You are on page 1of 6

Division of Lapu-Lapu City

CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION

INSTRUCTIONAL PLANNING
DETAILED LESSON PLAN (DLP) in Araling Panlipunan 10
DLP No.3 Week 3 Day 1-3 (Quarter 2)

Pangalan: Posisyon/Designasyon:
Petsa: Asignatura: Baitang: Markahan: Oras:
Araling Panlipunan 10 IKALAWANG 3 hours
MARKAHAN
Mga Kasanayan: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon ng isyung paggawa sa Code:
(Hango sa MELC) bansa
Nauunawaan ang mga sanhi at implikasyon ng mga local at pandaigdigang isyung pang-
Susi ng Pag-unawa na
ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa
Lilinangin:
pambansang kaunlaran.
1. Layunin

Naipapaliwanag ang mga pagtugon ng pamahalaan sa mga isyu sa paggawa ng ating


Kaalaman
bansa.
Nailalahad ang mga solusyon sa mga suliranin at isyu sa Lakas Paggawa sa pamamagitan ng
Kasanayan
malikhaing presentasyon.
Naipapamalas ang katalinuhan sa talakayan at gawain ukol sa mga pagtugon at solusyon sa
Kaasalan
mga isyu sa paggawa ng ating mga manggagawa.
Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatan ng mga manggagawang
Kahalagahan
Pilipino upang maging produktibong mamamayan ng bansa.
2. Nilalaman Ikalawang Markahan- Modyul 2(Week 3-4): Pagtugon ng Pamahalaan sa mga Isyu sa Paggawa
3. Mga Kagamitang LM, Modyul, Mga larawan, video at PowerPoint Presentation
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
Panimulang Gawain
Paghahanda sa silid-aralan, pagdarasal at pag tsek sa mga dumalo sa klase
Pagganyak/Pagbabalik-aral

Gawain 1.1 Babalik Ka Rin!


Panuto: Magpatugtog ng musika at hayaan ang mga mag-aaral na sabayan at kantahin ang
kantang “Babalik Ka Rin” ni Gary Valenciano. Pagkatapos ng tugtugin ay atasan ang mga mag-
aaral na sagutan ang mga gabay na tanong.

4.1 Panimulang Gawain

Gabay na mga tanong:


1. Ano-ano ang iyong mga nararamadaman habang nakikinig o kinakanta ang “Babalik
ka Rin”?
2. Para kanino kaya ang kantang ito?
3. Ano ang mensahe ng kanta?
4. Bakit maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa?
5. Ito ba ay maaaring humantong sa pagkakaroon ng Brain Drain?
6. Ano-ano ang mga negatibong epekto ng Brain Drain sa bansa? Ipaliwanag ang sagot.
7. Ano ang nararapat gawin bilang solusyon upang mapigilan ang kanilang pangingibang
bayan?

Maliban sa Brain Drain, marami pa tayong mga isyu sa paggawa na dapat bigyan solusyon.
Mayroon ba kayong ideya kung ano ang paksa nating ngayon?
(Ilalahad ng guro ang paksa at mga layunin.)
4.2 Mga Pangkatang Gawain 1.2: Ipakita mo!
Gawain/Estratehiya Panuto: Pumunta sa inyong pangkat at makiisa sa inyong partikyular na gawain. Mayroon kayong
sapat na panahon upang paghandaan ang inyong gagawin.
Pangkat A. Organizational Chart.
K-12 Program upang makaangkop sa Globally Standard ng Paggawa. Gamit ang tsart,
Ipaliwanag sa harap ng klase ang K-12 program. Ibigay ang mga kabutihang dulot nito sa mga
mag-aaral. Ilahad ang mga naitutulong ng K-12 bilang solusyon sa kawalan ng trabaho at
ipaliwanag kung ito ay magiging epektibo.

K to 12 Program (Senior High School)


Sa iyong palagay,
Ano-ano ang mga Paano makakatulong ang
magiging epektibo ba ang
kabutihang dulot ng K-12? K-12 sa lumalaking bilang
ng mamamayan na K-12 program? Bakit?
walang trabaho?

Pangkat B. Concept Map.


Apat na Haligi para sa isang Desente at Marangal na Paggawa (DOLE 2016). Gamit ang
Concept Map, ipaliwanag sa harap ng klase ang apat na haligi ng Desente at Marangal na
Paggawa at ang mga saklaw nito. Paano kaya ito makakatulong sa mga manggagawa?

Desente at
Marangal na
Paggawa

Employment Worker’s Right Social Protection Social Dialogue


Pillar Pillar Pillar Pillar

Pangkat C. Pag-uulat. Department Order 18-02. Basahing mabuti ang nakapaloob sa batas
na ito dahil ito ay nagbibigay proteksiyon sa mga manggagawa na nasailalim ng
kontraktuwalisasyon. Pagkatapos ay iulat ito sa harap ng klase.
● Isinaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing
makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila
at ng kanilang oras o araw ng paggawa.

● Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng


karapatan ng mga manggagawang kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho
o pagka-regular), at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa.

