You are on page 1of 5

Paaralan: Bataan School of Fisheries Baitang: Grade 10

Daily Lesson Plan


Guro: JOCELYN D. ROXAS Asignatura Araling Panlipunan

Pangkat: 10- Kuwarter 3


Petsa: 03/01/2023 Linggo

Oras: 60 Minuto/ 1 oras


Sesyon:
I. LAYUNIN
a. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon ng buhay
na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng
pagkakapantay- pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.
b. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng tao bilang kasapin ng pamayanan.
c. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang diskriminasyon at karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+
(Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender atbp)
d. Tiyak na Layunin 1.Nakapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa salitang diskriminasyon;
2.Natatalakay ang konsepto at iba’t- ibang uri ng diskriminasyon sa kababaihan,
kalalakihan at LGBTQ+ [Lesbian, Gay, B—sexual, Transgender];
3.Nakagagawa ng isang panawagan upang masolusyunan ang diskriminasyon sa lipunan;
4.Nakababahagi ng saloobin sa konsepto ng pagkakapantay- pantay ng kasarian sa
lipunan.
II. PAKSANG-ARALIN “Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan”
III. KAGAMITANG PANTURO
a. Sanggunian
a.1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
a.2. Mga Pahina sa Pahina 1-8(Araling Panlipunan-Ikatlong Markahan- Modyul 1: ‘’Uri ng Gender, Sex at
Kagamitang Pangmag-aaral Gender Roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig’’)
a.3. Mga Pahina sa Teksbuk
a.4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resources
b. Iba Pang Kagamitang Panturo laptop, projector, screen, speaker, handouts, chalk, marker
IV. PAMAMARAAN
a. Balik-aral sa Gawain 1. Past is Present!
nakaraang Panuto: Magpapakita ang guro ng mga ‘larawan’ at susuriin ito ng mga mag-aaral ayon sa paksang
aralin at/o tinalakay sa nakalipas na aralin.
pagsisimula ng
bagong aralin
(3 minuto)
Elicit

Sources: https://www.canva.com/design/DAFbYMxCPG0/Uw7oBP4csU5g7gBdy8OZBw/edit#

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mga nakikita sa larawan?
2. Pumili ng isang larawan, ano ang ipinahihiwatig ng larawang ito ayon sa nakaraang
talakayin?
b. Paghahabi sa
layunin ng Gawain 2: Watch, Learn, Realize.
aralin o Panuto: Magpapakita ang guro ng isang maiksing ‘video’. Pagkatapos mapanood ay sasagutin ang
pagganyak ilang mga katanungan. Panonoorin ng tahimik ang ‘video’. Ang mga mag-aaral na may kalabuan ang
(5 minuto) paningin o pandinig ay maaaring ilipat ang lugar ng kinauupuan.
Engage

Pamprosesong tanong:

1. Magbigay ng iyong mga perspektibo sa ‘video’ na ipinapanood.


2. Sa iyong palagay ano ang kaugnayan nito sa ating magiging paksa ngayong araw?

c. Pag-uugnay ng
mga halimbawa Gawain 3: MIND MAPPING
sa bagong aralin
(8 minuto) Panuto: Ang mga mag-aaral ay aatasang magisip ng mga salitang may kaugnayan sa terminolohiya at
konsepto ng diskriminasyon. Isusulat sa pisara ang mga salitang ito.

Pamprosesong Gawain

1. Pagsusulat ng mga salitang may kinalaman sa salitang diskriminasyon.


2. Pagpapaliwanag ng mga salitang ito.
Explore
d. Pagtalakay ng
bagong Pagtalakay
konsepto at
paglalahad ng Ayon sa:https://www.tjejjourenvast.se/fl/vald-krankningar/diskriminering/vad-ar-diskriminering/
bagong
kasanayan
(21 minuto)

Gawain 4: Create and Present!

