You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan IV

Inihanda ni Nathalie J. Colegio

I.Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.Nabibigyang-kahulugan ang salitang diskriminasyon.

2.Nasusuri ang mga dahilan ng pagakaroon ng diskriminasyon sa pagitan ng ga kalalakihan, kababaihan


at mga kasapi ng LGBTQ.

3.Nakapagbibigay mungkahi hinggil sa mga diskriminasyong nararanasan nga mga kakababaihan,


kalalakihan at mga LGBT.

4.Nakagagawa ng isang maiksing tula tungkol sa mga saloobin o damdamin ng mga taong nakararanas
ng diskriminasyon.

II.Nilalaman

 Paksa: Diskriminasyon sa mga lalaki, babae at LGBT.


 Pinagkunan: Modyul II (Isyung Pangkasarian)
 Kagamitan: Mga larawan, pisara, yeso, visual aids, video clip (https://youtu.be/wEqJ8849J5U)

III.Pamamaraan

 Panimulang Gawain
1.Panalangin
2.Pagsasaayos ng silid
3.Pagtatala ng liban

A.Aktibiti

 Bilang panimula ng talakayan, ang guro ay magdidikit ng mga larawan sa apat na sulok ng silid
aralan.
 Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat, at bawat pangkat ay lalakbayin ang mga
larawang nakadikit sa apat na sulok ng sild aralan upang masuri ng mabuti ng mga mag-aaral
ang mga larawan.
 Ang mga larawang nadikit ay may kinalaman sa magiging paksa.

Station 1. (Mga larawan ng mga kababaihang nakakaranas ng diskriminasyon)

Station 2. (Mga larawan ng mga baklang nakakaranas ng diskriminasyon)


Station 3. (Mga larawan ng mga lalaking nakakaranas ng diskriminasyon)

Station 4. (Mga larawan ng mga tomboy na


nakakaranas ng diskriminasyon)

Pamproseong Tanong:

1.Sa bawat station na inyong napuntahan, anong mga larawan ang inyong nakita?

2.Ilang kasarian ang nakita ninyo sa mga larawan? Anu-ano ang mga ito?

3.Anong sexual orientation nabibilang ang mga larawang inyong nakita?

4.Ang mga larawang inyong nakikita ay mga nabibilang sa iba’t ibang kasarian, sa inyong palagay ang
bawat personalidad na mga ito ay nakakaranas kaya ng mga pangungutya mula sa kanilang lipunang
ginagalawan?

C.Analisis

 Ang guro ay may ipapanuod na isang video clip na may kinalaman sa paksa.
 Ang video na ipapanuod ay pinamagatang “Laban sa Diskriminasyon”
Pamprosesong tanong:

1.Saan pumapatungkol ang video na inyong napanuod?

2.Para sainyo, ano ang diskrimiasyon?

3.Sa inyong palagay, bakit nakakaranas ng diskriminasyon ang mga kalalakihan, kababaihan at mga
LGBT?

4.Bakit hindi pantay ang pagtingin ng ibang tao sa iba’t ibang kasarian?

5.Bakit maraming tao dito sa mundo na napapansin kung ano ang mali at kamalian sa ibang tao lalo na
sa mga kasapi ng LGBT, mga kababaihan at mga kalalakihan pero ang mali sa sarili nila hindi nila
nakikita?

5.Ano ang maaaring mangyari sa mga taong nakakaranas ng diskriminasyon?

C.Abstraksyon

1.Sa paanong paraan nakakayanan ng mga kababaihan, kalalakihan at mga LGBT ang mga
diskriminasyong kanilang nararanasan?

2.Sa inyong palagay, saan kumukuha ng lakas ng loob ang mga kababaihan, kalalakihan, at mga LGBT
upang malagpasan ang mga suliraning kinakaharap?

3.Bilang isang mamamayanan ng lipunan, paano tayo makakatulong sa mga taong nakakaranas ng
diskriminasyon?

4.Sa paanong paraan matutuldukan ang pagkakaroon ng diskriminasyon?

D.Aplikasyon

Sa tanan ng buhay mo, ano yung pinakamasakit na pangungutya na natanggap mo mula sa ibang
tao? Paano mo ito tinanggap sa sarili mo at paano mo ito nalagapasan?

Ano ang maaari mong ipayo sa mga taong nakaranas ng pangungutya tulad ng iyong naranasan?

IV.Ebalwasyon

Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang maiksing tula tungkol sa saloobin o damdamin ng mga
taong nakakaranas ng diskriminasyon.

Pamantayan:
Kaangkupan sa tema:10puntos

Pagiging malikhain sa paggawa ng tula: 10puntos

Kabuuan: 20puntos

V.Takdang aralin.

Basahin ang susunod na paksa.

You might also like