Mga gabay na tanong:

1. Ano-ano ang mga kadalasang hinaing ng mga manggagawang kontraktuwal?


2. Ano-ano ang mga mabuti at di-mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon?
3. Paano mabibigyang solusyon ang mga hinaing ng mga manggagawang kontraktuwal?

Pangkat D. Sabayang Pagbigkas. Mga Karapatan ng mga Manggagawa. Ang sumusunod na


gawain ay makakatulong sa mga mag-aaral upang matukoy ang mga karapatan at proteksyon ng
mga manggagawa laban sa mga pang-aabuso.
Panuto: Basahin ang tula na pinamagatang “Kumusta Ka Na?” ng sabay-sabay sa harap ng klase.
Pagkatapos nito ay ibigay ang mensahe na nais iparating ng tula at ilahad ang ilan sa mga
Karapatan ng mga Manggagawa.

Kumusta Ka Na?
Ni: Leni Del Rosario

Natatangi ka sa mga uri


Lakas paggawa ang tanging pag-aari
Sa iyong mga palad napapaikot mo ang mga granahe
Upang ekonomiya’y hindi mabangkarote.

Ikaw na nagsisilbing gulugod ng ekonomiya


Lumilikha ng yaman ng ating bansa
Ngunit manggagawa, Kumusta ka na?
Sa tinaguriang “digma sa kalabang di nakikita”.
May lakas ka pa ba?

Rubrik para sa presentasyon


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Makatotohanan ang nilalaman 30
ng presentasyon
Kaangkupan sa Naayon sa tema o paksa ang 30
Paksa ipinakitang presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng malikhaing paraan 40
sa paglalahad ng presentasyon
Kabuuan 100
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang pangunahing problema o suliranin ng ating mga manggagawa sa bansa?
2. Sino ang maaaring tumulong sa kanila?
4.3 Pagsusuri
3. Paano makakatulong ang ating pamahalaan sa mga isyu sa paggawa?
4. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “ang mga manggagawa ay nagsisilbing gulugod ng
ekonomiya”?
5. Gaano kahalaga ang bahaging ginagampanan ng mga manggagawa?
6. Nararapat bang dingin at tulungan ng pamahalaan ang mga manggagawa? Bakit?
Pagtalakay Mga Pagtugon ng Pamahalaan sa mga Isyu sa Lakas Paggawa

Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa


Bunsod ng tumataas na demand para sa globally standard na paggawa (tunghayan ang
Talahanayan 2.1) na naaangkop sa mga kasanayan para sa ika-21 siglo. Ito ay ang Media
and Technology Skills, Learning and Innovation Skills, Communication Skills at Life and
Career Skills (DepED, 2012). Upang makatugon sa mga kasanayang ito, isinasakatuparan sa
panibagong kurikulum ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education ng mga mag-
aaral na tinatawag na Senior High School. Sasanayin ang mga mag-aaral sa mga
kasanayang pang-ika-21 siglo upang maging globally competitive na nakabatay sa
balangkas ng Philippine Qualifications Framework – ang Basic Education, Technological-
Vocational Education at Higher Education (DepED, 2012)

Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,


Employment
malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at
Pillar
maayos na workplace para sa mga manggawa.

Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng


Worker’s
mga batas para sa paggawa at matapat na
Rights Pillar
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga
Desente at manggagawa.
Marangal na
Paggawa Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga
(DOLE 2016 Social
sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo
Protection
para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap
Pillar
tanggap na pasahod, at oportunidad.

Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan


Social
ng pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa
Dialogue
Pillar pamamagitan
Department ng paglikha
Order 18-02ng mga collective bargaining
unit.
Isinaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto
sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras
o araw ng paggawa.
Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng
karapatan ng mga manggagawang kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho o
pagka-regular), at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa.
Mga Karapatan ng mga Manggagawa
Ayon sa International Labor Organization (ILO)
-ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok
ng pamahalaan at tagapangasiwa.
- ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahaging grupo sa halip na
mag-isa.
- bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapangaliping trabaho at
trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bungang ng pamimilit o ‘duress’.
- bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d mayroong minimong edad
at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
- bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na
trabaho.
- ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati
Mga gabay na mga tanong:
1. Sa iyong palagay, sapat ba ang mga batas na ipinatupad ng pamahalaan upang
mabigyang solusyon ang mga isyu sa paggawa? Ipaliwanag.
2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatan ng mga
manggagawang Pilipino?
3. Ano ang maaaring mangyayari kapag hindi natugunan ng pamahalaan ang mga
hinaing ng mga manggagawang Pilipino?
Gawain 1.3: Karapatan ng manggagawa, Ipaglaban!
Ang mga sumusunod na gawain ay sumusukat sa kaalaman ng mga-aaral ukol sa mga tugon
ng pamahalaan bilang solusyon sa suliranin sa paggawa. Ang unang kolum ay ang mga
Programa at Batas ng pamahalaan. Isulat sa ikalawang kolum ang mga maitutulong ng mga
programa at batas sa mga manggagawa.
Programa/ Batas ng Pamahalaan Mga Maitutulong sa mga Manggagawa
1. K-12/Senior High
2.Desente at Marangal na paggawa(DOLE 2016)
3.Department Order 18-02
4.Karapatan ng mga Manggagawa (ILO)

Gawain 1.4. Pagbabago! Para sa Manggagawang Pilipino!


