You are on page 1of 10

Banghay Araling sa Araling Panlipunan

Ika-apat na Markahan
Baitang 10(Kontemporaryong Isyu)

Ika-20 ng Enero 2020

I- Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
maunlad,mapayapa,at may pagkakaisa.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag- aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling
pamayanan.

C. Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan
na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.

D.Paghahabi ng Layunin:
1. Natatalakay ang pagkabuo ng mga Karapatang Pantao batay sa Universal Declaration oh Human
Rights at Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. AP10MKP-IVd-4
2. Nasusuri ang mga bahaging ginagampanan ng mga karapatang pantao upang matugunan ang
iba’t ibang isyu at hamong panlipunan AP10MKP-IVe-5
3. Napapahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan batay sa kanilang taglay na mga
karapatang pantao AP10MKP-IVf-6

II. NILALAMAN A.Paksa Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

Sanggunian: Learner’s Module 372-382


Kagamitan: Marker, Mga larawan mula sa internet, speaker
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati

2. Pagsasaayos ng silid-aralan

3. Pagtala ng lumiban sa klase

4. Pagganyak

Suri-Basa

Karapatang Pantao pahina 370-371 learners module

Mga Gabay na Tanong:

1. Ipaliwanag kung paano nagsimula ang Karapatang Pantao.


2. Sino-sinu ang mga mahahalagang tao sa ilalam ng kasaysayang ito.

B. Paglinang na Gawain
Magsaliksik tungkol sa mahalagang probisyon ng sumusunod na dokumentong naglalahad ng
mga karapatang pantao. Isulat ang mga probisyong nakapaloob sa bawat dokumento sa
pangalawang kolum. Pahina 372 Ap Learners module.

Gawain 1: Isabuhay mo!


Panuto : Ang guro ay maghahati ng anim na grupo. Isasabuhay nila ang anim na
dokumentong nakapaloob sa karapatang pantao.

Group 1- Cyrus Cylinder


Group 2- Magna Carta
Group 3-Petition of Right
Group 4- Bill of Rights
Group 5- Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
Group 6- The First Geneva Convention

Puntos: 50

20-Nilalaman
15- Pagkamalikhain
10- Audience Impact

Gawain 2: Human Diorama

Panuto: Hahatiin ko kayo sa limang pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan sa


pagsasagawa ng human diorama. May mga ibat-ibang scenario akong ipapabunot sa inyo,batay
sa inyong nabunot gumawa ng isang larawan na nagpapakita nito (estatwa).

Ang lider ng bawat pangkat ang siyang magpapaliwanag ng inyong ginawa.


o Kung ika’y dinarakip
o Kung ang iyong bahay ay hinahalughog
o Kung ikaw ay nililitis
o Kung ikaw ay pipili ng sussunod (Isasagawa ang Human Diorama)11 na opisyal ng
pamahalaan
o Kung ikaw ay nakakulong

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang mga karapatang pantao na binigyang-diin sa mga ipinakitang diorama?
2. Paano napangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan batay sa mga ipinakitang
situwasiyon sa diorama?
3. Kung taglay ng mamamayan ang kanilang mga karapatan batay sa UDHR at Konstitusyon
ng Pilipinas, ano ang nararapat nilang gawin upang higit na mapakinabangan ito?

Gawain 3: Mr.and Ms. Q and A

Ang bawat estudyante ay magkakaroon ng maikling pageant na magbibigay ng


pinakamagandang mensahe para sa lahat.

Mga katanungan:
1. Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao upang mabuhay siya nang

marangal? ___________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

2. Anu-ano sa mga pangangailangang ito ang iyong natatamasa? ________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

3. Anu-ano naman sa mga pangangailangang ito ang hindi mo natatamasa?

____________________________________________________________

____________________________________________________________

4. Anu-ano ang mga institusyon na kailangan ng tao upang makamit niya ang

kanyang mga pangangailangan? __________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

5. Ano ang mangyayari sa tao kung hindi niya natamasa ang kanyang

pangangailangan? _____________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________
6. Ano ang nawawala sa tao kung hindi niya natatamasa ang kanyang mga

pangangailangan? _____________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

7. Ano ang nangyayari sa tao kung natatamasa niya ang kanyang mga

pangangailangan? _____________________________________________

C. Paglalapat

.Paglalapat Tanong: Bilang isang mag-aaral bakit mahalaga ang pagkakaroon ng batas para sa
mga karapatan ng bawat indibidwal/karapatang pantao?

D. Pagpapahalaga

Paano mo pahahalagahan ang iyong mga karapatan bilang isang mamamayan ng ating
bansa?

