You are on page 1of 5

Mataas na Paaralan ng D.Q.

Liwag National High School


Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan
Para sa Ika – Sampung Baitang

Ika – 11 ng Marso, 2019


I. Layunin
a. Pamantayan sa Pangnilalaman: Ang mga mag – aaral ay may pag unawa sa kahalagahan ng
pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at
bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.
b. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag – aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.
c. Pamantayan sa Pagkatuto: AP10PNP–IV–8

d. Tiyak na Layunin
Sa pagtatapos ng animnapung (60) minuto, ang mga mag – aaral ay inaasahang:
1. Nabibigyang halaga ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala.
2. Nauunawaan ang pagkakaiba ng Democracy Index at Corruption Perceptions Index ng bansa.
3. Naiisa–isa at naibabahagi sa klase ang mahalagang epekto ng mabuting pamamahala.

II. Nilalaman
Paksa: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala
Sanggunian: Isyu at Hamong Panlipunan pp. 409-412
Kagamitan: Yeso, Pisara, Pantulong Biswal, mga makukulay na papel, manila paper
Integrasyon: ESP

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag – aaral
a. Panimulang Gawain
b. Panalangin
c. Pagbati
Magandang hapon Klass! Magandang hapon din po!
d. Pagtala ng Lumiban
Group Leader may lumiban ba sa inyong pangkat?
Pangkat 1. Wala po sa Pangkat 1.
Pangkat 2. Wala po sa Pangkat 2.
Pangkat 3. Wala po sa Pangkat 3.
Pangkat 4. Wala po sa Pangkat 4.
Pangkat 5. Wala po sa Pangkat 5.

e. Balik – aral
Bago natin pormal na simulan ang ating panibagong aralin Tungkol po sa Pakikilahok sa mga programa ng Civil
ay magbalik – aral muna tayo, tungkol saan nga ang ating Society.
huling tinalakay?

Okay, tama. Bakit nga kailangan nating makilahok sa mga


organisasyon at programa ng lipunan? Upang magkaroon po tayo ng pagbabago hindi lamang
sa sarili gayundin po sa ating bansa at para din po
Magaling! makatulong.
Magbigay nga kayo ng mga organisasyon na itinataguyod
ng NGO’s. Ma’am, nariyan po ang FUNDANGO’s, TANGO’s,
DJANGO’s GRIPO, GUAPO, atbp.
Okay, mahusay.
f. Pagganyak
Gawain #1: “Bunot–salita”
Bubunot ang mga mag–aaral ng mga tanong mula sa
makukulay na papel. Ang mabubunot nilang papel ay
kanilang sasagutan ayon sa kung paano gianagampanan
ng mga mamamayan ang kanilang tungkulin sa lipunan.

Mga salitang may kaugnayan sa aralin:


 Makabayan
 Tapat sa Republika ng Pilipinas
 Handang ipagtanggol ang Estado
 Nakikipagtulungan sa mga may
kapangyarihan
 Produktibo
 Matulungin sa kapwa (Hihingi ng opinyon sa klase.)
 Maka–kalikasan
 Makasandaigdigan

g. Paghahawan ng balakid
Flawed– may malayang halalang nagaganap
Monopolyo–iisa ang namamahala o namumuno
Accountable–responsible sa tungkuling nakaatas sakanya

h. Paglalahad ng layunin
Ang mga layunin natin sa paksang ito ay ang mga
sumusunod:
1. Nabibigyang halaga ang papel ng
mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting
pamamahala.
2. Nauunawaan ang pagkakaiba ng Democracy
Index at Corruption Perceptions Index ng
bansa.
3. Naiisa–isa at naibabahagi sa klase ang
mahalagang epekto ng mabuting
pamamahala.

i. Paglinang na Gawain
Gawain #2: “Bar Graph”
Hahatiin sa Dalawang grupo ang klase. Gagawa ang bawat
grupo ng bar graph ayon sa paksangbinigay sakanila.
Mayroon lamang silang 3 minuto sa paggawa ng bar
graph at 5 minuto para sa paglalahad.
Pangkat 1

Democracy Index
(Gagawa ang bawat grupo ng bar graph ayon sa binigay
na paksa ng guro.)

0 0 0
Pangkat 1
PILIPINAS
Democracy Index
2012 2016 Sa
2018 inyong
palagay, bakit 89
hindi maituturing ang ating bansa na may ganap na 69 75
demokrasya?

Pangkat 2 PILIPINAS

Corruptions Perception Index 2012 2016 2018

Isa po sa dahilan ay ang mga suliranin sa ating lipunan


0 0 0 tulad ng: pamamahala, mahinang politikal na pakikilahok
PILIPINAS
at marami pa pong iba.
Pangkat 2
2012 2016 2018
Corruptions Perception Index
Bakit sinasabing hindi maganda ang estado ng Pilipinas kung
90
katiwalian ang pinag –uusapan?
35
2016 10
j. Panlinang na Aralin
Denmark at NZ Philippines
Okay magaling! Ilan lamang yan sa mga suliraning Somalia
kinakaharap natin. Ngayon, dumako na tayo sa ating
talakayan. Dahil po sa hindi responsableng pamamahala, kawalan
ng sistema sa pagtingin sa gawaing pampamahalaan at
Ang Democracy Index at Corruptions Perceptions ay lumiliit na espasyo para sa civil society.
dalawa lamang sa mahahalagang pag–tungkol sa Estado.
Ang una ay binubo ng Economist Intelligence Unit, pinag–
aaralan nito ang kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa
sa buong mundo.

