
Kabuuan 50

c) Pagsusuri
Gabay na Tanong:
- Sa inyong palagay bakit binabalangkas ang ganitong uri ng batas?
- Paano maaring malabag ng mga magulang / nakakatanda / kapwa bata ang
karapatan mo bilang isang bata? Ipaliwanag.
- Sa inyong palagay, sapat ba ang mga ginagawang aksyon ng pamahalaan sa
pagsusulong ng karapatan ng mga bata? Papaano ito nakakapekto sa ating buhay?

d) Pagpapalalim
Panuto: Magpapakita ng isang video clip kung saan mapapanood ang tungkol sa
isang inang humingi ng saklolo para sa kanyang dalagitang anak.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Teacher Education
SOCIAL SCIENCE DEPARTMENT

Gabay na tanong:
- Ano ang napansin ninyo sa napanood na video?
- Bakit kinailangan pa ng ina na humingi ng tulong sa mga authoridad para umuwe
ang kanyang anak sa kanilang bahay?
- Sa papaanong paraan, kaya nakatulong ang SSDS na maging maayos ang
dalagita?
- Paano nakaapekto ang kawalan nang gabay ng isang magulang sa pagpapalaki ng
isang anak?

e) Paglalapat
Panuto: Gamit ang Lata at ang Tsinelas ipaghahalintulad ng mag-aaral ang
kalagayan ng isang bata na malaya kagaya ng batang bumabato ng tsinelas at sa
batang taya na siyang nagbabantay ng Lata sa larong Tumbang-Preso.

f) Paglalahat
Gabay na tanong:
- Ano ang karapatan?
- Sino ang matatawag na bata?
- Anu-ano ang mga karapatang tinatamasa ng isang bata?
- Sa papaanong paraan natatamasa ng isang bata ang kanyang karapatan?
- Bilang isang Minor de Edad, ano ang maaari mong gawin kung may mga taong
lumabag sa iyong karapatan bilang isang bata?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang Sumasang-ayon kung ikaw ay sang ayon sa pangungusap at Di
Sang-ayon kung hindi.
____ 1. Ang mga bata ay walang niambag sa lipunan.
____ 2. Ang mga bata ay walang mga karapatan.
___ 3. Ang uri ng kapaligiran kung saan lumaki ang bata ay nakakaapekto sa kanyang
paglaki.
___ 4. Ang isang bata ay ipinapalagay din na isang mamamayan ng ating bayan.
___ 5. Ang pamahalaan ay hindi dapat asahan na magbigay suporta sa mga magulang sa
pagpapalaki ng mga bata.

V. KASUNDUAN
Panuto: Mag- interview sa inyong lugar.
1. Itanong kung Anu-ano ang mga karaniwang kaso sa paglabag ng karapatan ng mga
bata.
2. Itanong din kung ang kanilang hakbang na ginagawa upang mabigyang proteksyong
ang mga biktima ng paglabag sa karapatan ng mga bata.
Isulat sa tsar tang inyong sagot na nakalap na datos.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MUNTINLUPA
NBP Reservation, Poblacion, Muntinlupa City
College of Teacher Education
SOCIAL SCIENCE DEPARTMENT

Mga Tinanong Mga Paglabag Mga Hakbang


Magulang/ Nakakatanda
Pulis
Punong Barangay

3. Ano ang iyong masasabi sa mga hakbang na ginawa ng:


Magulang_______________________________________________________________
________________________________________________.
Pulis___________________________________________________________________
________________________________________________.
PunongBarangay__________________________________________________________
________________________________________________.

Prepared by:
Aycardo, Angelica B.
CTE-3I Social Science

Always Smile because Life is Good 😃😄

You might also like