IV- Ebalwasyon

Kasanayan sa Pagsusulit

Panuto: Isulat ang titik ng tamang kasagutan

__________1. Tinatamasa ng tao mula sa kanyang pagsilang hanggang siya ay

mamatay

A. dignidad

B. karapatang pantao
C. pagkatao,

D. pangangailangan

__________2. Ang pagrespeto sa karapatang pantao ay tungo sa kapayapaan ng lipunan

A. kapayapaan ng lipunan

B. kaayusan ng lipunan

C. kalinisan ng lipunan

D. a at b

E. a at c

__________3. Ang mga sumusunod na probisyon ng Saligang-Batas ay

nagsusulong ng karapatang pantao maliban sa:

A. Bill of Rights

B. Mga Pambansang Komisyon

C. Pambansang Patrimonya at Ekonomiya

D. Deklarasyon ng Prinsipyo at Patakaran ng Estado

__________4. Ang karapatan sa kabuhayan ay isinusulong ng

A. Bill of Rights

B. Mga Pambansang Komisyon

C. Pambansang Patrimonya at Ekonomiya

D. Deklarasyon ng Prinsipyo at Patakaran ng Estado

__________5. Ang karapatang sibil at pulitikal ay makikita sa

A. Bill of Rights

B. Mga Pambansang Komisyon

C. Pambansang Patrimonya at Ekonomiya


D. Deklarasyon ng Prinsipyo at Patakaran ng Estado

__________6. Ang nagsusulong ng karapatang pantao ay

A. Katarungang Panlipunan

B. Family Code of the Philippines

C. Saligang Batas

D. a at b

E. b at c

__________7. Ang nagsusulong ng karapatan para sa mga mahihirap ay

A. Katarungang Panlipunan

B. Family Code of the Philippines

C. Saligang-Batas ng Pilipinas

D. a at b

E. b at c

__________8. Ano ang nalalabag ng dayuhang kumpanya na nagmimina sa likas na yaman ng iyong
pamayanan?

A. Karapatang Pangkabuhayan

B. Karapatang Pangkultural

C. Karapatang Panlipunan

D. Karapatang Sibil

__________9. May mga nagtayo ng pangisdaan sa lawa na pag-aari ng mga

katutubo. Ang taong nagtayo ay hindi kabilang sa pangkat ng mga katutubo. Ito ay paglabag sa:

A. Karapatang Pangkabuhayan

B. Karapatang Pangkultural

C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Sibil

__________10. May nagsagupaang militar at rebelde sa inyong pamayanan. Ito ay paglabag sa:

A. Karapatang Pangkabuhayan

B. Karapatang Pangkultural

C. Karapatang Panlipunan

D. Karapatang Sibil

__________11. Ang isang pagawaan ay mapanganib sa kalusugan ng mga

manggagawa. Ito ay paglabag sa:

A. Karapatang Pangkabuhayan

B. Karapatang Pangkultural

C. Karapatang Panlipunan

D. Karapatang Sibil

__________12. Ang isang sanggol ay iniwan ng kanyang ina sa ospital. Ito ay

paglabag sa karapatan ng bata sa:

A. Edukasyon

B. Kalusugan

C. Nasyonalidad

D. Pag-aaruga

__________13. Hanggang Grade V lang pinaaral ng magulang si Jose. Ito ay

paglabag sa karapatan ng bata sa:

A. Edukasyon

B. Kalusugan

C. Nasyonalidad

D. Pag-aaruga

__________14. Ang instrumento na nagtataguyod ng karapatan ng bata ay ang

A. CEDAW

B. CRC

C. Saligang-Batas

D. UDHR
__________15. . Ang instrumento na nagtataguyod ng karapatan ng mga

kababaihan ay ang

A. CEDAW

B. CRC

C. Saligang-Batas

D. UDHR

V- Takdang Aralin
Panuto: Isulat kung ang mga sumusunod na karapatan at karapatang Sibil, Pulitikal,
Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultural

_______________1. Karapatan sa impormasyon ukol sa idudulog na kaso laban sa isang tao.

______________2. Karapatang mabuhay.

______________3. Karapatang maghanapbuhay.

______________4. Karapatang maglibang at magpahinga.

______________5. Karapatang sumali sa asembilya.

______________6. Karapatang sa edukasyon.

______________7. Karapatang panatilihin ang sariling sistema ng pagpapahalaga.

______________8. Karapatang bumoto.

______________9. Karapatang maging lider ng pamayanan at ng bansa.

______________10. Karapatang mamili ng hanapbuhay.

Magtanong sa iyong punong barangay at kagawad ng barangay kung paano

nila isinusulong ang karapatan ng kanilang nasasakupan. Isulat ang sagot sa

ibaba.

Punong barangay

Kagawad _______________________________________________________

2. Ano ang masasabi ma sa kanilang mga ginawa?

________________________________________________________________

Inihanda ni:
Frances Joan Navarro
SST-I, Social Studies

Binigyang-Pansin:

Nita V. Mago, Ed.D


SSHT-VI, Social Studies

You might also like