Limang kategorya ang pinagbabatayan ng Index:


 Electoral process
 Civil liberties
 Functioning of government
 Political participation
 Political culture

Flawed democracy–may malayang halalang nagaganap at


nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan. Ngunit
may mga ibang aspekto ng demokrasya ang nakararanas
ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang politikal
na pakikilahok ng mamamayan.

Ayon sa Transparency International, isang pangkat na


lumalaban sa katiwalian, tumutukoy ang korapsyon o
katiwalian sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang
palaganapin ang pansariling interes.
Ayon kayCo et. Al., ang katiwalian ay ang pagpapalawig
ng interes ng pamilya, mga kasamahan, mga kaibigan, at
sarili ngmga nanunungkulan sa pamahalaan.

Bakit kaya nagkakaroon ng katiwalian ang ating bansa?

Ano naman kaya ang Corruptions Perception Index?

Okay, sa tingin nyo ba, kung nagamit kaya ng maayos ang Dahilan po sa monopolyo sa kapangyarihan, malawak na
badyet ng ating pamahalaan at mayroon tayong magaling pagbibigay ng desisyon, at kawalan ng kapanagutan kaya
na pinuno maaari ba nating matamasa ang maunlad na talamak na ang katiwalian sa ating bansa.
pamumuhay? Na ligtas at walang anumang balakid?
Ito po ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto
Pangwakas na Gawain tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa.
k. Paunlarin
Bukod sa halalan at korapsyon, may iba pa bang mabigat Opo, posible po natin itong makamit, dahil naniniwala
na suliraning kinakaharap ang ating bansa? po ako na ang isang magaling at matalinong namumuno
ay kayang paunlarin ang ating bayan.
Okay, magaling. Bakit kahirapan?

Tama, isa sa mabigat na suliranin ang kahirapan bukod sa


inyong mga binanggit na dahilan ay ang kawalan ng
maayos na hanapbuhay at trabaho na nagiging sanhi ng Mam, kahirapan po.
sobrang kahirapan sa buhay.

l. Pagnilayan at Unawain Kasi po wala po silang makain at wala silang


Papaano kikilos ang mga mamamayan para matugunan permanenteng tirahan.
ang mga ganitong isyu at suliraning kinakaharap natin?

May iba pa bang kasagutan?

m. Paglalapat
Ano ang basehan ng isang mabuting pamamahala? Siguro po pagtatakda ng pinununo na may angking
Ipaliwanag. galing at pagmamahal sa bansa.
Mam, pagkakaroon po ng magandang edukasyon, dahil
sa pamamagitan po ng edukasyon maisasaayos po ang
plano sa mga bagay–bagay ukol sa kaunlaran ng bansa.
n. Pagpapahalaga/Paglalahat
Bakit kailangang malaman ang iba’t ibang papel ng tao sa Ang maaari pong maging basehan ng isang mabuting
isang mamamayan? pamamahala ay ang pagkakaroon ng mabuting pinuno,
maasahan at may pagmamahal sa nasasakaupan. Bilang
pinuno po hindi nasusukat sa kung gaano katalino
bagkus, sila ay may pagpapahalaga at pagkilala sa estado
Ngayon, sino ang makapagbibigay ng mahahalagang ng pamumuhay.
epekto ng isang mabuting pamamahala?
Upang, maipahiwatig sa mga mamamayan na hindi
Okay, magaling! lamang tayo papasakop sa mga namumuno kundi
nararapat lang na alam natin ang ating tungkulin at
VI. Pagtataya karapatan.
Gawain #3: “Exit Pass Card”
One Minute Essay: Mam, maunlad na bansa, maayos na pamumuhay,
Layunin ng gawaing ito na matukoy ang iyong mga magandang trabaho at walang lubog sa hirap.
natutuhan tungkol sa paksang papel ng mamamayan sa
pamahalaan. Isang minuto lamang ang ibibigay ng guro sa
pagsulat ng kanilang mga natutuhan.

“Paano tayo makatutulong nang epektibo sa pag–unlad


ng ating pamayanan at bansa?”

V.Takdang aralin
Gumawa ng isang malikhaing kampanyang biswal. Ilahad
ang iyong gagawin kung paano tayo makatutulong sa
lubusang pag–unlad ng bansa.

Rubrik sa Gawain:
PAMANTAYAN PUNTOS
Makatotohanan 8 puntos
Makabuluhan 5 puntos
Malinaw 5 puntos
Wasto 2 puntos
Malikhain 5 puntos
Kabuuan 25 puntos

VI. Repleksiyon

Inihanda ni:

Jelica N. Alvarez
ST 10–LOYALTY
Nabatid ni:

Nora A. Ellama
Cooperating Teacher

You might also like