Hindi lingid sa ating kaalaman na mayroon maraming suliranin na kinakaharap ang ating mga
manggagawa na hindi pa nabibigyang-pansin. Bilang isang mag-aaral, alam mong darating
4.5 Paglalapat ang panahon na ikaw ay maaaring maging isang manggagawa. Ano-ano ang mga nais mong
maging pagbabago? Gumawa ng talaan na naglalaman ng mga pagbabagong gusto mong
matupad bilang sagot sa mga hinaing ng mga manggagawa at para sa kapakanan ng mga
manggagawa. (5pt.)

__________________
1.__________________________________2
.__________________________________3.
__________________________________4._
_________________________________5.__
________________________________

4.6 Pagtataya Gawain 1.5: Sagot Mo! Piliin Mo!


Mababang pasahod Underemployment
Sa gawain ito ay maipapamalas
Departmentmo ang 18-02
Order iyong kaalaman ukol sa mga
K-12/Senior HighIsyu sa Paggawa na
kinakaharap ng atingKontraktuwalisasyon
mga manggagawa at ang mga tugon ng pamahalaan sa mga suliranin sa
Unemployment
pagggawa. Hanapin Desente
ang mgaat sagot sa loobnangpaggawa(DOLE
Marangal kahon. Isulat ang tamang sagot sa kolum na
2016)
kinabibilangan Karapatan ng mga Manggagawa (ILO)
Mga Isyu sa Paggawa Mga Batas at Programa ng Pamahalaan bilang tugon
sa mga Isyu sa Paggawa
1. 5
2. 6.
3. 7.
4. 8.
Gawain 1.6: Tugon ng Pamahalaan, Isulong!
Ang gawaing ito ay naglalaman ng mga programa at batas ng pamahalaan bilang tugon sa
mga suliranin o isyu sa paggawa. Basahin ang mga pahayag at tukuyin ang tamang sagot
nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang.
A
Department Order 18-02
B. Desente at Marangal na paggawa(DOLE 2016)
C. K-12/Senior High
D. Karapatan ng mga Manggagawa (ILO)

_________________9. Ipinatupad ito upang magkaroon ng kakayahan na makaangkop sa Globally


Standard na Paggawa.
__________________10. Ito ay binubuo ng mga karapatan ng mga manggagawa at itinuturing na
pinakamahalagang karapatan ng mga manggagawa.
__________________11. Nakapaloob dito ang patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata at
hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata.

__________________12.. Ito ay ang apat na haligi upang makamit ang isang disente at marangal
na paggawa na hinihimok sa lahat ng aspekto ng paggawa sa bansa.
Susing Sagot::
1. Mababang pasahod, 2.Underemployment , 3.Kontraktuwalisasyon, 4.
Unemployment
4. Department Order 18-02, 6. Desente at Marangal na paggawa(DOLE 2016), 7.K-12/Senior
High
7. Karapatan ng mga Manggagawa (ILO), 9. K-12/Senior High ,
10. Karapatan ng mga Manggagawa (ILO), 11. Department Order 18-02
12.. Desente at Marangal na paggawa(DOLE 2016)
Gawain 1. 7: Poster Slogan.
Sa bahagin ito ay kailangang gumawa ng poster at slogan na sumasalamin sa mga hinaing ng
mga manggagawang Pilipino at nagtataguyod upang isulong ang mga karapatan ng bawat
manggagawang Pilipino. Gumamit ng 1/4 Illustration Board.
Gawin batayan ang rubriks sa pagmamarka
Pagkamalikhain 20
4.7 Takdang-Aralin
Kaangkupan sa paksa 20
Orihinalidad 20
Kabuuang presentasyon 20
Pagkamakulay 20
Total 100

4.8 Paglalagom/panapos na
Gawain

5. Mga Tala Ang taong may karunungan, di basta-basta malalamangan….


6. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya?

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain sa remediation?

C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang lubos na nakakatulong? Paano ito nakakatulong?
F. Anong suliranin na aking naranasan ang nasolusyunan ng akong punong-guro o tagamasid?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na maaari kong maibabahagi sa aking kapwa
guro?

(Tandaan: Maaari pa itong dagdagan ng mga gawain upang mapalalim ang pagtatalay o pagkatuto ng mga mag-
aaral na naaayon sa kakayahan (competency/ies) na kailangang linangan.)

AP DLP Developed by: ROSALYN N. BAAY AP DLP Quality-Assured by: Earl Adrian C. Cejas
Master Teacher I Master Teacher II
Babag National High School Lo-ok NHS – SHS

AP DLP Approved by:

MARIGOLD J. CARDENTE
Education Program Supervisor – Araling Panlipunan
DepEd SDO Lapu-Lapu City

AP DLP Adopted by: __________________________

AP DLP Checked by: __________________________

You might also like