Panuto: Pagtalakay ng bawat pangkat sa mga diskriminasyong nararanasan ng bawat kasarian sa ating
lipunan sa pamamagitan ng mga malikhaing ‘graphic organizers’. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng
mga ‘handouts’ na naglalaman ng mga mahahalagang konsepto tungkol sa mga uri o bakuran ng
‘dikriminasyon’. Maaring mag presenta gamit ang dayalekto o lenggwaheng sila ay komportableng
maipakita ang kanilang pagkatuto. Bibigyan ng 9 minuto para sa paghahanda at 4 minuto para sa
presentasyon ng bawat pangkat. Sasagutin ang gawain sa tahimik at maayos na pamamaraan at
mamarkahan ng naaayon sa pamantayan.
Explain
e. Paglinang sa
kabihasaan Gawain 5: Panawagan ay Dinggin!
(14 minuto)
Panuto: Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang panawagan o ‘shout out’ sa pamamagitan ng isang
‘placard’ na magtatalakay ng mga bagay na nararapat upang maipakita ang paggalang, pag respeto at
pagkakapantay-pantay sa mga kasarian sa lipunan at maaaring ipamalas ito sa pamamagitan ng iba’t
ibang malikhaing pamamaraan ayon sa nais ng bawat pangkat. Ang mga mag-aaral ay may layang
gumamit ng dayalekto o lenggwaheng sila ay komportableng maipakita ang kanilang pagkatuto.
Gagawin ang aktibidad sa tahimik at maayos na pamamaraan. Bibigyan ng 5 minuto para sa
paghahanda at 3 minuto para sa presentasyon ng bawat pangkat. Ang pagmamarka ay naaayon sa
pamantayan.
Elaborate

f. Paglalapat ng
aralin sa pang
araw-araw na
buhay
(2 minuto)

g. Paglalahat ng
aralin
(2 minuto)
h. Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at isulat ang iyong sagot inyong
(5 minuto) ‘activity notebooks’.
1.Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae, lalaki at iba pa ng kanilang mga
karapatan o kalayaan.
A.pang-aabuso B. pagsasamantala C. diskriminasyon D. pananakit
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon?
A. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan
B. pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho
C. pinagbabantaan ng karahasan.
D. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa kapansanan
3.Isang uri ng diskriminasyon na maiuugnay sa hindi kanais-nais na pagturing sa isang tao (aplikante o
empleyado) dahil sa kasarian ng taong iyon, kasama ang seksuwal na oryentasyon at pagkakakilanlan
Evaluate

sa kasarian.
A.kapansanan
B.pagkakakilanlan ng kasarian
C.etniko
D.relihiyon
4. Isang uri ng diskriminasyon kung saan kabilang dito ang mga pagpuna, mga biro, pambabastos,
pagpapakita ng mga litrato o kilos na nakakainsulto sa iyo,  nasasaktan ka  o panliliit sa iyo dahil sa
iyong lahi o ibang mga dahilan na may kinalaman dito.  
A. etniko C. kapansanan
B. relihiyon D. oryentasyong sekswal
5. Isang uri ng diskriminasyon kung saan di maaaring pilitin ang isang empleyado na lumahok (o hindi
lumahok) sa isang panrelihiyong aktibidad bilang kondisyon ng pagtatrabaho.
A. kasarian C.kapansanan
B. relihiyon D.pagkakakilanlan
Mga kasagutan:
1.C 2.D 3.B 4.A 5.B
i. Karagdagang Takdang-aralin.
Gawain para sa Panuto: Gumawa ng isang “cartoon design poster” na naglalaman ng konteksto ng pagsulong ng
Extend

takdang-aralin pagkakapantay-pantay ng bawat kasarian sa lipunan. Ang pagmamarka ay naaayon sa pamantayan.


at remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
b. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng ibang Gawain
para sa remediation
c. Nakatulong ba ang remedial?
d. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa aralin
e. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa aralin
f. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
g. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

You might also like